Chereads / Captured by the Mafia Lord / Chapter 20 - Chapter twenty

Chapter 20 - Chapter twenty

After two days umalis kami ni Vito papunta ng Davao at para kahit malayo man ay makita ko ang burol ni Ate Rachel.

Pumunta si Kyle sa bahay ni ate at may mga nakita ito sa kwarto nito na magsasabi na hindi lang normal na murder case ang kaso nito.

Nanginginig ako habang isa-isa kong tinitignan ang mga naiwan na papeles ni ate.

She is real agent and she is investigating my family since twenty-twenty three.

So it's been one year ago since she is secretly collecting some evidence for Sergio Montero my father.

"My father killed her father and brother too, and now she is also a victim." Bulong ko na kinuha sa akin ni Vito ang hawak kong papel at agad akong niyakap.

Nanginginig na naman ako at hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

"I will make them pay for what did they to her." Napatingin ako kay Kyle na kita ko ang galit sa mukha.

Iyak ako ng iyak habang tinatanaw ko lang ang araw ng libing ni Ate Rachel habang nasa tabi ko si Vito at Kyle.

Maraming tao at may media rin ang nasa paligid kaya ingat na ingat kami.

Hindi ko pa rin kayang paniwalaan na wala na ang tinuring kong kapatid at kakampi mula pa man noon.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko dahil nalaman ko kung sino ang nagpapatay dito.

Napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Vito kaya kinabig ako nito para mayakap.

Hindi kami nagtagal sa lugar kaya bumalik na kami sa hotel kung saan kami nag-stay.

Pagod kong hiniga ang katawan sa kama at agad na nakatulog, nang muli akong magising ay nanlalamig ako kahit may kumot na nakalagay sa akin.

Tuyo rin ang lalamunan ko kaya pinilit kong bumangon pero sakto naman na pumasok si Vito mula sa labas at agad na nilapag ang dala nito sa lamesa.

"Babe your awake hows your feeling?" Agad ako nitong nilapitan at inalalayan.

"I need water." Sabi ko dito kaya agad ako nitong binigyan ng tubig.

Nang makainom ako ng tubig ay nagkumot ako dahil malamig talaga.

"I will close the aircon." Sabi ni Vito kaya napatango na lang ako.

"We need to go back home babe, pinapaayos ko na kay Kyle ang yate." Sabi ni Vito na sinalat ang noo ko kaya napamura ito ng mahina.

"You have fever, i need you to take to the hospital." Sabi nito na agad akong binihisan ng jacket dahil hindi ko alam na nanginginig na ang buo kong katawan.

I had high fever for three days at hindi ko namalayan na nakauwi na kami ng isla at ayaw pa akong pakilusin ni Vito.

Pero dahil medyo maayos na ang pakiramdam ko ay bumaba ako nang masigurado ko na kaya ko nang kumilos.

Napatingin ako sa paligid dahil maaliwalas ang araw sa labas kaya naglakad ako papunta sa veranda.

Sinamyo ko ang init ng pang-umagang araw at napahinga ng maluwag.

Nakita ko si Vito na paakyat na dito habang naka-hoodie ito na marahil ay galing sa pagjo-jogging.

"Vito!" Tawag ko dito kaya napatigil ito at napangiti kaya hinintay ko ito na makalapit sa akin.

"Hey babe, hows you feeling?" Tanong nito kaya agad akong yumakap dito.

"Sorry Vito." Bulong ko dito kaya napatawa ito at niyakap na rin ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

"Amoy pawis ako, okay ka na ba? Pwede ka na yatang maligo." Bulong nito kaya napatango ako at napangiti.

Nagulat ako dahil bigla ako nitonf binuhat papasok sa loob at nakita pa kami ni nanay na binati kami.

"Magaling ka na anak salamat naman." Sabi nito na nagpaalam na si Vito at umakyat na kami sa taas.

"Magaan ka na lalo ka pang gumagaan kaya kakain ka ng marami okay." Sabi nito sa akin kaya napatango ulit ako at diretso kami sa banyo.

Ang pagligo namin ay napuno pa ng ungol at mapupusok na lambingan namin.

Hindi ako masyadong pinagod ni Vito kaya pigil niya ang pangigigil sa akin.

Namg matapos kami ay ito na rin ang naghanap ng damit ko at siya na rin ang nagbihis sa akin kahit kaya ko naman na kumilos.

"Let me babe i want to to this to my queen." Sabi nito kaya kinilig ako ng sobra.

Dahil nakaramdam na ako ng gutom ay bumaba na kami at sakto naman na nakahain na si nanay at ang magkapatid na masaya kaming binati.

Si Kyle ay hindi ko nakita kaya baka susunod na lang ito.

"Nasaan si Kyle?" Tanong ko habang magana akong kumakain kaya napatingin sa akin si Vito.

"He has job babe dalawang linggo siyang mawawala." Sabi nito kaya napatango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Alam ko na apektado rin ito sa pagkamatay ni ate kaya naiintindihan ko ito.

Sinabi nito na gusto nito si ate at nakita ko kung paano ito masaktan nang malaman namin na wala na ito.

