Barangay Dos: Ang Batang Nakagapos
Sa Barangay Dos, sa loob ng isang lumang bahay na puno ng alikabok at amoy ng sigarilyo, maririnig ang sigaw ng isang batang sampung taong gulang. Ang payat niyang katawan ay nanginginig habang paulit-ulit na pinalo ng belt buckle ng kanyang ama. Ang matandang lalaki, lasing at galit, ay halos hindi mapigilan ang kanyang lakas habang patuloy na sinisigawan ang anak.
"Wala kang kwenta! Isa kang pabigat! Hindi ka aalis ng bahay na 'to hangga't hindi ako nakakabalik" galit na sigaw ng ama habang hinahampas ang bata.
Pagkatapos ng bugbog, ikinadena niya ang bata sa ilalim ng hagdan. Ang kanyang maliit na katawan ay halos hindi makagalaw sa higpit ng pagkakatali.
Lumapit ang kanyang ina, ngunit imbis na damayan ang anak, sinipa pa niya ito sa tagiliran. "Narinig mo ang tatay mo! Deserve mo 'yan!" bulalas ng ina bago tumalikod.
Samantala, ang pangalawang kapatid ng bata ay nanonood mula sa itaas ng hagdan, malakas ang tawa. "Hahaha! Wala ka kasing kwenta, kaya yan ang napapala mo!" sigaw niya bago bumalik sa kanyang kwarto.
Hindi maintindihan ng bata kung ano ang kasalanan niya. Ang kanyang mga mata ay namumugto sa luha habang tahimik siyang nagdasal sa dilim, umaasang may magliligtas sa kanya mula sa impyernong tahanan.
---
Balik sa Barangay 58: Ang Ulat ng Bata
Sa Barangay 58, isang batang lalaki ang nakatago sa likod ng pader habang pinakikinggan ang usapan nina Nek at ng dalawang lalaking kahina-hinala. Ang matabang lalaki at ang payat na bakla ay tahimik ngunit ang bigat ng kanilang presensya ay halatang nagpaplano ng masama.
"Kailangang matapos na ito ngayong gabi," bulong ni Nek, hawak ang kanyang baston. "Ang batang si Karen… kailangan na niyang mawala. Kapag nagtagumpay tayo, ang yaman ng pamilya niya ay magiging atin."
"Walang problema sa amin. Alam mo na kung gaano kami kagaling," sagot ng matabang lalaki, na ngumiti nang may kasamaan.
Nang marinig ito, ang batang nakikinig ay agad tumakbo, nanginginig sa takot. Habang tumatakbo pabalik sa bahay ni Kingston, halos mabangga niya ang mga pusa na naglalakad sa kalsada. Pagdating niya, humihingal at halos hindi makapagsalita.
"Kingston! May masama silang plano! Si Karen… papatayin nila si Karen!" sigaw niya habang tumutulo ang kanyang pawis.
Si Kingston, na noo'y nagpapahinga lamang, biglang tumayo na parang nasunugan. "Ano? Si Karen? Papatayin?!"
Nanginig ang kanyang buong katawan, ngunit hindi ito dahil sa tapang kundi sa takot. "Anong gagawin ko? Anong gagawin ko?! Hindi ko kaya 'to!" sigaw niya habang umiiyak.
Tumakbo siya papunta kina Kenji at Yoru, at sinabing, "Tulungan niyo ako! Si Karen nasa panganib! Hindi ko siya kayang iligtas mag-isa!"
Napatingin si Kenji kay Yoru. Tahimik silang nagkatinginan, halatang iniisip kung dapat ba silang makialam. Sa huli, tumango si Kenji.
"Sige. Tutulungan ka namin," sabi ni Kenji. "Pero kailangan mong tumigil sa kakaiyak. Hindi makakatulong 'yan."
---
Sa Gabi, Sa Mansyon ng Marcedez
Tahimik ang buong mansyon. Sa loob ng kwarto ni Karen, mahimbing na natutulog ang dalaga. Ngunit biglang naputol ang katahimikan nang may marinig siyang mahihinang yabag papalapit sa kanyang pinto.
Binuksan ang pinto, at pumasok si Nek, dala ang isang kutsilyo.
Sa kabila ng dilim, nakikita ang malamig na ekspresyon sa mukha ng butler. Lumapit siya sa kama ni Karen, habang pabulong niyang sinasabi, "Patawad, Young Lady. Lahat ng sakripisyo ko para sa pamilya niyo ay dapat na mabayaran. Ang yaman niyo… magiging akin."
Bago pa man itarak ni Nek ang kutsilyo, biglang iminulat ni Karen ang kanyang mga mata at mabilis na tumalon mula sa kama.
"Nek! Bakit?!" sigaw niya habang halos lumuha.
Ngunit hindi sumagot si Nek. Sa halip, inilapit niya ang kutsilyo at sumugod kay Karen. Nanginginig ang dalaga habang pilit na iniwasan ang kanyang dating pinagkakatiwalaan. Sa kanyang puso, nararamdaman ang matinding takot at pagkabigo sa ginawa ng butler.
Sa labas ng mansyon, sina Kenji, Yoru, at Kingston ay papalapit na, handang harapin ang anumang panganib na naghihintay sa kanila. Sa likod nila, ang mga anino ng dalawang lalaking kasama ni Nek ay unti-unting nagiging mas malinaw, tila sila rin ay naghahanda na para sa gabing iyon.