Someone's Pov.
Dahil sa nanyari,, naging mailap na si Yuhan at Kevin sa isat isa gustohin man ni Kevin na lapitan at kamustahin si Yuhan di niya magawa dahil binabantayan bawat kilos nito, hanggang sa pinutol na ng daddy ni Kevin ang connection ng isla sa kompanya nila. Ngayon yung dating magkapartner na kompanya naging magkalaban na, nagugulohan si Yuhan sa nanyayari hindi padin niya alam ang nanyayari tanging rason lamang kung bakit pinutol ang connection ng bawat kompanya dahil sa may sarili ng supplier ang kompanya nila at di na nila ito kailangan. Hanggang sa dumating ang araw na nagkaharap sina Yuhan at ang daddy ni Kevin.
"Goodmorning Sir pinapatawag niyo daw po ako?"- saad ni Yuhan.
"Yes at isa kapalang pormal at desinteng tao"- saad ng daddy ni Kevin.
"Opo dahil po sa pagod at hirap ng mga magulang ko napag aral po nila ako sa ibang bansa"- saad ni Yuhan.
"Ahhh pagod at Hirap sa pag ngingisda ba?"- saad na tanong ng ama ni Kevin.
"Opo at nagpa-"
"Satingin moba dahil nakapag aral ka gamit ang pera ng anak ko ay magkapantay na ang istado natin!!!"- pagmamataas na sigaw ng ama ni Kevin.
"Sir!? Pera ng anak niyo?"- saad ni Yuhan at sabay baling ng tingin kay Kevin na ngayon ay nakatingin sa kanya na nakakaawa.
"Sa tingin moba kaya kang paaralin ng magulang mo dahil lang sa pipitshoging at kakarampot na kita sa pangingisda!!?"- saad ng ama ni Kevin. Napalaki ang mga mata ni Yuhan na ngayon ay may namumuo ng luha na maya't maya ay babagsak na ito.
"Totoo ba Kevin sayo ng galing ang tulong kung bakit ako nakapag aral sa ibang bansa?"- saad ni Yuhan.
"Sorry Yue! " nauutal na saad ni Kevin. Ng marinig yun ni Yuhan tuloyan ng bumagsak ang mga luha sa mga mata niya.
"Kailan man di ako humingi ng tulong sa anak mo! At kung ibabalik man ang panahon at kung alam ko hinding hindi ko yun tatanggapin dahil mabubuhay kami kahit wala ang pera niyo ng pipitshoging at kakarampot na kita ng mga magulang ko sa pangingisda di gaya niyo matataas ang pinagaralan pero mga nakakasukang ugali!" Mahabang litanya ni Yuhan at umalis sa opisina ng chairman nila.
Lumabas si Yuhan ng building at pumunta sa isang garden, at sakto bago ang lugar at ngayon nalang to nakita. Iniyak niya ng iniyak lahat humahagolgol siya sa iyak, para siyang niloko ng lahat para siyang nagising sa isang bangongot ng panaginip na kailan man hinding hindi na niya papangarapin pang balikan muli. Di niya akalain ilihim sa kanya yun ni Kevin maging ang pamilya niya. At ang masakit padun pinagmumukha sa kanya na kahit ganu pa siya sumikap sa buhay pag dukha siya mananatili siyang dukha. Ngayon alam niya na kung bakit lahat ng ito ay nanyayari dahil sa relasyong meron sila ni Kevin,
"Sana dati pa alam kong manyayari to bakit pa kasi ako nagpadala sa mga salita niya!"- bulong niya sa sarili niya.
"Ito pamunas mo jan sa luha mo"- saad ng isang di kilalang lalaki.
"Salamat ibabalik ko nalang pag malinis na"- saad ni Yuhan.
"Bakit kaba umiiyak sa gwapo mo nayan umiiyak ka?"- saad niya ng ikinangiti ni Yuhan
"Hindi napuying lang ako!"- depensya ni yuhan pero yatang nakita niya ang lahat.
"Ahhh napuying pag na puying ba humahagolgo-"
"Stop! Cge alis nako babalik koto pag nagkita tayo."- saad ni Yuhan
Sabay takbo pa alis.
Pero nakita iyon ni Kevin ng sundan niya si Yuhan, pero di niya ito pinuntahan dahil alam niyang di rin nito gugustohing makita ang pag mumukha niya. Dahil alam niyang galit na galit na ngayon si Yuhan sa kanya. Hindi niya alam kong patatawarin pa ba siya nito. Niligpit ni yuhan ang gamit niya at umalis na ng kompanya. nalaman ng ama ni Kevin na sila na ang may ari ng Isla del Valley dahil mas malaki ang share nila sa companya. At dahil iyon kay Kevin kaya pinaalis na si yuhan sa kompanya. Na ngako naman si Kevin na di niya pababayaan ang mga taga isla. Makalipas ng ilang araw umuwi si Yuhan sa isla para kunin ang gamit niya dahil sa tampo sa mga magulang nito mag bubukod siya ng tirahan may sarili siyang condo dun na muna siya habang nag hahanap ng bagong trabaho.
