[unknown place]
"Here again!nananaginip na naman ako..pero nasan ako?mukhang park ito..pero ang daming students e, ano 'to school?"
natagpuan nya ang sarili na nakaupo sa isang swing,marami syang nakikitang naglalakarang mga estudyante, kaya sure syang nasa park sya ng isang malaking school.
Aware sya na sya ay nasa isang panaginip o tinatawag na Lucid dream. Tingin nya ay isa sa skills na nya ang makapasok sa loob ng kanyang panaginip, ito ay naging natural nalang din naman sa kanya.
"Anong school kaya to?"
inaaninag nya ang mga nakasulat na nakikita nya pero di nya magawang mabasa, yan ang isang patunay na nasa panaginip lang sya..nakikita nya ang mga bagay bagay at tao sa paligid pero di nya alam kung bakit di nya mabasa ang kahit anong salitang makikita nya, para itong nagbublur bigla pag babasahin na nya.
"hays!ang cool na sana ng ganito e,kaso bakit ba diko mabasa lahat ng nakasulat sa dream world na to?hayss..proof ito na kahit sa panaginip walang perpektong buhay"
napapailing na lang sya, pero ganon pa man pakiramdam nya ay sa panaginip nalang sya nagkakaroon ng kapayapaan..pakiramdam nya ay nakakapag unwind na din sya, kahit ang totoo ay di na nya matandaan kelan sya huling nakapagtravel.
Bukod sa di nya nababasa ang mga nakasulat sa kanyang lucid dream, ay hindi rin sya nakikipag usap sa mga taong nakikita nya.Ilang beses na nyang sinubukan pero ang ending ay bigla syang nagigising.
Habang nagduduyan sa swing at nagmumuni muni, bigla na lamang may parang pumatak o tumulo sa may bandang hita nya..
"ano to?! eww yuck! ipot ng ibon,ano ba yan kahit sa panaginip ang swerte mo Zera!" medyo malakas nyang usal, dahil nasa panaginip lang naman sya ay wala syang pakialam kung marinig sya ng iba dahil alam nyang walang pakialam ang mga ito sa kanya.
Bigla nyang napansin na may dala pala syang bag.Binuksan nya ito at nakakita sya ng wipes.
"nice!buti naman meron din akong ganito kahit sa panaginip, ang cool talaga"
Napansin nyang nakapalda sya, isa itong school uniform.Bigla nyang napagtanto na sya ay nakaschool uniform...sinilip nya ang loob ng bag na dala nya, meron syang nakitang mga notebooks at book, nagulat sya ng makita din nya na merong school ID sa loob ng bag at mukha nya ang nakita nya, ibig sabihin sya ay isang estudyante sa panaginip nyang ito.Pero hindi parin nya mabasa ang pangalang nakasulat dito.
Wala syang nakitang basurahan, kaya ang mga wipes na ginamit nyang pampunas sa palda nyang may dumi ng ibon ay tinapon nalang nya basta basta sa harapan nya.
"Kahit sa panaginip lang, maranasan ko namang magpasaway diba?" bulong nya sa sarili.
nang biglang....
"Aba! isa ka pala sa "mabait" na estudyanteng mahilig magkalat dito sa school" sabi ng isang gwapong binata na lumapit sa kanya.
Matangkad ito,mapupungay ang mga mata,at talagang gwapo.Mukhang isa rin itong estudyante sa school na iyon base sa suot nitong uniporme.Mayroon itong suot na school ID pero di nya rin mabasa.
Nagulat sya, di nya akalain na may papansin sa kanya dahil madalas pag sya ay nasa lucid dreams ay tumitingin lamang ang mga taong nakikita nya pero walang kahit anong sinasabi sa kanya,kaya ang iniisip nya ay invisible lang talaga sya sa mga ito.
"nakikita mo ko?" syang biglang naibulalas nya.
"hindi naman ako bulag syempre,at ikaw kababae mong tao ang dugyot mo, di ka manlang magtapon sa tamang basurahan o iuwi mo yang basura mo!" sarkastikong sabi nito.
"Hala!inaaway ba ako nito? grabe naman ang gwapong batang ito sa akin ha" sabi ng utak nya.
"iho,alam kong may mali ako sa bigla biglang pagtatapon ng wipes, pero kase di mo naiintidihan e.diko din naman kase akalain na ano...."
"anong di mo akalain?at ANO?IHO??!Manang sa pagkakaalam ko magkaedad lang PO tayo!" inis na sabi ng binata.
Oo nga pala nasa panaginip sya bilang isang student, nalimutan nya..
"ay oo nga pala!student nga pala ako dito!" napatampal sya sa kanyang noo.
