~Zaiah~
Kusa akong nagising sa tumamang sinag sa mukha ko. Kahit na nakapikit ako ay nakakasilaw. Nang idilat ko ang mata ay agad kong nakita si manang na hinahawi ang itim na kurtina rito sa kwarto. Napangiwi na lamang ako kasabay ng pagtalukbong ko ng kumot dahil inaantok pa ako.
Anong oras na nga ba?
"Zaiah, bumangon ko na bago pa lumamig ang agahan mo. Baka ma-late ka rin sa unang araw mo ngayon sa eskwela."
Napairap na lamang ako ng nakapikit dahil muntik ng mawala sa isip ko kung anong meron ngayong araw. First day of school ko ngayon sa huling taon ko sa high school at hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa. Hindi rin naman ako excited.
"Sige, Manang. Susunod na lang ako sa baba pagkatapos ko mag-shower," sagot ko ng hindi gumagalaw sa pwesto ko.
Eh, sa tinatamad pa talaga ako!
"Bilisan mo lang dahil gusto ka rin makausap ng papa at mama mo bago sila umalis." Dagdag ni manang at ng marinig ko ang mga yapak niya palabas ng kwarto ay agad akong bumangon.
Ano naman kaya ang pag-uusapan namin? Nagkibit-balikat na lamang ako at kinuha ang cellphone. As usual, may good morning message ako galing kay Cindy na hindi ko nireplayan. Walang good sa morning. Isa pa katapat lang ng bahay namin ang bahay nila. Nagsasayang lang siya ng load.
Inumpisahan ko ng gawin ang morning routines ko at binilisan ko lamang ang kilos ko dahil baka makagalitan nila ako sa sobrang bagal ko. Paglabas ko ng banyo ay nasa kama ko na ang bagong plantsa na uniform. Itim ang kulay ng palda namin na above the knee at may dalawang linyang puti ito sa dulo. White long sleeve ang pang-ilalim namin at kulay itim rin ang coat na partner nito na may logo ng The Adamson International Academy. Mahaba ang medyas namin na puti hanggang tuhod at may 3 inches na taas ang itim kong sapatos. Tuwing M-T-W-TH lang namin sinusuot itong uniform namin at sa Friday ay free kaming suotin ang kahit na ano.
"Good morning, Mom. Good morning, Dad." Bati ko sa kanila pagkaupo ko sa tabi ni mom dito sa kaliwang bahagi ng mahabang lamesa.
"Good morning." Bati ni dad na nakaupo sa dulo nitong lamesa habang abala sa pagbaba sa hawak niyang newspaper.
"Ang sabi ni manang ay gusto niyo raw ako makausap," sambit ko habang kumukuha ng fried rice, bacon, sausage at itlog, "Tungkol saan?" dagdag ko habang naghihintay ng tugon nila.
Tumikhim si dad at mayroong isinenyas kay mom bago ito bumalik sa pagbabasa. Napataas na lamang ang kilay ko habang dahan-dahang inuumpisahan ang pagkain.
"Gusto mo bang lumipat ng school?" tanong ni mom na lalong nagpataas ng kilay ko.
Siguro kasing taas na ng Mt. Everest ang isang kilay ko.
"Why would I do that? I don't see any reason para lumipat, Mom. Talagang ngayon niyo pa ako tinanong kung kailan pasukan na." Kaswal na sagot ko at nagpatuloy sa pagkain dahil baka ma-late pa ako.
Nakita ko ang pag-iling ni mom at pilit na ngiti nito. "Nevermind. Kumain ka na riyan at huwag mong kalimutang inumin ang gamot mo pagkatapos."
Tumango na lamang ako at binilisan na ang pagkain. Hindi na ako bumalik sa kwarto dahil dala ko na rin naman ang backpack ko. Sa kusina na ako nag-toothbrush pagkatapos kong inumin ang daily maintainance ko. Wala yatang katapusang maintainance ito hanggang hindi nasisira ang atay ko.
"Did you drink your medicine?" tanong ni dad na mukhang papunta sa mini office niya rito sa bahay.
"Yes, Dad. You have nothing to worry."
Tinanguan niya ako saka tipid na ngumiti. "Take care."
