Chereads / Lucid High / Chapter 3 - 2:ANOTHER HEARTBREAK

Chapter 3 - 2:ANOTHER HEARTBREAK

[3rdperson POV]

6PM

Pagkauwi ng bahay galing sa pag shashopping at panonood ng sine kasama ang kaibigan,humilata sya sa kanyang maliit na couch,nakatira sya sa isang maliit na condo, tama lang ito para sa solo sa tulad nyang solo sa buhay,bukod sa may stable naman syang trabaho bilang teacher at taekwondo instructor,afford naman nya ang rent sa condo ito.Pero isa din sa pangarap nya ay magkaroon ng sarili nyang bahay...kasama ang kanyang magiging asawa at mga anak.

Medyo napagod sya sa gala nila ng kanyang bestfriend na si Jella, humihikab sya ng biglang tumunog ang kanyang cp.

TEXT MESSAGE

SIR JUSTIN - "Hi Teacher Zera!whaz up!"

Otomatikong sumilay ang ngiti sa mga labi nya ng mabasa ang text ng kanyang 4years crush.

"Hello Sir! kamusta naman?" reply nya

1week na nyang di nakikita si Justin, sobrang miss na din nyang makita ang magandang ngiti at aura nito. Hindi naman nya maitanong kung anong dahilan ng pag file ng leave nito dahil alam naman nyang wala sya sa lugar na alamin at nahihiya syang baka isipin pa e chismosa sya.

SIR JUSTIN- "Invite sana kita sa Wednesday, 7PM sa Sky Hotel. I hope na di ka mawala dun ha..coz you know naman special ka rin sakin."

SKY HOTEL? ano to? inaaya na ba nya akong mag date?

may kung anong kilig na naramdaman nya, proven inlove na nga talaga sya.

Ito na ba ang pinaka aantay nya??

May two days para mapaghandaan ang araw na iyon, dahil Sunday ngayon at bukas naman ay may work na naman kaya wala syang sinayang na oras.

Dali daling lumabas ng bahay para bumalik sa mall at bumili ng isusuot nya sa wednesday.

***

Isang plain and simple off shoulder white dress ang natipuhan nya, sa totoo lang hindi sya sanay magsuot ng mga dress o skirts,mga damit na masyadong feminine looks, pero para lang maimpress sa kanya ang lalakeng gusto nya ay gagawin nyang magsuot nito.

Medyo boyish sya pagdating sa panunoot, komportable sya sa mga pants at maluluwag na shirts kung wala naman talagang okasyon, at madalang naman syang makaattend sa mga party, sa mga school events lang ata ang nadadaluhan nya.

Gaya ngayon na suot lamang nya ay jacket at white tshirt sa loob at jogging pants.

Nag iikot ikot na lang sya sa mall bago sana umuwi, ng napansin nyang nagkakagulo sa bandang food court.

Anong meron? taka nyang tanong

"May hinostage!

"Yung Ale Diyos ko po!kawawa naman!!" - sigaw ng mga tao

Nagkakagulo sa mall, nagtatakbuhan ang mga tao, nagsisigawan..

Tinungo ni Zera ang pinagmumulan ng kaguluhan.

Isang matandang babae ang akap akap ng isang lalake na may hawak na patalim na nakatapat sa leeg ng babae.

Mababakas sa mukha ng matandang babae na nasasaktan ito, at matatanaw din na may kaunting sugat na ito sa bandang leeg dahil makikita ang pulang dugo sa leeg nito.

"Bigyan nyo ko ng pera! kailangan ko ng pera pampagamot para sa asawa ko!isang daang libo ang kailangan ko!!! "- sigaw ng lalake

Nagpalinga-linga si Zera, hinahanap ang mga pulis, pero wala pa ring dumadating. Mas lumalakas ang sigawan ng mga tao, may ilan pang nadapa habang nagtatakbuhan palayo.

Muli niyang ibinaling ang tingin sa lalakeng may hawak na patalim. Nanginginig ang kamay nito, kitang-kita sa mga mata ang desperasyon at takot.

"Bigyan niyo ako ng pera! Wala akong choice!" sigaw ng lalaki, mas idiniin pa ang patalim sa leeg ng matanda. Napapikit ito sa sakit.

Kinuyom ni Zera ang mga kamao niya. Kaya niyang gawin ang isang mabilis na disarming move para agawin ang patalim, pero delikado. Isang maling galaw lang, baka tuluyan nitong saktan ang hostage.

"Wala pang pulis, baka may magawa ako..." bulong niya sa sarili.

