Chereads / The Good Wife (Tagalog) / Chapter 12 - Chapter 12

Chapter 12 - Chapter 12

Kasalukuyan ng nakaburol si Alfred sa kanilang bahay mismo. Kakaunti lamang bisita. Panay pa rin ang pagtulo ng luha ni Cherry habang nakatitig sa kabaong ng asawa. Inaalalayan lamang siya ng kanyang dalawang kapatid na si Jessa at Daryl. Abala naman si Aling Marietta at kanyang magulang sa pag-aasikaso ng mga bisita.

Mga ilang sandali ay biglang dumating ng gabing iyon ang parent pati mga kapatid ni Alfred. Tahimik lamang itong pumasok sa loob ng bahay at matagal na dumungaw sa walang buhay na lalaki.

Mayamaya ay umupo ito sa side na inuupuan ni Cherry. Sandaling nanahimik saka nagsalita.

"Kung di dahil sa'yo buhay pa sana si Alfred." Mahinang saad ng ina ng kanyang asawa subalit dinig na dinig iyon ni Cherry. Alam niyang siya ang kinakausap nito. "Pinabayaan mo ang anak namin."

"Dahil wala na siya di namin alam kung ano gagawin," dagdag pa nito.

"Wala kang kwentang asawa."

"Please, ayaw ko po ng gulo." Napapikit ng mata si Cherry. "Kung wala po kayong magandang sasabihin manahimik na lamang kayo."

Saktong narinig rin ni Aling Marietta kanilang pag-uusap. Napansin naman ng ina ni Cherry na may mali sa pakikipag-usap nito sa kanyang biyenan.

"Ano nangyayari dito?" bungad na tanong ni Mrs. Buena na ina ni Cherry. Pinagmasdan niya ang mga ito at muling nagsalita.

"Wala po ito, Ma." Pinilit ni Cherry na maging mahinahon sa kabila ng kanyang pagluluksa. "Huwag niyo na lang intindihin."

"Pero narinig ko ang usapan niyo. Hindi ako makakapayag na awayin ka na lang niya," katwiran pa nito.

Ngayon nilingon niya si Mrs. Llaguno na ina ni Alfred.

Sinamaan ng tingin kasabay ng pangduduro. "Hanggang ngayon pa rin ba inisisi mo sa anak ko ang kinahantungan ng abusado mong anak?"

Tumayo rin ang magulang ni Alfred upang magpatuloy sa diskusyon.

"Hindi mo alam kung ano ang trato ni Alfred kay Cherry?" ama naman ng babae ang nagsalita.

"Dapat nga 'yang anak mo ang dapat pagsabihan," muling saad ni Mrs. Buena.

"Nakikiusap po ako sa inyo," pahayag ni Cherry sa kanyang manugang. "Itigil niyo na itong paninisi sa'kin dahil sa umpisa pa lang na hindi dapat ako ang sisihin niyo kung bakit humantong sa ganito ang asawa ko."

Ayaw na sana niya i-open up ito pero panahon na rin siguro para ilabas kanyang sama ng loob sa pamilya ni Alfred.

"Kayo naman talaga ang dahilan kung bakit siya nagkasakit. Sinabi na sa'kin ni Alfred noong dalawang buwan ng nakalipas," pagpapahayag pa niya. "Halos lahat sa inyo niya pinadadala mga kita sa trabaho sa halip sa amin na pamilya niya rin. Dahil sabi niya mahal niya kayo. Hindi na'ko nagalit sa kanya dahil nakaraan na iyon."

"Kahit kailan napakagaling mo gumawa ng kwento parang magmukhang inosente."

"Nasa inyo na 'yan kung paniniwalaan niyo sinasabi ko o hindi. Kaya nakikiusap akong itigil niyo ng paninsi sa'kin dahil kayo naman talaga ang dahilan kung bakit siya nandiyan." Turo ni Cherry sa kabaong na kung saan naroon si Alfred. Muling bumagsak nanaman kanyang luha.

"Sinungaling!"

Napansin na ni Aling Marietta ang pagkakaroon ng mas matinding tensyon kaya kaagad na siyang sumingit sa usapan.

Napabuntong-hininga siya, "Pwede bang igalang naman natin ang pagkamatay ni Alfred?"

"Hanggang ngayon pinagtatalunan niyo pa rin ang pera kahit nakaburol na anak niyo? Napa-selfish naman niyo kung ganu'n?"

Ramdam ni Aling Marietta ang pagkainis sa kanyang nadatnan lalo na pagod na rin siya sa pag-aasikaso ng mga bisita. Marami kasi ang dumalo buhat pa kanina. Mga classmates at iilang katrabaho ni Alfred ang nagsipuntahan dito. Iba pang kamag-anak ni Cherry.

"Kahit ina kayo ng nakaburol ngayon dito pero pwede ko kayong palayasin sa ayaw sa gusto mo."

Nanahimik bigla ang ina ni Alfred. Umupo muli ito at ganoon rin si Cherry. Di na gaano sila nagtagal at umalis na rin kaagad.

