Chereads / The Good Wife (Tagalog) / Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 9 - Chapter 8

Nagmamadali si Cherry kasama kanyang anak. Hindi niya pa hahayaang magtagal doon at patuloy na kausapin si Jared lalo na maraming tao ang nakakakita sa kanila. Mabilis niyang kinuha sina Cyprus at Carina palayo sa ex-boyfriend.

"Aalis na kami. Marami pa akong gagawin sa bahay," simpleng pahayag niya lamang dito. "Layuan mo rin mga anak ko. Nakikiusap ako sa'yo, Jared."

"Bakit? Pinagbabawalan mo rin ba ako makipag-friends sa mga anak mo?" tanong naman na pabalik sa kanya.

"Mama, I want chocolates eh," sambit naman ni Cyprus. Napatitig si Cherry sa bunsong anak na may nginangata itong pagkain.

"Cyprus!" napasigaw niyang sabi sa anak na lalaki. "Di ba sinabi ko ng huwag kang tatanggap ng pagkain mula sa taong di mo kilala?"

"Huwag mong pagalitan ang mga bata. Wala silang kasalanan," depensa ni Jared sa mga anak ni Cherry.

"I told him not to entertainment strangers," giit ni Carina.

"Mabuti pa umalis na tayo," sabay titig ni Cherry kay Jared at paghila sa kanyang mga anak palayo sa kanilang kinatatayuan.

"Oh, come on Cherry. Gusto ko lang naman makipag-close sa mga anak mo," pakiusap pa rin ng binata.

"I said let's go!" sigaw niya lalo na kay Cyprus na nakatingin pa rin kay Jared.

Napahinga nang malalim ang binata. Kahit anong gawin niyang effort ay hindi pa rin siya mapatawad ng ex-girlfriend. Nauunawaan naman niya kung bakit.

Mga ilang sandali pa ay walang ganang pumasok siya sa sasakyan. Nakaagaw pansin sa kanya ang ilang toys na binili niya para sana sa mga bata. Ibibigay niya ito kung nagtagal pa bago dumating si Cherry. Napag-isipan niyang sa susunod na araw na lang niya iyon ipapadala at sa bahay nito mismo.

Pagkaraan ng ilang araw, naging abala siya sa pag-aasikaso at pagpapatakbo ng jewelry store na tinayo niya seven years ago. Ibang tao ang naging katuwang niya sa negosyo. Kinuha naman niya ang ilang kapatid subalit tumanggi mga ito. Binibigyan naman niya ng opportunity pero mas gusto ng mga kapatid ang humingi at umasa na lang sa kanya.

Sa kabilang banda, naging marami kanyang benta ngayon lalo na uso ang kasalan sa ganitong buwan ng June. Kaya, late na rin siya makapagsara nito. Nang patapos na niyang sarahin ang store ay may biglang nagsalita sa kanyang likod.

"May sariling negosyo ka pala. Kaya siguro ang asawa ko panay lapit sa'yo," dinig niya kaya kaagad na lumingon siya.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo." Nagmamaang-maangan lamang si Jared.

"Huwag ka na magkunwari. Alam kong nagkikita kayo ng asawa ko kaya itigil mo na."

"Hindi kami nagkikita ng asawa mo." Pagsisinungaling niya pa. "Saan mo naman nakuha ang impormasyon na 'yan?"

"Hindi na mahalaga kung saan ko nakuha. Ang gusto ko lang iwasan mo na siya kundi ipapakulong kita." Bakas sa mukha ni Alfred ang inis na nararamdaman sa kanyang karibal.

Napangisi lamang si Jared, "Tignan natin kung sino ang may kasalanan. Hindi mo nakakalimutan na may hawak akong ebidensya tungkol sa pananakit mo sa'yong asawa."

Natameme bigla si Alfred at sandaling umatras. "Basta masasabi ko lang ngayon na layuan mo na siya." Umalis na rin siya palayo at di nagawang makipagtalo pa sa ex-boyfriend ng kanyang asawa.

Kararating lang ni Jared sakanilang bahay nang bigla siyang sinalubong ng kanyang ina't ama at hindi maipinta mga mukha nito. Sumunod pati kanyang mga kapatid dahilan upang mapatitig siya nang may pagtataka. Hinintay niyang magsalita mga ito dahil di niya rin alam kung ano ang sasabihin.

"Totoo ba nabalitaan namin ng mama mo na hiwalay na kayo ni Kelly?" tanong ng ama sa kanya. "Kailan pa, Jared? Sabihin mo nga sa'min."

