Yuhan's pov.
Simula nung huling usap namin ni yuhan nagbago na ang lahat, di na niya ako kinikibo, kahit sa opisina hindi na niya ako pinapansin parang tinuring na niya akong di kilala pero para sakin parang nakakainis. Minsan nakikita ko siyang my ibang kasamang lalaki yung lalaki na maya maya lang dadakmain na siya. Diko alam but ako naiinis at but ko yun iniisip. Pero yung totoo ayaw kong ganito siya pero sabi ng isip ko dapat iwasan kona siya. Until nagkaroon ng meeting sa bagong client namin at gusto ng client beach resort kaya napag isipan namin sa isla nalang ito pag mimeetingan and now andito na kami.
"Goodmorning Sir, Ma'am!"- sabay na bati namin ni Kevin sa bagong client namin.
"Grabii di kami na inform na dalawang sikat at gwapong lalaki pala ang kameeting namin"- papuring saad ng lalaking client namin na may kasamang tawa upang matawa din ang babaeng kasama niya. Nag umpisa na ito at naging maganda naman habang nag sasalita si Kevin biglang nahulog ang table knife at agad ko itong kinuha pumuko ako saktong napansin siguro ni Kevin ng paahon nako bigla nalamang my tumakip ng dulo ng mesa para hindi mabangga ang mukha or ulo ko, dahil dun napalingon ko sa kanya at busy siya sa pagsasalita. Kung totousin kinilig ako dun. Matapos ang meeting napag desisyonan na naming mag lunch kasi around 12 na din. Ganun parin usapang negosyo. Matapos kaming kumain uminom ako at aabotin ko sana ang tissue kaso hindi ko maabot nagulat ako ng kumuha si Kevin at inabot ito sakin kahit busy padin siya sa mga client namin. Diko inasahan na maging ganun siya kahit yung client namin napahanga at napatingin sa kanya at sakin.
"Alam niyo para kayong mag jowa? Kayo ba?"
"Po?"
"Bagay poba kami?"- saad ni Kevin ngunit siniko siya dahilan para mapadaing.
"Oo naman bagay kayo alam niyo mahilig ako sa BL series"- saad ng lalaki.
"Oo mahilig siya pero ako pinakasalan niya"- saad ng babae. Kaya napatawa kami.
"Kaso po may asawa nako hahaha"- saad ni Kevin.
"Pero ang sweet niyo kanina "- saad ng babae sabay tawa.
Natapos din ang Meeting at nauwi sa permahan ng kontrata. Dahil dun nakahinga nako ng maluwag iniwan kona si Kevin nagpaalam ako na my next meeting ako pero yung totoo gusto ko lumayo dun kasi kinikilig nako sa pinang gagawa niya.
Kevin's pov.
Napansin kong namumula na ang pisngi ni Yuhan kaya nag madali siyang umalis sabi niya may meeting siya pero ang totoo wala namang naka sched chineck ko yun bago kami umalis kanina kaya paman hinatid ko sa sasakyan nila ang client mamin at sinundan siya.
"Heyy!! Bro!"- Sabay akbay sa kanya, Nagulat siya at di makapumiglas ngunit tuloy lang kami sa pag lalakad at bumulong siya.
"Tanggalin mo yan kamay mo! Kung ayaw mong mawalan ng isang kamay?"- saad niya alam kong di niya yun gagawin.
"Talaga ba? "- saad ko at hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya.
"Sabi ni papa sa bahay niyo daw tayo kakain nag handa si mama"- saad ko na ikinalaki ng mata niya.
"Grabii ang kapal ahh sa bahay mo pa talaga napiling kumain."- saad niya.
"Sympre malakas ako kay papa!"- saad ko at sabay tawa.
Nang makarating na kami sa bahay nila nakita ko ang galak sa mga mukha at mata ng dating pamilyang nag alaga sakin ngayon nakita ko laki na ang pinagbago ng lugar nayun. At sakto nakahanda na ang pagkain nagdasal muna kami bago kumain gaya ng dati masaya padin silang kasabay kumain sa sandaling panahon nakalimotan kong may asawa ako para akong bumalik sa dati. Na walang problema na masaya lang. Matapos ang tanghalian naisipan kong puntahan ang tambayan namin ni Yuhan ang puno.
"Ohh andito ka pala?"- saad ko kay yuhan na nakaupo sa ilalim ng puno na ngayon ay tree house na.
"Sympre ito lang ang tambayan ko"- saad niya.
"Andito pa pala yung pangalan ko saka unang araw ng birthday ko tagal nadin pala"
"Oo matagal na pero hanggang ngayon parang kahapon lang yun nanyari"- saad niya.
"Salamat at binigyan muko ng pagkakataong bumalik dito"
"Wala yun tama ka naman matagal nayun at namimiss kana din nila"- saad niya habang nakatingin sa malayo.
"Yuhan pwede ba dito muna ako bukas nako uuwi?"
"Sumusubra kana talaga, pero di naman kita mapipigilan kaya ok lang kahit kailan mo gusto umuwi"- saad niya sabay tayo at naglakad.
"Talaga?sure ka?"
"Oo nga ayaw moba?"- saad niya.
"Hindi sympre gusto ko"- saad ko saka umakyat ako sa taas.
Nagulat ako sa nakita ko mga gamit na ginawa namin dati. Mga tanawin ng bukangliwayway, at takipsilim pati ang flower garden.
"Oo nga pala wala pala kami dating picture sa mga lugar nayun."
