" MY TEACHER IS MY CLASSMATE"
Magandang umaga para sa magandang araw 'bati ko sa aking sarili.'
Ako nga pala si apple, isa akong single mom i was 18 ng ako ay mabuntis. Nung nabuntis ako, tumigil ako s pag aaral para magtrabaho at itaguyod ang anak ko. Isang taon palang ang aking anak ng maghiwalay kami ng ni carl. Simula nung nagdesisyon kaming maghiwalay, hindi na sya nagsustento kaya naman ako nalang ang bumubuhay sa anak namin. Nagtatrabaho ako bilang isang call center, ako ay nightshift pinili ko talaga ang ganitong schedule para sa pinaplano kong pagbabalik sa pag aaral. Nakita ko na hindi kami mabubuhay sa kakapiraso na pasahod kahit na halos buhay ko na ang ibigay ko sa pag tatrabaho. Mahal na mahal ko ang aking anak, pero hindi mawala minsan sa aking isipan na, kung hindi siguro ako mapusok sa buhay at mga bagay bagay. Hindi siguro sya maibibigay ng mas maaga saakin at kung wala pa siguro sya, mas magaan sana. Hindi ko sya sinisisi at ayoko syang mawala pero base sa aking karanasan, mas magaan pag sarili mo palang ang iniisip mo. At nang ako ay makaipon na naisip ko na mag enroll na sa isang paaralan na may kursong educ.