Hindi na ako nagsalita pa at naglakad na palabas ng bahay. Agad na bumungad sa akin ang driver ko na nakatayo sa harap kotse ko. Mula rito ay tanaw ko na rin ang sasakyan ni Cindy na tumigil sa harap ng gate namin.
"Kuya, sasabay ako kay Cindy ngayon. I'll call you na lang if magpapasundo ako." Hindi ko hinintay ang tugon niya dahil patakbo akong lumabas ng gate.
"Good morning, Za--"
"Shh! Just start driving." Putol ko sa kanya bago ko pa marining ang matinis niyang pagtawag sa pangalan ko.
"It's too aga pa you're so stress na." Maarte niyang sambit habang ang tingin ay naka-focus sa daan. "By the way, have you heard na mayroong newbies today ang Adamson?"
"So?" sagot ko na nasa bintana lang ang tingin.
"Anong so?" Taka niyang tanong.
"Pake ko?" patanong kong sagod dahit obvious naman ang sagot at tinanong niya pa.
"Argh! You're so annoying!" Iritable niyang tugon. "Anyway, kaya ko lang siya na-open kasi it's very questionable lang. Like usually, less than five lang ang ina-accept ng academy because of there chuchu rules. Is it not bothering you that we have more than twenty transfers from other school?"
Napangiwi na lamang ako. "I-D-C." I don't care. Tipid kong sagot at alam kong alam niya ang ibig kong sabihin.
"Argh! You're so walang kwenta kausap. Nai-stress lang ang pretty face ko!"
Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi na siya pinansin. Nai-stress din ako sa kanya. Ang dami ko na ngang iniisip dadagdagan niya pa dahil sa curiousity niya.
Kalahating oras ang naging byahe namin bago nakarating sa academy. Halos wala na kaming ma-park-ingan ng sasakyan niya dahil marami na ring students ang nauna sa amin. Unang araw ng school year ngayon kaya expected na mayroong event mamaya para sa mga rules and regulations na kailangan sundin at pag-welcome sa mga bagong students at teachers.
"Gosh! Bakit ba so init today?" Reklamo ni Cindy habang nakatutok sa mukha niya ang mini fan na hindi mahihiwalay sa kanya.
"Kung dinala mo lang iyong payong mo edi sana hindi ka nagrereklamo," sambit ko na halos ibulong ko na lang sa hangin.
Ngayong last term namin sa high school magkaklase pa rin kami ni Cindy at walang oras na hindi nawala sa paningin ko ang pagmumukha niya rito sa academy. Since parang pinagdikit ang bituka naming dalawa, sa lahat ng activities ay palagi kaming partner. Kung sinong seatmate ko? Huwag na kayong magtaka kung sino dahil siya lang naman at wala ng iba.
Nandito na kami ngayon sa room namin at agad kaming humanap ng magandang pwesto. As usual nasa bintana ako kung saan natatanaw ko mula rito ang field habang si Cindy ay nasa gilid ko. Masarap tumunganga rito habang hindi nakikinig sa klase. Paalala huwag gagayahin. Pawang tamad na student lang ang gumagawa nito! Hindi ko sinasabi na tamad ako--minsan lang kapag hindi ko gusto iyong lesson. Gaano kadalas ang minsan? Araw-araw.
Mayroong apat na building itong academy. Isa para sa mga freshmen, second year, third year and haggard na mga fourth year na kagaya namin. Sa bawat building ay mayroong limang floor at hindi na namin kailangan gumamit ng hagdan dahil merong elevator. May sarili kaming cafeteria, art studio, music room, science lab, technology lab, library, study hall, indoor gym at iba pa kaya hindi na namin kailangan na pumunta sa ibang building. Ganoon din ang ibang year level. Mayroon anim na section o mas akmang sabihin na rank ang kada year level dito. Kung normal na school lang ito ay section lang ang tawag sa rank na kaartehan dito.
Rank 6, sila ang tinatawag na Ascent. Ang mga students na enrolled dito ay mayroong mga problema sa academic o galing sa pamilya na limitado lang ang resources. Kahit na ganito ang background na mayroon sila ay matitibay naman ang loob nila, madiskarte at may mataas na ambisyong umangat. Sunrise orange ang kulay ng ID lace ng mga Ascent students.
