Warning: Rated SPG.
Warning again: Loka-loka ang bida!
Warning last na pramis: sabog ang story!
Mwehehe :3
***
Konti nalang at tuluyan na'kong mawawala sa katinuan habang pinagmamasdan ang kanyang kahubadan. Kung bakit ba kasi tila inangkin na niya ang pinaka-plakadong katawan sa buong mundo.
Malalaking mga braso at litaw na litaw ang mga muscles nito. Malapad na dibdib na may konting umbok-umbok. At habang pinapasadahan ko nang tingin ang kanyang dibdib pababa sa kanyang kalamnan ay siyang paglunok ko ng aking laway.
Taena! Hindi ko mapigilang 'di mapamura. Yung tiyan niya kasi ay tadtad ng abs na habang tinititigan ko ay takam na takam ako. Pigil hininga'ng nakatutok ako doon habang nakakagat-labi. Jusko! Abs palang niya, ulam na. Paano na kaya yung "ano" niya?
Bigla akong nataranta nang makita kong unti-unti siyang humakbang patungo sa kinahihigaan kong kama. At tuluyan na talaga akong nataranta nang sumampa siya sa kama at walang alinlangan dumagan sa ibabaw ko. Nahahalata niya siguro na hindi ako mapakali kaya may ibinulong siya.
"Calm down babe," malumanay na bulong niya sa mismong tenga ko sabay kagat dito.
Hindi ko napigilang hindi mapaiktad dahil sa kuryenteng biglang dumaloy sa buo kong katawan. Kagat palang 'yon pero hindi ko na maipaliwanag ang sensayon na idinulot nito sa'kin.
Nang biglang lumakbay ang kanyang mga labi. Mula sa tenga ay bumaba ito sa bandang leeg ko at marahang hinalikan ito.
"Angelo . . ." mahina kong ungol sa gitna ng kanyang mga halik.
Mas lalo pa akong napaungol nang mas bumaba pa ang kanyang mga halik patungo sa dibdib ko. Una niyang hinalikan ang kanang dibdib ko kasabay nang paglalaro ng kanyang kamay sa kaliwang dibdib ko naman.
Tuluyan na akong napapikit sa ginawa niya at tuluyan narin nawala ako sa katinuan.
Sunod naman niyang hinalikan ang kaliwang dibdib ko at ang kanan naman ang pinaglaruan niya. Hindi ko na mabilang ang mga impit na ungol habang hinahalikan niya ako. Matapos niyang halikan at paglaruan ang dalawang mga burol ko ay umakyat ito muli at itinunok ang kanyang mukha sa mismong mukha ko.
Ngayon, napagmasdan ko nang harap-harapan ang buong detalye ng kanyang mukha. Ang matangos niyang ilong, mapupulang mga labi, ang matatalim na mga mata at makapal na kilay na nakadagdag sa kanyang pagiging magandang lalaki.
Hindi paman ako sawang pagmasdan ang mukha niya ay siniil na niya ako ng halik. Sa una ay marahan lang ito na unti-unti naging agresibo na sinimulan ko ng sabayan. Nasa kalagitnaan kami ng pagpapalitan ng maiinit na halik nang biglang naramdaman ko biglang may itinutok siya sa gitna ng mga hita ko. Oh no! Papasukin na niya yata ako.
Dahan-dahan niyang dinadampi ang tuktok ng sandata niya sa mamasa-masang bungad ng kuweba ko. Nakikiliti ako na nasasarapan sa bawat dampi ng aming mga kasarian.
"You're ready, babe?" mahina niyang saad habang naghahalikan parin kami.
"Uh-oh . . ." ungol ko bilang sagot sa kanya.
Unti-unti ko nang nararamdaman na pinapasok na niya ako. Handang-handa na akong matikman ang langit na ipatatamasa niya sa'kin. Pumikit ako para ihanda ang sarili ko. Pero imbes na masakit na pagpasok ang maramdaman ay masakit na katawan at malakas na kalabog ang naramdaman ko.
"Araaaay" bigla akong napadaing habang hinihimas ang ulo ko. Nauntog yata ako.
