Chereads / Lucid High / Chapter 4 - 3:ESCAPE FROM REALITY

Chapter 4 - 3:ESCAPE FROM REALITY

***

[Zera POV]

Kinuskos ko ang aking mga mata at inilibot ang paningin sa kapaligiran.

"Dreamworld?? "

Bago ako matulog ay hiniling ko na sana'y makapunta naman ako sa magandang lugar, lugar na mala paraiso ang ganda.... lugar na maaari akong makalimot sa sakit na aking nararamdaman kahit SAGLIT.

Pero ano to? bakit ako nandito?

Ako ay nasa isang --- PALENGKE??

Tapos ano itong bitbit ko? supot na may isda at gulay???

BUWAHAHAHAHAHHA!!!!!!

Hindi ko napigilan ang matawa ng malakas, halos naluluha ako kakatawa..

panong hindi ka matatawa, hiniling ko na sana managinip naman ako ng isang magandang lugar na parang paraiso...pero eto ako nasa palengke at mukhang literal na namalengke??

NAPAKA RANDOM DIBA?

Tumigil lang ako sa pagtawa ng mapansin kong, pinagtinginan ako ng mga tao sa palengke, naconscious tuloy ako bigla dahil baka iniisip nila na isa akong baliw.....dati pag naglulucid dream ako ay para akong invisible lang, parang dadaanan lang ako ng tingin ng mga tao pero parang tagusan ang tingin nila sakin,pero itong mga nagdaang linggo sobrang realistic na ng panaginip ko..napapansin nako ng mga tao na nasa panaginip ko..nang kelan nga ay napaaway pa ako....siguro ay tumataas na din ang ability ko sa paglulucid dreaming.

Nangingiti parin ako habang palabas ng palengke, di ako makaget over dahil sa bitbit kong plastic ng isda...

"Saan ko naman dadalhin itong isda na to?"

"Subukan ko kayang magtanong kung nasaang lugar ako?"

Kaso baka magising ako kaagad.Ilan beses ko na ngang sinubukan noon na magtanong kung nasaan ako pero sasagot palang ang kausap ko e bigla na akong nagigising, kaya mula noon diko na sinubukang magtanong.

Isang bata ang lumapit sakin..madungis ito at nakayapak lang.

"Ate bili ka na po nitong basahan pang ulam lang po namin..sige na po.."pagmamakaawa nito

Kahit sa panaginip ko ay may mga dukha parin pala..wala talagang perpektong mundo..

Kinapa ko ang mga bulsa ko pero wala akong pera o kahit barya manlang.

Panaginip nga lang talaga to haysss, wala akong pera?paano ako nakabili ng isda at gulay kung wala akong pera? SYEMPRE PANAGINIP NGA LANG...

ang gara naman gumawa ng kwento ng lucid dreams ko..di manlang ako ginawang mayaman....

"Boy, pasensya na ha wala akong pera eh...pero ito oh, sayo na to.." nakangiti kong abot ng plastic sa bata.

"Hala!ate sigurado ka po ba?!paano ka po?" parang nag aalangan pa itong tanggapin ang inaabot ko

"Naku ayos lang, sayo na yan..di ko yan kailangan..dalhin mo na yan para may iulam kayo ng pamilya mo.."

"Maraming maraming salamat po ate!! matutuwa sila Nanay nito, paborito din ito ng kapatid kong bunso eh..salamat po ate!napakabuti nyo po!" - sobrang saya ng bata na tinanggap ang plastic na may isda at gulay.Halos di din ito matigil sa pagpapasalamat sakin.

Tumakbo na ang bata palayo, masaya itong nagmamadaling umalis.

Habang naglalakad, nakakita ako ng karinderya..As usual, di ko mabasa ang nakasulat. Pero sure naman na kariderya ito dahil may mga kumakain.

*burrrrghh* napahawak ako sa tiyan kong kumukulo, ano to pati ba naman sa panaginip nakakaramdam ako ng gutom?? never ko pa natry na kumain sa panaginip, diko alam pero nagugutom talaga ako..

Magigising na siguro ako dahil sa gutom na nararamdaman ko..

