Apple pov:
Nagising ako ng may humawak na maliliit na
kamay sa aking mukha.
Pag dilat ko nakita ako ang mukha ng aking anak na nakangiti
"mommy mag breakfast na po tayo"
Sabi nito at sabay halik sa mga pisngi ko
"Ang sweet naman ng anak ko, o sige halika na at kakain na tayo"
saad ko naman sa kanya
"FAST FORWARD"
lunes ngayon, sana naman ay pumabor ang mundo sakin ngayon dahil alam kong wala akong maitutulog na maayos dahil may pasok pa ako mamayang gabi.
nagbibihis nako ng mapansin kong ang ikli pala ng uniform ko.
"ano ba naman tong uniform na to, ang ikli masyado. Hindi man lang lumapas sa tuhod ko hayaan na nga Ganito ata talaga pag private school"
"Sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin"
Bago ako umalis nagpaalam na ako sa pinsan ko na kasama ko sa aking inuupahang bahay sumama kasi ito saakin sa kadahilanan na ayaw nya akong mag isa at gusto nya din makalayo na sa mga pamilya namin dahil puro toxic ito. Kaya naman sya nalang ang nag babantay sa aking anak sa tuwing ako ay mag trabaho.
Kakababa ko lang sa jeep at naglalakad na ako dahil pag baba sa jeep medyo malapit na ang school pwede naman itong lakarin kaya nilalakad ko nalang sayang din kasi sa pamasahe.
Habang nag lalakad ako, nakita ko ulit ang lalaking nakabangga ko nung ako ay mageenroll palang.
Si dan. Ay si sir dan pala teacher konga pala ito sabay hampas sa aking noo dahil sa aking pagkaulyanin.
Nakita ko syang nagsisigarilyo kaya naman agad akong umiwas dito.
Maya maya pa may naamoy akong usok ng sigarilyo na nagmumula sa aking likuran at bilang nakaramdam ng bahagyang paghawak sa aking bewang.
Agad naman akong umiwas at tila napansin nya iyon kaya naman bigla syang nagsalita
"oh I'm sorry ms apple, nagulat ba kita?"
Saad nito sa akin.
Tumingin na lamang ako dito at dumaretso na sa paglalakad.
Dahil sa totoo lang ayoko sa amoy ng sigarilyo na nang gagaling sa kanya.
Bago pa man ako tuluyan na makalayo, naramdaman ko pa ang labi nya na dumampi sa tenga ko at sabay usal nito ng
"you look so hot apple, bagay sayo ang uniform mo"
Sabay kagat nito sa bandang ibaba ng mapupula nyang labi at bahagyang pag ngiti.
Agad ko naman sinalubungan ng kilay ang ginawa nya para malaman nya na hindi ko sya tinotolerate sa inaaksyon nya saakin. At bahagya ko pang inilapit ang mukha ko dito at sabay sabi ng
"Hindi ako pumunta dito para makipaglandian at makipagbiruan sayo, rerespetuhin kita dahil teacher ka dito pero isang beses mo pa gawin sakin ulit yan, susuntukin ko mukha mo."
Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat at bigla naman napalitan ng pag ngiti
Tumalikod na ako at nagdaretso na sa paglalakad.
Habang naglalakad ako, nakakita ako ng nagkukumpulan na mga kalalakihan at nagbubulungan ito.
" Bro, bago to ah? Ang kinis"
Sabay titig sa aking mga hita at akyat ng tingin papunta sa aking dibdib
"pre napakaganda nya, akin yan"
Saad naman ng isang lalaki na sa tingin ko ay mga 20 palang silang lahat.
Bigla tumigil ang mga kalalakihan na nakatingin sa likuran ko.
kaya naman agad akong lumingon at nakita ko si sir dan.
Imbis magpasalamat ay nagmamadali akong umalis at hinayaan na lamang ito.
Sa wakas ay nakita ko na ang section gumamela. Nakita ko ito sa taas pang apat na palapag ng building. Kaya naman grabe nalang ang pawis ko bago ako makapasok sa room.
Pag pasok ko sa room. Nakita kong nag aantay ang aming adviser at ako nalang ang late. Kaya naman unang araw palang ay akala ko na matatanggal na agad ako sa school.
Tumingin ito sa akin at pinapasok na ko sa loob. Habang nakaupo ako ay nakatingin ako sa harap ng bintana at nagpupunas ng pawis.
Ng ibalik ko ang aking tingin ay nakita kong nakatitig ang sir ivan sa aking leeg habang nagpupunas ng pawis.
Si sir ivan ay ang adviser teacher ng section namin.
Ng magtama ang aming mga mata, agad itong umiwas at bahagyang nahiya sa pang yayari dahil kitang kita ang pamumula nito.
May babaeng lumapit sa akin at tinanong kung anong pangalan ko.
"Hi, Ako nga pala trixie ikaw anong pangalan mo?"
Saad nito
"ha? Ah ako si apple. Sabay ngiti dito"
"napakaganda mo naman apple lalo pag ngumingiti ka, alin dyan ang pinaretoke mo? Saad nito sa akin"
"ha? Wala, wala akong pera pamparetoke Hahaha"
Saad ko naman dito habang na nahihiya.
Kita ko sa mukha nya ang pagkagulat.
"anong walang pera? You mean hindi ka mayaman?"
Saad ni trixie
Agad naman ako sumagot ng hindi. At nakita ko naman na nagulat ito pero ngumiti din at nakipagkwentuhan sa akin.
"nakikita mo yang apat na babaeng yan sa harapan? Wag kang lalapit dyan at alam mobang naiinis sila sayo dahil nasasapawan mo sila? Kaya namna pag nalaman nila na mahirap ka lang malamang ipapahiya ka nya"
Nagulat naman ako sa pinahayag nya, dahil kahit ba ngayon ay uso pa din ang bully?
"Ano kaba kahit kelan hindi na ata yan mawawala kahit pa ikaw ang pinakamatanda sa amin. At isa pa, hindi na mawawala sa school ng mayayaman ang mga bully apple, nasasayo nalang kung paano mo ito mahahandle"
Hirit pa nito sa akin.
Hanggang sa matapos ang unang araw ng ganon lang ang nangyayari, nagpapakilala ang mga teacher at nagkukwentuhan kami ni trixie Buti nalang at may kaibigan na ako dito sa school kahit papano hindi ako naboboring.
"Tapos na ang klase"
Sabi ng aming teacher.
Makakauwi na kayo.
at sya nga pala, next month pa makakabalik si sir kevin galing vacation kaya next month pa sya makakapagturo. hirit pa ni sir ivan
Kaya naman nag ayos na kami ng aming mga gamit at nag siuwian na.
Ako naman ay dadaretso na sa aking trabaho at doon nalamang magpapahinga kahit limang oras na tulog.