Nakataas naman ang kilay ng lalakeng kaharap nya na waring naguguluhan din sa inaasal nya.
Sya naman ay parang nahirapang magpaliwanag, ito ang unang pagkakataon na may komonpronta sa kanya sa kanyang lucid dreaming.
"Ganito nalang, para di ka na magalit sakin, pupulutin ko nalang itong mga kinalat ko,..ikaw naman iwan mo nako at pumasok ka na sa classroom nyo."
sabi nya sa lalakeng nasa harapan nya.
"what?!classroom nyo?o classroom natin?"
"ha??natin???"
******
*Nagriring ang cp*
Napabalikwas sya ng bangon at sabay kinuha at sinagot ang tawag.
"Hello bes! bakit napatawag ka?"
sabi ni Zera sa kabilang linya medyo garalgal pa ang kanyang boses dahil kakadilat lang nya..
"Hoy!!anong bakit napatawag ka dyan!nangako ka sakin na sasamahan mo ko mag mall today right? dahil bibili ako ng damit ko para sa engagement party ng cousin ko.!" bulyaw neto sa kanya
"ay grabe naman makasigaw to, oo nga pala,..sorry kakagising ko lang e,give me 20 minutes para makapag ready"
"sige sige, mga 9:30AM andyan nako, susunduin kita ha!sabay na tayong magbreakfast"
"okay sige na bye na magready nako"
Agad na syang bumangon at nagpunta sa CR upang maligo.
Napasarap ang tulog nya kagabi dahil sa pagod kahapon sa maghapong training sa pinapasukang Taekwondo training center tuwing sabado, nalimutan nya na nagpapasama nga pala ang kanyang bestfriend since Highschool na si Jella para magpunta sa mall para bumili daw ng isusuot nito para sa engagement party ng pinsan nito.
Sa edad nyang 29, parang puro trabaho bahay na lamang sya, nakakagala nalang sya pag niyayaya ni Jella like kumain sa labas o magshopping.Hanggang sa edad nya na ito ay dalaga parin sya,samantalang si Jella naman ay may asawa na at isang anak na 2yrs old.
Nag iisang anak lamang sya ng kanyang mga magulang ngunit hiwalay na din ang mga ito sampung taon pa lamang sya at may kanya kanyang pamilya na rin ang mga ito, 24years old sya ng umalis sya sa poder ng kanyang ina at bumukod, hindi na nya natiis din ang gulo ng pamilyang iyon,palaging nag aaway ang kanyang ina at kanyang ama amahan at di din nya makasundo ang mga kapatid nya sa ina.
Ang kanya namang ama ay di na nagparamdam sa kanya, huminto ito ng pagbibigay ng suporta sa kanya ng pagtuntong nya ng college, kung buhay pa ba ito ay di nya alam..Sobrang miss na nya ang kanyang ama, kung hindi lang nanalo para sa custody nya ang kanyang ina ay mas pililiin talaga nyang sumama sa kanyang ama... Hiling nya ay magparamdam naman ito muli sa kanya, di naman nya kailangan na ang pinansyal na suporta nito, ang gusto lang nya ay makita ang ama..Nagsumikap syang makapagtapos ng pag aaral, nagworking student sya makapagtapos lang.
Naging P.E teacher sya,isa din syang martial artist, maliit pa lang sya ng mag umpisa syang mag aral ng taekwondo, pati sa ju jitsu ay magaling din sya, ang mga kaalamang ito sa martial arts ang masasabi nyang napamana sa kanya ng ama dahil ang kanyang ama ay professional martial artist, nang maghiwalay ang kanyang mga magulang ay naipagpatuloy parin ang kanyang pag aaral ng taekwondo at ju jitsu,pinapadalhan naman sya ng kanyang ama noon para suportahan sya sa kanyang mga trainings.
Maganda naman sya,maganda din ang hubog ng katawan pero maraming kalalakihan ang ilag sa kanya lalo sa mga nakakakilala sa kanya na alam kung anong trabaho nya.
20years old sya ng may maglakas ng loob na ligawan sya,matanda ito sa kanya ng apat na taon,may stable din itong trabaho sa isang malaking kompanya bilang isang financial analyst.
Mabait at napakasweet ni Xelo,walang birthdays o monthsary nila na nakalimot ito, sa loob ng tatlong taon nilang magkarelasyon ay hanggang halik pa lamang ang nagawa nito sa kanya dahil na rin sa kagustuhan nyang manatiling birhen hanggang ikasal sila at ginagalang naman daw nito ang kagustuhan nya.
Kaya mas lalo nyang nagustuhan at minahal ang kasintahan dahil sa pag galang nito sa kanya.
