Chereads / The Mafia Diaries: Tug of War (TAGALOG) / Chapter 2 - Chapter Two: Strawberry Juice

Chapter 2 - Chapter Two: Strawberry Juice

~Zaiah~

Halos tinapos ko ang buong oras ng first subject namin bago ko naisipang bumalik ng room. Minabuti kong walang kahit anong markang naiwan sa cubicle na tinambayan ko dahil walang nakakaalam na ito ang ginagawa ko rito. Kahit si Cindy na matagal ko ng kilala ay hindi alam na naninigarilyo ako. Hindi rin naman niya kailangang malaman.

"What took you so long?" tanong ni Cindy na hindi naalis ang tingin sa akin pagkapasok ko ng room, "I've been calling your phone but you're not answering my tawag."

"Natulog." Tipid kong sagot habang nakangalumbabang nakadungaw sa bintana.

"What? I thought you're going sa comfort room?" Naguguluhan na tanong nito.

Nilingon ko siya at salubong ang kilay niyang nakatitig sa akin. "Natulog ako sa loob ng cubicle." Paglilinaw ko at binalik ang tingin ko sa bintana.

"Did you sleep well?" tanong nito at napangiwi na lamang ako.

Naniwala talaga siya?

"But wait..." Naramdaman ko ang paglapit niya ng husto sa akin na parang may inaamoy.

Tinulak ko siya palayo dahil para siyang aso sa ginagawa niya. "Umayos ka nga, Cindy."

"Why you smell cigarettes?" Diretso ang mata niyang nakatitig sa akin na parang may gusto siyang hulihin sa akin kaya tiningnan ko rin siya sa mata.

"May nakasalubong ako kaninang lalaki na naninigarilyo at kumapit ang amoy sa akin pagbuga niya ng usok." Inamoy ko ang coat ng uniform ko at may kaunting amoy nga ng sigarilyo. "Hindi ko napansin na dumikit iyong amoy. May pabango ka ba?"

Napabuntong-hininga naman siya na parang napanatag ang loob niya. Kinuha niya ang Imperial Majesty perfume niya at inabot sa akin. "You scared me. I thought you're using cigarettes." Natatawa pa na sambit nito.

If you only knew.

"Alam mong ayoko ng sigarilyo." Ibinalik ko na sa kanya ang perfume niya matapos kong paliguan ang sarili ko. Tingnan lang natin kung maamoy mo pa. Ang talas ng sense of smell ng babaeng ito.

Natapos ang apat na subject namin sa loob ng apat na oras din. Wala pa kaming masyadong ginawa dahil first day pa lang naman. Lunch break na namin ngayon at papunta na kami ng cafeteria. May apat na subject pa kami mamaya at dahil may event, hindi kami makakapagklase sa third and last subject. Ayoko sanang manood ng event dahil paulit-ulit lang naman ito pero hindi rin naman kami papauwiin ng maaga ng academy.

Nakapila kami ngayon dito food service area hawak ang tray na ginagamit namin kapag kumakain dito sa cafeteria. Marami na ring mga students dito dahil naunang natapos ang klase nila kesa sa amin. Kahit saan ka lumingon ay makikita mo ang iba't-ibang rank at madali mo lang naman ma-identify kung anong rank ang mga students dito dahil sa suot namin na ID lace. Hiwalay ang food service area ng Rank 6, Rank 5, at Rank 4 dahil hindi ganoon kalaki ang tuition na binabayad nila rito compare ng sa amin. Kung hindi ako nagkakamali less than 100, 000 ang binabayaran nilang tuition. Kami namang nasa Rank 3, Rank 2 at Rank 1 nasa 700, 000 ang tuition kaya VIP ang treatment sa amin dito.

"Can I have that Lobster Roll and this Truffle Mac and Cheese, please?" Nagniningning ang mga mata ni Cindy habang nilalagyan ng pagkain ang hawak na tray.