Tumango lamang ang binata at wala anumang boses na narinig mula sa kanya. Pinili niya maging tahimik. Wala rin masyadong reaskyon na makikita sa kanyang mukha.

"Kailan pa?'' tanong muli ng kanyang ama.

"Matagal na po," pilit niyang sagot. Pagod rin kasi siya ngayon dahil dagsaan ang mga customers kanina sa kanyang jewelry store.

Napabuntong-hininga kanyang ina sa kanyang naging sagot at sinigawan pa siya, ''Anong pumasok diyan sa utak mo at nagawa mong makipaghiwalay sa kanya, ah?" Dinuro pa siya nito habang nakasimangot kanyang ama at pinapanood naman siya ng kanyang mga kapatid. Hindi suportado sa kanya ang kuya niyang si Julian.

"Alam naman natin na mahal mo siya di ba? Engaged na kayo eh," saad pa ni Lucio.

"Nagbabago ang feelings, Ma at Pa," katwiran niya. "Mas maigi ng maaga pa nagpakatotoo na kaagad ako sa kanya. Kaysa kasal na kami saka ko lang aaminin kay Kelly."

Mas dinuro pa siya ni Ginang Glenda dahil sa pangangatwiran niya. "Pinagamamalaki mo pa?"

"Anong nangyayari sa'yo ah, Jared at bakit ganyan ka kung mag-isip ngayon?" dagdag pa ni Lucio.

''Walang naging mali sa desisyon ko. Walang masama ang magpakatotoo na wala na akong nararamdaman sa kanya," muli pang katwiran ng binata. Hanggang ngayon pa kasi pinakikialaman pa rin ng magulang niya ang kanyang bawat desisyon. Nasa tamang edad na siya at alam niya kung nakakabuti kanyang ginagawa o hindi. Naiinis na nga siya sa mga ito.

"Napakagaling mo na rin sumagot, ah!" puna ni Ginang Glenda. "Porke mas nakakaangat ka na ngayon, ganyan mo na lang kami kung sagutin mo. Tandaan mo, hindi ka namin pinalaki na walang modo."

Bakas sa binata ang inis sa kanyang mukha. Ang pagkainis niya sa mga ito na parang sinusumbat sa kanya ang lahat ngayon dahil hindi na niya magawang sumunod sa mga gusto nito. Hindi pwedeng lagi na lang ganito lalo pa na lalaki siya at nasa tamang edad na rin para makaisip ng sariling desisyon. Hindi na rin siya tulad ng dati na sunodsunoran sa mga magulang.

Sa halip na patuloy pang makipagtalo si Jared ay naisipan na niyang magpaalam sa mga ito. "I think I should rest now. Pagod na rin ako buong hapon sa store.''

"Kinakausap ka pa namin, ah," sambit ng ama. "Tatalikuran mo na kaagad kami?"

Napahilamos na siya ng mukha sa iritableng nararamdaman niya. Pagod na pagod na nga siya sa trabaho at pagkarating niya pa ay puro sermon at pagtatalo pa masasalubong niya.

"Gusto ko lang ho talaga magpahinga at saka wala namang magbabago kung patuloy pa nating pagdidikusyunan ang tungkol sa'min ni Kelly." Kaninang mahinahon na boses ay unti-unti ng napapalitan ng pagkainis. "Can we stop now?"

sabi pa niya. "Can we stop talking non-sense things?'' napapikit pa niyang saad.

Dahil diyan ay bigla na lamang siya sinampal ng ina sa kanyang kanag pisngi. Mahapdi iyon upang himasin ni Jared kanyang mukha.

"Hindi mo na kami ginagalang," pahayag pa nito. "Hanggang ngayon ba ay ang babae pa rin 'yon ang iniisip mo kung bakit ka nagkakaganito?"

"Huwag niyo ng idamay si Cherry sa kalokohan niyo dahil wala siyang kinalaman dito," katwiran pa ng binata. Napatitig naman sa kanya ang panganay niyang kapatid na si Julian. "Huwag na huwag niyo siyang isasama sa diskusyon natin."

Akmang sasampalin na rin siya ng kanyang ama nang pigilan na ito ng iba pa niyang kapatid. "Wala kang utang na loob!"

Napangisi na lamang si Jared saka nagmadaling nagtungo sa kanyang silid dahil ayaw na niyang humantong pa sa pagkawala na niya ng respeto sa magulang. Kanina pa siyang pilit na nagtitimpi at nanaig pa rin ang kanyang paggalang pero hindi na rin kasi tama ang mga sinasabi nito sa kanya. Ang mga ito nga ang dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Cherry noon at nakikita niyang naghihirap ang dating kasintahan sa kasalukuyang buhay nito. Mas inisip nga niya noon ang kapakanan ng pamilya at ang sarili niyang pangarap kaysa sa sarili niyang kaligayahan- bagay na lubos niyang pinagsisihan.