Hawak ang aking tiyan,nakatitig ako sa karinderya, napapalunok ako..

"gutom nako talaga" naisatinig ko

"Ang lakas ng loob mo na ibigay sa batang pulubi yung pinamalengke mo, pero ikaw nagugutom?!" sabi ng pamilyar na boses

Napalingon ako sa kanya..

Sabi na nga ba.. SYA ULIT.

"Leo??ikaw si Leo diba??"

Bakit palaging nasa panaginip ko ang lalakeng ito..?anong koneksyon ko sa kanya?

"May split personality ka ba?" tanong nya sakin pero boses inis.

"Ha?paano mo naman nasabi?Saka bakit ba palagi kang nagpapakita sa panaginip ko???"

"Panaginip?" takang tanong nito.

"Parang gusto ko ng kiligin ata ha..napapanaginipan mo pala ako..anong ginagawa natin sa panaginip mo?" dugtong nito na may halong pang aasar..ngumisi ito ng nakakaloko, pero sa totoo lang napaka gwapo pala talaga ng binatang ito.

Erase!Erase!!!Zera yang utak mo ha!green minded ka!! child abuse yan!bata pa yan! - saway ko sa utak ko.

"No! What I mean is,..like ngayon at nakaraan nakita kita..palagi kitang nakikita...diba?!"

Sino ba kase itong lalake na'to?ano ba ito, ligaw na kaluluwa kaya nasa dream world?diko sya talaga kilala.

*burrgggh*

Napahawak na naman ako sa aking tiyan dahil biglang kumulo na naman.Feeling ko ay narinig din ito ng lalakeng kaharap ko.

"Nagugutom na talaga ako eh..may pera ka ba dyan?" pilit akong ngumiti sa kanya, nilakasan ko lang ang loob ko..hindi ako sigurado kung bigla akong magigising pagkatapos ko itanong yun...

Poker face ang reaksyon nito..

Bigla akong hinawakan sa kaliwang kamay..napatingin ako sa kamay ko na hawak hawak nya, at bigla kong napansin na suot ko pala ang Dreamkeeper's stone bracelet na bigay sakin ng matandang babae na tinulungan ko.

Ang weird, dahil tuwing nananaginip ako ay wala akong sariling gamit ko na nadadala sa panaginip ko, kahit ang suot ko na damit ay di ko talaga pagmamay-ari sa real world.

Pero this time ay suot suot ko ang bracelet na alam ko akin talaga..

"Tara!sumama ka! - sabi nito habang hawak ang aking kamay.

May kung anong kuryente akong naramdaman, parang gumapang ito sa buo kong katawan.

Hawak hawak ang aking kamay, sumama ako sa lalakeng ito..

Dinala nya ako sa isang park, pinaupo ako sa isang bench..

"Antayin mo ko dito!" sabi nito

*Ilang minuto bumalik si Leo*

"Oh! kainin mo!" inabot nito ang sandwich sakin at bottled juice, hindi ko mabasa kung anong juice ang binigay nya sakin pero sa kulay nito ay sure akong orange juice ito.

Inumpisahan kong kainin ang sandwich, laking gulat ko dahil nalasahan ko ito..

"Ang sarap!" naibulalas ko

Naweirduhan ako, kahit sa panaginip ay may panlasa ako..ang weird talaga.

Magana kong kinain ang bigay na pagkain sakin ni Leo..

"Maraming salamat sayo ha, diko akalain na makakaramdam ako ng ganitong gutom" sincere ko na sabi sa kanya.

Tumitig ito sakin, titig na may halong pagtataka sa mga mukha..

"Ba-bakit ka nakatitig sakin?" nacoconscious ako sa titig nya, para akong malulusaw..

"Malapit ko na talagang isipin na may kakambal ka..." mahinang sabi nito

"Ha??kakambal?..bakit naman?"

nagtaka din ako sa sinabi nya.

"hmmm..ewan.." seryosong sabi nito

Napatingin ako sa di kalayuan,may mag kasintahan na sobrang sweet sa isa't isa..nagsusubuan pa ang mga ito...