Pagkalipas ng ilang mga araw ay inilibing na rin si Alfred. Subalit, may isang rebelasyon na gumulat kay Cherry at kanyang labis na ikinalungkot.

May isang babae na di kilala at may kargang batang lalaki. Kumunot kanyang noo nang makita pa itong umiiyak rin. Nilapitan niya ang babae at kinausap.

Una itong nagsalita, "Ikaw pala ang asawa ni Alfred." Patuloy pa rin ito sa paghagulgol. "Kahapon ko lang nalaman ang lahat. Di ko alam na mayroon pala siyang asawa."

"Ikaw?"

Tumango lamang ang babae. "Ako nga. Patawad kung huli ko ng nalaman ang totoo. Naniwala ako sa sinabi niyang single siya."

Mas lalong bumigat pa ang pakiramdam ni Cherry sa kanyang nadiskubre. Ibig sabihin pala tama ang mga hinala niya noon. Sadyang magaling lang magtago ng sekreto ang kanyang asawa.

Halos di niya magalaw ang labi sa sobra rin na pagkagulat.

"I'm really sorry. Pero huwag ka mag-alala di na ako makikihati pa. Tutal kaya ko naman buhayin ang nag-iisa kong anak."

"Kaya, dapat chini-check mo muna background ng isang tao bago pumatol." Sa sobrang inis ni Cherry nagawa na niyang sabihin iyon. "Ang problema sa inyo kasi kapag pinakitaan ng maganda, may gusto na kaagad sa inyo ang lalaki. Learn to think before you decide."

Hindi na niya pinakinggan pa ang susunod na sasabihin pa nito at naglakad na siya palayo sa babae. Muli siyang lumuha at naging tulala sa sarili. Napansin kaagad iyon ng kanyang mga kapatid.

"Cherry, alam namin na di ganoon kadali tanggapin ang lahat ng sakit at lungkot. Basta nandito lang kami para samahan ka," sambit sa kanya ng nakakatandang kapatid na babae na si Jessa.

"Gag* lang talaga siya. Aalis na lang di pa sinabi na may ibang babae pa siya," imik naman ni Henry. Labis pa rin kanyang inis kay Alfred sa mga ginawa nito sa kapatid.

Naalala nga noon ni Cherry pagkagising niya sa umaga ay may iniwan na note sa kanya ang asawa. Nakasulat doon ang isang paghingi sa kanya nito ng sorry. Pero hindi labis na maisip na humihingi ito ng tawad sa pangloloko ni Alfred. Muling siyang napapikit nang maalala ulit iyon.

"Sobra na ang naranasan ni Ate Cherry kay Kuya Alfred. Ngayon, malaya na siya at magkakaroon na ng peace of mind," saad rin ni Daryl.

"Kung kaagad mo sana nalaman ang kagag*han ng asawa mo, Ate Cherry at sinumbong mo kaagad sa'min, lalatiguhin na naman 'yon ni Kuya Henry. Kapal ng mukha," pahayag naman ni Jonald."

"Tama na 'yan mabuti pa hayaan na muna natin magpahinga si Cherry," biglang singit ng kanilang ama. "Ikaw na muna, Jessa ang umalalay sa kanya." Tumango naman ito.

"Tama ka, kailangan na kailangan niya ang magpahinga at magpalakas para sa kanyang mga anak," si Mrs. Buena naman ang nagsalita.

"At ikaw naman Daryl bahala muna kina Carina at Cyprus. Samahan mo rin sila lalo na kung di pa sila masasamahan ng kanilang ina ngayon." Tumango lang din ang binata saka sinamahan ang mga bata sa silid nito.

Pagkatapos niyon at lumipas pang mga araw ay mas naging tuliro si Cherry dahilan upang dalhin siya sa isang mental health facility. Napabayaan na niya kasi ang kanyang mga anak. Napunta muna kay Aling Marietta ang custody ng mga bata habang nagpapagaling ito.

Samantala, sobrang busy naman ni Alfred sa negosyo ng kanyang Tito Reynan na isang hardware shop. Isa siya sa nagha-handle ng mga tauhan at pati na rin sa ilang mga customers. Hindi na makikita sa kanyang mukha na may pag-alala pa sa buhay niya sa Pilipinas.

Ang hardware shop ay malawak at maliwanag, maayos ang pagkakaayos ng mga produkto sa maluluwag na pasilyo na tila nag-aanyaya sa mga customer na maglibot. Bawat seksyon ay malinaw na naka-label—ang mga kahoy ay nasa isang bahagi, ang mga gamit at makina naman sa kabila, at ang mga istante'y puno ng pako, turnilyo, mga power drill, at mga lata ng pintura. Ang amoy ng kahoy at bakal ay bahagyang sumisingaw sa hangin, tila kumakapit sa mga uniporme ng mga empleyado. May mga customer service counters sa bawat sulok ng tindahan, kung saan handang tumulong ang mga staff sa anumang tanong o suhestyon. Malalaki at matibay ang mga kariton na makikita sa paligid—ang ilan ay puno ng mabibigat na gamit tulad ng plywood at sako ng semento, habang ang iba'y may mas maliliit na gamit at kasangkapan. Tahimik ngunit epektibo ang daloy ng trabaho rito, kung saan ang tunog ng mga hakbang at paminsang kalansing ng bakal ay humahalo sa banayad na ingay ng tindahan.