Kaya naman kinuha ko yung gamit ko at binuksan ang bag ko kinuha ko yung camera. At inayos ko para bukas, cheneck ko muna ang trabaho ko mga ilang sandali lang napaidlip ako.
Someone's pov.
Habang tulog si Kevin umakyat si Yuhan sa Tree house at nakita niya itong nakahiga habang bukas ang laptop. Sinara niya ito at niligpit tapos pinagmasdan ang binata. Habang pinagmamasdan niya ito unti unti namumuo ang mga luha sa kanyang mga mata. Ngunit agad niya itong pinunasan. Sakto din na nagising si Kevin.
"Umiiyak kaba?"- saad nito
"Hindi napuying lang di nakasi nakapag linis dito"- saad ni Yuhan.
"Yuhan Sorry!"- saad ni Kevin
"Bakit nanaman?"
"Kasi naglihim ako sayo tunggkol sa isla."- saad ni kevin.
"Ok lang yun alam ko naman na mahal mo yung isla kaya mo yun nagawa"- saad ni Yuhan.
"Yuhan pwede ba Wag mona akong iwasan, pwede ba na ibalik na natin yung dati kahit alam kong di naman maiibabalik yun kahit yung mga panahon lang na masaya at wala tayong problema."- saad ni Kevin.
"Ano kaba Kevin di nayun maibabalik magkaiba na tayo noon at ngayon"- saad ni Yuhan.
"Pero pwede naman tayo magsimula ng bago"- pag dadagdag ni yuhan.
"Talaga?" Napalaking matang saad ni Kevin.
"Oum wala naman akong magawa mapilit ka ei"- saad ni yuhan.
Dahil sa kwentuhan ng dalawa ay di nila namalayan ang oras at gabi na tinawag na sila ng mama nila ngunit nakita silang mahimbing na natutulog kaya naman hindi na sila initurbo nito hinatiran nalamang sila ng pagkain at inumin malaki ang tree house may sariling mesa doon kaya naman pwede din mag stay ang guest nila dun. Mga ilang oras pa ay nagising na si Kevin kaya paman tinignan niya ang oras at saktong 9pm na kaya paman baba na sana siya ngunit napansin niya ang pagkain sa mesa at may maliit na ref sa dulo. Binuksan niya ito my mga tubig at juice at alak kaya nag handa na siya ng pagkain. Matapos niyang maghanda ay ginising na niya si Yuhan.
"Han! Gising na kumain ka muna tayo gabi na!"
"Huh? Gabi na? "
"Oum"- bungad ni kevin na may kasamang matamis na ngiti. kaya namumula ang pisngi ni Yuhan, sa isip niya ganun ba naman ka gwapo mala anghel ang bubungad sa pagising mo!. Kaya paman bumangon na siya nakita niyang nakahanda na ang pagkain.
"Hinatiran na tayo ni mama at papa ng pagkain kaya hinanda ko nalang"- saad ni kevin na ginatihan lang ng ngiti ni Yuhan. Masaya silang kumakain at sinabayan ng wine. Matapos nila kumain nag inom na din sila ng beer at nanuod ng Tv. My nerecomendang bl series ang kanilang kleyente kanina kaya paman tinry nilang pinanuod iyon natutuwa silang pareho at parang nag eenjoy sila sa panunood hanggang sa mapanuod nila ang parte ng series na pati sila ay nadala sa nararamdaman ng estorya. Kaya napayakap si Kevin kay Yuhan at hinayaan lang iyon ni Yuhan ang kwento ay kapareho sa kanila. Hanggang sa nagkatinginan sila dahan dahan nilapit ni Kevin ang mukha niya kay yuhan. At unti unting lumalapat ang mga labi nilang dalawa, inaanatay na may unang gumalaw at sa pagkakataong ito si Yuhan na ang gumalaw ng labi hanggang sa magpalitan na sila ng mga halik at nag iispadahan ng mga dila, paherong nagugustohan ang halik ng isat isa. hanggang sa inihinto nila ito at sinandal ang noo ng bawat isa.
"Yuhan pwede ba wag mona akong iwasan, tayo nalang ulit hanggang ngayon ikaw padin ang tinitibok ng puso ko!"
"Pano natin gagawin yun kung wala ng tatanggap sa relasyong meron tayo?"- saad ni yuhan.
"Wag na muna natin isipin yun ang mahalaga mahal natin ang isat isa "- saad ni Kevin na nginitian lang ni Yuhan.
Kaya paman sinunggaban siya ng halik ni Kevin at gumanti naman si Yuhan. Hanggang sa matagpuan nilang dalawa angnsarili na tinatanggal ang kanilang mga saplot mula sa taaas hanggang sa baba, hanggang sa matanggal nila ito at pinagsama ang init ng katawan habang hingal na hingal sa paghahabol ng kanilang mga hininga hanggang sa kainin sila ng init ng kanilang katawan maging ang sarili ay napagod sa kagustohang ibigay ang kanilang sarili sa isat isa. At pagkakataong ito na ilahad na nila ang tunay nilang nararamdaman sa isat isa at tunay na tinitibok ng kanilang puso. Hiniga ni Yuhan ang kanyang ulo sa mga bisig ni Kevin na ngayon hingal at pagod sa kanilang ginawa tanging halik sa labi lamang ang kanilang huling ginawa at tuloyan nag kinain ng antok at pagod na hubo't hubad na tanging kumot at init ng katawan lamang ang nag sisilbing panangga sa malamig na gabi.
ISLA
Written by:
LEMONPENSNOTE