Chereads / The Good Wife (Tagalog) / Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 4 - Chapter 3

Hindi na nagdalawang-isip si Cherry na lingunin ang taong may-ari ng boses na iyon. Dahan-dahan siyang humarap at natigilan siya nang makita ito. Si Jared, kanyang ex-boyfriend na nakipaghiwalay sa kanya noon. Ang first boyfriend na naging first heartbreak niya rin. Nagulat rin siya nang makita ang kabuuan nito na malayong-malayo noong sila pa. Masasabi na mukhang umangat na ang estado ng pamumuhay ni Jared dahil sa itsura at pananamit.

"Hey, how are you?" Halos di makapagsalita si Cherry.

"Ok lang, ikaw?" Hindi siya mapakali sa presensya ng dating kasintahan dahil sa sobrang laki ng pinagbago nito sa buhay na di tulad niyang walang narating.

"Ayos naman." Nakangiti ito na halatang wala ng iniinda na mabibigat na problema na di tulad niya. Kaya, nakakaramdam ng panliliit si Cherry sa kanyang sarili. "Long time no see." Tinignan siya nito pati kanyang mga anak.

Nilapitan ni Jared si Cyprus ngunit hindi siya nito pinansin. Napalipat naman ang tingin niya kay Carina.

"Ilang taon ka na?"

Mabilis na sumagot ang batang babae. "I'm three years old."

Napangiti siya kay Carina. Kinausap pa ni Jared ito dahilan upang gumawa si Cherry ng distraction na maputol na ang usapan.

"Sorry nga pala. Aalis na kami. Mayroon pa kasi akong gagawin sa bahay," pagsisinungaling niya.

"Tayo na, Carina," sabi niya sa anak na babae. "Sige, mauna na kami," paalam ni Cherry sa ex-boyfriend.

May ihahabol pa sana siyang sasabihin ngunit huli na. Labis ang panghihinayang ang naramdaman ni Jared dahil sa sobrang ikli lamang ng kanilang pag-uusap ng ex-girlfriend. Gusto niya naman kasi ito makakwentuhan kahit sandali man lamang.

Kasalukuyang nakaupo ang binata sa balkonahe ng kanilang bahay. Tahimik niya lamang pinagmamasdan ang paligid sa malamig na simoy ng hangin at payapang gabi habang siya'y nagmumuni-muni. Napansin ito kaagad ng kanyang kuya na si Julian.

"Uy, kanina ko pa kasi nakikita na sobrang lalim ng iniisip?" Naupo ito sa tabi niya. "Mayroon bang problema?"

Si Julian ang pinakakasundo ni Jared sa magkakapatid na madalas kakwentuhan niya sa mga seryosong bagay at madalas na hinihingian ng payo. Magaling naman kasi magpayo at mag-comfort hindi tulad niya.

"Teka, sa relasyon ba 'yan?"

Nagkaroon ng bagong kasintahan si Jared matapos ang dalawang taon na paghihiwalay nila ni Cherry. May nararamdaman siya sa girlfriend subalit hindi tulad ng ex-girlfriend niya. Nagbago ang takbo ng kanyang pag-iisip nang makita ang dating kasintahan.

Bumuntong-hininga si Jared saka muling nagsalita. "Nagkita kami ni Cherry kanina sa isang grocery store." Hinintay lamang siya ng kapatid na ituloy ang iba pang niyang sasabihin. "Hindi ko inaasahan na magkikita kami matapos ang limang taong di pagkikita."

"Talaga? Tignan mo nga naman kay liit ng mundo," saad ni Julian.

"Tapos na-meet ko rin dalawa niyang anak," dagdag pa ng binata. "Kaso nga lang naging iba na itsura niya. Sobrang layo sa dati noong naging kami at nagkahiwalay."

"Ganyan naman talaga kapag nagkakaasawa at nagkakapamilya nagkakaroon ng malaking pagbabago lalo na sa mga babae," paliwanag pa ng panganay na kapatid.

"Hindi gano'n, Julian."

"Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong nito.

"Biglang nag-iba itsura niya," paliwanag naman niya sa kaniya kuya. Nag-aalangan pa siya sabihin ang nais niyang ipunto. "I mean tumanda itsura niya. Kitang-kita na napapabayaan niya ang sarili niya."