Mabilis niyang hinubad ang kanyang jacket, saka sumingit sa crowd. Ginamit niya ang natutunan sa psychology ng negotiation sa ganitong sitwasyon—kailangang pakalmahin ang kriminal bago gumawa ng aksyon.

"Kuya…" marahang tawag niya, inaangat ang mga kamay bilang senyales na wala siyang intensyong umatake.

"Alam kong nangangailangan ka, pero kung sasaktan mo siya, mas lalo kang mahihirapan kuya.. Hayaan mong matulungan kita."

Bahagyang lumuwag ang pagkakahawak ng lalake sa matanda. Napatingin ito kay Zera, parang ngayon lang niya napansin ang presensya nito.

"Anong matutulong mo?! Kailangan ko ng pera, hindi salita!" sigaw nito, pero halata ang pag-aalinlangan.

Dito napagtanto ni Zera na may pag-asa siyang ma-distract ito. Dapat siyang kumilos—at mabilis.

Bigla niyang hinagis ang jacket sa mukha ng lalake!

Dahil natakpan ang mukha ng lalake,nagpanic ito kaya nabitawan ang babae.. mabilis ang moves na ginawa ni Zera, sinipa nya ng malakas ang kamay ng lalake kaya nabitawan nito ang hawak na patalim, sabay inundayan nya ng malakas na sipa din sa tiyan ito.

Napatumba ang lalake, di agad ito nakagalaw at hawak hawak ang tiyan sa sakit. Saka naman nagsilapit ang mga security guards, doon din ang syang pagdating ng mga pulis.

Lumapit din ang mga pulis sa lalake at mabilis itong pinusasan.

Nagpalakpakan ang ilang tao sa paligid.

Nakahinga sya ng maluwag, nailigtas nya ang hostage.

Plano na sana nyang umalis sa lugar na yun upang umuwi, pero nilapitan sya ng matandang babae na nailigtas nya.

"Iha, maraming maraming salamat nga pala sayo" sincere na sabi nito

"Wala po iyon Nay,kahit po sino gagawin din ang ginawa ko, okay lang po ba kayo? may sugat po kayo sa leeg"

"wala ito iha, ayos lang ako.." sabay hawak ng matandang babae sa leeg nya.

May dinukot si Zera sa kanyang bulsa, inilabas nya ang kanyang panyo.

"Nay, saglit lang po"

Lumapit sya sa matandang babae at itinali ng bahagya ang kanyang panyo sa leeg nito.

"Pagkauwi nyo po, gamutin nyo po agad yang sugat nyo ha"

"Teka iha, ako din may ibibigay sayo..wala kase akong kahit anong bagay o pera tanging ito lang ang maibibigay ko sayo, akina ang kamay mo."

Mula sa isang maliit na bag nito, isang bracelet na yari sa itinirintas na pulang tali na may tatlong puting bato na palawit ito.

Isinuot ito sa kanya ng matanda sabay sabi...

"Para sayo ito,munting regalo ko sayo iha, itong tatlong bato na nakasabit sa na iyan ay tinatawag na "Dreamkeeper's stone".

"Dreamkeeper's stone po? bigla tuloy sumagi sa isip nya ang kanyang paglulucid dreaming"

Alam ba ni Nanay na naglulucid dreaming sya kaya sya binigyan ng ganitong bagay?

Bigla syang wala sa sarili na napailing "Ofcourse not!nagkataon lang syempre!" di sinasadyang naibulalas nya.

"Ha? bakit iha di mo ba nagustuhan?"

takang tanong ng matandang babae

"Ay hindi po!gusto ko po Nay, ang ganda nga po eh..salamat po, mag iingat po kayo Nay sa pag uwi ha"

"Sige iha,ikaw din salamat ulit..pupunta din ako sa presinto dahil hinihingian ako ng testimonya sa nangyari dito."

***

[Sa bahay]

Pakiramdam ni Zera ay napakahaba ng araw na ito, medyo nakaramdam sya pagod. Napahimas sya sa tiyan nya...

"Oo nga pala di pako nakakapag hapunan..nagmeryenda lang kami ni Jella kanina." sabi nya sa sarili

"Tiisin ko nalang ang gutom ko,kailangan ko magdiet para sa wednesday hindi lumabas ang bilbil ko hihihi"

Kinuha nya sa paper bag ang damit na binili nya, humarap sya sa whole body mirror at itinapat ang damit sa kanya...

"Sana magustuhan nya.."

Tinutukoy nya ay si Justin

Bigla din syang napatingin sa braso nyang sinuotan ng matandang babae ng bracelet.