Kinabukasan ay nag-alsabalutan si Jared ng kanyang mga gamit. Balak na niyang lumayas sa kanilang bahay upang lumayo na muna sa mga ito. Gusto niya ng payapa at kalayaan na makapag-isip siya para sa kanyang sarili. Mas mainam kasi kung lalayo muna siya. Sobrang nakakapagod unawain kanyang mga magulang na walang ginawa kundi kontrolin kanyang buhay.

Dinala niya lamang ang mas importanteng bagay. Kumain lamang siya ng tinapay at uminom ng kape. Tiniyak pa niya sa kwarto kung ano pa maaari niyang dahilan sa lilipatang lugar.

Mga ilang minuto pa ay hinanda na niya ang sarili sa pag-alis sa kanilang bahay. Buo na kanyang desisyon at wala ng makakapigil sa kanya. Subalit nang akmang lalabas na siya ng kwarto saka naman ang pagpasok ni Julian sa loob ng silid.

Gulat at may pagtataka sa mukha nito. "Kung ako sa'yo, Jared pag-isipan mo muna itong gagawin mo." Kasabay ng pagpipgil sa kanya.

"Nakapag-isip isip na ako. Lalayo na muna ako dito sa bahay na ito," paliwanag ng binata sa panganay na kapatid.

Walang anu-ano ay tinulak na niya ang malate kasama ang pagsaklay sa backpack niya. Walang nagawa si Julian kaya dire-diretso lamang si Jared sa kanyang paglalakad dahilan makaagaw iyon ng pansin sa mga kasamahan nila sa loob ng bahay. Napansin din iyon ng kanyang ina't ama.

"Please, kuya huwag ka umalis," pakiusap ng kanyang kapatid na babae na si Juanita at pinagsang-ayunan din na isa pa nilang kapatid na babae na si Jelyka.

"I'm sorry I have to go,'' paninigas na tinig niya.

''Ano nanaman ba ito, Jared?" singit ng kanyang ama nang makita siyang may mga bitbit na maleta at mga bags.

Tahimik lamang ang binata na wala ng balak pang makipag-usap sa kanyang magulang. Dire-diretso siya at tila wala siya narinig na anumang boses. Tumitig siya sandali ilang kapatid niya na nakikiusap na huwag siya umalis saka na siya nagpatuloy hanggang sa makalabas na ng kanilang bahay. Hinabol-habol pa si Jared ng kanyang magulang pati mga kapatid.

"Talagang napakatigas na ng ulo mo ngayon", pahayag muli ni Lucio. "At naisipan mo pang lumayas..."

''Saan ka naman pupunta niyan?" sambit naman ng kanyang ina. Muli pa siyang dinuro nito, "Kapal ng mukha mong mag-alsabalutan pagkatapos ka namin palakihin nang maayos."

Sandaling tumigil si Jared at muling nagsalita, "Pinalaki nang maayos, kailan? Halos buong buhay ko noon kayo ang kumukontrol tapos ngayon, pinalaki niyo ako nang maayos?" giit pa niya. "Mas minabuti ngang makaalis na ako sa bahay na ito para wala ng nakikialam sa buhay ko."

Pagkatapos niyon ay umalis na nga siya habang dinig niya ilang boses ng kapatid na sinasabing huwag na siya umalis, tinatawag naman siya ng kanyang Kuya Julian at panay sigaw sa kanya ng ina at ama- na wala na siyang balak pang lingunin ito at nanatili lamang siya papasok ng kotse na pina-book na rin niya kagabi pa. Mabuti na lang sakto ang pagdating nito para di na siya naghintay pa ng matagal sa labas ng kanilang gate.

Nagrenta si Jared ng isang tamang silid para sa kanya. Kaagad na rin siya nagbayad sa may-ari ng lodging house para sa buong buwan niya na pagtitira roon. Naiisip niya na mas mainam na ganito na tahimik at maliit kaysa doon sa bahay nila na walang ginawa kundi pangunahin siya at sermonan. Mabibingi lamang siya at mababaliw roon.