Ngumisi lamang si Julian. "Bakit ka nag-alala sa kanya? At isa pa Jared, may kanya-kanya na kayong buhay." Malinaw na nagpapahayag nito. "May nararamdaman ka pa ba sa kanya?"

Hindi kaagad nakasagot ang binata. Tinititigan siya ng kanyang kuya.

"Wala." Nag-alinlangang si Jared sa naging sagot niya.

"Bakit nag-alala pa rin sa kanya?"

"Hindi ba pwede?"

"Hindi naman gano'n ibig kong sabihin sa'yo, brother. Ang ibig ko lang sabihin may mga bagay na mas paglaanan mo ng importansya. Hayaan mo na rin si Cherry. Let her be."

Tama nga naman kanyang kapatid dapat di na siya nag-alala sa dating kasintahan. Pero para sa kanya, hindi lang maiwasan ang mag-alala sa babae lalo na kung nakita niyang naging ganoon ang pagbabago ng dating girlfriend.

"May girlfriend ka ng iba ngayon. Mag-focus ka lang sa goals niyo sa buhay." Tinapik ni Julian sa balikat si Jared. "Advice ko rin sa'yo, brother huwag na huwag mo ng lalapitan si Cherry dahil magkaiba na ang landas niyo ngayon. May asawa at pamilya na ang tao habang ikaw mayroon na ring karelasyon na nagpaplano na rin para sa future niyong dalawa."

"Julian!" dinig nito. "Nasaan ka?" sigaw ng asawa. Natigilan kanilang kwentuhan.

Nagpaalam muna sa kanya ito. "Paano na, puntahan ko muna 'yong Ate Nenita mo."

"Sige, kuya. Maya-maya papasok na rin ako sa loob," tugon ng binata sa kanyang kapatid.

Kanina pang nakatingin si Cherry sa salamin. Tinitignan ang sarili. Napagmasdan niya ang kakaiba sa itsura niya. Ang pagkakaroon ng maraming wrinkles sa mukha at dark spots na malayo sa makinis na mukha niya noon. Nakaramdam siya ng pagkalungkot at insecurity ng husto nang makita ang ex-boyfriend. Mabuti pa ito naging maganda na ang buhay matapos siyang iwan sa ere habang siya ngayon ay nanatili pa ring naghihirap at nagsasakripisyo. Nai-imagine ni Cherry kung gaano kasaya si Jared sa anong narating ng buhay nito ngayon. Nakangiti at napakanda ng tindig. Hindi tulad niyang napakalalim parati ang iniisip, seryoso at kulang sa pag-aalaga sa sarili.

"Ano ba nagawa kong mali kung bakit naging ganito ang kaparusahan sa akin ng diyos?" tanong niya sa sarili. "Naging matulungin at maawain naman ako sa'king kapwa na halos kalimutan na ang sarili pero ganito ang ipinaranas sa'kin?"

Napayakap siya sa kanyang sarili dahil sa tinding kalungkutan, kabiguan at sakit na nararamdaman niya.

Mga ilang sandali ay napag-isipan na rin niya lumabas ng banyo at magtungo na sa kwarto para matulog. Dahan-dahan lamang siya humakbang sa kama saka ipinikit kanyang mga mata.

Pagkalipas ng ilang mga araw matapos ang pagkikita nina Cherry at Jared, biglang nakatanggap ng text ang babae.

Isang text message mula sa ex-boyfriend. Nagtaka siya kung paano nakuha kanyang cellphone number samantala nagpalit na siya nito. Gusto nitong makipag-usap sa kanya ngunit pagkatapos basahin ay itinuloy niya ang pagsisilbi sa isang maliit restaurant ni Aling Marietta. Pumayag naman kasi siya magtrabaho upang may mapagkunan ng kita na hindi na umaasa pa sa kanyang asawa. Hindi naman nga nambababae pero nauubos ang pera nito sa kanyang ina't ama pati mga kapatid. Ang para sa kanila ay wala na.

"Ayos ka lang ba, Cherry?" tanong sa kanya nito.

"Ayos lang po ako." Tipid na ngiti ang ginawad ng babae sa ginang.

"Sigurado ka? Kung masama ang pakiramdam mo, pwede naman kita pagpahingahin dahil alam kong bukod dito sa resto ko marami ka pang inaasikaso sa bahay niyo."

