Chereads / ISLA (BL Series) / Chapter 4 - CHAPTER 3: The Real feelings

Chapter 4 - CHAPTER 3: The Real feelings

Yuhan's Pov.

[Flashback!]

"Uyy!!..ginagawa mo?"- sabay tulak ko sa kanya.grabii dumikit ba labi namin?

"Sorry diko sinasadya napati-"- diko kona pinatapos pa ang sasabihin niya at umalis na. Para kumuha ng tubig at uminom ng marami.

[END OF FLASHBACK]

Matapos ang nayari ka gabi nagkailangan na kami ni Kevin halos diko siya matignan pero bakit ganun? Nagkakagusto naba ako sa kapwa ko lalaki? Hindi to pwede mali to.

"Uyy!!kevin dalhin mo tong lambat saka sumunod ka nalang."- utos ko sa kanya.

"Yu-"- sasalita pa sana siya kaso pinigilan kona.

"Wag kana mag salita yung kagabi accidente lang yun ok?"- paliwanag ko sa kanya.

"Pero di naman yun ei yung suot mong stenillas mali yung kaparis"- saad niya at tinignan ko yung stenillas ko totoo nga. At tinignan ko siya ngumiti ang mukong sabay alis.

" sige mauna nako nag hahantay na si tito sumunod ka nalang!"- saad niya habang suot suot ang ngiting pang aasar sa mukha.

"Aahhhhhhh!! Nakakahiyaaa!! Boseyyt ka talaga kevin!"- nangingitngit kong saad habang papalyo siya. Kinuha kona yung kapares ng stenillas ko at sumunod sa kanila.

Halos mga aabotin narin kami ng tangahli kaka lagay ng lambat at gawa ng pain sa mga isda habang malapit na kami matapos may napansin akong kulay puti sa dulo ng dalampasigan. Hindi siya madaling makita kaya paman hinayaan ko nalang. Matapos ang sandali natapos na kami at napagdesisyonan ng umuwi para mananghalian. Gaya ng dati masaya parin kami ng dumating si Kevin samin maslalong naging masigla ang tahanan namin. Parang anak na ang turing nila mama at papa sa kanya at tinuturing na din namin siyang parte ng pamilya. Matapos ang tanghalian nandito kami ni yuhan sa ilalim ng malaking puno sa baba ng bahay namin.

"Saan na kaya yung gamit ko parang diko na yata makikita yun."- saad niya sa kawalan.

"Makikita mo din yun sigurado ako, pag nakita mo aalis kana ba agad?"- tanong ko sa kanya.

"Hindi my importanteng bagay dun na kailangan ko makita at macheck mahalaga yun sakin"-saad niya.

"Ahh...so iiwan mona pala kami pag nakita mo yun"- malungkot na saad ko.

"Hindi ganun yun may importante bagay padin naman akong babalikan sa syudad."- saad niya parang feeling ko pinapagaan niya ang pakiramdam ko.

"Ok iidlip muna ako "saad ni Kevin kaya iniwan ko muna siya sa ilalim ng puno.

Makalipas ng ilang linggo hindi padin nahanap ni Kevin ang gamit niya hanggang sa naiisip ko na may nakita akong bagay nuon sa isang tagong lugar. At napag isip isip ko na baka yun na ang yate ni Kevin.

"Kevin tara samahan muko nung nakaraan my nakita akong puting bagay noong nakaraang linggo nakalimotan ko lang sabihin sayo nun."- saad ko at sinundan naman ako.

"Uyy may binabalak ka sakin ?"- saad niya na nag aalangan lumapit sakin.

"Tingin mo sakin mapagsamantala?"- saad ko na seryong tinignan siya.

"Malay natin nakaraang gab-"-

"sige ituloy mo talagang magkakaroon ako ng balak sayo na itulak ka sa bangin." Pag puputol ko sa mga susunod pang lalabas sa bibig niya. Hanggang sa matanaw kona ang bagay nayun.

"Kevin ayun ohh!"- saad ko sabay turo sa kinaruruonan ng puting bagay.

"Ang yate!! Sawakas tara dali!!"- masayang saad niya at mabilis namin pinuntahan. Ngunit nabigo siya yun nga ang yate pero wala naroon ang gamit niya tanging my kumuha or natangay na iyon ng alon sa dagat.

"Pasensya kana Kevin sana nung una sinabi kona yun agad sayo."- pahihingi ko ng tawad sa kanya.

"Anu kaba kahit naman sinabi mo agad di padin natin alam kung nandon yun or wala na kaya wala kang kasalanan sadyang ganun lang talaga ang buhay hayaan muna magbabakasakali nalang tayo ulit namakakatawag sa kaibigan ko sa susunod na araw."- saad nito na pilit ngumingiti.