Kahit medyo pagod na, hindi niya pinapansin dahil gusto niyang siguraduhin na lahat ng pumapasok ay natutulungan nang maayos lalo na kanyang tito at tita.

Mga ilang sandali ay dumagsa pa ang mga customers at napansin niya ang isang lalaki sa gitna ng aisle, mukhang nalilito sa dami ng pagpipilian sa pako at walang umaasist dito.

"Hi, sir! How can I help you today?" tanong ni Alfred, laging may ngiti para sa mga customer.

"Yeah, I need some nails for a home project, but I'm not sure what size I need," sabi ng lalaki, halatang di sigurado sa kukunin.

"Ano kayang project po ang gagawin nyo? Are you working on furniture or maybe a deck?" tanong ni Alfred, sinusubukan niyang gawing mas malinaw para sa customer kung anong klaseng pako ang angkop.

"Just fixing some shelves in my garage," sagot ng lalaki.

Alfred naisip na para sa simpleng shelves, pwedeng 2-inch nails, pero mas mabuti nang magbigay ng mas matibay na option. "For shelves, I recommend the 2-inch nails, but if you need something stronger, we have 3-inch ones too."

Para makasigurado, tinanong niya si Nathan, ang kasamahan niyang Amerikano. "Hey, Nathan, the 2-inch nails should work for a shelf, right?"

"Yeah, the 2-inch should work, but if it's heavy-duty shelving, you might want to go with the 3-inch, just to be safe," sabi ni Nathan mula sa kabilang counter.

"Perfect! So, sir, if your shelves are heavy-duty, go for the 3-inch nails. Otherwise, the 2-inch will work just fine," paliwanag ni Alfred, ngumingiti habang inaasikaso ang customer.

Nag-isip saglit ang lalaki bago tumango. "I'll go with the 3-inch, just to be sure."

"Good choice, sir! Anything else you need? Maybe screws or a drill?" tanong ni Alfred, laging naghahanap ng paraan para makatulong pa sa customer.

"Actually, I could use a new drill," sabi ng lalaki.

Lumingon si Alfred kay Nathan. "Nathan, can you show him the drills in aisle four? We have a great deal on cordless ones right now."

"Sure thing, right this way, sir," sagot ni Nathan, habang tinuturo ang daan.

Ngumiti si Alfred habang pinapanood ang dalawa na papunta sa drills section. Pero bago pa man siya makabawi, may lumapit na namang customer, isang babae, na may dalang paint sample.

"Hi, do you have paint for wood surfaces?" tanong ng babae. "I need something durable."

Tumango si Alfred, alam na alam niya kung anong pintura ang babagay rito. "Yes, ma'am! Are you looking for indoor or outdoor use?"

"Outdoor," sagot ng babae. "I'm painting my fence."

"Then I recommend this weather-resistant paint. It's durable and perfect for fences," sabi ni Alfred habang tinuturo ang lata ng pintura. "And if you want it to last longer, we also have waterproof sealant."

"That sounds good. I'll take a couple of cans," sabi ng babae, halatang satisfied sa suggestion.

Habang inaabot ni Alfred ang cart para sa mga lata ng pintura, napaisip siya kung ilang customers na ang natulungan niya sa araw na iyon. Nakakapagod man, sulit lahat dahil sa bawat ngiti at pasasalamat na natatanggap niya.

Nang nakauwi na sila sa bahay ng kanyang tito ay kumain na rin sila kaagad ng dinner habang nagkukwentuhan.

"Kinamusta mo na, Fred mga kapatid mo pati mama at papa mo sa Pilipinas?" tanong sa kanya ng Tito Reynan na kapatid na bunso ng kanyang ama. Ito lamang ang naging successful ang buhay buhat ng pumunta na ito sa Amerika upang magtrabaho hanggang sa magkapamilya.

Iyon nga lang hindi sila nagkaanak kaya tanging mga aso na lang kanilang inaalagaan parang isang anak na rin nila. Nag-hire sila ng isang tao upang mag-alaga sa mga ito kapag wala sila sa bahay.

"No, Tito." Walang ka-interest ang binata sa kanyang naging pahayag. "I thought they never needed me after I left them to our house."

Huminga nang malalim si Mr. Reynan at nagsalita. "Pamilya mo pa rin sila at dapat kinakamusta mo pa sila kahit papaano. Alam kong nami-missed ka na rin ni Kuya."

"Saka na lang po siguro kung kaya ko na."

Pagkatapos ng kanilang pag-uusap at kumain ng dinner ay nagtungo na rin siya sa kanyang kwarto. Nahiga habang iniisip ang sinabi sa kanya ng tiyuhin. Pero nang nakaramdam na siya ng antok ay ipipikit na sana niya ang mata nang tumawag sa kanya si Aling Marietta.

Na-miss niya rin ang ginang kaya di nagdalawang-isip na sagutin ito. "Hello po?"