Chereads / The Good Wife (Tagalog) / Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 3 - Chapter 2

Tahimik lamang pinanonood ni Cherry ang kinikilos ng kanyang asawa habang nakikipagkwentuhan sa mga workmates nito. Naghihintay siya na baka sakaling may mayroong babae kanyang asawa. Isang oras na siya naroroon subalit wala siyang nakita dahilan upang bumalik na rin siya ng bahay.

Hindi pa iyon ang huling pag-iimbestiga niya rito. Hindi siya titigil na di niya nalalaman ang totoo. Sumunod na mga araw mas tumindi pa kanyang hinala nang napatitig siya sa kalendaryo.

Gulat kanyang mga mata nang malaman kung ano ang petsa ngayon. "August 17 na pala ngayon Tsk, di ko namalayan na nagsweldo na sila Alfred."

Nawala sa kanyang isip ang humingi ng panggastos sa asawa dahil sa sobrang abala niya sa pag-aalaga ng mga bata at pag-aasikaso ng bahay.

Pagkarating nito galing trabaho ay kaagad niyang pinagsilbihan ito upang maging relax ma lang isip ng asawa.

"Kamusta ang baby ko?" Paglalambing pa nito kay Cyprus. Dinaan lang ni Alfred si Carina. Tanging kanilang tunay na anak nila lamang ang pinansin.

Nakaramdam ng lungkot si Cherry sa sitwasyon ni Carina na hindi man lang siya magawang pansinin ng tinuring nitong ama.

"Kumain ka na. Kaluluto ko lang ng ulam," pag-iimbita niya rito.

"Kuha mo nga ako ng tubig?" utos naman ni Alfred sa kanya. Kaagad kinuha ang isang basong tubig ng walang pasasalamat.

Sumabay na nga sila sa pagkain hanggang sa sinubukang i-open up ng babae ang tungkol sa sweldo nito.

"Siya nga pala nakalimutan kong humingi sa'yo ng pang-budget dito sa bahay noong nakaraang araw. Simot na kasi ang wallet ko para pambayad sa tubig ar kuryente."

"Eh ano ngayon kung nakalimutan mo?" pabalang nitong tugon. "Saka, ang lakas naman ng loob mong manghingi sa'kin ng pera matapos sagut-sagutin mo ako sa hospital at pagtulungan ng kapitbahay mong sobrang galing."

"Hindi kita sinagut-sagot, Alfred," paglilinaw ni Cherry.

Nginisian siya ng asawa, "Huwag mo nga ikaila 'yon." Padabog na binitiwan ang kutsara. "Kahit anong gawin mong pakiusap sa'kin wala kang mahihingi sa'kin, ah?"

"Nasa harap tayo ng mga bata." Pilit ng babae na pigilan kanyang sakit na nararamdaman. Nanatili pa rin siya maging positibo kahit di naging maganda ang approach sa kanya ng asawa.

Pagkatapos niyon ay iniwanan siya ni Alfred habang nagpapakain ng kanilang mga anak. Hindi maiwasan ni Cherry ang mapaluha sa ganoong klase ng approach sa kanya ng asawa. Pagkatapos niya pakainin kanilang mga anak ay hinilamusan niya mga ito at pinatulog. Sa kalagitnaan na ay iniwan niya mga anak sa kanilang kwarto. Lumabas siya ng silid at nagtungo sa loob ng bathroom. Nagtipa siya sa kanyang cellphone at tinawagan niya ang isa sa kanyang mga kapatid subalit walang sumasagot at panay ring lamang ito.

Kinabukasan ay iniwanan niya muna sina Cyprus at Carina sa kapitbahay nilang si Aling Marietta. Hindi niya sinabi ang dahilan ng kanyang pag-alis at hindi rin ipinahalata na sobrang problemado na siya. Ayaw ni Cherry maging pabigat pa rito at maging alalahanin pa sila. Nagtungo siya sa isang lugar ng kung siya noon nakatira. Matao ang lugar, maraming tambay at umiinom. Marami ring mga bata ang naglalaro at palaboy-laboy sa kalye. Wala pa ring pinagbago ang lugar na iyon buhat nang umalis siya. Dumiretso lamang siya patungo sa kanilang bahay.

