Chapter 43: Kagatin Mo Ulit
O baka hindi sa nagbago siya, pero naitago lang niya nang mas mabuti, kaya 'di niya pa rin pala talaga kilala si Lu Tingxiao.
Nakita ni Ning Xi ang bloodstains sa kamay ni Lu Tingxiao at nagtanong nanaman nang 'di nag-iisip, "Lu… Lu Tingxiao, anong nangyari sa kamay mo?"
Tinignan ni Lu Tingxiao ang maliliit na teeth marks at nakangiting tumingin kay Ning Xi. "Ano sa tingin mo?"
Napalunok si Ning Xi. "Well…mukhang pamilyar 'yang marka ng mga ngipin na 'yan…"
May pagpuri sa mukha ni Lu Tingxiao. "Good eye."
"Ahem, thanks," napangiti na lang si Ning Xi kahit awkward at maingat na nagtanong, "Ako ba may gawa niyan?"
"Iniisip mo ba sineset-up lang kita? Gusto mo kagatin mo ulit para makita mo kung pareho nga," mungkahi ni Lu Tingxiao habang iniaabot ang kamay niya.
Tumanggi si Ning Xi sa hiya. "'Di na, 'di na kailangan, oo na ako na! Ako gumawa! So ano nga… anong nangyari kagabi? Paunti-unti lang naaalala ko eh, ang alam ko lang nagpunta ako ng CR tapos malabo na lahat pagtapos nun… paano ba ako nakarating dito?"
"Nag-black out ka sa women's restroom, sinundo kita sa loob, tapos ayaw mo sumama kaya kinagat mo 'ko," maikling sagot ni Lu Tingxiao.
Naguluhan si Ning Xi. "Ikaw… ikaw nagpunta sa women's restroom?"
Napakalaking kasalanan pala ng nagawa ni Ning Xi! Ang daming sakripisyo ng Big Demon King para sa kanya…
"Eh bakit ako natutulog sa kotse?" lakas-loob na pagtatanong ni Ning Xi.
"Kasi ayaw mong iwan ang little darling mo," sinadya ni Lu Tingxiao na ma-emphasize ang 'little darling mo'.
Tinignan ni Ning Xi ang kotseng matagal nga niyang sinamba at naintindihan agad ang ibig sabihin ni Lu Tingxiao.
"I'm so sorry, ang laking abala ng nagawa ko!" mahinang pag-aapologize ni Ning Xi.
Pangalawang gabi pa lang ng paglipat niya pero ang dami nang nangyari at nahihiya talaga siya dito.
'Di sinagot ni Lu Tingxiao ang mga sinabi ni Ning Xi, sa halip nagtanong siya, "Bakit ka ba naglasing kagabi?"
Biglang may lungkot sa mukha ni Ning Xi…
Nagising ang halimaw sa kaloob-looban ni Lu Tingxiao nang makita niya ang lungkot sa mukha ni Ning Xi.
'Di madalas magsabi sa iba ng hinaing sa buhay si Ning Xi pero sobrang bigat ng nararamdaman niya para solohin lang kaya kaya sumiksik siya sa upuan habang nakatingin sa mga dahon mula sa taas at pabulong na sinabing, "'Di ko nakuha 'yung role ni Meng Changge…"
Nagulat si Lu Tingxiao. "Ano?"
"Maliit na second female lead lang 'yung role na 'yon, kaya alam ko naman 'di maiintindihan ng isang CEO na tulad mo, pero 'di mo kasi alam kung pa'no ko pinaghirapan makuha 'yung role na 'yun, 'di mo rin alam kung gaano ako kasaya nung natanggap ako, walang makakaintindi…" tinakpan na lang ni Ning Xi ang mga mata niya habang nagsasalita.
Buong akala ni Lu Tingxiao ay naglasing si Ning Xi dahil kay Su Yan; 'di niya akalaing 'yon pala ang tunay na dahilan.
'Di niya ikinalungkot na nawala sa kanya si Su Yan, kundi dahil nawala sa kanya ang role?
Saglit na lumiwanag ang pakiramdam ni Lu Tingxiao matapos ang dilim na pinagdaanan buong gabi, pero habang nakikita niya ang malungkot na mukha ni Ning Xi, kumikirot ang puso niya.
Paano niya nagawang 'di malaman kung gaano kaimportante 'tong pangarap na 'to ni Ning Xi para sa kanya?
'Di siya magiging sobrang masigasig na pipiliing dumaan sa mahabang proseso kahit na ang daming shortcuts na pwedeng piliin.
"'Wag ka nang malungkot, napakagaling mo na," iniangat ni Lu Tingxiao ang ulo ni Ning Xi para isandal sa dibdib niya.
Hindi pala si Su Yan ang may kasalanan, kung hindi si Ning Yaohua.
Si Ning Yaohua lang naman ang pinakamalaking investor para sa
Walang pwedeng manghamak kay Ning Xi, kahit pa sarili niyang ama.