Chereads / Captured by the Mafia Lord / Chapter 22 - Chapter twenty-two

Chapter 22 - Chapter twenty-two

Maagang umalis si nanay kinabusakan hinatid ito ni Kyle at Kenta.

Si Kento ay natutulog pa rin dahil napuyat raw ito kagabi sa paglalaro na naman ng video games.

Habang kami naman ni Vito ay balak mamasyal sa buong isla katulad ng pangako nito.

Maglalakad lang kami para maipakita niya lahat sa akin ang buong paligid ng isla.

Nagsimula kami sa training ground na nakita ko last time.

Napakalawak nga nito, may tennis area rin, may isang bodega dito na may mga training equipment.

Ikinamangha ko ay ang mga dagger at iba't ibang uri ng training materials.

"This is what i always use babe." Pinakita ni Vito ang isang bow and arrow na ginagamit raw nito sa mission.

Specialize nito ang bow and arrow. It's like in the movie and i remember the Archer character in a action movie.

"You are amazing Vito." Nakangiti kong turan dito kaya napatawa lang ito.

Mayroon rin dito na firing area, isang silid kung saan may tatlong alley at dito ipinakita sa akin ni Vito ang pagiging shooter nito.

Namangha ako dahil totoo nga ns magaling ito sa lahat ng bagay.

He is a mafia lord afterall.

Kumpleto rin dito ng equipment at dito sila nagpa-practice.

May hearing and eyes protectors dito para hindi namin marinig ang putok ng baril.

Napapalakpak ako dahil sa iisang tama lang ng bala nakatuon ang binaril ni Vito.

The center of the forehead of the targets.

Its like Vito is really a fighter and he is lethal too in anything, i wonder what more of Vito's skills that i didn't see yet.

Imbes na kabahan ay namangha ako lalo sa kayang gawin ng lalakeng ito, he even looks so hot in that position while aiming his target.

Nang matapos kami dito ay lumabas na kami at pumunta naman sa kabilang bahagi ng lugar.

Hindi ako makapaniwala dahil may ganitong bahagi sa isla na ito kaya hindi matapos-tapos ang pagkamangha ko.

Sunod namin na pinuntahan ay ang hydro power plant na pinagawa nina Vito.

Dito nanggagaling ang kuryente sa buong isla, its amazing how this things are making electricity to the whole island epecially to our house.

Nanggagaling ang kuryente sa tubig dahil sa bahagi ng lugar na kung na saan kami ay may napakagandang ilog at sabi ni Vito ay may maliit raw ditong talon na medyo may kalayuan mula dito.

"I will bring you there tomorrow after we finish here." Sabi pa nito kaya napatango ako dito at magkahawak kamay kami na naglakad.

May mga tanim na puno ng bayabas, guyabano, atis, may kalamansi at dalanghita rin, mga puno ng niyog at saging.

Lahat ay may mga bunga at alaga raw ito ni Kyle ang ng magkapatud na kapag wala silang trabaho ay ito ang pinagkakaabalahan nila.

Mayaman talaga sa mga prutas, gulay at kung ano-ano pa ang islang ito.

"Hindi ka na magugutom pa sa lugar na ito." Sabi ko habang nakatingin sa paligid.

"Yeah, kaya nga hindi ko ipagpapalit ang lugar na ito sa kahit anong bagay." Sabi ni Vito kaya napatingin ako dito at napatingin rin sa akin kaya napangiti ako.

Kinuha nito ang kamay ko at pinagsalikop niya ito at sabay kaming naglakad ulit.

Sa manukan naman kami pumunta at may mga pato, gansa raw ito na maingay at kulay puti na tila agresibo pa.

May pabo na similar sa peacock na biglang binubuka ang mga pakpak kaya natuwa ako na panoorin ito.

"Kyle is thinking of growing pigs too, but we need to talk about it because it will be a lot of work." Sabi ni Vito habang naglalakad kami sa pagitan ng mga kulungan ng mga ito.

"Oh, oo and beside it will be stinky." Sabi ko dito kaya napatawa na si Vito sa sinabi ko at sumangayon naman ito.

"Gusto mo manguha ng itlog? May mga itlog na naman." Sabi nito na kumuha ng basket kaya napatango lang ako.

Binilang ko ang itlog na nakuha namin sa mga pugad nito.

"Sixteen pisces to be exact Vito." Nakangiti ko na turan kaya napatawa lang ito at ito na ang nagbitbit ng basket.

"Yeah, we can make letche plan babe." Sabi nito kaya napangiti lang ako at napatango.

Bitbit nito ang basket na may itlog ay lumabas na kami sa kamalig at dumiretso sa taniman ng mga gulay.

Mamimitas naman kami ng gulay dahil gusto kong magluto ng tortang talong sa pananghalian at patola para sa miswan naman.

Naisipan ko na magluto ng tangahalian namin para ma-impress ko naman ang mahal ko.

Nakabalik na kami sa bahay nang makita namin si Kento na nagpu-push up habang nakahubad baro.

Agad itong tumayo nang makita kami at agad kaming binati.

"Buti naman nagising ka na." Sabi dito ni Vito kaya tumawa lang ito at nagsuot ng damit matapos itong magpunas ng pawis.

"Anong gusto niyong ulam? Magluluto ako." Sabi nito kaya napatingin ako dito.

"I wanna cook today, can you just help to prepare some ingredients?" Sabi ko dito kaya agad naman itong tumango at sumunod na sa amin ni Vito papunta sa kusina.

"Pabalik na pala sina Kyle, he called a while ago." Sabi ni Kento kaya tumango lang si Vito.

Umupo ito sa may counter at pinanuod lang kami.

Hindi ko na ito pinatulong dahil magiging riot lang kapag sumama pa ito sa paghahanda namin ng tanghalian.