Rank 5, sila naman ang tinatawag na Anchor. Ang mga students na enrolled dito ay walang problema academically pero kulang sa financial resources o social connections sa higher ranks. Karamihan sa kanila rito ay bugbog sarado sa pag-aaral dahil determinado sila na magtagumpay. Dito matatagpuan ang mga students na may linyang study first. Silver Gray ang kulay ng ID lace ng mga Anchor students.
Rank 4, sila naman ang tinatawag na Vanguard. Ang mga students na enrolled dito ay mga academically gifted at nasa linya ng scholarships. Sila ang mga students na masyadong curious sa buhay at committed masyado sa pag-aaral kaya nakakalimutan ng mag-enjoy sa buhay. Lagi rin kasali ang rank nila sa community service at iba pang extracurricular activities ng academy. Emerald green ang kulay ng ID lace ng mga Vanguard students.
Rank 3, sila naman ang tinatawag na Soveriegn. Ang mga students na enrolled dito ay matatalino at talented pero hindi ganoon kayaman o maimpluwensya ang pamilya. Masyadong competitive ang mga students dito mapa-academic o extracurricular activities kaya karamihan sa kanila ay nangunguna sa top list achiever kada sem ng academy. Sapphire blue ang kulay ng ID lace ng mga Sovereign students.
Rank 2, sila naman ang tinatawag na Luminary. Ang mga students na enrolled dito ay mayayaman at may kapangyarihan dahil sa connection na mayroon sila pero limitado lang ang kaya nilang gawin. Matatalino sila pero tamad mag-aral kaya ang ginagawa ng ibang students dito ay babayaran ang mga Rank 3 para hindi sila bumagsak. Ito ang rank na masyadong mataas ang ambisyon pero tamad. Family pressured din ang pinaka-challenges nila dahil kabilang ang pamilya nila sa kilala sa business industry at politics kaya kailangan nila ng magandang image rito sa academy. Imperial gold ang kulay ng ID lace ng mga Luminary students.
Last but not least, ang Rank 1 o mas kilala sa tawag na Elite. Ang mga students na enrolled dito ay masyadong pinapahalagahan ng academy dahil anak ng mga billionaires, international celebrities, political dynasties at noble family. Their families have global influence, and their academic achievements are often overshadowed by their social clout. Kaya karamihan din sa mga students dito ay masyadong spoiled at pa-importante o entitled sa buhay. Kung may babangain ka mang rank ay huwag ang Luminary dahil kaya ka nilang patalsikin sa academy. Black diamond ang kulay ng ID lace para sa mga Elite students.
Ang mom ni Cindy ay sikat na fashion designer at brand owner ng Hermes habang ang dad naman niya ay multi-billionaire businessman ng Pilipinas. Kaya naman pagka-enroll pa lang niya rito noong first year ay hindi na siya naalis sa Rank 1. Cindy Hermes Vortex, ang buo niyang pangalan at matanda siya ng isang taon sa akin.
Ang mom ko ay pure Filipina at dating sikat na artista noong dalaga habang si dad naman ay originally from Switzerland at kabilang siya sa noble family. Zaiahnna Sturm Griset de Forel ang buo kong pangalan pero dahil sobrang haba--Zaiah Sturm lang ang ginagamit ko sa pagsusulat ng pangalan sa papel. Katulad ni Cindy ay nasa Rank 1 din ako at hindi ako proud dahil nakakairita kasama ang mga classmates kong feeling entitled.
"Everyone get back to your seats now!" Utos ng first teacher namin ngayong araw at parang may kamukha siya. Hindi ko lang masabi kung sino. "My name is Harriet Medino and I will be your Science teacher in this class!" Pagpapakilala nito at hindi ko alam kung galit ba siya o sadyang malakas lang siya magsalita.
Sa tingin ko nasa late 30s ang edad niya base sa itsura niya. Nakapuson pa ng mataas ang makapal at itim niyang buhok. Masyadong old school ang style niya sa suot na mahabang plain black skirt at naka-tuck in pa ang turtle neck blouse nito na suot. May suot din siyang makapal na salamin na kasing kapal din ng pulang lipstick niya. Mukhang alam ko na kung sino ang kamukha niya. Si Ms. Minchin ng Sarah ang Munting Prinsesa.
"Miss." Napalingon kami sa likuran ng may nagtaas ng kamay. "May I go out?"
Agad siyang nakatanggap ng masamang tingin kay Ms. Medino. "Okay, you may go out." Tugon nito at agad na tumayo ang classmate namin na tuwang-tuwa. "But never come back in my class until the end of school year!"