Ngunit isang araw...
**6years ago***
[ala ala]
ZERA POV
TEXT MESSAGE
MAHAL❤️-"I miz u babe!"
babe??? hindi naman babe ang tawagan namin..kundi mahal
bago palang sya magreply ay nagmessage ito muli.
MAHAL❤️-"I miz u babe ko! Miz u so much mahal!anong ginagawa mo?"
"narito pa sa school, how about you?"
reply ko sa kanya.
MAHAL❤️-"ah ito nasa office pa ako, baka late na kami makaout may OT eh,di kita masusundo ha."
"sige okay lang" huling reply ko
after a few hours...
isang text message ulit ang aking nareceived pero hindi ko kilala ang number.
"sino to?" bulong ko sa sarili
0930*****36-"Yung bf mo,pinagtataksilan ka na.Di ka parin ba nakakahalata?..gusto mo ng patunay, pumunta ka sa address na ito.SHEER WILL HOTEL room 205.And you will find out!"
Parang ayokong paniwalaan ang sinasabi ng unknown texter na ito, 3years na kami ng boyfriend ko, napakabait nito sakin, sweet din naman,at di sya ang tipong mangangaliwa..maliban nalang sa mga buwan na nagdaan dahil naging busy "daw" sya sa trabaho.
Nakaout nako sa school, sumakay na akong taxi para umuwi ng bahay...pero..
"Manong! sorry pwedeng pakidiretso nalang po sa Sheer Will Hotel"
biglang sabi ko sa taxi driver.
Nasa harap nako ng Sheer Will Hotel,
hindi ko alam kung tama ba ang ginagawa ko, nakaramdam din ako ng guilt na pinagdududahan ko ang bf ko...pero, ..wala naman sigurong masama..
"Excuse me,ah kase ano..ah pinapapunta ako dito ni Xelo Fernandez,ahh sa room 205 daw.."
pagsisinungaling ko sa nasa front desk... medyo kinakabahan ako sa ginagawa ko....hiling ko na sana sumagot sya na walang Xelo sa room 205.....
"Ah, kay Sir Xelo po, ah kayo ba yung inaantay nya na guest?ah tamang tama po kakaakyat lang din nila ni Ms.Anna!...please take this way Ma'am" turo nito sa way ng elevator
Nanlamig ako bigla, sino ang guest na inaantay nila, at sinong Anna? ang kilala ko lang na Anna ay yung Anna na kawork nya at pinakilala pa sakin noon nagkaroon ng company outing sa Baguio na isinama ako ni Xelo.
Pero parang di naman close si Xelo at si Anna dahil almost diko naman sila nakitang nag uusap manlang.
"baka naman company matter kaya sila nandito"
gusto kong alisin sa utak ko ang kahit anong masamang pumapasok sa isip ko ng mga oras na iyon,
dahil nasa 2nd floor lang naman, agad kong nahanap ang room 205. Kakatok palang sana ako pero biglang bumukas ang pinto, bumungad sakin ang bf ko..
nakatapis lamang ito ng tuwalya sa pambaba, walang suot na damit pantaas. Hawak nito ang isang tray na may mga platong pinagkainan nila at mukhang ilalabas nya sana ito sa harap ng room nila.
Nagulat din sya sakin, nabitawan nya ang tray. Bigla naman ang sigaw ng kasama nya sa loob ng room.
"Babe, what happened??!!!" boses ng babae, agad itong pumunta sa kinatatayuan ng bf ko, at syang pagkikita namin,nakatapis lang din ito ng tuwalya.....
SYA NGA..Sya nga yung Anna na ipinakilala nya sa akin.."Paanong nangyaring ang mga ito?..kelan??...kelan pa?.." mga tanong ng utak ko na diko alam pero ayaw lumabas sa aking bibig
Bumagsak bigla ang mga luha ko kahit hindi ko naman gustuhing umiyak..
Nanigas ako sa pagkakatayo, matapang akong tao pero sa oras na ito, diko malaman kung bakit di ako makagalaw at makapagsalita manlang...
Gusto kong magalit, gusto ko silang dalawa saktan, pero anong nangyayari sakin at bakit di ko manlang magawang manakit.
"Zera,let me explain..walang kasalanan si Anna dito, please mag usap tayo."
Nang marinig ko ang sinabi nya, doon lang ako nakagalaw at parang biglang natauhan.
"Zera let's talk" lumabas ng kwarto si Xelo para kausapin ako, ng aktong hahawakan nya ako sa braso ay bigla ko syang sinuntok.
Napatumba ito, agad naman sumaklolo si Anna.
