Chereads / Hidden Marriage (Tagalog) / Chapter 16 - Anak nga kita

Chapter 16 - Anak nga kita

Chapter 16: Anak nga kita

Sa sumunod na araw, nagising si Ning Xi sa malalim na boses ng isang lalaking nanggagaling sa sala.

Nang marinig ang tunog ng mga yapak, ibinaba ni Lu Tingxiao ang telepono niya at marahang nagtanong, "Nagising ba kita?"

Napatitig si Ning Xi sa lalaking nasa harap niya, ang mga mata niya ay sing laki ng mga kampanilya.

Walang suot na pangtaas si Lu Tingxiao, kaya't nang buksan ni Ning Xi ang pinto, ang una niyang nakita ay ang balat ng lalaki. Masyadong malaki ang naging epekto.

Napakamot ang dalag sa ilong. Buti na lang at hindi niya ipinahiya ang sarili niya.

Mukhang 'di naman napansin ni Lu Tingxiao ang kakaibang kilos ni Ning Xi at kaswal lang nitong kinuha ang damit mula sa sofa. Habang ibinubutones ang polo, "May emergency sa opisina, kailangan ko nang umalis. Kailangan kong makisuyo na pakigising mo na si Little Treasure."

"Oh, okay!" tumango si Ning Xi at ginawa ang ipinasuyo sa kanya.

Pero 'di na niya kailangan gawin ito, pagkaikot niya, nakita niya ang isang malambot at cute na maliit na Pikachu sa may pintuan. Mariin na nakatitig ito sa kanyang amang si Lu Tingxiao at mukhang 'di masaya.

"Little Treasure, magbihis ka na," utos ni Lu Tingxiao sa anak habang nagsusuot na ito ng kanyang coat.

Isang mabigat na pagbagsak ng pinto ang sagot na natanggap niya.

Walang awa.

Lu Tingxiao: "…"

Ning Xi: "…"

Lumapit si Lu Tingxiao upang ikutin ang doorknob pero nakakandado na ito. Tumingin siya kay Ning Xi. "May susi ka ba?"

Nahihiyang napailing si Ning Xi. "Merong isa pero nasa loob din ng kwarto."

Pinisil ni Lu Tingxiao ang balat sa pagitan ng mga kilay niya at nagsalita sa isang malamig at malalim na tono, "Bibigyan kita ng tatlong minuto. 'Pag 'di ka lumabas diyan, 'wag mo nang asahang makakabalik ka pa dito."

Matapos ang tatlong minuto, wala pa ring tunog o kilos mula sa likod ng pinto.

"Lumabas ka na dito! Kung hinihintay mong pilitin kitang lumabas, 'di ako magiging mabait!"

Wala pa ring pagkilos.

Ang Little Treasure na 'to ay wala talagang balak bigyan ng kahihiyan ang ama niya.

Nanonood mula sa tabi, gustong matawa ni Ning Xi pero 'di siya naglakas loob ituloy. "May trabaho ako mamaya pero 'di naman problema kung mag-sstay si Little Treasure saglit."

Iritable at 'di nasisiyahan ang mukha ni Lu Tingxiao nang ilabas ang telepono upang tumawag.

Sumilip ni Ning Xi at nakita tumatawag ito sa isang psychiatrist. 'Di niya alam ang sasabihin. 'Di ba sobra naman atang tumawag sa psychiatrist para sa maliit na bagay tulad nito?

Umubo si Ning Xi at nakiusap, "Paano kung subukan ko?"

Saglit na nag-alangan si Lu Tingxiao bago tumango.

Sumandal si Ning Xi sa pinto at gumamit ng marahan at kalmadong boses. "Little Treasure, may trabaho mamaya si tita kaya 'di kita maaalagaan. Sumunod ka muna sa daddy mo pauwi, okay?"

Wala pa ring tunog mula sa loob.

"Pa'no kung ganito, magpalitan tayo ng phone number para pwede natin ma-contact ang isa't isa. Kahit mag-video chat pa tayo!"

May tunog ng mga yabag ng paa na papalapit mula sa kabilang bahagi ng pinto.

"Kapag na-late si tita, sisigawan ako ng director, napakasungit pa naman ng director namin. Kawawa naman si tita…huhuhu…"

Nawala sa pagkakakandado ang doorknob at bumukas ang pinto.

Si Lu Tingxiao, na siyang handa na sana sa mahabang gyera, ay tila nananaginip. Natulala ito sa babaeng katabi niya nang may paghanga at gulat.

Sa tatlong pakiusap, nagawa niyang pasunurin si Little Treasure na lumabas ng kwarto mag-isa.

Kung kilala lang niya si Ning Xi noong ikinulong ni Little Treasure ang sarili sa attic. Silang apat sa pamilya niya, lahat ng kasambahay at mayordomo, ang psychiatrist, at maging isang negotiation expert na kinuha niya bilang huling paraan, lahat sila walang kwenta sa kabila ng buong maghapong pagsubok na kausapin ang bata para lumabas sa attic. Sa huli, sinira nila ang pinto at hindi sila lahat pinansin ni Little Treasure sa loob ng isang buong buwan.

Syempre, hindi ito alam ni Ning Xi, at akala siguro ay naging masunurin lang ang bata sa kabila ng kalungkutan. Binuhat niya si Little Treasure. Nakita nito ang kalungkutan ng bata kaya iniwasan niya itong pagalitan at pinuri na lang. "Napakamasunurin naman ni Little Treasure. Thanks, darling!"

Lalong natuwa si Little Treasure sa pagpuri at tahimik na nag-abot ng isang note. Sa papel ay nakasulat ang isang serye ng mga numero.

Tinanggap ni Ning Xi ang note. "Ah, ito ba 'yung phone number mo? Sige, isesave ko 'to, tapos 'pag wala akong ginagawa, siguradong tatawagan kita!"

Nagtaka si Lu Tingxiao; walang telepono si Little Treasure, ano kayang number ang bingay nito?

Gamit ang tangkad nito, sinilip niya ang note. Number niya ang inilagay ng bata.

Anak nga kita!