Sa sumunod pang mga araw ay napagdesisyunan niya na ring ibenta ang jewelry store sa kung sino gusto bumili niyon. Ayaw naman niya ipasara dahil kawawa naman ang mga workers niyang mawawalan ng trabaho. Ilang araw din siya naghintay bago nakahanap ng buyer at bagong may-ari ng store sa tulong ng kaibigan niyang si Marlo. Naisipan niyang ibenta upang di na rin siya magtungo ulit doon dahil alam niyang pupuntahan siya ng kanyang mga kapatid upang kulitin siya at humingi o umutang ng pera. Ang bayad doon ay gagamitin niya upang makapagsimula ulit. Walang iba nakakaalam kung nasaan siya ngayon kahit kaibigan niyang si Marlo. Malayo ang lugar na tinitirhan niya ngayon sa bahay nila kaya di siya mahahanap o makikita nito. Mag-a-apply siya muli ng trabaho katulad ng dati.

Kasalukuyang natutulog na si Cherry nang bigla siyang gambalain ni Alfred. Hinalik-halikan siya nito sa leeg dahilan upang mairita siya. "Inaantok na ako kailangan ko nang matulog," sambit pa niya subalit hindi siya pinakinggan. Tinuloy pa rin ng asawa ang ginagawa. "Hmm, pagod ako ngayon, Alfred galing ako sa trabaho."

Pinilit siya nitong hinarap sa kanya at nanlaki kanyang mga mata. Naaamoy rin niya alak sa hininga nito. "Lasing ka na. Huwag na natin ituloy 'to. Pilit na sana niyang itutulak ang asawa pabalik sa dating pwesto nang pigilan siya ni Alfred. Sobrang higpit ang pagkakahawak ang braso nito sa kanya dahilan upang matigilan siya. Sa halip na tumanggi pa ay hinayaan na lamang niya na gawin ang gusto nito.

Isang malalim na halik ang ginawad sa kanya ni Alfred, ''Hmmm.." simpleng ungol niya.

Kaya kinabukasana ay tinanghali sila pareho ng gising dahilan ma-late sa school sina Carina at Cyprus, sa trabaho naman si Alfred.

Pumasok naman ng trabaho si Cherry at bakas sa kanya ang puyat sa ginawa nila ni Alfred kagabi. Pansin iyon ng ilang katrabaho na panay ugab niya. "Uy, ayos ka lang?" tumango siya.

"Pansin ko lang kasi ngayon na kanina mo pa inaangat ang bibig mo eh.''

"Puyat lang siguro ako pero huwag mo na akong alalahanin."

Isang araw ay namalengke naman si Cherry dahilan malapit ng maubos ang mga stocks nilang pagkain sa ref pati sa ilang lalagyanan nila sa kusina. Bitbit niya mga groceries pati mga pinamili niya sa mismong palengke. Kita sa kanya ang pagmamadali dahil malapit ng sumapit ang ala-singko ng hapon. Hindi pa siya nakakapagluto ng gabihan. Sa kanyang madaling paglalakad ay may biglang kamay na umalalay sa mga bitbit niyang plastic bags.

"I saw that you needed my help," tinig ni Jared. Napatingala si Cherry sa binata at nagulat.

Kaagad niyang iniwasan ito. "Hindi kailangan. Kaya ko naman 'to eh," tugon ng babae.

"Hanggang ngayon ba paiiralin mo pa rin 'yang pride mo kaysa tumanggap ng tulong?"

Nilingon ni Cherry si Jared. Mas naanigan pa niya ang mukha ng binata na may kaunting pagbabago sa itsura nito. Dati rating walang makikitang balbas at ngayon humahaba na ito na halatang matagal na ring di nakakapag-ahit. Nakikita rin niya ang makakapal na eye bags nito na dati hindi man niya napansin. Sa buhok ng binata ay mula sa maikli naging mahaba na ito na katulad sa buhok ng babae.

"Oo para tumigil ka na kakahabol sa'kin," sagot muli niya sa binata. "Nakikiusap ako sa'yo na layuan mo na kami."

"Hindi ko kayang di nakikita man lang ang taong mahal ko so please stop hurting me like this, Cherry," pakiusap ni Jared sa kanya ng may mahinahon pa ring boses. "Hindi ko ginagawa ko lang para mag-aksaya ng oras dahil ginagawa ko ito dahil ikaw pa rin ang tunay na nagpapasaya sa'kin."

Napapikit siya nang mariin. "Huwag ka na umasa, Jared dahil tapos na ang sa'tin. Mahal ko ang asawa ko," paglilinaw niya. "Mahal ko pa rin si Alfred at hindi ko siya iiwanan para sa'yo."