"Gosh, kaya naman pala mukha na siyang tumataba because she is so matakaw."

"I even thought she's pregnant."

Nagpantig ang tenga ko sa narinig mula sa likuran ko at ng tingnan ko kung sino, ang dalawang payaso sa rank namin. Ang feeling muse at ang best friend niya. Nagtama ang paningin naming dalawa dahil napansin niya ang pagtitig ko ng masama. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago may ibinulong na kung ano at bigla na lang silang tumawa na parang baliw.

"Zaiah? Hello?"

"Huh?" Napabalik ang tingin ko sa harap ng marinig ang pagtawag ni Cindy.

"It's you turn. You're spacing out," tugon niya kung saan nakikitingin din sa tinitingnan ko sa likuran kanina, "What are you looking at your back?"

Mukhang hindi niya narinig ang sinabi ng dalawang payaso kanina.

"Binibilang ko lang kung ilan pa tayong nakapila dito sa linya natin. Baka wala na kasing matirang pagkain para sa kanila." Ibinigay ko na ang tray ko. Sushi platter ang pinili ko para sa lunch at isang baso ng strawberry shake.

Humanap kami ng bakanteng upuan kung saan nakapwesto kami sa pinakagitna. Center of attraction? Kasya ang anim na tao dito sa mahabang lamesa pero dalawa lang kaming narito. Wala rin naman kaming balak magtawag ng kasama pero mukhang may eepal.

"Hi. Cindy and Zaiah, right?" tanong nang ng feeling muse saka naupo sa harap namin at ganoon din ang kasama niya.

"Yes, it's us." Tuwang-tuwa na tugon nitong katabi ko.

"I'm Blair and this is my B-F-F Isadora in case you forgot our names. I hope you don't mind us sitting with you here." Nakangiti na sambit nito na labas gilagid na halata namang plastic. Katulad ng ilong niyang galing sa plastic surgery.

"Oh, come on! The tables here are for everyone naman kaya no biggie," tugon ni Cindy na mas manhid pa sa bato dahil hindi marunong makiramdam.

"Did you hear that, Isadora? She's so very nice to us." Mahina niya pang hinampas sa braso ang kasama bago inayos ang sarili na hinawi pa ang mahabang buhok sa hangin.

Napangiwi na lang ako saka inipit ng madiin ang sushi ng hindi inaalis ang tingin sa kanila. Hindi ko pa nakakalimutan ang narinig ko kanina. "Anong kailangan niyo?"

"Oh, so straight forward." Nakahawak pa ito sa dibdib niya na parang na-shock.

"Zaiah, you're being rude." Suway sa akin ni Cindy pero hindi ko siya pinansin at nanatili ang tingin sa dalawang payaso na nasa harap namin.

Mayroon sa loob ko na gustong isaksak itong chopsticks na hawak ko para mawala sila sa harap ko. Malapit ng malamog ang nag-iisang sushi sa tray ko sa sobrang higpit ng pagkakaipit ko. Napatingin ako sa strawberry shake ko na wala pang bawas at napangisi na lang ako ng may sumagi sa isip ko.

"Well, as you know there will be an election for the school officers for fourth year next week. I just want to ask for your full support to still vote for me for the position of muse." Mukha siyang anghel na nakikiusap sa amin. "Isadora, hand them the flyers."

Agad naman na sinunod ni Isadora ang utos niya at may kinuhang dalawang flyers sa bag niya. "Vote for Blair Presscott." Binigyan niya kami ng tig-isang flyers.

Napataas pa ang kilay ko ng tingnan ang laman ng flyer. Nakasuot si Blair ng pink na two piece swimsuit habang ang background ay ang academy namin. Todo posing pa ang ginawa niya habang nakataas ang isang paa at naka-flying kiss pose. Ang pagkakaalam ko ay model siya sa isang sikat na magazine internationally at feeling ko galing sa pinagkakaabalahan niya ang ginamit niyang picture. Role model!