"Did you roamed around the place?" Tanong ni Kento kaya tumango lang ako habang naggigisa na ng bawang at sibuyas.

Magluluto kami ng mungo na may sari-saring gulay, letchong kawali at piniritong daing na tuyo.

Simpleng ulam pero masarap.

"Oo ang ganda ng lugar at lalo na yong hydro power." Sabi ko dito kaya napangiti lang ito.

Medyo lumayo ako dahil tumatalsik na ang pinipirito nitong karne.

Napakuluan na ito at ipiprito na lang dahil si nanay pa ang nagtimpla nito bago ito umalis.

Paborito kssi nina Vito ang lectsong kawali kaya maraming ginawa si nanay.

Bagay na bagay ito sa mongo beans at mayroon rin na chicharon.

Kumuha ako ng kutsara at pinatikin ko kay Vito ang sabaw ng mongo kung okay na ang timpla at napatitig ito sa akin napangiti lang.

Tamang-tama naman nang matapos kaming magluto at nakahain ay dumating na si Kyle at Kenta.

May dala silang ice cream at bigas dahil kaunti na lang pala ang bigas namin.

"Wow, mukhang masarap ang ulam." Nakangiting turan ni Kyle kaya napangiti lang ako.

Masaya kaming nananghalian at natuwa ako dahil pinuri nila ang luto ko, they love it and this is enough for me.

Walang masyadong ganap sa nakaraang araw na apat lang kami dito sa isla.

Namasyal lang kami ni Vito ng buong araw at naging abala na naman ito sa trabaho nito.

Nagising ako na wala sa tabi ko si Vito kaya napabangon ako at natanaw ko ang isang bulto sa labas ng veranda.

Marahil ay may kausap ito base sa naaaninag ko na palakad-lakad ito.

Bahagyang nakabukas ang sliding door kaya medyo naririnig ko ang boses nito.

"Yeah, she's sleeping right now. I don't think we can talk it right now dad." Ito ang narinig ko na sinabi ni Vito, kausap nito ang ama nito.

At ako ang pinag-uusapan nila.

"Yeah, its been a year now since i took her. Sinabi ko naman sa'yo walang magbabago sa mga plano ko!" Sabi pa rin nito at kinabahan ako.

Dahil naramdaman ko na bumalik na ito dito sa loob ay napapikit ako at hindi kumilos.

"Ngayon na nakuha ko na ng tuluyan ang loob niya ay mas madali na at unti-unti nang bumabagsak ang mga Montero." Sabi nito kaya nakaramdam ako ng kakaibang kaba.

Hindi ko makalimutan ang narinig ko kagabi mula kay Vito, i know that this is will be the reason kung bakit ako nandito.

Ang paghihiganti nito sa pamilya ko, pero hindi maalis sa isip ko kung ang lahat ng pinagsamahan namin sa nakalipas na buwan ay parte rin ng pagkuha nito sa loob ko.

Napahawak ako sa puso ko na kumirot dahil sa sakit.

Tila maiiyak ako na hindi ko maintindihan dahil kung ano-ano na ang naiisip ko.

Napatitig na lang ako sa singsing ko at napangiti na lang.

Paano na kaya kung mapabagsak na ng tuluyan ni Vito ang aking ama? Ito na rin ba ang pagwawakas ng relasyong ito?

Nagulat ako dahil may biglang umupo sa harap ko dahil nandito ako sa veranda.

"Napakalalim yata ng iniisip mo Selena, tinatawag kita pero hindi mo ako narinig." Napatingin ako kay Kyle na nakakunot ang noo sa akin.

"Pasensya ka na. May kailangan ka?" Tanong ko na lang kaya umiling lang ito.

"Hindi mo ba itatanong kung nasaan si Vito?" Tanong nito mayamaya kaya napatingin akong muli dito.

Oo nga pala nagising ako kanina na wala na ito at dahil sa sobra kong pag-iisip ay hindi ko napagtuunan ng pansin na wala pala si Vito.

"Nasaan pala siya?" Tanong ko na lang kaya napailing lang si Kyle at napatingin sa kalangitan na napakaaliwalas.

"If i will tell to leave Vito right now, would you do it?" Sabi nito sa seryosong boses kaya kinabahan ako at napatitig dito.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko kaya napatitig ito sa akin at nakita ko na seryoso lang ito.

"Vito is not an ordinary man, mula nong makidnap ka niya ay may mga nagbago sa kanya na alam namin na ikaw ang dahilan." Sabi nito kaya napayuko lang ako.

"I will never leave him for just a single reason Kyle." Sabi ko dito na seryoso ko itong tinitigan kaya mahina itong napatawa.

"If i will give you atlist five reason? Kakapit ka pa rin ba sa relasyon na mayroon kayo?" Magkasunod nitong tanong kaya bahagya akong napahinga ng maluwag.

"If i will leave him, saan ako babalik? Sa pamilya ko? They never give me a freedom that Vito gave to me. Wala akong babalikan dahil sa umpisa pa lang ay wala na akong pamilya." Naiiyak ko nang turan habang nakayuko ang hawak ng mahigpit ang laylayan ng damit ko.

"Hindi talaga nagkamali si Vito na kinuha ka niya." Sabi nito mayamaya kaya napatingin ako dito nakangiti na ito at napatitig muli sa kalangitan.

Wala na itong ibang sinabi at nanatili lang na tahimik habang nakatitig pa rin sa kalangitan.

Tahimik na lang akong umiyak dahil ngayon ko lang napagtanto na nakakaawa pala ako.

Ang sitwasyon ko ay mukhang lalong magiging magulo kung iiwan ko ang lalaking minamahal ko ng buong puso.