"hmm..cute mo naman e, dreamkeeper's stone..what a nice name huh?" masaya nyang sabi na akala mo ay kinausap ang bracelet na suot.

Inilagay nya ang damit sa cabinet at sya naman ay pumunta sa banyo para makapag shower saglit bago matulog...

***

"Gosh! Am I dreaming again?But everything feels so real! the cold air, the scent of the flowers..this shouldn't be possible!"

Kanina,parang blurred pa ang paningin nya,laking gulat nya ng makita ang sarili na nasa loob sya ng flower shop at nakaupo sya mismo sa pwesto ng cashier..

Nag iisa lang sya.

"hala!anong ginagawa ko rito? saan naman ito this time?bakit nasa loob ako ng flowershop?ngayon naman tindera naman ba ako?florist?"

patuloy na tanong nya sa sarili.

Biglang may pumasok na lalake sa flowershop..

"Ahm- Miss..can you recommend a flower for someone I really missed.?I don't have any idea kase e kung anong magandang ibigay.."

"Ah Sir,you can give your girlfriend a bouquet of Pink Camellia, Pink Camellia symbolize longing for someone!"

Nakangiti nyang sagot sa lalake habang hawak ang Pink Camellia.

WAIT!! napanganga sya..Una, nagulat sya dahil may kumausap ulit sa kanya sa panaginip, pero mas lalong nagulat sya na alam nya ang meaning ng bulaklak, sa totoong buhay ay wala syang alam sa mga bulaklak maliban sa roses at sampaguita,pero di nya alam ang mga kahulugan nito.

"Ah sige Miss, isang bouquet nga ng flower na yan" sabi ng lalake.

Pakiramdam nya ang cool cool ng nagagawa nya sa panaginip.

"hays,kung pwede ko lang isama si Jella dito, ang saya siguro.."

"Teka, di pako nagising ng kausapin ako ng lalakeng bumili kanina ng flower, mukhang nag a upgrade na ang lucid dreaming ko..ibig sabihin mas nakokontrol ko na ang panaginip ko?! wow!!!"

Tumayo sya, at lumabas sa flowershop

"dreamworld ko lang naman to,wala naman sigurong magnanakaw na papasok dito sa shop.Makagala nga muna habang di pako nagigising"

Isinara lamang nya ang pinto ng flowershop, may nakasulat na pangalan ang shop pero di nya talaga ito mabasa.

"Bakit kaya ganon, parang malinaw naman ang sulat pero diko talaga mabasa pag uumpisahan ko ng basahin..o kahit aninag diko magawang mabasa kahit isang letter....ang weird talaga, almost perfect na sana eh."

Naglakad lakad sya, hindi talaga familiar sa kanya ang lugar..hindi nya alam kung nasaan ba sya, kung nag eexist ba sa mundo nya ang lugar na ito ay di nya rin alam....

"Hindi ko naman kailangan mag alala kung maligaw ako, tiyak naman na magigising din ako.."

pampalakas loob nya sa sarili..

Sa kanyang paglalakad, may nakasalubong syang grupo ng kababaihan,mga bata pa ito tingin nya'y mga senior high school students lamang ito.....mga mukhang siga ito at mukhang mga maldita.

Napahinto sya, dahil bigla syang hinarang ng mga ito..

ANO NAMAN TO?

"Girls,Ito ba yung papansin ba kamo kay Leo na taga Section B?" nakataas pang kilay na sabi ng babaeng may nguya nguyang bubble gum..

"Oo, sya nga!"sagot ng isa

ANONG PINAGSASABI NG MGA ITO?

-bulong sa sarili ni Zera

"Hoy babae! wag kang ambisyosa ha.. di ka magugustuhan ni Leo, at boyfriend na yun ni Kyla kaya tigilan mo na sya ha!!sasamain ka samin!" bulyaw nito sa kanya.

"Girls, ano bang pinagsasabi nyo?sorry but I really don't understand"

"HAHHAAHHAHAHA!ano daw girls?!!!minamaliit ba tayo neto?!"

Nagtawanan ang mga babae na nasa bilang na anim lahat.

"Gusto mo bang masaktan?!!" bigla itong sumugod sa kanya at akmang sasampalin sya pero dahil mabilis si Zera ay naiwasan nya ito.

Nagulat din sya, di sya makapaniwala na sa mismong panaginip nya ay mapapaaway sya.

