Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 44 - Flirting Skills Awaken

Chapter 44 - Flirting Skills Awaken

Chapter 44: Flirting Skills Awakened

Nang kumalma na si Ning Xi, saka lang niya na-realize na halos kalahating oras pala siyang umiyak sa mga bisig ni Lu Tingxiao.

Damn it… what the hell…

Maliban na lang kung kailangan sa acting, pero limang taon na mula nung huli siyang umiyak.

"Uh, sorry nadumihan ko pa yung damit mo…" nahiya si Ning Xi sa iniwan niyang baks ng luha sa damit ni Lu Tingxiao.

"Ikinararangal ng shirt ko," sabi ni Lu Tingxiao na may bahagyang ngiti.

Nagulat si Ning Xi, at nagwala ang puso niya.

Buong akala niya, si Lu Tingxiao yung tipo ng genius na may mataas na IQ pero mababang EQ.

'Di niya akalaing kaya palang makipag-flirt ng Big Demon King nang ganun ka-swabe!

Nainggit siya! Mas magaling si Lu Tingxiao kaysa sa kanya.

Inabot ni Lu Tingxiao ang ulo ni Ning Xi para ayusin ang buhok nito na parang natural lang sa kanya. "Anong sunod mong gagawin? Maghahanap ng big thigh?"

Kumurap si Ning Xi, halatang naguluhan. "Ha? Maghanap ng ano?"

"Kagabi kasi sabi mo magahahanap ka ng big and thick thigh, tapos tinanggihan mo pa yung akin kasi sabi mo 'di naman thick enough," tinignan siya ni Lu Tingxiao nang may ibig sabihin.

"Ahem ahem ahem…" halos ikamatay ata ni Ning Xi nang mabulunan siya.

Damn it, wala bang katapusan 'yung mga katawa-tawang nangyari kagabi?

"Master Xiao, 'wag ka kasing nakikinig sa mga kalokohan ko, lasing na lasing ako kagabi. Imposible yung sinabi ko na 'your thighs aren't thick enough', yours are the thickest in the capital!" Pilit na pagpupuri ni Ning Xi pero napagtanto niyang baka masyadong malabo yung mga sinabi niya.

Nagkaroon ng good mood si Lu Tingxiao sa mga pambobola ni Ning Xi at naglaro ang pagpapatawa sa mga mata niya. "Then why don't you hug mine?"

"I, I, I…" 'di makasagot si Ning Xi.

Napagdesisyunan na ni Lu Tingxiao na tigilan ang pang-aasar at kinuskos lang ang ulo ni Ning Xi. "Sige na tama na, 'di na kita aasarin. Lumabas ka na ng kotse para makatulog ka sa loob ng bahay. Para din marami kang energy para labanan 'yung mga problema mo. O… gusto mo pa ba mag-stay para makasama ang little darling mo?"

"Hindi, hindi, tara na bumalik na tayo sa loob ng bahay!" halatang atat nang makalabas ng kotse si Ning Xi.

Pagkalabas ni Lu Tingxiao sa kotse, tumayo siya sa may pintuan at biglang napahinto.

Napakamot ng ulo si Ning Xi. "Ano 'yun?"

Naglakad si Lu Tingxiao nang may mahahabang hakbang papunta sa isang kumpol ng mga dahon.

Nagtatakang sumunod si Ning Xi at nakita… ang Second Young Master Lu na natutulog sa likod nito habang may camera sa mga kamay niya.

Alam ni Ning Xi na hindi lang isang management company ang pagmamay-ari ng Glory World kung hindi lagpas 300 media outlets, at si Second Young Master and boss ng mga paparazzi.

Pero mukhang sumusobra naman ata na pati sarili niyang kapatid gusto niyang pagkunan ng chismis…

Napangiwi si Ning Xi. "Si Second Young Master… gisingin na ba natin siya? 'Di ba siya magkakasipon kapag natulog nang ganyan?"

Tumango lang si Lu Tingxiao at sinipa ang natutulog na kapatid.

Nagising si Lu Jungli at napa - "Aray!"

Pagkagising niya ay umiyak din siya. "Grabe ka, bakit impenetrable ang car windows! Kahit anong gawin ko, wala akong makita sa loob!"

Tinignan lang ni Lu Tingxiao ang katawa-tawa niyang kapatid. "Pumunta ka sa study ko mamaya. May kailangan tayong pag-usapan."

"Oh…" nagkusot ng mata si Lu Jingli at tumayo rin. Tumingin siya kay Ning Xi at Lu Tingxiao at pabulong-bulong na nagsalita. "Bakit hindi umalog yung kotse? Did I miss it? No way! Sa stamina ng kuya ko, dapat buong gabing umaalog yun…"

Ning Xi: "Bakit alam mo ang abot ng stamina ng kuya mo pati kung gaano kahabang panahon siya tatagal…"

Madalas talagang magkamali ang mga tao, okay?

Napakamot ng ulo si Lu Jingli. "Kasi kaya niya akong gulpihin buong gabi!"

Ning Xi: "…"

Fine, panalo ka!

Matapos siyang makabalik sa kwartong pinaayos ni Lu Tingxiao para sa kanya, naging speechless si Ning Xi.

Wala pang isang buong araw ang nakalipas pero nagawa na niyang iparedecorate ang buong guest room.

'Yung dating cool at minimalist na style ng kwarto, napalitan ng warm tones. 'Di lang yun, may napakarami at kumpletong range ng mga damit sa closet at lahat nasa size niya, mula sa mga pambahay, casual wear, hanggang evening dresses at may mga matching accessories at handbags pa, lahat mga top limited editions…

'Di makataong kayamanan 'to…