Chereads / My teacher is my classmate / Chapter 1 - " SCHOOL"

My teacher is my classmate

Toothsie
  • 7
    chs / week
  • --
    NOT RATINGS
  • 157
    Views
Synopsis

Chapter 1 - " SCHOOL"

Apple pov:

Kinakabahan ako, kaya ko ba ito, Itutuloy ko pa ba,? Wag na kaya? "Paulit ulit na tanong ko sa aking sarili dahil andito ako ngayon sa school na aking eenrollan" ng biglang may bumangga sa balikat ko dahilan para mahulog ang mga papel na hawak ko. "ay pasensya na" agad nitong sabi sakin. agad naman ako sumagot ng ayos lang at ngumiti ito habang tinutulungan nya ako pulutin ang mga papel na nahulog. "Ako nga pala si daniel but you can call me dan" saad nya . Agad naman ako ngumiti at nagdaretso na sa paglalakad at iniwan ang kanyang kamay na nag aantay upang makipag shakehands sakin. Sa totoo lang, natakot na ko sa lalaki pagkatapos ng aming relasyon ni carl pakiramdam ko lahat ng lalaki ay pareparehas na aalis pagkatapos makuha ang kanilang gusto. At nakatuon na lamang ako sa aking anak dahil ang purpose ko sa school na ito ay makapagtapos at maging isang lisensyadong teacher Hindi para umibig muli. Habang Naglalakad ako ng may makita akong grupo ng mga kababaihan sa aking palagay, sila ay mga 18 to 20 yrs old. Nasabi ko na lamang sa aking sarili na siguro kung ako ay hindi maagang nabuntis at tumigil sa pag aaral, ganyang edad ko ay nasa paaralan din sana ako at hindi sa kompanya na pinagtatrabahuhan ko at lumulunok ng sarisaring mura galing sa mga costumer na tumatawag sa amin. Ngayon kasi ay 27 years old na ako. Nahihiya rin ako sa totoo lang na mag aral pa dahil sa aking late na edad, pero mataas ang pangarap ko na makapagtapos at makaalis sa posisyon na kakapiranggot ang pasahod. Tuloy lang ako sa paglalakad ng makita ko ang isang pinto at doon ay may nakasulat na "PASOK PO DITO ANG MAG EENROLL" kaya naman walang pag dadalawang isip na pumasok ako sa pinto na iyon. Nakita ko ulit ang lalaking nakabangga sa akin. "si dan? Bakit sya andito? Hindi kaya teacher sya? Pag minamalas ka nga naman apple! Iniwan mo yan kanina habang nagpapakilala!! Inis na saad ko sa aking sarili " nag tama ang aming mga mata at sinabi nito na "Oh mag eenroll ka pala?!" bakas sa mukha nya ang excitement na nadarama na agad ko naman pinagtataka isinawalang bahala ko nalang ito at sumagot ng "Opo" ngumiti ito sa akin at kinuha ang aking mga papel. " Sa lunes na ang pasukan ms. apple, hanapin mo ang section gumamela yun ang room mo. dahil madami ang student na nagtatake ng kursong educ kaya naman madami ang section na nandito sa school" sabay ngiti nito sa akin. Agad naman akong ngumiti ng pabalik at agad ng tumayo sa aking kinauupuan upang umalis. Sa wakas nakapag enroll nako, nakahakbang nako papunta sa kinabukasan na gusto ko sana ay magdaredaretso na at hindi na ako madapa pang muli.

Kinabukasan, araw ng sabado pumunta ako sa isang amo ko, upang maglinis ng bahay at ipaglaba sya. Day off kasi ako sa call center ng sabado at linggo, kaya naman naghanap ako ng trabaho na pwede sa sabado at linggo lamang. Upang hindi ako mabankante at may pagkakitaan pa bukod sa sahod ko sa call center. Habang naglalaba ako, nakita ko si mam faye na nagmumuni muni sa terrace ng kanyang bahay. Tinitiganan ko sya at pumasok sa isip ko na sana dumating ang araw na makaranas din ako ng pahinga. Pahinga ng katawan at pahinga ng utak. Dahil kahit ipahinga ko ang katawan ko, pagod padin ang utak ko kakaisip kung anong kinabukasan ba ang nag aantay samin ng anak ko. Ng biglang may nagbuhos ng tubig saakin nakita ko si mam faye "anong tinutunganga mo apple? Hindi kita binabayaran para panoorin ako, binabayaran kita para gawin ang mga trabaho mo dito! At hindi kasama sa trabaho mo ang titigan ako!!" saad nito sakin na agad na nagpabalik ng ulirat ko." Pasensya na po mam" yun na lamang ang naging sagot ko upang hindi na madagdagan pa ang galit nya sa akin. Oo hindi maganda ang trato saakin ng amo ko. kailangan ko pagtiisan dahil kailangan ko ng pera. Kailangan ko ng pambuhay saamin ng aking anak. Ganon naman talaga siguro, kailangan muna magsakripisyo bago makapunta sa pagbabago.