"Anak kailangan moba talagang gawin to?"- saad ng kanyang ina.
"Ma! Hayaan niyo na muna ako gusto ko mapag isa!"
"Honey! Hayaan mona natin siya alam kong nabigla siya sa mga nalaman niya."
"Diko akalain pa nakaya niyo akong lokohin ni mama!"- saad n8 yuhan.
"Anak para naman sayo yun ei"
"Para sakin para ano tapak tapakan lang tayo?pa! Masaya nako sa anong meron tayo! Akala ko naman masaya kayo pero nag iba na pala kayo!gahaman na din kayo sa pe-" -di natuloy ni Yuhan ang sasabihin niya dahil na sampal siya ng kanyang ama.
"So-sorry anak nabigla lang si papa!"- saad ng kanyang ama.
"Ok lang pa!"- naiiyak na sambit ni Yuhan mahal ko kayo ni mama sorry pa kailangan ko mapag isa.
"Anak!- sabay na sambit ng mag asawa at iniwan sila ni yuhan na may sama ng loob sa bawat isa. Habang si Yuhan naman tinatahak ang dagat na lumuluha at umiiyak ngayon niya lang gagawin na iwanan ang mga magulang na may sama ng loob sa isat isa. Ngayon niya lang nasaktan ng magulang ng subra. Habang si Kevin balik sa dati umiinom tuwing gabi nag aaway sila ni Zaila. Lagi lagi pero dahil takot sa ama nag sosorry din kinabukasan.
Yuhan's pov.
Ito ako ngayon naghahanap ng trabaho, pero sa daming inapplayan ko lahat ayaw sakin. Dahil kalat na inaakit ko daw ang mga boss, minsan discrimination pero di parin ako titigil.
"Kamusta ang paghahanap ng trabaho?"- saad ng isang maarteng babae walang iba kundi si Zaila.
"Ok naman kaya ngalang dahil sa asawang inagawan mukhang ayaw ako tantanan bakit insecure kaba na baka maubosan ka kapag iniwan ka ng asawa mo?"- saad kong ikinausok ng ilong niya. Ngunit ng tumalikod nako bigla akong tinulak kaya na patid ako at na subsub sa sahig.
"Ohh tignan niyo dating sikat na magaling na entrepreneur naging tagalinis na ng sahig!"- saad ni Zaila sabay tadyak sakin at umalis. Ito ako pinagtitinginan ng tao nakita ko si Kevin tumatakbo pero pinigilan siya ni Zaila at hinila pabalik. Kaya wala ako mapapala akmang tatayo nako ng biglang may humawak sa braso ko.
"Dahan dahan "- saad niya.
"Ayy ikaw pala tinulongan mo nanamn ako!"- saad ko.
"Ok lang basta kapag bumabagsak ka andito lang ako sasalo sayo"- corning saad niya kaya napatawa ako. Matapos niya akong tulongan dinala niya ako sa isang coffee shop ang cat cafe.
"Di pala ako nakapag pakilala sayo noon ako pala si Mico Ellesorio" - saad ng lalaking tumulong sakin at nag bigay ng panyo nung nakaraan.
"Ahhh nice to meet you Mico ako naman si Yuhan policarpio"
"Nice to meet you to"- saad niyang naka ngiti.
"Ang totoo niyan sinusubaybayan talaga kita"- saad niya ng ikinagulat ko naman.
"Bakit naman?"- tanong ko.
"Sympre isa kang magaling na entrepreneur! Dapat lang na subaybayan ka!"- saad niyang nakangiti at proud
"Pero laos na marami nakong naging maling nagawa at pinalayas pa ako sa sarili kong companya at naging baklang kabit pa!"- saad ko sabay yuko.
"Ano kaba! Wala sakin yun magaling ka padin gusto mo sa kompanya kana magntrabaho?!"- saad niya na ikinalaki ng mata ko.
"May kompanya ka?" Ayy Oo nga pala pangatlo sa pinaka sikat ang EL Sorio Group of Company."- saad ko.
"Hindi na sikat kasi nalugi na kaso nag rerebuild kami nag hahanap ng magagaling na entrepreneur."- saad niya.
"Di gaano malaki ang pasahod pero makakatulong naman sayo para mag simulang buohin ang career mo ulit mundo ng industries"- dagdag niya.
"Ano kaba sige sasali ako kailangan ko ngntrabaho ngayon para mabuhay"- saad ko.
"Cge ba start kana bukas agad"- saad niya na ikinatawa namin dalawa.
Sa pagkakataong ito nahanap kona ang simula ko muli patutunayan ko na ang katulad namin kaya din umangat sa kagaya nila, at maging mas magaling pa. Pinapangako gugulatin ko sila lahat ng mga sinabi nila ipapakain ko sa kanila ng buong buo. At ipapamukha sa kanila na ang katulad namin ang magpapabagsak sa kanila.
Matapos nilang mag usap kumain na sila at pumunta ng opisina mukhang kunting rebuild nalang magiging tanyag na muli itong kompanya, unang kita palang ni Yuhan alam niyang ito na dito na siya magsisimula muli ng wala si Kevin.
ISLA
Written by :
LEMONPENSNOTE