Chereads / Captured by the Mafia Lord / Chapter 19 - Chapter nineteen

Chapter 19 - Chapter nineteen

Nagmadali ako na makabalik kay nanay na tapos na pala mag-dilig at agad na akong lumapit dito at kinuha ang basket na may mga gulay.

"Aaan ka ba galing na bata ka? May mga lamok dito baka kagatin ka." Sabi nito kaya napangiti lang ako pero hindi maalis sa isip ko ang nakita ko.

Habang naghihimay na kami ng gulay ni nanay ay pumasok dito sa kusina si Vito kaya napatingin ako dito.

"Namitas pala kayo ng gulay manang." Sabi nito na nilapitan ako at hinalikan sa noo.

"Gusto mo ng tsaa? O kape?" Magkasunod kong na ikinatawa lang nito.

"Let me babe i will do this its fine." Sabi nito kaya napatango na lang ako at nakangiti lang sa amin si nanay.

Nang makapagtimpla si Vito ng kape ay nagpaalam ulit ito na babalik sa opisina.

"Natutuwa talaga ako sa inyong dalawa hija." Sabi ni nanay mayamaya kaya napangiti lang ako.

Sakto naman na nakatapos na kaming magluto at maghain ng tanghalian ni nanay nang pumasok si Kyle at Vito dito sa hapagkainan.

"Wow! Mukhang masarap ang niluto niyo ha." Sabi ni Kyle na nakangiti at agad na naghugas ng kamay.

"Simple lang naman ito hijo, sige na kumain na kayo." Sabi ni nanay pero inaya ko na rin ito na sumalo na sa amin.

Maging si Vito ay inaya na rin si nanay na kahit nag-iba na ang ugali nito ay nahihiya pa rin ito sa lalake.

Magkakasabay kaming kumain at nakita ko na maganang kumakain ang dalawang lalake.

Masaya ako na malungkot dahil hindi ko alam kung bakit magkahalo ang nararamdaman ko.

Sana ay makita ko rin ang sarili ko sa sitwasyong nasa harap ko ay ang pamilya ko, si daddy at ang mga kuya ko.

Pero hindi ko pa rin inaalis sa isip ko kung gaano kinamumuhian ni Vito ang buo kong pamilya.

May mga agam-agam pa rin na baka ginagawa lang ito ni Vito dahil para makapaghiganti pa.

Ang takot kong ito ay ang nagpapabigat minsan sa dibdib ko.

"Babe why did you stop eating?" Tanong ni Vito na hinimayan ako ng isda kaya napatigil ako at napatitig dito na nagtataka ang mukha.

Maging si nanay at Kyle ay napatigil rin sa pagkain at nakatingin sa akin.

"Hindi lang ako makapaniwala na mararanasan ko ang tagpong ito araw-araw Vito." Sabi ko na lang dito na napangiti at sinubuan ako ng kanin na may isda kaya napangiti na lang ako.

"Don't overthink i told you just be happy because i will make you happy everyday." Sabi nito na nakangiti sabay kindat sa akin kaya namula ang mga pisngi ko at kinilig ng sobra sa sinabi nito.

Napasipol na lang si Kyle at si nanay naman ay nakangiti lang sa pagiging sweet ni Vito.

"Nice pare iba talaga kapag in-love." Sabi ni Kyle na nakangiti kaya napatawa lang si Vito at saka na kami nagpatuloy sa pagkain.

Nang matapos kaming kumain at si Kyle na ang tumulong kay nanay na magligpit ng pinagkainan namin ay dinala ako ni Vito sa opisina nito.

Unang beses ko rin na makakapasok dito dahil nong una ay naka-lock ito lagi.

Pero namangha ako dahil isa pala itong library na punong-puno ng mga libro.

"Wow! Collection mo ba ito Vito?" Tanong ko na isa-isang tinignan ang mga nakalagay sa bawat shelves.

"Yeah, this is my sanctuary babe, i love books and this things makes me less tired everytime i am here." Sabi nito na dinala ako sa kabilang bahagi na may mga english literature at may mga romance and fantasy books din.

I have the also this to my old room before, lagi akong nireregaluhan ng mga kuya ko ng libro.

They even bought me a shelve for my collection.

"I have books too in my house." Sabi ko dito habang tinitignan ko isa-isa ang mga libro na gusto kong basahin dahil mga paborito ko itong lahat.

"Really now that your here you can stay here as long as you want and you can read anything." Sabi nito na niyakap ako mula sa likod kaya napangiti ako ng malawak.

Pero nang maalala ko nga pala ang nakita ko kaninang umaga ay nilakasan ko ang loob ko na magtanong dito.

Tumawa lang si Vito habang sinasabi ko dito ang natuklasan ko lang kanina.

Akala ko magagalit ito nang sabihin ko dito ang nakita ko pero iba ang naging reaksyon nito.

"Hindi pa nga pala kita naiikot sa buong isla kaya alam ko na nagulat ka sa nakita mo kanina." Sabi nito na niyakap ako.

