Chereads / Project Ero [R18] / Chapter 4 - ANGELO III

Chapter 4 - ANGELO III

Continuation. . .

Patay!

Laking gulat ko nang makita si Angelo sa lapag ng banyo nakapikit, yakap-yakap ang katawan, umuungol at nanginginig? Ay hala! Tsaka ko narealized na parang nagdidiliryo siya.

"Angelo, okay ka lang ba?" Tarantang tanong ko sa kanya nang makalapit ako.

Hindi siya sumasagot, tanging mga ungol lang ang naririnig ko mula sa kanya. . .ungol na nahihirapan. Agad kong sinapo ang ulo niya at tama nga ako ng hinala na may lagnat siya.

"Ang init-init mo Angelo," saad ko. Hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Alangan naman buhatin ko siya? Humeyghad! Send help!

"Ay teka! Hintayin mo lang ako ha? Sandali lang, babalikan kita." Natataranta na talaga ako. Unang sumagi sa isip ko ang puntahan si Kuya Tom para humingi ng tulong. Kaya agad kong tinungo ang kwarto niya.

"Kuya Tom? Kuya Tom, andiyan ka po ba?" Katok ako nang katok kaso walang sumasagot. Sinubukan kong pihitin yung dork knob kaso nakasarado, malamang hindi pa nakakauwi si Kuya Tom.

Bigla kong naalala yung boarders sa baba, yung mga binatilyong studyante. Tama! Sa kanila ako hihingi ng tulong. Kaya nagmadali akong bumaba para puntahan yung ibang boarders.

"Tao po?" Walang pag-aalinlangan kong katok sa isang kwarto kung saan nangungupahan yung mga binatilyo.

"Oh ate, bakit po?" Agad namang tanong ng binatilyo nang pagbuksan niya ako ng pinto.

"Ah-eh, kasi, pahingi naman ng favor please. Andiyan ba yung kasama mo?" Aligaga kong tanong sa kanya sabay silip sa loob.

"Andito siya sa loob, ate. Ano bang maitutulong namin?" Kuno't noong tanong niya.

Kaya agad ko nang sinabi sa kanya ang sitwasyon ni Angelo sa taas. Mabuti nalang at hindi na sila nag-alinlangang tulungan ako. Dali-dali naman kaming pumanhik sa taas at diretsong pumunta sa banyo.

Nadatnan namin si Angelo na andoon parin, nanginginig at halatang nahihirapan na talaga. Kaya agad siyang inakay nung dalawang binatilyo at inihatid namin siya sa kwarto nito. Buti nalang talaga hindi naka-lock yung kwarto niya.

"Salamat talaga sa inyo ha?" Laking pasasalamat ko talaga sa dalawang binatilyo dahil kung wala sila patay na talaga. Baka mapano pa si Angelo sa loob ng banyo.

"Walang anuman yun, ate. Sige ate baba na kami. Katukin mo lang kami uli kung may kailangan ka." Saad nung binatilyong laging sumasagot sa'kin. Pansin ko tahimik lang kasi yung isa, yung mas matangkad sa dalawa.

Tinignan ko si Angelo at nakapikit parin siya at hindi mapigil yung panginginig. Naku! Kawawa naman siya. Kinuha ko yung kumot niya at kinumutan siya. Nagtatakbo ako pabalik sa kwarto ko para kumuha ng palanggana at bimpo. Kumuha rin ako ng maligamgam na tubig sa kusina at gamot. Buti nalang may gamot doon sa medicine kit.

Pinunasan ko kaagad si Angelo. Habang pinupunasan ko siya ay malaya kong napagmasdan ang mukha niya. Kyaaaah! Parang gusto kong tumili nang tumili. Andito na oh! Kaharap ko na siya. As in ang lapit! I can't breath!

"Aish," binatukan ko ang sarili ko. Ano ba naman 'tong iniisip ko. Maysakit na nga yung tao, kalandian yung nasa utak ko.

"Kalma ka lang, Victoria. Babatukan kita uli pag hindi ka umayos," saway ko sa sarili. Parang tanga lang talaga, kausap ang sarili.

Pinagpatuloy ko nalang yung pagpunas sa kanya tapos nakita kong pawis na pawis na siya. Basa narin yung damit niya. Paano ba 'to? Papalitan ko siya ng damit?

"ANO?" Singhal ko sarili. Napatayo ako at biglang nag pabalik-balik ng lakad. Papalitan ko siya ng damit, meaning huhubaran ko siya? As in huhubaran? Humeyghad! Ano ba 'tong pinasok ko. Pero may choice pa ba ako, diba?

"Breath in. Breath out." mahina kong saad. Para na kasi akong kakapusin ng hininga. Eh kese nemen eh! Huhubaran ko si Angelo. Okay, ang shunga ko na. Kawawa na yung tao dahil pawis na pawis na tapos ako nagpapaka-aning dito. Hays.

"Angelo, bibihisan lang muna kita ha?" halos bulong kong sabi sa kanya. As if naman sasagot siya.

"Ooohhh---" hala sumagot nga, pero ungol nga lang. Siguro, go signal ko na iyon? Bahala na.

Binuklat ko yung kumot at agad hinawakan ang laylayan ng kanyang tshirt. This is it pansit! Umayos ka talaga Victoria!

Unti-unti kong tinataas ang kanyang tshirt at napasinghap ako sa aking nakita. Tumambad sa'kin ang batak niyang abs, jusko! Parang ako yata ang magdidiliryo nito. Erase. Erase.

Binilisan ko nalang ang paghuhubad sa kanya para matapos na'to at matapos narin ang kapraningan ko. At tuluyan ko namang nahubad sa wakas. Agad kong kinuha ang basang bimpo at akmang pupunasan siya pero natigilan ako ng magawi ako sa bandang dibdib niya.

Oh my gulay! May sakit na nga, yummy parin tignan. Sa utak ko nalang nasabi, mahirap na marinig pa niya ako.

Binilisbilisan ko nalang ang pagpunas sa kanya ng matapos na. Para kasing ako yung may lagnat dahil ang init-init ng pakiramdam ko. Pinagpapawisan din ako at parang nag-pe-pyesta ang mga alaga ko sa bituka.

Matapos ko siyang mapalitan ng damit ay nilagay ko yung basang bimpo sa ulo niya at mariing pinagmasdan ang mukha niya. Kahit may sakit, hindi maipagkakaila ang kagwapoha niya.

Akmang tatayo nako para kumuha ng tubig para mapainom sa kanya ang gamot nang biglang kinuha niya yung kanang kamay ko.

"Don't leave," mahina man pero sigurado naman ako sa narinig ko. Ano daw? Don't leave?

Kyaaaaah!

To be continued. . .

***

A/N: Just a short update. Baka maloka na lalo si V, loka-loka pa naman yun naturally. Mwehee :3