Makalipas ng ilang araw ganun padin ang buhay walang pag babago. Naging masamsaya kami lalo na yung pamilya namin na matatagalan pa yung alis ni Kevin nakapalagayan na siya ng loob masasaktan sila papa at mama lalo na mga kababatang kapatid ko pag umalis siya. Patagal ng patagal ang paglipas ng hanggang sa naging kaarawan na ni Kevin. Naghanda kami ng surpresa nila mama at papa para sa kanya. Gamit ang mga isda na huli namin nagkaroon kami ng handa ibat ibang handa yung iba pinagpalit namin sa palengke para hindi lang isda ang maging handa niya.

Kevin's pov.

Halos tinanghali nako nagising. Pagmulat ko nag unat muna ako ng bigla akong naka amoy ng mabango at masarap na inihaw na pugita at pusit. Kaya naman mabilis ako lumabas nakita kong maraming recados sa kusina kaya nag hilamos muna ako. Saka nag toothbrush. Paglabas ko ng kusina nagulat ako sa mukha ni Yuhan sabay sigaw ng

"HAPPY BIRTHDAY KEVIN!"- nakita ko yung ngiti at maliit niyang mata.

"Happy birthday anak!"- saad ni mama Jeje at papa alfonso.

"Po panu niyo po nalaman? Yuhan pano mo nalaman?"- tanong ko sa kanila.

"Sinabi mo noon!"- sagot niya.

"May sinabi bako nag tanong kaba nun?"

"Oo di mo lang matandaan."- saad niya.

"Ahh sige tutulong nako!"- saad ko

"Cge sabi mo ei sa mga pusit ka marunong ka mag luto niyan diba?"- saad niya.

"Sympre naman hahaha fav ko din to!"- saadko

"Alam ko!"- saad niyang pabulong sakto lang para marinig ko.

Matapos ang pagluluto at paghahanda at dumating na ang kainan diko lubos na maiisip na ganito pala sila kasarap kasama at magmahal halos buong lugar ang tao madaming tao parang fiesta. Ngayon ko lang naranasan ang mag birthday na ganito kadami at puro hindi mayayaman pang mayaman ang handaan pero ramdam ko yung saya at pagmamahal.

"Maraming salamat po sa mga taong nag alaga at nagmahal sakin dito sa isla mga taong nagbigay ng tunay ng halaga ng pamilya at pagmamahal at higit sa lahat ang tumulong sa kapwa. Mama jeje at papa alfonso maraming salamat po sa magandang handa sa maraming masasarap na handa at salahat ng nandito kay Yuhan at sa mga tinuturing kung kapatid. Maraming salamat sa inyo mahal na mahal kopo kayong lahat."- mahabang pasasalamat ko sanila saka nag umpisa ang pag diriwang nakikita ko ang tunay na pag mamahal sa lahat ng nandito sa mga mukha ng mga taong nagmahal sakin at nag alaga.

"Yuhan salamat!"- saad ko kay yuhan andito kami ngayon sa ilalim ng malaking puno.

"Anu kaba sila mama ang nag isip nun."- sagot niya sakin.

"Ito yung unang birthday ko na masaya kaya isusulat ko dito sa puno ang pangalan at unang birthday ko dito"- saad ko sabay engrave ng pangalan at petsa ngayon.

"Yan pag umalis ako at mamimis muko tignan mo lang yan at mararamdaman mong nasa tabi mo lang ako."- saad ko ng ikinamula ng pisnge niya.

"Baliw kailan kaba aalis?" - tanong niya sakin

"May lalayag daw papuntang syudad sa susunod na buwan sasama ako pauwi."-sagot ko.

"Ganun ba? siguro nga tama ka baka mamimis kita at titignan ko nalang siguro to"- saad niya sa malungkot na tono. ng aalis na siya hinila ko siya sabay niyakap at sinabi ang salitang

"Salamat"

"Nakarami kana tama nayan"- pagpupumiglas niya pero dahil malikot siya nakawala siya pero hinila ko ulit siya.

"Bakit kaba nanghi-" -diko na pinatapos ang sasabihin niya at hinalikan kona siya. Unti kong ginalaw ang mga dila at labi ko at sa katagalan gumanti din siya ng halik na siyang ikinatuwa ko sa di malamang dahil. Siguro nga umiibig na ako sa kapwa ko lalaki. Isang kahibangan pero alam kong ito yung totoong nararamdaman ko at siya ang gusto ko. Matapos saluhan ang mga halik na pahinto kami. Nakita kong lumuha siya.