Napangiti na lang ako at na-excite dahil makakapaglibot na rin ako sa isla na gusto ko talagang maikot.

Malawak ang lugar na ito at gusto ko talaga na mapuntahan ang lugar na laging sinasabi ni Vito na paborito niyang bahagi dito.

"Ipapasyal mo ako kailan?" Tanong ko kaya napatawa lang ito at pinaharap ako sa kanya.

"Bukas kapag hindi na ako abala promise." Sabi nito na hinalikan pa ako sa noo kaya napangiti ako at napayakap ulit dito.

Habang abala si Vito sa lamesa niya at nagta-trabaho ay kumuha ako ng libro na gusto kong basahin at umupo dito sa sofa at nagsimula akong magbasa.

Hindi ko namalayan ang oras dahil masyado akong na-hook sa kwento.

This is the limited edition of my favorite fantasy books at dahil nasa US pa lang ang pangatlong season nito ay hindi ako makapaniwala na meron na nito ngayon si Vito.

Naramdaman ko na lang na lumundo ang sofa sa likod ko at naramdaman ko na humawak sa likod ko si Vito.

"Babe kanina ka pa diyan nakailang ikot ka na pero tila nagustuhan mo ang kwentong iyan." Sabi nito na pinaharap ako sa kanya at kinuha sa akin ang libro at nilapag sa kung saan.

"Ang ganda kasi at malikot talaga ako magbasa para hindi ako mangawit." Sabi ko dito kaya tumawa lang ito ng mahina at saka ako hinalikan.

Ang simpleng halikan lang namin ay naging mas mapusok pa dahil kung saan-saan na umabot ang kamay nito.

Hangang sa pumasok na ang kamay nito ilalim ng damit ko at salitan nang minamasahe ang magkabila kong suso.

Napapaungol na lang ako at kinikiskis na rin ni Vito ang matigas niyang ari sa ilalim ng pants niya sa hiwa ko na panty na lang ang nakatakip.

Basa na rin ako dahil ramdam ko ang pamamasa nito kanina pa.

Pero napatigil si Vito nang may biglang kumatok at agad akong inayos at napamura ito ng mahina.

Hingal na hingal ako habang nakahiga pa rin at napatingin na lang ako sa kisame.

"Yeah, who is it?" Tanong ni Vito na tila nagmamadali ang katok.

Napabangon ako at inayos ang damit ko at inayos ko na rin ang buhok ko.

"Vito tinatawagan kita ano ba." Sabi ni Kyle na narinig ko tila ito taranta kaya napakunot ako ng noo.

Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa nakita kong balita sa telebisyon.

Si nanay naman ay umiiyak sa tabi ko dahil hindi rin ito makapaniwala.

How did that happen? Dalawang araw pa lang mula nang maghiwalay kami ni ate.

Nakausap ko pa ito kahapon pero ngayong umaga ay makikita ko ito sa balita na wala na.

Someone robber her while going home and killed her in instance at balita ito sa buong Davao.

The robbers brutally killed her and i can't imagine it.

Agad akong napatakbo sa banyo dahil may kung anong bagay na gustong lumabas sa akin.

Nagsuka ako at lahat ng kinain ko ay nailabas ko, napaupo na lang sa sahig at malakas na umiyak.

"Selena!" Narinig ko ang tawag ni Vito at mayamaya pa ay nasa tabi ko na ito at yakap ako ng mahigpit.

"I'm so sorry babe." Bulong nito kaya napaiyak ako lalo ng malakas at dahil hindi ko kinaya ang lahat ay nawalan ako ng malay.

Nang muli akong magising ay may nakakabit nang swero sa akin at ramdam ko ang panghihina ng buo kong katawan.

Sakto na pumasok si Vito at agad akong nilapitan.

"How are you babe? Nawalan ka ng malay kanina at nilagyan ka ni Kyle ng swero dahil maputlang-maputla ka na." Sabi nito na nag-aalala ng husto.

"Vito si ate wala na siya." Iyak ko dito kaya agad ako nitong niyakap ng mahigpit.

"I will find them babe, i will make sure to killed them too." Bulong nito kaya napaiyak na naman ako ng malakas.

Gusto kong pumunta ng Davao pero sabi ni Vito ay palipasin muna namin ng atlist dalawang araw.

At isa pa ay wala pa ako sa wisyo, iyak pa rin ako ng iyak at hindi ko makontrol ang sarili ko.

Sobrang sakit para sa akin ang nangyari kay ate.

Kyle is going there together with Kento and Kenta na mag-iimbestiga sa nangyari kay ate.

Alam ko na hindi lang iyon simpleng murder case pero takot ako na maling mag-isip.

Halos hindi nga ako iniwanan ni Vito at maging si nanay ay binabantayan rin ako.

Tinangal na rin ni Vito ang swero ko at nakatitig lang ako sa bintana at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sandaling ito.

Vito came to me and hug me and i cried again in his arms.

Hinayaan lang ako nitong umiyak at dito ako nakatulog dahil sa pagod hindi lang ng katawan ko kundi maging ang isip ko.