Naupo sila nang sabay. Ilang segundo pa bago sinimulan ni Aling Marietta ang kanyang sasabihin. Ayaw naman niya manghimasok pero masyado na siya nag-aalala sa sitwasyon ni Cherry. Sa tingin niya ito na ang tamang panahon para sabihin ang kanyang nais iparating.
Huminga muna siya nang malalim bago magsalita. "Cherry, alam ko wala akong karapatan sabihin pero sa tingin ko ito ang gusto kong mangyari para sa'yo...." malumanay niyang pahayag.
"Ano po 'yon, Aling Marietta?" Naghihintay pang susunod na sasabihin ng ginang. Hindi maalis ni Cherry ang tingin niya rito.
"Sa nakikita ko kasi sa sitwasyon niyo ni Alfred...." panimula niya ng sasabihin. "Sa tingin ko, mas maiging ilayo niyo muna ang isa't isa. Magbuklod muna kayo mag-iina. Hindi ko matiis na pati mga bata ay nadadamay sa asawa niyo mag-asawa. Malaking trauma ito para sa kanila." Hinawakan ng ginang ang kamay ng babae at pinisil-pisil iyon. "Kung mahal mo ang anak mo, mas pipiliin mo ang kapakanan nila. Huwag mong paghinayangan ang katulad ni Alfred at huwag mo na ring hintayin mas higit pa roon ang mangyari."
Buong gabi na inisip ni Cherry ang sinabi sa kanya ni Aling Marietta dahilan upang di siya makatulog. Iniisip niya pa rin ang nabuo niyang pamilya. Paano na lamang kung maglayo-layo sila? Matatawag pa ba na buo ang pamilya niya na malayo siya sa kanyang asawa? Dahil hanggang ngayon umaasa pa rin siya na magbababgo ito at maibabalik sa dati ang ugali nito. Naiisip niya rin ang iba pang sinabi sa kanya ng ginang- paano kung mapahamak naman kanyang mga anak dahil sa pag-aaway nila Alfred? Sa isip pa lang niya, kinikilabutan na siya.
Pagkalipas ng limang buwan buhat nang maospital si Alfred dahil sa mga kapatid ni Cherry, plano muli ng babae na sundan ang asawa sa kung saan ito magpunta.
Ngayon nakasakay siya sa isang taxi habang sinusundan ang sasakyan na sinasakyan rin ni Alfred. Gusto niya malaman ang katotohanan kung talagang may iba pang tinatago ang asawa niya sa kanya. Gusto niya malaman ang dahilan kung bakit naging gano'n na lang pakikitungo sa kanya bukod oa sa pagdadahilan nito tungkol sa nakaraan nila ni Jared.
Ilang sandali pa ay tumigil ang sasakyan na iyon sa isang hospital building. Mas lalo naging curious si Cherry sa ginagawa ng asawa. Tumigil din ang sinasakyan niya sa di kalayuan na kung saan tumigil ang kotseng sinakyan ni Alfred.
Pagkababa niya ay mabilis niyang sinundan ito. Tumigil siya sandali dahil lumingon si Alfred sa kanyang kinaroroonan. Nagpatuloy ulit siya at maraming pasikot-sikot pa dinaraanan niya. Pitong minuto na kanyang paglalakad nang makita niya ang asawa na pumasok sa isang opisina ng doktor.
"Ano kaya ginagawa niya diyan?" tanong niya sa isip. "Eh di kaya nagpapa-check up sila ngayon kasama ang kabit dahil buntis ito?"
Mas lalo siya nakaramdam ng kaba at pag-alala sa kanyang mga iniisip. Naglilibot kanyang paningin sa paligid kaya nagmumukha tuloy siyang baliw doon. Kaya naman naupo na lang siya sa may katabi ng kanyang kinatatayuan.
"Tagal naman ata," bulong niya sa sarili. Patingin-tingin siya sa relos na kanyang suot. Mga ilang sandali ay nag-check sa phone kung may nag-text o anuman.