"Babe!!" inalalayan ni Anna si Xelo, at tumingin sya sa akin ng may pagkamuhi.
"How dare you na saktan si Xelo!!!"sigaw nito sakin..
SAKTAN? hindi ba ako ang dapat magsabi sa kanila nyan..
tumayo ito at aakma na sasampalin sana ako..
"subukan mong dumikit yang palad o kahit anong parte ng katawan mo sa akin, sinisiguro ko sayong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo..." kalmado pero madiin kong tugon sa kanya.
Biglang umiyak si Anna at lumapit ulit ito sa tumumba at di makatayong si Xelo.
"Zera, sorry pero please pakawalan mo na si Xelo, mahal namin ang isa't isa.....saka, malapit na rin kaming magkaanak..buntis ako...buntis ako Zera at si Xelo ang ama!"
"Sorry Zera..magkakaanak na kami ni Anna,nagpaplano na din kaming magpakasal..plano ko naman sabihin sayo ito pero humahanap lang ako ng tamang panahon dahil alam kong masasaktan ka." mahinang sabi ni Xelo
Tamang panahon?bullshit!
Kahit kelan walang tamang panahon sa pananakit ng damdamin ng iba.
Nanigas ang katawan ko. Hindi ko maigalaw ang mga kamay ko kahit gusto kong suntukin siya ulit. Parang bumagsak ang mundo ko sa isang iglap.
Kay Anna nya siguro nahanap ang bagay na diko maibigay..
KASALANAN KO BA?
Nang mga oras na iyon, kusa na lamang humakbang ang mga paa ko palabas sa hotel na iyon,habang tumutulo ang aking mga luha, at tiyak ko na sa oras na makalabas ako sa hotel na iyon..ay sya ring katapusan ng relasyon namin ni Xelo.
END OF 3 YEARS RELATIONSHIP
****
[Sa Mall]
3rd Person POV
Habang kumakain sila sa food court
"Bessy,sa tingin mo bagay ba talaga sakin yung damit na binili natin?"
tanong ni Jella sa kanya
"Bes, hindi ikaw ang may engagement party noh!feeling naman nito!haha!" kantyaw nya sa kaibigan
"Alam mo kase bessy, di kami close ng pinsan ko na ito eh..diko nga akalain na iinvite nya ako, kaplastikan!tsk!"
"Eh bakit naman kase aattend ka pa kung di mo naman pala close yang cousin mo at napaplastikan ka sa kanya?"
"wala lang,gusto ko lang din makita ang iba naming relatives at makita nila na mas maganda ako sa pinsan ko na 'yon hahahaha!"
"patawa ka talaga!"
"hey! e ikaw naman kamusta na ba? ano na, di parin ba nagtatapat sayo yung si Justin?" nakangiti nitong sabi
"wala e, hindi parin.."
Si Justin ay isa sa mga co-teacher ni Zera at naging sobrang close nila sa isa't isa. Kilala ito sa pagiging mabait at responsable—halos trabaho-bahay lang ang routine ng lalaki dahil nag-iipon daw ito para makabili ng sariling bahay at sasakyan, paghahanda para sa pamilya na gusto niyang buuin balang araw.
Dahil sa ugali nitong tila perpektong asawa, nahulog si Zera sa kanya—bagay na apat na taon na niyang itinatago. Lagi siyang pinupuntahan ni Justin sa faculty room kapag wala silang klase, at madalas silang magkwentuhan. Minsan, dinadalhan pa siya nito ng pagkain o chocolates. Pero sa kabila ng lahat, isang bagay ang napansin ni Zera—ni minsan, hindi siya niyaya ni Justin na lumabas para kumain o gumala. At dahil doon, hindi niya alam kung may kahulugan nga ba ang mga ginagawa nito, o simpleng pagiging mabait lang.
"Ay naku bessy! ikaw na kaya ang gumawa ng moves noh! baka torpe yang si Justin kaya di makapag tapat sayo"
napaisip syang bigla
"Bakit nga ba hindi?"bulong ng utak nya..
"Sige bes, next week ako na ang magtatapat sa kanya"
nangingiti si Zera at parang kinikilig sa iniisip na planong pagtatapat.
"ay weh?talaga ba?!!totoo yan ha!hay parang ako tuloy ang naeexcite, naku bessy wish ko talaga magka jowa ka na..balitaan mo ko agad ha?kung kayo na ni Justin" masayang wika ni Jella sa kaibigang si Zera
Dahil araw naman ng linggo ay nanood din sila ni Jella ng sine pagkatapos magshopping.
Nabawasan ang pagod na nararamdaman nya ng mga araw na sagad sya sa trabaho.