"Siguro ay dahil galing din ako sa away sa waking life ko.." sabi nya sa sarili

"diba ganon daw yun, kung anong ginawa mo o pinanood e pwede mong mapanaginipan" dugtong nya

KAHIT BA NAMAN SA PANAGINIP MAY MGA BULLY?

"Mga miss, una diko kayo kilala at pangalawa diko kilala yung Leo na sinasabi nyo, saka di ako taga rito...dayo lang ako, kaya please pwede ba tigilan nyo 'ko?" malumanay nyang sabi sa mga babae.

"Aba at talagang nagmamaang maangan kapa ha! kayo! hawakan sya!" sigaw ng isa pang babae.

"Oops! Oops! wag nyo akong hahawakan, papatulan ko na kayo nyan.."

Isa isang naglapitan ang mga babae sa kanya, pero lahat ay kanyang naiiwasan, dahil desperado na ang mga ito ay kanya kanya na din itong dampot ng mga bagay na pwedeng ipanakit sa kanya.

May kumuha ng bote, merong kumuha ng kahoy, sa kanan nya ay may umaktong sisipain sya pero kanya itong nailagan,sa kaliwa naman ay inambahan sya ng bote pero mabilis syang nakailag at gumanti sya ng sipa na ikinabagsak ng isang babae..Sa harapan nya ay may isang babae na susugod sa kanya para hampasin sya ng kahoy...

"DI NA TO PWEDE AH...PIKON NAKO!"

Sigaw ni Zera

Hawak ang mataba at mahabang kahoy, patakbo itong sumugod kay Zera..

"Yaaahhhhhh!!!!" malakas na boses ng babae

parang nag slowmo ang mundo, habang palapit ang babae, nag ready sya..

Nangmakalapit na sa ito sa kanya ay binigyan nya ito ng double roundhouse kick, isang sipa sa bandang balakang ng babae at isang malakas na sipa sa hawak nitong kahoy na ikanaputol at ikinatalsik ng hawak nito.

Nagulat ang mga kalaban at ang mga nasaktan nya ay halos di makagalaw.

Nakaramdam ang mga ito ng takot.Hindi nila akalain na kaya nyang lumaban.

Hindi naman siguro ako matatanggal sa trabaho ko o makukulong dahil sa pagpatol sa mga bully na to?

Pero bakit ganito, napagod din ako ah..saka ang daming ginawa sakin ng mga to, bakit di parin ako nagigising.?taka nyang tanong sa sarili

"SO ALL THIS TIME, PRETENDING WEAK KA LANG PALA?!" - biglang kung saan ay may nagsalita, boses ito ng isang lalake

Nilingon nya ang pinagmulan ng boses, sa bandang likuran nya.

Laking gulat nya, dahil ang lalakeng ito ay iyon ding lalake sa school park na sinungitan sya dahil sa kalat nya.

"IKAW?!" gulat na wika ni Zera

"Oo ako nga..." nakaismid na sabi nito

"LEO!!!!!?" sabi ng isang babae.

Napanganga si Zera..

"Ikaw si Leo????!"

****

Napabalikwas ng bangon si Zera, para syang pagod na pagod ng magising.

Uminom sya ng tubig na nasa tabi ng kama nya.

"Oh my, ang weird na ng lucid dream ko ah..yung guy???sya yung leo?saan ko ba sya nakita sa waking life ko na ito at bakit nakikita ko sya sunod sunod sa panaginip ko..artista kaya yun?o baka athlete? pero hindi e, diko sya tanda.."

Napatingin sya sa alarm clock nya..

"WHAT THE?7AM?!!!"

Nagmamadali syang tumayo para magbihis..30minutes nalang ay late na pala sya sa klase nya.Dahil wala ng oras ay hindi na sya naligo, naghilamos at palit ng damit nalang sya.Buti nalang at nasa 10minutes lang ang layo ng tinitirhan nya sa school na pinapasukan.

"Grabe naman di ako nagising sa alarm.."

****

Two days have passed...

This is the DAY!!

6:45PM

She slipped into the pristine white off-shoulder dress, the soft fabric caressing her skin. The neckline gracefully framed her collarbones, lending an air of understated elegance. The dress's simplicity highlighted her natural beauty, making her feel both confident and poised for the evening ahead.

"AY PAK!SURE NAKONG MAIINLOVE SYA SAKIN" birong totoo nya sa sarili

Sigurado naman syang napakaganda nya ng mga oras na iyon, bagay na bagay ang damit na nabili nya sa kanya, maiksi lang ang kanyang buhok bagay na nagpalabas sa maganda nyang balikat.