Saka na naglakad palayo si Cherry sa kanyang kinatatayuan. Ayaw na niyang patagalin pa kanilang usapan dahil baka may makakita pa sa kanila. Hangga't maaari kailangan niya umiwas sa isyu at gulo. Napakarami na niyang problema para madagdagan pa ito.

Kinaumagahan ay busy si Cherry sa paghahanda ng kanilang almusal. Maaga siyang nagising kaya panay pa ring ugab niya. Late na rin siya kasi nakatulog kagabi dahil nagplantsa pa ng mga uniporme ng asawa sa trabaho nito kasabay ng mga uniporme ng kanyang anak sa kanilang school. Tahimik lamang ang paligid dahil tulog pa ang lahat.

Pagkalipas ng bente minuto, nakarinig na siya ng mga tunog ng tsinelas patungo sa daang kusina. Tamang-tama kanyang paghahanda ng pagkain. Si Alfred ang unang bumungad sa kanya. Hindi maipinta ang mukha nito nang maglakad palapit sa kanya.

"Nagkita nanaman ba kayo ng lalaki mo?" padabog nitong tanong.

"Anong sinasabi mo, ah? Wala akong ibang lalaki," paliwanag niya.

Matalim na tumitig si Alfred sa kanya na may kasamang sarkastikong ngiti. ''Sinungaling!" sigaw pa nito. ''Kahit kailan napakasinungaling mo talaga.''

Bakas naman sa mukha ni Cherry ang pagkalito. "Hindi ako sinungaling dahil wala naman talaga ako ibang lalaki. Nag-iilusyon ka lang.'' Patuloy lamang siya pangangatwiran sa asawa upang depensahan kanyang sarili dahil di tamang inaakusa siya nito nang mali. Hindi na siya makakapayag pang tapakan nito kanyang pagkatao at magpakababa sa asawa kahit mahal niya ito.

"Sige, halika nang makita mo ang mga larawan na nakuha sa inyo kahapon sa palengke." Kinaladkad siya ni Alfred patungo sa living room. Nakita nga niya ang ilang pictures sa lamesa. Napatitig siya sa mga anak niyang umiiyak na rin dahil sa naririnig nitong pagtatalo nilang mag-asawa.

Akmang lalapitan na sana niya ito nang bigla siya hinawakan ng sobrang higpit sa braso ng asawa. "Aray, nasasaktan ako."

"Ngayon sabihin mo sa'kin at aminin sa mga anak mo ang kalandian na ginagawa mo," saad ni Alfred.

Sinamaan niya ito ng tingin dahil nagawa pa nitong idamay kanilang mga anak. "Hindi totoo 'yan. Walang katotohanan ang nasa pictures,'' depensa ni Cherry. Muli siyang tumitig sa mga anak. ''Maniwala kayo, hindi ito 'yan."

Kitang-kita sa mukha niya ang pagpipigil ng luha. Napakagat-labi habang nakakuyom kanyang kamao. Nakaramdam siya ng inis kay Jared dahil sa di pagtigil nitong paghahabol sa kanya. Gigil din sa asawa na pilit pagpapaamin sa kanya sa kasalanan na hindi niya ginawa.

Biglang hinila nito ang buhok niya sa harap nina Carina at Cyprus. "Aray ko, Alfred nasasaktan ako.''

''Huwag mo akong subukan, Cherry kaya kung ako sa'yo umamin ka na."

Mas lalong lumakas ang iyakan ng mga bata sa nangyayari.

"Wala akong aaminin dahil di totoo ang binibintang mo sa'kin."

Dahil diyan mas hinigpitan pa nito ang kapit sa kanyang buhok kasabay sa kanyang braso. Napadaing muli si Cherry sa sakit nararamdaman niya. Hindi na niya kaya lalo nang nasa harap sila ng mga bata. Nakaisip kaagad siya ng paraan pero nabigo pa rin siya nang bigla namang hinawakan ng mahigpit kanyang panga.

"Akala mo makakalayo ka..." saad nito. "Ngayon, umamin ka na."

Hindi umimik si Cherry at nag-iisip ulit siya ng paraan kung paano makakabitaw sa pagkakakapit sa kanya ni Alfred.

"Tandaan mo, akin ka lang. Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa ibang lalaki katulad ng ex mo." Binigyan pa nitong diin ang huli kataga.

''Hinding-hindi ako aamin sa bagay na hindi ko magagawa. Tandaan mo 'yan, Alfred," pasigaw niyang tugon dahilan nang muntikan ng dumapo ang palad nito sa kanyang pisngi nang may biglang nagsalita.

"Bitiwan mo ang ate ko!'' sigaw na pahayag ni Daryl.