"Bakit moba to ginagawa? Aalis kana iiwan muna kami, ako!"- saad niya habang tumutulo ang mga luha niya.

"Babalik naman ako ei at hihintayin mo naman ako diba?" -tinignan niya lang ako at umalis na siya bigla. Masakit para akong nireject parang ito yung unang beses akong nag mahal siguro nga ito yung unang beses akong nagmahal ng kapwa ko lalaki at totoong pagmamahal.

Kevin's pov.

Iniwan ko siya na para bang binabasted ko siya, totoo nga mahal kona siya pero panu kung nagugulohan lang siya sa nararamdaman niya? Panu kong pinaglalaroan niya lang ako alam kong taga syudad siya at di uso sa kanila ang mag mahal ng kapwa lalaki bawal yun sa mata nila at sa batas kahit sa diyos.

Pero panu kung totoo?.at muling bumalik sa isip ang mga nawalang gamit niya.

[Flashback]

Habang mahimbing na natutulog sa ilalim ng puno si Kevin binalikan ko ang nakita kung puting bagay at tama nga ako yun nga ang yate hinanap ko yung gamit na sinasabi niya at nakita ko nga iyon habang tinitignan ko ang mga gamit niya puro itong importanteng bagay passport at iba pang papelis at my nakita akong isang litrato ng babae kasama niya maganda ito at kasing edad lang niya my girlfriend na pala siya bigla akong nasaktan parang tinusok ang puso ko. At sumagi sa isip ko na pag nakita niya ito aalis na agad siya at ayaw ko yun mangyari.

[End of Flashback]

Pero nag kamali ako aalis padin siya kahit di niya yun makita tama dahil siguro ang importante na sinasabi niya dahil mahal niya ang babae. Mas lalong nadurog ang puso ko sa mganiniisip ko siguro panahon na para ibalik to sa kanya.

Maaliwalas na sinag ng araw ang bumungad sakin kaya naman bumangon nako sakto naman tinawag nako ni mama para mag almusal. Na udlot ang pag aamusal namin ng biglang nakatanggap si papa ng report mula sa baranggay. Agad naman ng pumunta si papa. At nagpatuloy kami sa pag kain ganun padin di naroroon padin ang ilang samin ni Kevin.

"Kevin mamaya usap tayo pagtapos ng kain may ibabalik ako sayo"- saad ko sa kanya.

Matapos kung mag hugas ng pinggan at sakto naman dumating si papa. Lahat kami tinipon ni papa at sinabi ang tungkol sa meeting.

"Napag meetingan na gusto kunin ng pamahalaan ng syudad ang isla at patayuan ng pabrika saad ni papa."

"Pa! Hindi pwede yan matagal po natin naging tirahan ito!"- saad ko kay papa.

"Si president Guerrero ang kalaban anak kahit anung apila ng lahat makapangyarihan sila,"- pagpapaliwanag kay papa matapos yun marinig ni Kevin agad siyang lumabas at sinundan ko siya.

Nakita kong di siya mapakali parang galit na galit siya pero kanino ng biglang bumalik sa isip ko ang Passport niya Guerrero anak siya ng Presidente.

"Ikaw yung anak ng presidente diba?"- seryosong tanong ko sa kanya. Nakita ko ang panalalaki ng mga mata niya at biglang napalitan ng lungkot.

"Ispiya ka?"

"Anung ispiya?" Tanong niya.

"Oo nga pala wait!"- saad ko sabay balik sa bahay at dinaanan ko lang si mama at papa at nagulat sila ng paglabas ko ng kabilang kwarto ay may bitbit akong bag. Paglabas ko ay sumunod naman sila.

"Ayan!! Bag mo!! Oo ako kumuha ako nag tago diba yan yun para makaalis kana! Anak ng presidente?"- saad ko sa kanya.

"Anak ka ng presidente?"- tanong nila mama at papa sa kanya ng ikinatango naman niya. Sa di malamang dahilan lumuhod si papa sa kanya. At tumulo ang mga luha ko at nagulat si Kevin sa ginawa ni papa.

"Anak nakikiusap ako tulongan mo kami! anak paki usap!"- saad ni papa

"Pa! Tama na tara na!"- saad ko kay papa at hinila na siya papasok sa bahay.

Nakita kong umalis si Kevin wala siyang puso. Bakit niya to nagawa samin matapos naminnsiyang kopkopin at ituring na tunay na pamilya!.

ISLA

Written by: Lemonpensnote

Plss!! Try to click the vote botton

And comment your suggestions criticism is free.