Mga ilang sandali pa ay natapos na rin kanyang paghihintay. Nakita na ni Cherry na lumabas na ng opisina si Alfred. Mag-isa lang ito at walang kasama na iba pero hinintay pa niya ng limang segundo baka sakaling mayroon sumunod pa rito. Wala siyang nakitang kasama ni Alfred. Mag-isa lang ito. Sumilip pa siya muli. Dire-diretso lamang sa paglalakad kanyang asawa.
Dahil wala siyang napala ay tumayo na siya kaagad at muling sinundan si Alfred pero napansin niya sa phone na mismong office na pinagtatrabuhan nito ang landas na tinatahak ng sasakyan.
Kinabitan niya kasi ng anumang GPS device ang bag ng asawa para madali nito matunton kung nasaan ito. Kaya, naisipan na lamang niya na umuwi ng bahay upang asikasuhin kanyang mga anak at ipagluto ito ng paborito nilang pagkain.
Sumunod pang mga araw ay sinundan niya ulit ito. Wala pa rin siya nadiskubre kay Alfred. Subalit sa kabila nito ay bigla niyang naisipan na dumaan sa opisina na pinagtatrabuhan ng asawa. Simpleng bumaba siya sa lugar na medyo kalayuan sa lugar upang di siya makita. Nilakad niya lamang ito patungo ng opisina nang makasalubong niya ang isa sa mga katrabaho ng kanyang asawa na si Patrick.
"Oh, Cherry ano ginagawa mo rito?" Nagtitinginan ang dalawang lalaki. Kita sa mukha nila ang di mapalagay na reaksyon.
"Gusto ko lang sana hatiran ng pagkain si Alfred." Pasimple lamang tugon ni Cherry. Wala siyang dalang anumang pagkain. Talagang sinadya niyang sundan kung saan nagpupunta si Alfred.
"Ah, eh," sambit ni Lucio. Hindi sila mapalagay sa kanilang kinatatayuan.
"Anong problema?" Napansin kaagad kasi ni Cherry ang kakaibang itsura ng mga nito nang makita siya.
"Wala, Cherry. Nagulat lang kami nang makita ka rito," sagot ni Patrick na hindi makatingin sa kanya ng diretso.
Napakamot sa naman ng noo si Lucio kasabay ng pagbuntong-hininga nito. "Bakit di na lang natin sabihin sa kanya ang totoo?"
Bumilis at lumakas ang tibok ng puso ni Cherry sa kanyang narinig. "Anong dapat kong malaman?"
"Sira ka ba?" giit ni Patrick kay Lucio. "Wala tayong karapatan manghimasok sa isyu ng mag-asawa. Hindi dapat sa'tin magmula ang totoo."
"Ano ba talaga problema ah?" sigaw na ni Cherry. Naiinip na siya sa mga ito. "Ano ba nangyayari sa asawa ko?"
"Pasensya ka na, Cherry. Mas maigi kung si Alfred na lang mismo ang magsabi sa inyo." Mahinahon lamang na tugon ni Lucio.
"Tama siya saka wala kaming karapatan manghimasok sa relasyon ng ibang tao Misis Cherry," dagdag pang saad ni Patrick. "Aalis na kami dahil patapos na kasi breaktime namin. Sige."
Dahan-dahan na umalis ang dalawang lalaki habang tulala lamang si Cherry sa kanyang kinatatayuan.
Muling nagsalubong ang landas nina Cherry at Jared. Talagang sinadya niya ito upang makita nang malapitan at makausap man lang.
"Kamusta ka?" walang sagot ang babae pero patuloy pa rin si Jared. "Alam kong mali ito. Ang gusto ko lang kasi maging ok na tayo."
Hinarap ni Cherry ang ex-boyfriend, "Matapos lahat ng ginawa mo magiging, ok? Pagkatapos mo akong iwanan sa ere at sirain ang relasyon naming mag-asawa, gusto mo maging ok tayo? Napaka-selfish mo talaga."
"I know. Kasalanan ko lahat 'yong pag-iwan ko sa'yo pero itong sa relasyon niyo mag-asawa wala akong kasalanan. Nag-alala lang ako sa'yo baka humantong sa..."
