Chereads / The Mafia Diaries: Tug of War (TAGALOG) / Chapter 8 - Chapter Eight: Bathtub

Chapter 8 - Chapter Eight: Bathtub

~Zaiah~

Cellphone ringing...

"Hmmm..."

Hinanap ng kamay ko ang cellphone ko ng hindi dinidilat ang mga mata. Inaantok pa ako at masama ang pakiramdam ko. Pero bakit ganito? Bakit ang lambot ng kinalalagyan ko? Ang huling natatandaan ko ay nasa sahig ako at namimilipit sa sakit hanggang sa nakatulog ako.

Agad akong napabangon at napagtantong nandito ako sa kama ko ngayon. Hindi ko maiwasan ang hindi mapakunot-noo habang napapaisip kung nag-sleep walk ba ako kagabi. Nag-sleep walk nga ba ako? O baka pumasok si manang dito sa kwarto ko at nilipat ako rito sa kama?

"Zaiah! Zaiah!"

Napalingon ako sa pinto ng marinig ang boses ni Cindy sa labas ng kwarto ko. "Pasok!"

"The door is lock!" sigaw niya mula sa labas na lalong nagpakunot-noo sa akin.

Naalala kong ni-lock ko ang pinto ng pumasok ako rito sa kwarto at hanggang ngayon ay naka-lock pa rin. Ibig sabihin hindi pumasok si manang kagabi rito. Alam niya rin na kapag ni-lock ko ang pinto ay ayokong magpapasok sa kwarto ko.

"Zaiah, are you still there or did you sleep back?" tanong nito na mukhang pinapakiramdaman ako mula sa labas.

Umalis ako ng kama at pinagbuksan siya ng pinto. Napatingin pa ako sa suot niyang uniform dahil mukhang ready na siyang pumasok. "Hindi ako papasok."

"Huh, why?" Nakakunot-noo na tanong nito. "But you are already wearing your uniform. Don't tell me tinatamad ka?" Pinagtaasan niya ako ng kilay at pinag-cross ang dalawang braso.

Napangiwi na lamang ako. "Mukha ba akong tinatamad? Tingnan mong maigi ang itsura ko."

Tiningnan niya ako gaya ng sinabi ko. Nanliliit pa ang mga mata niya habang ino-obserbahan ang itsura ko. "OMG!" Napatakip pa siya ng bibig. OA! "Your face, Zaiah, you don't look good--and wait did you cry? Your eyes like a Chinese na."

"Masama lang pakiramdam ko kaya hindi ako papasok." Naglakad ako pabalik sa kama at sumunod naman siya.

"I think I will not go to the academy." Naupo ito sa tabi ko at pinandilatan ko siya sa sinabi niya. "I want to take care of you--ahh!"

Kinurot ko siya sa tagiliran niya dahil ang OA niya! "Masama lang ang pakiramdam ko pero kaya ko ang sarili ko, Cindy. Atsaka nandito naman si manang kaya lumayas ka na at pumasok. Baka mapagalitan ka lang ni tito sa pagiging OA mo."

Nginusuan niya ako ng parang bata. "I don't have kasama."

"Nandoon naman iyong ka-chat mo." Sarkastiko kong sagot at naniningkit ang mga mata ko ng makitang biglang namula ang pisnge niya. "I'm sure na hindi ka matitiis ng espasol na iyon na mag-isa." Dagdag ko na nagpa-huh sa kanya.

"Who's espasol?"

"Iyong ka-chat mo. Mukha kasing espasol sa sobrang puti." Nakangiwi kong sagot.

"Zaiah, don't call him like that!" Hinampas niya ang braso ko at tiningnan ko siya ng masama. Mukhang lalong sasama ang pakiramdam ko sa babaeng ito. "He has a name and his name is Fridge." Pagtatama niya.

"Espasol." Bored kong sambit.

"Fridge."

"Re-Fridge-rator."

"Fridge!" Mukhang naiinis na siya at ano bang pinaglalaban nito?

"Umalis ka na. Mali-late ka na."

"Not until you say Fridge!"

