Chapter 45: Paraan ng pagbabayad
"Anong problema? 'Di ka ba satisfied?" Tumayo si Lu Tingxiao sa likod ni Ning Xi.
Napahawak sa mukha si Ning Xi. "'Di 'to usapang satisfaction…"
"Eh anong problema?"
"President Lu…"
"Use my name."
"Fine, Lu Tingxiao, hindi ba parang… masyado kang mabait sa'kin?" sobra kasi niyang mapagbigay iba na tuloy ang naiisip ni Ning Xi.
"Na-realize mo din na mabuti ako sa'yo," tinignan siya ni Lu Tingxiao na parang isang estudyanteng karapat-dapat turuan.
Ning Xi: "…"
Nandilim ang mga mata ni Lu Tingxiao nang mapansin niya ang pagbabago sa mood ni Ning Xi pero naka-recover din agad ito. "Iniligtas mo si Little Treasure, baka matagal pa niyang kailanganin ang tulong mo. May problema ba kung maging mabuti ako sa'yo?"
Tumigil siya saglit at tinignan si Ning Xi. "Kung hindi, gusto mo bang bayaran kita sa ibang paraan?"
Masyado lang pala siyang nag-iisip. At dahil pakiramdam niya malaking bigat din ang nabawas sa isip niya, mabilis siyang humindi. "Hindi, hindi na, okay na 'yung ganito… okay na…"
Forget it, 'di ko kailangan magpabayad sa ibang paraan.
Magkaibang mundo ang pinanggalingan niya at ni Lu Tingxiao; kapag nalaman niya ang nakaraan ni Ning Xi baka pagbawalan niya pa'tong magpakita kay Little Treasure kahit kailan.
"Maaga pa, magpahinga ka na. Mag-breakfast na lang tayo sa baba mamaya."
"Sige."
Pagkaalis ni Lu Tingxiao, komportableng nahiga si Ning Xi sa kama pero hindi siya makatulog.
Pa'no naman makakatulog ang isang naghihintay ng bad news?
Kahit pa gusto siya ng director at buong team, sa huli, malalabanan ba nila 'yung pressure mula sa mga investor?
Hindi ako pwedeng maupo lang at hintaying matapos 'to.
Bumangon siya at naupo bago binuksan ang computer niya at nag-login sa MSN.
Loneliness Like Neverending Arrows In the Void: Online ka ba?
Evil Fairy King: Wow, hinahanap ba ni Superstar Ning ang isang shitizen tulad ko?
Loneliness Like Neverending Arrows In the Void: May pera ka ba? Mapapahiram mo ba ako ng eight million yuan?
Evil Fairy King: Ano'ng nangyari?
Loneliness Like Neverending Arrows In the Void: Pwede bang 'wag mo nang tanungin 'yung dahilan?
Evil Fairy King: Kakainvest ko lang kasi sa isang winery, baka matagalan bago ko makuha 'yung pera.
Loneliness Like Neverending Arrows In the Void: Gaano katagal?
Evil Fairy King: Tatlong araw.
Loneliness Like Neverending Arrows In the Void: Thank you.
Evil Fairy King: Hehe, darling, ito'ng unang beses na huminga ka sakin ng tulong ah.
Loneliness Like Neverending Arrows In the Void: Kailan ka babalik? Susunduin kita.
Evil Fairy King: Ning Xi, you're heartless!
Sumikip ang dibdib ni Ning Xi nang makita niyang nag-offline na si Evil Fairy King.
Maliban na lang kung napipilitan, ayaw talaga ni Ning Xi na nagkakaroon ng utang na loob, lalo pa kung sa ex niya.
Alam niyang nasaktan niya ang kausap niya sa ginawa niyang pakikipagpalitan pero wala na siyang choice.
Matagal na siyang tumigil sa pagkakaroon ng feelings, at ayaw na niyang magakaron pa nito ulit kailanman.
Ayaw niyang mangihram ng pera mula kay Lu Tingxiao dahil masyado na niyang nadamay ang Lu Family at ayaw niya na ring lalong mainvolve sa kanila, lalo sa usaping pera.
Pagkaraan ng isang oras, natanggap na niya ang kinatatakutan niyang phone call.
Si Chang Li.
Namuoo ang isang kamao sa kamay ni Ning Xi at huminga siya nang malalim. "Hello?"
"'Wag mong kakalimutang magsisimula ng nine 'yung taping. Ikaw na bahalang makarating dun ha, kailangan ko pang asikasuhin si Xueluo, kaya wala akong oras para sa'yo. Pero dahil magaling ka naman, 'di mo na ako kailangan!" Ang talas talaga ng dila ni Chang Li, pero ngayon, parang nangangagat pa ang tono nito na para bang may malaking utang sa kanya si Ning Xi.
"Ano? Taping?" nagulat si Ning Xi.
"Tulog ka pa ba? Dalian mo, 'wag kang malelate sa first day!" mainip na sagot ni Chang Li bago ibinaba ang telepono.
Habang hawak ang cellphone niya, inabot si Ning Xi ng ilang sandali bago nakabalik sa wisyo.
Ano'ng nangyayari? 'Di ba siya napalitan?
Bumangon si Ning Xi at nagpalakad-lakad saglit bago tinawagan ang director. "Hello, Director Guo, pasensya na po sa abala, pero may itatanong lang sana ako."
"Tungkol ba 'to kay Chairman Ning at sa gusto niyang pagpapalit sa'yo?"
"Opo," biglang kinabahan si Ning Xi; ginawa nga talaga ni Ning Yaohua.