Agad na nagsitawanan ang buong klase dahil sa pagkakapahiya niya. Ang masaya niyang mukha ay napalitan ng nakabusangot at wala siyang choice kung hindi ang bumalik sa pwesto niya.
"Rule number 1! No one is allowed to go in the comfort room during my class! Did I make myself clear?" Nakataas-ang kilay nito habang ang tingin ay naka-focus doon sa classmate namin nagpaalam sa kanya. "What is your family name?"
"Baldwin." Nakangiwi na sagot nito.
"Mr. Baldwin, you're the first who will report in our class in the experiment that we will do on Wednesday. I will be choosing your lab partner that will help you." Maawtoridad na utos nito kung saan agad na umalma ang mga kaklase ko.
"But Miss Medino, we already have our lab partner, duh?" Maarte na sambit nito na hindi ko na matandaan kung sino. Basta siya ang muse namin dito kahit hindi naman kagandahan. Makeup lang ang nagdala.
"Yes, Miss Medino, she is right. The lab partner that we had since were freshmen is already permanent...like for-ever." Gatong pa ng isa na hindi ko na rin matandaan kung sino basta alam kong magkaibigan sila. Paano ko nasabi? Magkamukha sila ng makeup.
"Sabi ni Ms. Ferer is fixed na ang mga lab partner namin hanggang sa pag-graduate namin." Gatong pa ng isa dahilan para makisali rin ang iba. Sa tingin ko ang tinutukoy niya ay ang teacher namin noong first year.
"I really don't like our new teacher. She's so maraming alam." Mahina na bulong ni Cindy sa gilid ko na siniko ko lang dahil baka pati siya madamay sa drama nitong mga classmate namin.
"Okay, then madali lang naman akong kausap." Tila parang nakahinga na ng maluwag ang mga classmate namin sa narinig. "I will put all of you back in third year or maybe you can go back all in freshmen." Sarcastic na dagdag nito na parang biglang may dumaan na anghel sa biglaang pagtahimik. "Doon kayo sa mga dati niyong teacher. Class dismiss!" Nag-walk out na ito dala ang gamit kahit pa naman talaga tapos ang klase.
"Uy, hala! Babalik tayo ng first year? Seryoso si Miss doon?" Nag-alala na tanong ng isang classmate namin.
"Stupid! She can't do that to us. We are in Rank 1 at baka ipatanggal ko pa siya kapag ginawa niya sa atin iyon." Maarte na sambit nang muse namin na ikinangiwi ko na lang.
"OMG! Hindi kinakaya ng braincells ko ang mag-go back sa freshmen. Zaiah! What are we going to do? My dad will kill me!" Atungal nito na parang batang inagawan ng candy habang inaalog-alog ako.
"Tumigil ka nga!" Tiningnan ko siya ng masama. "Hindi mangyayari iyon." Inis kong kinuha ang bag ko. "Pupunta lang ako ng banyo."
"You can't go in the comfort room. Miss Medino's class is not yet over." Pigil sa akin ni Cindy.
Napairap na lamang ako. "Is she here?"
Hinanap pa ng mata niya ang teacher namin. "She is not here pero baka she will go back."
"Mabilis lang ako," sambit ko at hindi na hinintay ang sasabihin niya dahil naglakad na ako palabas ng classroom.
Nasa dulo lang nitong floor namin ang banyo kaya makakabalik din ako kaagad if ever bumalik pa ang Science teacher namin. Maririnig ko rin naman ang bell kapag second subject na. Malaki itong comfort room namin na mayroong walong cubicle. Mayroong pang wall glass sa gilid at malaki rin ang salamin sa sink. May aircon din dito sa loob kaya feeling fresh ka rito sa loob. Minsan pa nga ginagawa itong tambayan kapag walang klase.
Pumasok ako sa pinaka-last na cubicle at ni-lock ang pinto. Isinara ko ang cover ng toilet saka pumatong at binuksan ang sliding ng maliit na bintana rito. Kinuha ko ang Treasurer London ko at kumuha ng isang stick saka sinindihan ito gamit ang Porsche Design Jet Lighter P' 3631. Napapikit pa ako ng ibuga ko ang usok sa labas ng bintana. Nakakawala ng stress.
To be continued...