Ay teka! Tsaka ko lang narealized na nahulog pala ako . . . mula sa kama. Ano ba 'yan. Panaginip na nga lang, naunsiyame pa. Ang saklap ko talaga. Bakit kahit sa panaginip ay 'di ko parin maangkin si Angelo? Why oh why?
Agad akong tumayo at pinagpagan ang loose tshirt at dolphin shorts ko. Inayos ko rin ang nagulo kong buhok at tsaka humiga pabalik sa mini size bed ko. Bakit mini size? Sa sobrang kuripot kasi ng landlady namin ay yung kama ay kasya lang sa pang 5' flat na tao. Eh, nasa 5'4" yung height ko kaya lampas talaga yung binti ko. Ang saklap, noh? Ganiyan talaga ang buhay, masaklap.
Pagkahiga ko sa kama ay tumingala ako sa kisame at inalala ang mga nangyari sa panaginip ko. Agad akong nangisay na parang may mga bulating nag-pe-pyesta sa tiyan ko. Eh kasi naman, si Angelo 'yun eh. Ang man of my dreams ko.
Sino nga ba si Angelo? Siya 'yung ultimate crush ko na kasama kong nangungupahan dito sa boarding house ni Madam Melai. Parehong nasa 2nd floor yung mga kwarto namin, nasa unang kwarto ako tapos nasa ikatlong kwarto naman siya. Ang saklap nga eh, pinapagitnaan pa talaga kami ng isa pang kwarto. Kung pwede nga lang magpalit kami ng kwarto nung nasa gitna, kaso ayaw daw niya kesyo tinatamad daw siyang maglipat gamit pa.
Si Angelo ay isang call center agent. Nasa 5'9" ang height niya. Medium built ang katawan pero may muscles, yung tipong parang batak ang hulma ng kanyang katawan. Makapal ang mga kilay niya, medyo tsinito, matangos ang ilong, mapula ang mga labi na halatang hindi nagyoyosi at medyo maputi siya. Medyo mahaba yung buhok niya, tansiya ko mga 3" ang haba. Papasa na nga siyang kalook-a-like ni Joseph Marco. Papabol diba?
Crush na crush ko siya. Ang kaso ang tahimik niya, masiyadong mailap sa mga kapwa boarders. Pero alam kong napansin na niya ako dahil ilang beses narin kaming nagkasalubong sa hallway ng mga kwarto namin. Titignan ka lang niya ng dalawang segundo tapos parang estatwa ka nalang lalagpasan niya pagkatapos. Susubukan mo palang mag Hi sa kanya, parang hangin lang siyang nawala at napadaan.
Pero beh! Ang gwapo-gwapo niya talaga! Sobrang papabol! Kaya hindi mo ako masisisi kung bakit mala-rated SPG ang panaginip ko sa kanya. Hep! Hindi ako maharot ha? Sa totoo nga, naka-lock pa yung V-card ko. Alam niyo na kung ano 'yun. Enebeyen.
Sa pagmuni-muni ko, bigla nalang parang lumipad ang katawan ko nang tumunog bigla ang alarm clock na nasa bed side table.
"Harujusme!" biglang bulalas ko. At nang tignan ko ang orasan ay saktong ala-sais na ng umaga. Dapat na pala akong maghanda para sa trabaho ko.
Tumayo narin ako kaagad matapos patayin ang alarm clock at niligpit ang pinagtulugan ko. Kinuha ko ang puting tuwalya na nakasabit sa likod ng pintuan at ang gamit panligo ko na nasa pinakataas na bahagi ng rack ng sapatos na nasa kilid lang din ng pintuan. Akmang lalabas na sana ako nang may marinig akong mga yabag sa labas ng hallway.
"Oh my gulay!" Impit na tili ko nang maalala na graveyard shift nga pala ngayon si Angelo at malamang kakauwi lang niya galing trabaho. Kapag sinuswerte ka nga naman. May pa-good morning akong makikita ngayon.
Tinansiya ko talagang nasa may bandang harap ng pinto na yung yabag tsaka ko binuksan ito, at hindi nga ako nagkakamali sa bumungad sa'kin. . .si papabol Angelo.