Kahit papaano napakaswerte pa rin ni Cherry na mayroong tao na magmamalasakit sa kanya. May taong handang tumulong kung kinakailangan.

Pagkabalik niya sa kanilang bahay ay nagluto kaagad siya ng pagkain. Nakatanggap siya muli ng text messages mula kay Jared. Binasa niya pero kaagad na binura. Naisipan nanaman niya tuloy magpalit ng numero.

Sa kanyang paglalakad ng palengke nang may biglang tumawag sa kanya. "Cherry..."

Si Jared ang may-ari ng boses na iyon. Hindi niya ito pinansin at nagmadaling naglakad subalit nabigo siya.

*Gusto ko lang sana makakwentuhan ka. Pwede ba?"

"Jared, wala akong time para makipag-usap sa'yo dahil marami akong ginagawa."

"Tutulungan kita kung gusto mo," giit nito nang may pag-alala sa boses.

"Hindi ko kailangan ng tulong. Kaya ko 'to, ok?" Naglakad pa rin si Cherry palayo sa kinatatayuan ni Jared.

"Cherry, I'm sorry." Iyon lamang ang narinig niya saka naglakad pang matulin upang makasakay na ng jeep.

Hindi na siya apektado sa paghingi nito ng tawad matapos iwan siya ni Jared sa ere. Naging manhid na siya rito matapos ang lahat na dinaranas niyang heartbreaks. Hindi pinanindigan kanilang relasyon sa kabila ng lahat. Hindi nito mapapantayan ng salitang "patawad."

Napabuntong-hininga si Jared sa oagtalikod sa kanya ni Cherry. Akala niya kapag nagkita muli sila nito ay magiging maayos na ang lahat at magkakaroon ng kapatawaran. Subalit, hindi pala.

Nagtungo ang binata sa pinagtatrabuhan ng girlfriend na si Kelly. Susunduin niya ito ngayon at yayain kumain sa labas. Matagal na ring di nila nagagawa iyon dahil sa sobrang busy sa pagtatrabaho.

"Saan mo gusto kumain?"

"Kahit saan." Ngumiti ito saka sumakay kaagad ng kotse.

"Sure ka?" paniniguro niya.

"Yeah." Mabilis na pagtango ni Kelly. "Faster, nagugutom na'ko."

Napangisi lamang si Jared sa ganoong reaksyon ng girlfriend na nagmimistulang parang bata. Sobrang na-missed kasi siya nito.

Sa kanyang pagmamaneho ay muling nagkrus kanilang landas ni Cherry. Nakita niyang nadaanan ang ex-girlfriend na nakatayo lamang sa gilid ng kalsada habang naghihintay pa ng masasakyan. Walang kamalay-malay naman ang dating daan sa kanya. Sandaling nawala ang ngiti ni Jared nang makita muli si Cherry. Napansin kaagad siya ng kanyang girlfriend.

"Hey, are you ok?" tanong ni Kelly. "Bigla kasi nagbago itsura mo eh."

"Gutom lang 'to." Pilit siyang ngumiti.

"Kaya naman pala. Bilisan mo na kasi diyan."

"Hindi pwede. Mahuhuli tayo ng pulis kapag nagkataon. Bawal ang overspeeding dito."

"Ok." Tipid na lamang na sagot ni Kelly saka kumapit sa braso ng boyfriend.

Pagkatapos nila kumain ay kaagad hinatid ni Jared si Kelly sa bahay nito saka na rin nagtungo sa kanilang bahay. Bago pa man niya simulan magmaneho ay naisipan niyang tawagan si Cherry subalit network operator ang sumasagot.

Bakit nga ba hindi siya mapakali ngayon na hindi makausap nang maayos ang ex-girlfriend? Siya naman nang-iwan at sumuko.

Mga ilang sandali pa ay pumasok sa isipan niya ang sinabi ng kanyang Kuya Julian.

"Tama si Kuya. I think I should stop thinking," bulong niya sa sarili.

Inalok kaagad ni Cherry ang asawa ng masarap na pagkain na niluto niya. Sa paglapit nito sa kanya ay naamoy niya ang alak kabuuan nito.

Tatanungin na sana niya ito nang biglang utusan siya. "Kumuha ka nga ng tubig. Nauuhaw ako."

