Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 46 - You Are My Angel

Chapter 46 - You Are My Angel

Chapter 46: You are my Angel

"Ning Xi, natutuwa man kami ni Producer Wang at Writer Ye sa'yo, masaklap ang katotohanan. We can't make films on feelings alone, pinaka-importante ang funds. Minsan wala sa amin ang desisyon pagdating sa casting. Alam mo kung sino? 'Yung may pinakamalaking pera!"

Habang nakikinig, parang batong lumubog sa ilalim ng dagat ang puso ni Ning Xi. Napalitan na nga ba siya matapos ang lahat? Eh bakit siya pinapapunta ni Chang Li sa taping?

"Hinanap ako ni Chairman Ning kagabi. Pakiramdam daw niya masyado kang baguhan at 'di siya pabor na i-cast ka. Pero…" huminto sagli si Guo Qisheng.

Gustong hilahin ni Ning Xi ang director mula sa telepono at ibalibag ito. 'Di mo ba pwedeng sabihin na lang lahat?

"Pero maswerte ka, Ning Xi. Sobrang impressed sa'yo ang isa pang investor, kaya siguraduhin mong gagalingan mo!"

"Talaga po?" nabuhayan ang puso ni Ning Xi.. 'Wag kang masyadong excited! Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ng director. "Director Guo, sinadya mo 'yun 'no! Halos atakihin ako sa puso!"

"Hahaha, pa'nong ang hihina ng mga loob ng mga kabataan?"

"Pwede niyo po bang linawin, napalitan po ba ako o hindi?"

"Hindi, hindi. That investor put in fifty million, katumbas ng pinagsamang investments ng Ning Family at Starlight Entertainment, kaya siya ang may final say!"

"'Di po ba ang Ning Family at Starlight Entertainment lang ang investors ng movie? Saan po nanggaling 'yung pangatlo?" nagtaka si Ning Xi.

"Dumating 'yung investment at the last minute, malalaman mo mamaya," halatang mataas ang energy ni Guo Qisheng.

Biglaan ba namang may fifty million investment, dagdag sa existing funds, tuloy umabot na ng total of one hundred million. At saka, si Ning Xi, ang casting na pinakanagustuhan niya ay 'di na mapapalitan dahil lang sa kagustuhan ng ignoranteng investor. Pa'nong 'di siya sasaya?

"Okay! Salamat po, direk!"

Sa pagkakataong 'yun ibinaba na ni Ning Xi ang telepono, bumukas ang pinto dahil sa isang maliit at inaantok na siopao.

Sobrang saya niya at napatili pa siya, tumakbo siya papunta sa bata at hinalikan ito nang maraming beses. "Darling! Ikaw talaga ang lucky star ko! You save the day for me every time!"

Samantala, sa labas ng kwarto, malungkot na pinanood ni Big Demon King si Ning Xi na binibigyan ng maaayang mga halik ang anak niya.

Kahit na dahil naman talaga sa efforts niya…

Well, forget it. Basta nakikita niya ang maliwanag na ngiti ni Ning Xi, wala nang ibang mahalaga pa.

Lumapit sa kanila si Lu Tingxiao. "Bakit sobrang saya niyo?"

Niyakap ni Ning Xi ang maliit na siopao na sobrang saya sa biglaan pagiging sweet ni Ning Xi. "Kakasabi lang ng director na hindi daw ako napalitan at 'yung largest investor daw ng drama na-impress sa'kin!"

"Talaga? Congratulations!" seryosong sagot ni Lu Tingxiao kay Ning Xi.

Nag-iisip na napahawak sa baba si Ning Xi. "Pero 'di sinabi ng director kung sino 'yung investor. Siguro meron 'yung exceptional taste, at extraordinarily good eye, at siguro sobrang gwapo niya!"

Napangiti si Lu Tingxiao. "Tingin mo talaga?"

"Oo naman!" depensa ni Ning Xi pero may sumagi sa isip nito bigla. "Kaya lang halos buong araw akong nasa taping, minsan pa kahit sa gabi. Ano'ng gagawin natin kay Little Treasure?"

'Di sumagot si Lu Tingxiao at tinignan lang ang anak niya.

Labis na natuwa ang bata sa mga yakap at halik ni Ning Xi kaya kahit may kaunting bad news, mukhang masaya pa rin siya. Tumakbo si Little Treasure sa kwarto niya.

Kinabahan si Ning Xi dahil baka mag-lock ulit ito sa kwarto niya nang mag-isa. Pero sa 'di inaasahan, bumalik agad si Little Treasure at hawak-hawak ang tablet niya.

Nakalagay sa tablet: 'Fighting'

Halos maiyak si Ning Xi. "Salamat, darling. You are indeed my angel!"

Habang magkayakap ang dalawa, tinignan sila ni Lu Tingxiao nang may walang kapantay na pagkagiliw sa kanyang mga mata.