Kaagad na pinutol ni Cherry ang sasabihin pa ni Alfred, "Kailan ka naman nag-alala. Sana inisip mo 'yan bago ka nakipaghiwalay sa'kin. Hindi mo alam dahil sa'yo naging magulo din ang mundo ko pero inayos ni Alfred. Noong wala ka na, siya ang nanatili sa tabi ko."
"Huwag mo ng ipagtanggol ang asawa mo. Huwag mo rin siya ikumpara sa noon at sa ngayon. Hanggang ngayon nagbubulaglagan ka pa rin sa kanya?"
"Pagmamahal ang tawag diyan, Jared. Pagmamahal. Handang magsakripisyo. Handang isakripisyo ang relasyon na mayroon kayo dahil mo siya kahit mahirap at may nasasaktan. Pinili ko siya kahit ayaw ng mga magulang ko. Hindi tulad mo, mas pinili mo ang sariling desisyon para sa sarili mong pangarap at dikta ng mga magulang mo kaysa taon na relasyon na ginugol na natin."
"Nagkamali ako, Cherry kaya gumagawa ako ng paraan para makabawi."
"Hindi kita kailangan, Jared. Kahit anong gawin mong pakiusap, hindi magiging ok para sa ating dalawa." Hinarap niya muli ang binata. "Nag-aaksaya ka lang ng panahon."
Pagkatapos ay tuluyan na niyang iniwan ang binata na nanatiling estatwa sa kinatatayuan nito.
Pagkarating ni Alfred sa kanilang bahay ay kaagad na siyang dumiretso sa kanilang kwarto. Binuksan niya ang pinto at bumungad sa kanya ang ilaw ng desk lamp na nagliliwanag sa kadiliman ng silid. Sa kanyang paglapit ay napansin niyang nakaupo pala roon kanyang asawa na si Cherry. Nag-reflect ang mukha nito sa liwanag ng desk lamp.
Nilingon siya nito, "Saan ka galing?" Walang makikita na kahit emosyon sa mukha ng asawa.
"Bakit mo pa tinatanong sa'kin 'yan? Alam mo namang ganitong oras ang uwi ko galing trabaho," kaagad na sagot ni Alfred kasabay ng pagpapalit niya ng damit pangtrabaho sa damit pambahay.
"Saan ka ba galing talaga? Pwede ba huwag ka magsinungaling." Nanatiling kalmado pa rin si Cherry. Mas makakausap niya ang asawa kung ganito siya- walang reaksyon na makikita sa kanyang mukha.
Ngumisi sa kanya si Alfred, "Ang lakas naman ata ng loob mo ngayon para magsalita ng ganyan."
"Sabihin mo na kung saan ka galing," pagpupumilit pa rin niyang tanong rito.
"Sa trabaho nga. Ba't ang kulit mo!" inis ng sagot ni Alfred.
Pansin na ni Cherry na nagsisinungaling lang ito. Sinabi na sa kanya ng mga katrabaho ng asawa na natanggal na raw ito sa trabaho. Isang buwan na ring nakakalipas.
"Kung sinasabi mo na lang ang totoo hindi na ako magkukulit."
"Wala na iba akong sasabihin. Magpapahinga na'ko,'' sagot muli ni Alfred sa kanya. "Tigil-tigilan mo ako ng mga paghihinala mo.'' Tapos dinuro nanaman kanyang daliri sa mismong noo ni Cherry. "Ikaw ang nagloko sa atin dalawa. Nakikipagkita ka sa ex-boyfriend na mahal mo pa rin hanggang ngayon."
Pilit na tinitigasan ng babae ang kanyang damdamin na hindi magpapaapekto sa sinasabi ng asawa. Kailangan niyang maging matapang na makipag-usap kay Alfred. Kaya, habang nakaduro ang hintuturo nito sa kanya ay tinititigan niya ng diretso ito.
"Hanggang ngayon iyan pa rin pinaghihinalaan mo? Pwes, hindi na ako magpapaliwanag sa'yo at bakit pa?" Nanatiling nakatingin siya sa mukha ni Alfred- walang bakas na anumang emosyon. "Sige, magpatuloy ka lang sa pagsisinungaling. Bukas hindi mo na kami makikita ng mga anak mo."