Nagsilabasan kanyang mga kapatid at magulang nang makita siya nito.

"Si Cherry!" saad ng kanyang ate na nangangalang Jessa. Matagal na rin kasi sila di nagkikita nito.

"Ano ginagawa niyan dito?" sambit ng kuya niyang si Henry.

"Ano ka ba? Dapat nga masaya tayo na nandito siya?" sagot ulit ni Jessa.

"Oo nga, kuya," sang-ayon naman ni Daryl sa kanyang ate.

"Tsk, tsk, tsk. Siguro, may kailangan 'yan kaya naparito," kontra naman ni Jonald.

Hindi nagsalita pa si Jessa at nagmadaling sinalubong niya ang iisang kapatid niyang mga babae. Sumunod sa kanya ang limang anak nito pati na rin mga pitong anak ni Henry.

Sa iisang bahay lamang lahat mga ito nakatira.

Ngumiti si Cherry bilang kanyang bungad nang makita na ang mga kapatid. "Good morning, Kuya Henry, Ate Jessy, Jonald at Daryl," sambit niya sa mga kapatid at napalipat kanyang tingin sa ina't ama na huling lumabas ng bahay. "Mama at Papa!" Muli siyang ngumiti sa mga magulang. "Kamusta kayong lahat dito?"

"Bakit mo naman sa amin naitanong 'yan, Cherry matapos iwanan mo kami dahil sa lalaking 'yon?" pahayag ng kanyang ina. Napangisi kanyang Kuya Henry at isa pa niyang kapatid na si Jonald na sinundan ni Daryl.

"Bakit ka naparito?" tanong naman ng kanyang ama na kita sa itsura nito na di masaya makita kanilang anak.

"Mama, Papa..." saad ni Jessa. Tumitig siya mga kapatid. "Kalimutan na natin ang nakaraan, please? Matagal na 'yon eh. Ang mahalaga ngayon nandito siya."

"Kami, makakalimot?" pahayag muli ng kanilang ama na si Romualdo. "Kung ikaw nakalimot sa pag-iwan niya sa'tin pwes kami hindi."

Nawala ang ngiti ni Cherry sa kanyang labi. Nasaktan siya sa ganoong pahayag ng kanyang magulang pati mga kapatid. Akala niya magiging mabait na ito sa kanya subalit punong-punong pa pala ng mga hinaing.

"Karapatan niya 'yon na dapat nating tanggapin." Muling paliwanag ni Jessa na nagsisilbing tagapagtanggol ni Cherry sa mga ito. "Nasa legal na siya ng panahon na nagpakasal siya."

"Huwag kang sumabat dito, Jessa. Hindi mo alam kung gaano kabigat kanyang kasalanan sa pag-iwan niya sa'tin. Kinalimutan niya na tayo at ngayon lang naparito upang humingi ng tulong," sambit ng ama ni Cherry.

Nawalan na tuloy siya ng lakas ng loob sabihin ang dahilan ng kanyang pagparito. Napakagat na lang siya ng labi at napasiklop kanyang mga daliri sa dalawang kamay at pinagpapawisan mga ito.

Humugot muli siya ng kalakasan bago muling nagsalita. "Hindi po gano'n, Pa."

"Anong hindi? Iniwan mo kami dahil sa lalaking 'yon. Bakit hindi ka humingi sa kanya ng tulong?" giit naman sa kanya ni Henry.

"Baka, iniwan na rin siya. Tignan niyo nga itsura niya. Sobrang layo na kaysa dati." Sabay tawa ni Jonald.

"Nald, tumigil ka nga!" sita sa kanya ni Jessa.

"Hindi po totoo 'yan," sagot ni Cherry. "Nandito ako upang umutang ng pera pambayad lang sa ibang gastusin."