Dala ang isang magandang ngiti sa mga labi, tinungo nya ang restaurant ng Sky Hotel..Napakaganda at aliwalas ng restaurant,mukhang mamahalin talaga.. nagtaka sya pero parang ang daming tao sa loob na parang magkakakilala lang dahil nakikita nyang nagbabatian ang mga ito, hinahanap nya si Justin kung saan ito...

Biglang..

"Bessy??Zera??!!!what are doing here?!" gulat na tanong ni Jella sa kanya

Sya din ay nagulat, hindi nya akalaing makikita doon si Jella.

"I-ikaw a..anong ginagawa mo dito bessy?"..may kung anong sagot na sa utak nya pero pinipilit nyang ignorin ito.

MALI LANG AKO NG INIISIP SYEMPRE...bulong nya sa sarili

"Remember, engagement party ng cousin ko...ikaw?!"

Mabubuo palang sana ang konklusyon sa utak ni Zera ng sa di kalayuan, nahagip nya ang taong hinahanap...

Kumaway ito sa kanya, napakaganda ng ngiti ni Justin...pero katabi nito ay ang nakasabit pang kamay ng pinsan ni Jella sa mga braso nito.

Bigla namang napatingin si Jella sa parang nanigas sa kinatatayuang si Zera.

"Bessy?NO!tell me, hindi sya yung tinutukoy mo sakin....Oh my Gosh! Akala ko magka name lang sila.."

gulat na gulat si Jella, para din itong binuhusan ng malamig na tubig sa pagkabigla

Never pang nakita sa personal ni Jella si Justin, tanging sa mga kwento lang ni Zera ito nakilala.Kahit apelido ay walang alam ang matalik na kaibigan.

Akala nya kanina ay nagkataong kapangalan lang ng crush ng kaibigan ang fiancé ng pinsan nya.

Higit sa lahat,si Zera..parang bumalik ang sakit na naramdaman nya 6yrs ago..mula sa isang text message at sa hotel na naman...

Ang pagkakaiba ay sa oras na ito ay wala naman syang karapatang magalit o lalo na ang masaktan dahil di naman nya talaga boyfriend ang lalake..

Tumulo ang kanyang mga luha,bago pa sya mapuntahan ni Justin sa pwesto nya ay dali dali syang lumabas , hinabol naman sya ni Jella.

"Bessy, I'm sorry..diko alam.." sincere na wika ng kaibigan

Humugot muna sya ng malamin na paghinga bago sya nagsalita..

"I'm okay bessy, don't mind me..pumasok ka na sa loob, baka hanapin ka ng mga relatives nyo..sabihin mo nalang ka-kay Justin biglang sumakit ang tiyan ko..okay? Thanks kamo sa invitation" isang pilit na ngiti ang binigay nya sa kaibigan

"Okay bessy,..di na kita aayain sa loob dahil di naman ako tanga para di malaman yang nararamdaman mo ngayon, umuwi ka magpahinga ha..let's talk later"

inakap pa sya nito, na lalo tuloy parang gusto nyang umiyak ng umiyak..

Bago pa sya humagulgol sa harap ng kaibigan, at makagawa ng eksena ay iniwan na nya ito.

Sa loob ng taxi na nya nailabas ang sama ng loob..

Napapatingin na sa kanya ang driver.

"Miss okay ka lang?"

"Opo, kuya ..." magalang nyang sagot

Napapailing na lamang ang driver at pinagpatuloy nalang ang pagmamaneho.

Pagdating sa bahay, doon nya ibinuhos ang buong sama ng loob nya.

Humagulgol sya, pinagsusuntok nya ang kanyang unan..umiyak sya ng umiyak..

UMASA LANG PALA AKO..

ONESIDED LOVE LANG PALA..

ANG BOBO KO..

ANG TANGA KO SA PART NA DIKO ALAM ANG PAGKAKAIBA NG MAY PAGTINGIN O SADYANG MABAIT LANG

ASSUMERA KASE AKO!

Binuksan nya ang ref, maghahanap sana sya ng alak na maiinom, nakakita sya ng beer,pero nag iisa lang ito....dala lang iyon ng kanyang bestfriend ng minsang bumisita sa unit nya na may kasamang fried chicken na pinagsaluhan nila.

Ininom nya iyon, baka sakaling mabawasan ang sama ng loob nya...

Pagkatapos nyang inumin, agad agad syang nagmadaling humiga....

Umaasa sya na makapasok sya sa kanyang panaginip at sana'y dalhin sya sa magandang lugar upang kahit saglit ay makalimutan nya ang sakit na nararamdaman nya.