Bigla kung ano ay naalala ko na naman ang sakit na dala dala ko..

Diko namalayan, habang nakatitig sa dalawang naglalambingan ay tumutulo na pala ang aking mga luha..

"Anong meron? bakit umiiyak ka?" nagtaka naman ang katabi ko sa bigla kong pag iyak.

Humagulgol ako, inilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko, ang lungkot na aking nadarama..di ko na ito pinigilan..Tutal hindi naman ako kilala ng mga taong nandito, taong gawa lamang ng imahinasyon ko, mga taong ilusyon lamang..

MGA TAONG HINDI TOTOONG NAG EEXIST

Umiyak ako ng umiyak, nagulat si Leo sa inakto ko.

"Sorry ha, ilabas ko lang ang bigat na nadarama ko..Ang sakit kase eh, masyado akong assumera!!nag antay ako ng apat na taon, akalain mo yun apat na taon sa wala!" Humihikbi hikbi pa ako habang nagpapaliwanag

"Anong pinagsasabi mo?sino ba ang tinutukoy mo?" naguguluhang tanong ni Leo sakin

"Yung lalakeng minahal ko ng lihim, apat na taon kase akong nag antay sa kanya e... pero wala pala akong mapapala dahil di nya ako gusto."

Dagdag kong tugon

Biglang parang nagdilim ang mukha ni Leo, parang sumingkit ang mata nito.. sabay sabing...

"Iba ang gusto mo??.....HINDI PALA AKO??"

Nagulat ako sa sinabi nya..

Napatitig ako kay Leo..

"Ha???Anong----"

****

kringggggg krinnnggggg

Napadilat si Zera sa tunog ng alarm clock.

"Ang weird ng panaginip ko..

Masyadong realistic"

Kahit wala parin sya sa mood, ay pinilit nyang bumangon para pumasok sa trabaho.

Hindi nya hahayaan na masira ang trabaho nya ng dahil sa kamalasan nya pagdating sa pag-ibig.

Sinilip nya ang kanyang cp bago lumabas ng bahay, nakita nyang may sampung missed calls ang kaibigang si Jella, sa dami ng missed calls nito ay di manlang sya nagising kagabi.

May mga text din ito, binasa nya ang ilang text message ng kaibigan.

TEXT MESSAGE

10PM

BESSY J- "bessy, how are you? nag aalala ako sayo. Sana okay ka lang.

10:20PM

BESSY J- "tulog ka na ba?pag nagising ka, message mo ko agad ha.

12:05AM

BESSY J-"Di ako makatulog, pati kase ako di makapaniwala.

12:15AM

BESSY J- "Sleepwell bessy!"

Pagdating sa faculty room ay iminessage naman nya agad ang kaibigan.

After school, nagkasundo sila ng kanyang bestfriend na si Jella na magkita

[Sa isang coffee shop]

"Bessy, talaga bang okay ka lang?"

tanong ni Jella sa kanya

"Oo naman bessy, don't worry about me..okay naman ako..saka nailabas ko na lahat ang luha ko ata." nakangiti kong sabi

Naalala nya ang kanyang lucid dream, pakiramdam nya ay naging malaking tulong ang panaginip nyang iyon, nailabas nya ang lahat ng luhang gusto nyang ilabas. Naalala nya yung Leo na palaging nasa panaginip nya, may kung anong parang gusto nya ulit itong makita..Nakaramdam din sya na di sya nag iisa ng mga oras na iyon.

Makikita ko kaya sya ulit pag natulog ako???- tanong ng utak nya

Nakaramdam sya ng excitement sa pagtulog..

"Paano mo naman nailabas, nagwalwal ka ba kagabi??" tanong ni Jella

"Hindi, nailabas ko sa panaginip ko"

Sya namang totoo

Natawa bigla si Jella sa sinabi nya

"Ikaw talaga, broken hearted ka na..puro kapa kalokohan."

"Bess,naranasan mo na rin bang magkalucid dreams? -tanong ni Zera

"hmm..well, oo minsan naranasan ko,aware kase ako nun na nananaginip ako..pero saglit lang agad naman akong nagising...pero diko na halos matandaan kung kelan yon.."