Nasabi na rin niya ang dahilan kung bakit siya napatungo sa dating tahanan. Humalakhak sina Henry at Jonald habang sinimangutan siya ng kanyang magulang. Sina Daryl at Jessa naman ay bakas ang awa sa kanya at pag-aalala.

"Kapal naman ng mukha mo, Cherry! Matapos mo kaming iwan at ngayong may problema ka pupunta ka rito?" sermon sa kanya ng ina na si Elena.

"Hindi ko po kayo iniwan, Ma at Pa." Tumitig pa siya sa mga kapatid. "Nagmahal lang po ako. Bawal po ba 'yon?"

"Ikaw na nga nanghihingi ng tulong dito ikaw pa may ganang sumagot ah!" mapait na pahayag ng kanyang panganay na kapatid na si Henry.

"Mabuti, Cherry. Umalis ka na bago ka pa namin kaladkarin palabas ng gate," sambit ng kanyang ama na wala ring pakialam sa kanya.

"Pero....nakikiusap po ako sa inyo. Please. Kailangan ko lang talaga ng pera ngayon pambayad sa iba pang gastusin sa bahay. Kinapos kasi kami eh." Pilit na kinukumbinsi ni Cherry ang mga ito ngunit hindi epektibo.

"Wala kaming maiibigay sa'yo, Cherry. Mabuti pa umalis ka na. Sinira mo na ang araw namin." Tinutulak-tulak siya ni Henry palabas ng kanilang compound.

"Sandali lang, Kuya. Hindi ata tama ito." Pinigilan ito ni Jessa na sinundan ni Daryl. "Hindi tama na ipagtabuyan natin siya dahil iniwan niya tayo. Hindi tama na tinaboy natin siya dahil wala na siyang naiibigay sa'tin."

"Anong pinagsasabi mo, Jessa?" tanong ng ina rito.

"Di ba siya naman ang tumutulong sa'tin noon na single pa siya?"

Sandaling natigilan ang mga ito.

"Ate Jessa..." sinenyasan niya na huwag na niyang ituloy ang sasabihin.

"Hindi, Cherry. Kailangan din nila malaman kung saan sila nagkamali."

"Huwag na, Ate. Kung ayaw niyo, naiintindihan ko naman 'yon."

Dahan-dahan na naglakad palayo si Cherry at kita sa kanya ang pagkalungkot at pagkabigo na makahingi ng tulong. Sobrang sakit sa parte niya na sa tagal ring pagbibigay ng suporta sa kanyang pamilya ay ganito pa ang maririnig niya. Halos lahat ng kanyang suweldo ay napupunta sa mga ito na wala ng matira sa kanya. Tumigil lamang siya pagbigyan sa mga ito nang magpapakasal na sila ni Alfred.

Nagtungo naman siya sa kanya mga kaibigan na panghuling option niya. Pilit siyang ngumiti papasok ng isang restaurant.

Kinausap niya ang isang waitress doon. "Siña Kristel, Olivia at Rhea?"

"Sandali lang po tatawagin ko sila," nakangiting sagot ng waitress. Kilala na rin siya ng mga nagtatrabaho rito.

"Sige, salamat."

Mayamaya ay mag-isa lamang bumalik ang babae at muli siyang kinausap.

"Pasensya na po kayo, Ma'am. Wala po pala sila dito eh. Mayroon daw pong meeting."

"Ok, thanks." Tipid na ngumiti si Cherry.

Kita sa kanya ang kawalan ng pag-asang makakahanap siya ng mahihingian niya ng tulong. Akala niya maaasahan kanyang mga kaibigan ngunit iniwanan din pala siya ng mga ito. Matapos niya itong tulungan noon sa mga school projects, assignments, sa kanilang research at iba pa ay ganito lamang ay isusukli sa kanya.

Sunud-sunod ang kamalasan nangyari kay Cherry. Nawalan ng kuryente kanilang bahay dahilan upang di umuwi ng bahay si Alfred. Paano na siya nito?