"Fridge. Pwedi ka ng umalis?"

Abot tenga ang ngiti nito ng umalis ng kama. "I will go na after eating breakfast. You take care here. Don't forget to eat and drink your maintainance. I'll talk to our teacher about your absence." Bigla niya akong niyakap ng mahigpit. "I'm gonna miss you!"

"Layas na." Itinulak ko siya palayo dahil baka pati ako mahawa sa pagiging OA niya.

"I'll see you later after class."

Tumango na lang ako at napabuntong-hininga ng sa wakas umalis na rin siya. Hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa nangyayari kung paano ako napunta sa kama ko. Tumayo ako at maglalakadn na sana papuntang wardrobe ng mapansin kong nakabukas ng kaunti ang pinto sa balcony. Wala akong maalalang binuksan ko ito kagabi.

Hinawi ko ang puting kurtina na nakaharang sa sliding door. Binuksan ko ito saka nagtungo sa balcony para mag-obserba. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang flower pot na nasa ibabaw ng glass table. Ilang segundo ko ito pinakatitigan habang napapaisip kung paano ito napunta rito sa balcony. Wala rin naman ganitong bulaklak sa garden namin. Nasa kalagitnaan ako ng pag-iisip ko ng bigla akong natigilan ng ma-realize kung anong bulaklak ang nasa harap ko.

"Lavender." Halos manuyo ang lalamunan ko ng banggitin ang salitang iyon at awtomatiko akong napahawak sa pader ng bigla akong mawalan ng balanse. Napapikit na lamang ako ng mariin ng muli na namang marinig ang boses na iyon. Ito na naman ako. Kung ano-ano na naman ang naririnig ko.

"Lavenders blue, dilly, dilly. Lavenders green. Hmm... Hmm..."

Hindi ko maintindihan kung saan galing at kung bakit naririnig ko ito. Nasisiraan na yata ako ng bait o baka karma ko ito dahil masama ang ugali ko?

"Zaiah?"

Pinilit kong ayusin ang sarili ng marinig ang boses ni manang. "Nandito po ako sa balcony." Naupo ako sa upuan dahil baka tuluyan na akong bumagsak.

"Dinala ko na lang ang pagkain mo rito dahil ang sabi ni Cindy ay masama raw ang pakiramdam mo." Inilapag ni manang ang food tray sa harap ko at mukhang bagong luto ito dahil mainit pa. "Ininit ko iyong pagkain na ipinatabi mo kagabi."

"Salamat, Manang." Tipid na sagot ko.

"Kumain ka na riyan at ihahanda ko ang ipapaligo mo. Mukhang nakatulog ka kagabi ng hindi nagpapalit ng uniform kaya siguro masama ang pakiramdam mo." Napapailing na sambit nito.

"Manang..." tawag ko sa kanya, "Pumunta ka ba rito sa kwarto kagabi?" tanong ko dahil gusto ko makasigurado.

"Hindi. Bakit mo naman natanong?"

Umiling ako at pilit na ngumiti. "Nanaginip lang po yata ako."

"Ganoon ba? Sige na, Zaiah, kumain ka na habang mainit pa ang pagkain mo. Ihahanda ko na ang ipapaligo mo."

Iniwan na ako ni manang dito sa balcony at tiningnan ko ang pagkain na hinanda niya. Sour fish soup at isang plato ng kanin ang nasa food tray. Mayroon ding gatas at tubig para sa panulak. May slice pa ng isang buong mansanas. Mukhang masarap pero wala akong ganang kumain. Pero ayoko rin naman masayang ang effort ni manang. Napabuntong-hininga na lamang ako at kahit walang gana pinilit ko na lang kumain.

"Zaiah, bakit ang kalat dito sa wardrobe mo?" sigaw ni manang mula sa loob, "Nagkakalat ang mga walang laman na container ng maintainance mo. Pinaggagawa mo bang bata ka."

Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni manang dahil wala akong balak sabihin kung ano ang nangyari. Ayoko siyang mag-alala. Hanggat kaya ko, sasarilinin ko. Ayoko ring mag-alala si Cindy pati na rin sila mom--

Naibaba ko ang kutsara ko ng maalala si mom at dad. Ni isa sa kanila wala akong nakausap ng humihingi ako ng tulong. Alam kong nasa Switzerland sila at imposibleng makabalik agad sila rito. Kahit man lang sabihin nila kung ano ang dapat kong gawin ay wala akong narinig.

"Nakakawalang gana." Mahina kong sambit sa hangin.

Hindi ko na itinuloy ang pagkain at naglakad pabalik sa kwarto para kunin ang cellphone ko. May limang missed calls ako galing kay Cindy kanina na nagpagising sa akin at iyon lang wala ng iba. Tiningnan ko ang oras na tinawagan ko sila mom at dad. Si mom hindi sumagot pero si dad sinagot ang tawag ko ng walang sinasabi. Pinatay niya rin ang linya namin pagkatapos ng tatlong minuto. Why mom? Why dad?

"Tapos ka ng kumain, Zaiah?" tanong ni manang na may hawak na garbage bag, "Itatapon ko na ang mga walang laman na container ng maintainance mo." dagdag nito ng mapansin nakatingin ako sa hawak niya.

"Kaunti lang ang kinain ko. Wala po akong ganang kumain. Mamaya na lang po siguro ako kakain ng marami." Tipid akong ngumiti.

"Oh, siya sige. Uminom ka na ng maintainance mo. Naihanda ko na rin ang ipapaligo mo at maiwan na kita."

Tango na lang ang naisagot ko at naglakad na papasok ng banyo dala ang cellphone ko. Hinubad ko ang uniform ko at dire-diretsong pumasok sa bathtub. Hindi malamig at hindi rin mainit ang tubig. Sakto lang. Hindi ko na muna nilagay ang bubble bath soap dahil gusto ko munang namnamin ang mainit-init tubig na kinalalagyan ko.

Calling mom....

"The number that you have dialed is either unattended or out of coverage area..."

*Tut*tut*tut*

Calling dad...

"The number that you have dialed is either unattended or out of coverage area..."

*Tut*tut*tut.

Napabuntong-hininga na lamang ako ng wala akong napala sa ginawa. Parehong unattended ang linya nila at hindi ko mapigilan na sumama ang loob ko. Pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko iniwan ako.

Inilapag ko ang cellphone ko sa gilid kung saan nakapatong ang mga gamit panligo. Ipinikit ko ang mga mata ko saka dahan-dahang nilubog ang sarili sa tubig hanggang sa mapunta ako sa ilalim. Pero mukhang mali yata ang ginawa ko dahil mayroon na naman akong naririnig.

"Get in the boat now!"

Unti-unting may nabubuong imahe sa isip ko pero malabo. May nakikita akong ilog at maliit na bangka. May batang babae na nakasuot pa ng pantulog at may isang babae na mukhang kaedad lang ni mom ang nakasuot ng itim na roba. Hindi ko makita ang mga mukha nila masyadong masilaw kahit na gabi.

"Saan tayo pupunta?"

"You will find out. Get in the boat now, Zaiah!"

Ako ba ang kausap niya? Ako ba ang batang kasama niya? Baka kapangalan ko lang. Teka... ano ba ang nangyayari? Bakit nakikita ko ito?

Nakita kong sumakay ang batang kasama niya sa bangka at hindi maganda ang kutob ko. Sumakay na rin ang babae at ngayon ay nasa ilog na sila. Matagal ko rin pinanood ang paggalaw ng bangkang sinasakyan nila hanggang sa tumigil ito sa gitna. Kung hindi ako nagkakamali nasa malalim na parte sila ng tubig.

"Saan tayo pupunta? Bakit tayo tumigil dito?" tanong muli ng bata at sa tono niya ay wala siyang kaalam-alam sa nangyayari.

"There's no we in here, Zaiah." Kahit na hindi malinaw ang mukha niya ay parang nakikita ko ang malademonyo niyang ngiti. "Because you're going to hell alone!" Nanlaki ang mga mata ko ng itulak niya ang batang kasama at pilit niya pa itong nilulubog para hindi makaahon.