"yun bang nakikita mo sa panaginip mo e mga kakilala mo?"

"hindi ko matandaan bessy eh,sorry..matagal na talaga e" - sabay higop nito ng kape.

"Ah ganoon ba?"tumango tango sya

"Bakit??don't tell me, napaka active mo parin sa paglulucid dreaming?"

Alam ni Jella ang tungkol sa paglulucid dreams nya,

Ilan beses na syang nagkwento dito, actually si Jella pa ang kasama nya sa library upang maghagilap ng mga books patungkol sa lucid dreaming.

"Bessy, feeling ko mas lalo pang tumaas ang ability ko sa paglulucid dreaming..mas nagmukhang realistic ang dream world ko."- seryosong sabi ni Zera

"Bess, sure ka bang okay ka lang??..Nagwoworry nako sayo e, bess, gusto mo bang samahan kitang magpakonsulta sa psychiatrist?" - hinawakan ni Jella ang dalawang kamay ng kaibigan na nakapatong sa kanilang table.

Makikita naman sa mata ng kaibigan ang sinseridad nito, alam nyang nag aalala lang talaga sa kanya ang kaibigan.

"Don't ever think na iniisip ko na papraning ka na or something ha, hindi ganon ang iniisip ko...sakin lang baka dahil sa mga past at present trauma mo kaya nangyayari yang lucid dreaming mo na yan...baka mamaya dahil sa gusto mo lang takasan ang mga problema mo sa mundo na ito, kaya gumagawa ka na ng sarili mong mundo...yung ganon ba.." -mahabang paliwanag ni Jella

Sariling mundo?? yun na nga ba ang ginagawa nya..?

Napaisip bigla si Zera sa tinuran ng kaibigan, parang feeling nya ay may punto naman ang mga sinabi nito,

"PAST AT PRESENT TRAUMA"

Mula sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang, magulong tahanan na kanyang tinirhan, pagkawala ng koneksyon sa ama nyang sobra na nyang namimiss at sa dalawang beses na nasirang pag-ibig.

Baka dahil sa mga pinagdadaanan nya sa buhay kaya nangyayari ang lucid dreaming nya.

Dahil sa STRESS at DEPRESSION lang ba talaga?

"Salamat bess, salamat sa concern mo..hayaan mo, pag iisipan ko yang sinabi mo."

Nagpapasalamat sya na nagkaroon sya ng matalik na kaibigan na katulad ni Jella, mula pagkabata nila hanggang sa nag asawa ito at nagkaanak ay di parin sya kinakalimutan..Ito ang kanyang naging sandalan sa oras ng kanyang mga kalungkutan.

Sa kabila ng napag usapan at sinabi sa kanya ni Jella, may part parin sa puso't isipan nya ang excitement sa paglulucid dreams dahil pakiramdam nya ay nasa ibang mundo sya.

'Mundo na di ako sigurado kung gawa gawa ko lang ba talaga?' -bulong nya sa sarili.

****

10PM

Oras ng pagtulog, Excited si Zera na maglucid dreaming..

11PM

Di parin sya makatulog..

12AM

Gising parin ang diwa nya..

"Bakit di ako makatulog?"

"Gusto ko ng matulog"

Mukhang inaantok na din naman sya dahil humihikab hikab na sya, maya maya ay bumigat ang talukap ng kanyang mga mata..

Hanggang sa tuluyan na syang nakatulog....

Ngunit...

**krrinngg krringgg**

Nagising na sya ng umaga na di nanaginip ..

Bakit di ako nanaginip??

Para syang nanghinayang sa isang gabi na wala syang panaginip at di nakapag lucid dream.

AT ISANG LINGGO PA ANG NAGDAAN

Nagtaka na si Zera kung bakit hindi na sya makapag lucid dreams.

Nawala na ba ang ability nya rito?

Bakit ganon sa puso nya ay nakakaramdam sya ng pagkamiss sa lugar na di naman nya talaga alam at tingin nya'y di naman talaga totoo.?