Kaagad niyang inilahad ng tubig sa pitsel at nagsalin.

"Alfred..." panimula niya.

"Gusto ko sana itanong kung saan ka galing?"

Hinampas nanaman ng asawa ang lamesa dahilan upang umiyak ang bunso nila.

"Fred, nasa harap tayo ng mga bata oh."

"Kasalanan mo 'yan." Tumayo ito mula sa kinauukulan. "Diyan ka na nga."

Muli nanaman siya iniwan nito sa dining room habang nagpapakain ng mga bata. Pagkatapos, nilinisan niya mga ito at pinatulog. Muli nanaman siya napatitig sa salamin. Tinignan nang mabuti ang sarili. Napansin niyang napakalayo na niya dating itsura.

Nakaagaw sa kanyang atensyon ang gunting na nakalagay sa sabitan. Kinuha niya ito at ginupitan kanyang buhok dahilan upang mapansin sa kanya ito ng asawa.

Nabighani ito nang makita siya. Tinignan siya ng diretso sa mata maging sa kabuuan niya dahilan upang halikan siya nito sa labi. Hindi siya nagpapigil pa dahil isa rin ito ang hinahanap-hanap niya sa kanyang asawa ang paglalambing nito.

Akala ni Cherry magkakabati na sila ni Alfred ngunit hindi pala. Bigla itong humiwalay sa kanya nang mapansing magkayakap silang natulog buong gabi.

Pagkaraan ng trenta minuto ay niyaya na niya itong kumain kasama kanilang mga anak. Pinagluto niya ang asawa ng pinakapaborito nitong pagkain tuwing almusal ang pansit gisado.

"Kain na tayo," parinig niya.

"Hindi na, maaga akong papasok ngayon."

Diretso lamang si Alfred palabas ng kanilang bahay. Walang goodbye o halik man lamang sa pisngi sa kanyang asawa. Nawala ang ngiti ni Cherry sa kanyang labi dahilan medyo na nawalan siya ng gana.

Sa pangatlong pagkakataon ay muli nanamang nagkrus ang landas nina Cherry at Jared. Pilit ng umiiwas ang binata ngunit hindi niya matiis na makitang nahihirapan ang ex-girlfriend sa pag-alalaga sa mga anak nito. Nakita niya kasi si Cherry na bitbit mga anak habang may bitbit na ilang pinamiling groceries. Kahit anong pilit niyang iwas ay di niya magawa.

"Jared!" sita nito sa kanya. "Hindi ko kailangan ng tulong mo rito."

"Nakita kitang hirap ka na sa pagbubuhat ng pinamili mo kaya di na ako nagdalawang-isip pang tulungan ka."

"Di ko hinihingi ang tulong mo kaya pabayaan mo na ako. Please?"

"Nasaan nga pala ang asawa mo? Bakit hinahayaan ka niya gawin mga ito?"

Ngumisi ng mapait sa kanya si Cherry. "Nasa trabaho siya."

"So, ganoon na lang pabayaan ka niya ng ganito?"

"Jared, huwag mo ng pakialaman ang buhay ko. Iwan mo na kami."

"Hindi ko kaya, Cherry. Hindi ko kayang nakikita kita ng ganito, nahihirapan."

Wala na. Kinain ni Jared ang kanyang sinabi kahapon na iiwasan na niya ang dating kasintahan pero heto siya ngayon patuloy na kinukulit na tulungan niya ito.

Mas ramdam niya ang ngayon ang pagisisi na na nagawa niyang pag-iwan kay Cherry para sa kanyang pangarap at pamilya. Kung naging malakas at nanindigan siya, hindi na sana ganito mararanasan ng dating girlfriend.

Natigilan si Cherry. "Kaya ko 'to kaya please bitawan mo na ko, ok?" Kita sa mukha niya ang pagkainis pa rin sa ex-boyfriend. "Halika na Carina."

Iniwanan lamang si Jared na nakatulala sa kanya na may buong panghihinayang. Hindi na nagawa nitong lingunin siya kahit sandali lamang. Talagang wala ng pakialam si Cherry sa dating ex-boyfriend nito. Tanging inis at pagkainggit ang nararamdaman niya kay Jared at wala ng iba pa.