"Ah-ah, Hi, go-good morning," mabilis kong saad habang may pilit na ngiti. 'Di ko kasi alam kong lalakihan ko ba yung smile ko o popoker face nalang. Ano kasi, si ultimate crush kasi nasa harapan ko mismo. Para akong mababaliw. Okay, ang O.A ko na. Sabi ko nga eh!
Biglang umarko ang kilay ni Angelo nang makita ako at walang kurap na nilagpasan lang ako. Ay, nalantang gulay! Bokya yung pa-good morning ko. Saklap. Papasok nalang ako ng banyo, magpapakalunod at mag-go-goodbye world. Chos! Ang drama ko masiyado.
"Ba't ba kasi ang ilap mo papa Angelo? Ni Ha ni Ho manlang wala, ni katiting na buntong hininga na nga lang wala pa rin. Bakit? Pangit ba ako? Kapapalit-palit ba ako?" Oh shit. Ano ba 'tong pinagsasabi ko habang nilalapag sa lababo ng banyo ang gamit panligo ko. Ang ilusyonada ko talaga. Pero teka, parang familiar yata yung linya ko kanina. Saan ko nga narinig 'yun?
Pero teka nga! Hindi naman ako pangit ah! Tinignan ko ang repleksiyon ko sa salamin sa ibabaw ng lababo. Maputi naman ako, matangos ang ilong, manipis at mapula-pula ang labi, maliit ang mukha at presentabli ang buhok. Medyo hawig nga kami ni Maja Salvador. Oh diba! Lily Cruz at Diego Argente Torillo lang ang peg namin. Bongga ang tandem! Wild flower lang datingan.
Kaso, bokya parin! Wa epek parin eh! Ang ilap talaga ni Angelo. Siguro hanggang ilusiyon at pantasiya nalang talaga ako. Minabuti ko nalang na maligo at bumalik na sa kwarto para mag ayos at makapag-agahan narin ako.
Matapos maayos ang sarili at gamit ko ay agad na akong bumaba ng boarding house namin para mag agahan. Agad akong dumiretso sa kusina at binuksan ang common refrigerator namin. Kahit common ang ref dito sa boarding house, hindi naman common yung pagkain, nakalagay sa tig-iisang plastic tupperware yung mga pagkaing gusto naming ilagay dito. Kinuha ko kaagad ang kulay blue na tupperware na pagmamay-ari ko at agad na binuksan ito. Kumuha ako ng dalawang pirasong ham at isang pirasong hotdog at agad nag-init ng mantika sa kawali. Nilatag ko sa lamesa ang tatlong pirasong loaf bread na dala ko mula sa kwarto at kumuha ng tasa para magkapi.
Habang nagluluto ako ay may narinig akong bumaba galing sa taas pero hindi ko nalang nilingon, baka si Kuya Tom lang yung nasa kwartong pinagigitnaan namin ni Angelo. Ganitong oras din kasi siya kung mag agahan dahil pareho kami ng oras ng pasok, alas otso ng umaga.
"Baby, why won't you just meet me in the middle. I'm losing my mind just a little," mahinang kanta ko habang nagluluto ng ulam. Sanay na kasi si Kuya Tom sa sintunado kong boses. Minsan nga kinakantsawan lang niya ako pag naabutan ako dito sa kusina na kumakanta. Sanay na ako sa biruan namin.
Alam kong ilang segundo nalang ay tatawanan na naman ako ni Kuya Tom sabay sabing "ang aga-aga babagyo na naman dahil sa kanta mo, V." V, short for Victoria. 'Yan nga pala ang pangalan ko.
Pero imbes na kantyaw ni Kuya Tom ang marinig ay isang malalim na tikhim mula sa likod ang narinig ko. Agad akong napalingon sa likod at laking gulat ko nang makita ang nasa likod.
To be continued. . .
***
Raw and unedited. Expect typos and errors.
Comments and votes are highly appreciated and don't hesitate to voice out your thoughts.
Nagmamahal,
V iniingatan ang kanyang V-card *winks*