Napailing na lamang ako at pasimpleng tiningnan itong katabi ko na nagningning ang mata sa hawak na flyer. Huwag niyang sabihin nagagandahan siya. Kasi kung oo dadalhin ko kaagad siya sa optometrist para mapatingin ang mata niya. Hindi na ako natutuwa kaya naman pasimple kong tinabig ang baso ko papunta sa gawi nila. Wala akong pake kung may nakakita sa ginawa ko.

"Ahhh!" Napahiyaw na lamang si Blair nang tumulo sa gawi niya ang natapon kong strawberry shake. "Isadora, tissue!" Utos nito na nagpataranta sa kasama niya.

Agad kong kinuha ang flyer na hawak ni Cindy. "Ito gamitin mo."

Kinuha naman ni Isadora ang inabot ko ng hindi nag-iisip at agad na pinamunas sa palda ng amo niya. Agad din siyang natigilan ng ma-realize kung ano ang hawak niya. "B-Blair."

"What? Are done wiping my-OMG! What have you done in my flyers? My face is in there stupid!"

Tumayo na ako at kinuha ang tray ko dahil wala akong balak na manood ng drama nila. "Tara na at baka ma-late tayo sa next subject natin." Tawag ko kay Cindy at agad naman siyang sumunod kahit mukhang gusto niyang tumulong.

"Why did you do that?" Bulong niya sa tono na parang gusto niya ako makonsensya.

"Do what?" Hinarap ko siya matapos kong ilagay ang pinagkainan ko sa return area.

"I saw it. You intentionally spilled your glass to Blair." Pinaninkitan niya ako ng mata habang ako bored lang siyang tiningnan.

"Nasagi lang ng kamay ko iyong baso. Hindi ko kasalanan na nakaupo sila sa harap natin," tugon ko at naglakad na palabas ng cafeteria.

"I hope so na you didn't mean it. You'll know what Blair is capable of. She's dangerous baka patalsikin ka niya rito." Nag-alala na tanong niya at gusto kong matawa sa inaasta niya.

"We'll see who is dangerous." Mahina kong tugon at hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko dahil hindi na siya muling nagsalita pa.

Cellphone ringing...

Napatigil kami sa tapat ng elevator ng biglang mag-ring ang cellphone ni Cindy. Agad niyang kinuha ito sa bag at nagtataka na tiningnan ako. "Your mom is calling me."

"Eh?" Kinuha ko ang cellphone ko at napakunot-noo na lang ako ng makita ang six missed calls galing kay mom. Hindi ko narinig na nag-ring ang cellphone ko dahil na do not disturb ito.

"Yes, Tita, she's right here with me," tugon nito sa kausap saka ipinasa ang cellphone sa akin, "Your mom wants to talk to you."

"Hey, Mom. Napatawag ka? It cannot be wait until I get home?" Straightforward kong tanong.

[I heard you don't have your third and last class...] tugon nito sa kabiling linya.

"Bakit?"

[Great! I'm gonna send your driver there to pick you up. We'll have a dinner with the Greystone.]

"Required bang kasama ako, Mom? Hindi rin magpapa-uwi ng maaga ang academy--"

[Don't worry about that. I already talk to your dean. We'll meet you at the hotel at 6:00 p.m. Love you.] Pinatay na ni mom ang linya namin kaya hindi na ako naka-alma sa biglaang dinner na sinasabi niya. Wala rin siyang sinabi kaninang umaga.

"What is it all about?" Curious na tanong ni Cindy ng ibalik ko sa kanya ang cellphone niya.

"May biglaang dinner. Susunduin ako ng driver ko mamaya pagkatapos ng second class natin ngayon." Paliwanag ko at pumasok na kami sa elevator.

"I see. It's so sayang lang kasi you will not see the transfer students ng academy. I heard they are all handsome." Kinikilig na sambit nito na ikinangiwi ko na lang.

As if namang interesado ako.

To be continued...