Pagkatapos niyon ay inihakbang na ni Cherry kanyang mga paa paatras sabay talikod na kay Alfred. Mukhang wala na kasi siyang magagawa rito. Binigyan na niya ng maraming pagkakataon para maintindihan lahat at para magbago pero wala pa rin. Masyado lang siya naging mabait dito, mapagpasiyensa at maunawa kaya nagagawa niyang manatili sa kanilang pagsasama kahit punong-puno na ng sakit at paghihirap. Ito na ang pinakatamang gawin niya ay lumayo na kasama ang mga bata at magsimula muli ng panibagong buhay na wala ang asawa. Hindi na niya bibigyang importansya ang kanilang marriage lalo na kung di naman napagsosolsyunan. Gusto na niya nang maayos, tahimik at masayang buhay kasama ng kanyang mga anak.
Bigla siyang hinila sa braso ni Alfred upang humarap sa kanya subalit hindi niya ginawa. "Bitawan mo ako..."habang pilit na inaalis ang brasong nakakapit sa kanyang balikat. "Kung hanggang ngayon nagdududa ka pa rin sa'kin, sige bahala ka."
Kumawala nga siya sa braso ng lalaki at muli siyang nagsalita. "Minahal kita, Alfred. Ang sa'min ni Jared ay matagal ng tapos. Sapalagay mo ba, pipiliin ko lahat ng paghihirap at pasakit na ginagawa mo sa'kin kundi kita mahal, ha? Baka ikaw ang di nagmamahal kahit sa mga anak mo man lang."
Mga ilang segundo ay dinuro naman ni Cherry si Alfred gamit din kanyang hintuturo. "Kaya, huwag mo na akong hahawakan dahil wala ka ng karapatan. Pagod na ako ang intindihin ang isang tulad mo."
Tuluyan na niyang tinalikuran ang asawa ngunit mabilis siyang niyakap nito sa kanyang likuran. Mahigpit ang pagkakapit ng braso sa kanya at ramdam ang mainit na hininga nito sa kanyang leeg. "Please, huwag kayong umalis."
Biglang nagbago ang tono ng pananalita ng lalaki na dati ay parating pabalang at galit. Dinig ni Cherry ang mahinang paghikbi nito subalit hindi siya nagpapatinag dahil baka umaakting lang ito. Kasabay naman ang maluwag na pagkakayakap at mabilis na pinaharap ni Alfred ang asawa sa kanya.
"Huwag niyo akong iwan, please," pakiusap niya.
"Nagdadrama ka lang at wala ng epekto sa'kin 'yan," pahayag ng babae na wala ng makikita pang pagkaawa sa kanyang asawa.
"Kailangan ko kayo ng mga anak niyo."
"Bitiwan mo na ako, Alfred. Itigil mo na pagiging famas mo."
Hindi nagtagal ng ilang segundo ay daling hinagkan ni Alfred ang asawa sa labi nito ng marahan. Hinigpit pa niya ang yakap dito para di makawala pa. Nag-response sa kanyang halik si Cherry kaya nagawa pa niyang palaliman ang halik na iyon. Naglakbay kanyang palad sa iilang bahagi ng katawan ng asawa kasabay na pagtulak nito pahiga sa kanilang kama. Iyon ang sumunod na pagkakataong may nangyari sa kanila ng gabing iyon.
Kinaumagahan ay nagising ang lalaki ng makita niya nakatayo na kanyang asawa habang nagbibihis ito. Kaagad niyang hinawakan ang palad ni Cherry. ''Please, huwag niyo akong iwan. Kailangan na kailangan ko kayo." Yumuko siya sandali dahil di niya alam kung papaano sasabihin sa asawa ang sekreto na matagal na niyang itinatago. Lumunok siya saka muling nagsalita. "Mayroon akong cancer. Sa buto."
Hindi naigalaw ni Cherry kanyang buong katawan at nanatiling tulala kasabay ng pagbagsak ng kanyang luha.