"Mom--tulo-mommy!" Hirap na hirap na sigaw ng batang kapangalan ko at hindi ko alam kung bakit pati ako nahihirapan. Nahihirapan akong huminga!

Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa ilalim ng ilog habang nararamdaman ang kamay sa buhok ko na pilit akong nilulubog. Sinubukan kong iwasiwas ang kamay ko para makaahon pero masyado siyang malakas. Katapusan ko na ba? Hindi pwedi. Hindi sa ganitong paraan ako mamatay.

"I will not let you and your mom ruin all my plan!" Ito ang huling salita na narinig ko mula sa kanya bago ako napabangon sa bathtub.

"Huhhhhhh!" Naging sunod-sunod ang paghahabol ko ng hininga ng makabalik sa reyalidad. "W-What the hell was that?" Hinihingal na tanong ko sa sarili at dali-daling umalis ng bathtub saka sinuot ang roba ko. Mamaya na ako maliligo ng maayos.

Sigurado akong may mali sa nangyayari sa akin. Nababaliw na ako at kung ano-ano na ang naririnig at nakikita ko. Kailangan ko ang maintainance ko--

Napatigil ako rito sa pintuan ng may bigla akong mapagtanto. Nagsimula akong magkaganito ng hindi ako makainom ng maintainance ko kahapon at pati ngayon. Wala na rin naman akong stock kaya hindi rin ako makakainom. Hindi pa makakabalik si mom at dad na hindi pinapansin ang tawag ko galing Switzerland. Pagkakatanda ko talaga ay mayroon pang kalahating laman ang isang container na naiwan ko kahapon dito. May multo ba rito at kinuha ang laman ng maintainance ko? Pero... tama pa ba ang uminom ako? Iisa lang ang makakasagot sa tanong ko. Kailangan ko ng doctor! Sumasakit na naman ang ulo ko kakaisip. Bwiset!

Kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang number ng personal doctor ko. "Hello Dr. Diaz I will visit in your hospital today. There is something wrong with me and I need you to help me."

[Okay, I'll see you here in my office Zaiah.] 

Hindi na ako nagsalita at pinatay na ang linya namin ng marinig ko ang sagot niya. Nagmadali akong magbihis at hindi na masyadong pinansin kung ano ang itsura ko. Baggy pants, itim na croptop at puting sneakers ang sinuot ko habang nakatali lang sa likuran ang buhok ko. Lumabas na ako ng kwarto suot ang shoulder bag ko na Chanel.

"Oh, Zaiah, saan ka naman pupunta? Baka lalong sumama ang pakiramdam mo." Nag-alala na sambit ni manang ng makasalubong ko siya rito sa hagdan.

"Pupunta po ako sa hospital. Magkikita kami ni Dr. Diaz," sagot ko na ikinanoot-noo niya.

"Ano naman ang gagawin mo roon?" Curious na tanong niya. Tsismosa rin pala itong si manang.

"Magpapa-check-up, Manang. Ano pa ba ang dapat gawin doon?"

Umiling ito. "Nag-aalala lang ako dahil baka mapaano ka sa labas lalo na at masama ang pakiramdam mo. Magpahatid ka na sa driver mo papunta sa hospital."

Tumango naman ako na may pilit na ngiti. "Aalis na ako, Manang." Magpapatuloy na sana ako sa paglalakad pababa ng hagdan ng magsalita si manang.

"Uminom ka ba ng maintainance mo?" Hindi ko alam kung nababaliw na naman ba ako dahil iba ang pagkakarinig ko sa way ng pagtatanong niya.

"Tapos na, Manang." Hindi ko mapigilan ang hindi mapakunot-noo ang sagutin ang tanong niya saka mabilis na naglakad pababa ng hagdan. Dire-diretso akong lumabas ng bahay at saktong nakita ko ang driver ko na katatapos lang maglinis ng sasakyan. "Kuya, sa hospital tayo." 

To be continued...