Siguro kung pinigilan ko na hindi muna umuwi si ate ay baka nandito pa siya.

Pero nangyari na ang nangyari at kailangan kong magpatuloy, lalo na ang huling mensahe nito sa akin bago kami maghiwalay ay huwag magtiwala kahit na kanino.

At alam ko na kabilang si Vito at Kyle sa mga taong tinutukoy nito.

Nagpatuloy ako sa maganang pagkain namin at hindi ko pinahalata kay Vito na may iniisip na naman ako.

Nang matapos kaming kumain ay pinagpahinga na ako ni nanay, huwag daw muna akong magkikilos dahil baka mabinat ako.

Kakagaling ko lang sa sakit kaya naintindihan ko naman ito.

Pumasok ako sa library ni Vito at balak ko na lanv munang magbasa ng libro na hindi ko pa natatapos.

"Just sit here babe and i will go to work." Sabi ni Vito na umupo sa lamesa nito at maraming papeles ang nakatambak sa lamesa nito kaya tumango ako dito.

Mukhang natambak ito nang magkasakit ako, ito kasi ang nag-alaga sa akin at kahit naman nandito si nanay ay gusto nito na alagaan ako.

Umupo ako sa sofa at nagsimula akong magbasa at dahil gusto ko pa ng iba pa na babasahin ay naglibot ako sa shelves para maghanap ng bagong libro.

Sa nakalipas na oras ay ito lang ang ginawa ko pero naisipan ko na dalhan ng miryenda si Vito kaya lumabas ako ng library.

Papunta na ako sa kusina pero nakarinig ako ng nag-uusap at ang magkapatid ang nag-uusap.

"Sabi ko kasi sa'yo na tawagan mo na lang baka sakali na magbago pa ang isip niya." Sabi ni Kento sa kapatid nito kaya napakunot noo ako.

Ayokong makinig sa usapan nila pero mukhang seryoso silang nag-uusap sa kung ano.

Nakita ko si nanay na pababa kaya napangiti ako at sinalubong ko ito.

Nagpalit ito ng bedsheet namin at binaba na nito kaya napangiti ako.

"Tulungan na po kita nay." Sabi ko dito na napangiti nang makita ako.

"Gagawan ko po si Vito ng miryenda kaya ako lumabas."

Sabi ko dito at nang pumasok kami sa kusina ay nakita ko ang magkapatid na nakangiti sa amin.

Normal na ulit ang dalawa at nagluluto pala ng pasta kaya tamang-tama naman na may ipapakain ako kay Vito.

"Malapit na itong matapos." Sabi ni Kenga kay hinanda ko ns ang tray at plato para sa amin ni Vito.

"Wala na palang grocery kaya kailangan na natin mamili." Sabi ni nanay kaya napatango ang dalawa at sinabi kay nanay na ilista na lang mga kailangan.

Sa pag-grocery ay ang magkapatid ang nakatoka at naglilista na lang si nanay.

Wala naman masyadong bibilhin dangan nga lang ay ang pangkusina at mga kailangan dito sa buong bahay ay kailangan namin.

Ang mga gulay, prutas, isda at itlog ay libre namin na nakukuha dito sa isla.

Ang karne ay kailangan naming bilhin pero malaking kabawasan na ito sa gastos.

Pero alam ko naman na balewala ito kay Vito dahil marami naman itong pera.

Speaking of money hindi ko alam kung gaano nga ba ito kayaman, pero dahil may sarili itong isla, yate at helicopter at kumpanya ay mayaman nga ito.

Isa pa ay isa itong Mafia Lord kaya alam ko na hindi ito birong tao.

Pero alam ko rin na mapanganib ang mga taong katulad ni Vito dahil illegal ang karamihan sa mga negosyo nito.

Napailing na lang ako dahil kung saan na naman ako dinadala ng isip ko.

Kumuha ako ng tray at plato para sa amin ni Vito at kinuha ang isang pitshel ng guyabano juice na paborito namin ni Vito.

"Wow, mukhang masarap ito." Sabi ko kay Kento kaya napangiti lang ito at ito na ang nag-plating at ito na rin ang nagbuhat ng tray.

Binuksan ko ang pinto ng library at nagulat kami pareho ni Kento nang marinig namin si Vito na malakas na nagmura.

May kausap ito sa telepono at nang makita ako at ay agad nitong pinatay ang tawag.

"Nagdala ako ng miryenda." Sabi ko dito kaya napahilot ito ng noo at tumango at huminahon na ito.

Nilapag na ni Kento ang tray sa lamesa at nagpaalam na kaya napatango lang ako at nagpasalamat dito.

"May problema ba?" Tanong ko mayamaya habang nilalagay ko ang juice sa baso at binigay dito.

"Ss trabaho lang babe, bukas ay luluwas ako ng Manila to sort that matter okay." Sabi nito sa mainahon na boses kaya napatango lang ako.

Naging maayos naman na ang mga nakalipas na oras namin at nawala na ang madilim na buska ng mukha kay Vito.

I wonder what it is to be mad like that, pero dahil sabi naman niya ay sa trabaho ay isinantabi ko na lang ito.