Katatapos lamang nila kumain ay may biglang kumatok sa kanilang pintuan. Iniligay niya muna mga anak sa isang safe na upuan saka sumilip sa butas ng pinto. Kaagad niyang pinagbuksan ang mga ito.

"Aling Marietta, naparito po kayo," bungad niya.

Napansin ng ginang ang madilim na bahay nila Cherry. Naramdaman niya kaagad iyon dahilan upang siya muli magsalita.

"Pasensya na po kayo, ah. Naputulan po kasi kami ng kuryente kaya nagtitiyaga muna sa kandila."

"Kailan pa ito?" tanong muli ng ginang.

"Kahapon lang po. Mabuti, pumasok muna kayo." Tinatago na lamang ni Cherry kanyang tunay nararamdaman ngayon. Wala naman magagawa kanyang inis sa kanilang problema.

"Nasaan nga pala ang asawa mo?" Sandali siyang natigilan sa sunod nitong tanong. Hindi na niya kayanh magsinungaling pa.

"Wala po eh. Di pa umuuwi," naiilang na talaga ang babae sa kanyang pagsagot.

Kumunot ang noo ni Aling Marietta. "Anong klaseng asawa siya? At nagawa kayong iwan sa ganitong sitwasyon? Dapat sa kanya iniiwan."

Nag-aabala si Cherry sa pag-aasikaso ng kanyang mga anak. Pinunasan niya ng face towel ang buong mukha nito maging mga braso.

"Hindi po gano'n kadali, Aling Marietta," depensa pa niya. "Nangako po kami sa harap ng altar."

"Magiging walang saysay ang pagsasama niyo kung ganito lang naman walang pakialaman," muling paliwanagan pa ng ginang. Nilapitan niya si Cherry. "Mabuti pa, kunin mo muna ito."

"Para saan po 'yan?" Nahihiyang tugon niya.

"Pambayad ito ng kuryente niyo. Di ko matitiis na makikita kayong magsasakripisyo sa ganito."

Napaluha naman siya sa kagandahang loob ng ginang. Kung sino pa kasi mga tao na hindi niya inaasahan na tutulong sa kanya ay iyon pa ang may awa at kabutihan sa puso. Hindi tulad sa mga taong inaasahan niya na mahihingian niya ng tulong ay iniwanan siya sa ere at may mga salitang masasakit pa siya maririnig.

Hindi na nagdalawang-isip at nahiya pang tanggihan iyon ni Cherry dahil kailangan na kailangan niya talaga ng pera sa panggastos dito sa bahay. Wala siyang makikita na ibang option kundi iyon lamang.

"Basta, huwag mo lang sasabihin sa asawa mo na ako nagbigay sa'yo nito," dagdag na paalala ng Aling Marietta sa kanya.

"Opo," sabay tango ni Cherry bilang tugon.

Matapos niyang makaraos sa mga bayarin ay saka muli nanamang nagkaroon ng problema. Tinakbo niya sa hospital si Cyprus dahil inaapoy ito ng mataas na lagnat.

Sinubukan niyang tawagan ang asawa na panay ring lamang ang sa kabilang linya.

Kasalukuyang nakikipag-inuman si Alfred sa kanyang mga katrabaho.

"Uy, Fred may tumatawag," pahayag sa kanya ni Kenneth. Tinignan pa nito kung sino dahil panay ring lamang ang phone. "Asawa mo pala."

"Hayaan mo na siya. Tatanungin niya lang naman ako niyan kung nasaan ako ngayon," sambit niya tuloy lamang sa pag-inom ng alak.

Sandali niyang sinilip ang phone habang paulit-ulit na tumatawag si Cherry sa kanya. Kinuha niya ito at pinatay ang tunog ng phine upang di na muling makaagaw atensyon sa mga kasama.

"Baka importante 'yan kaya tumatawag ang misis mo," sambit pa ni Lauro.

"Kilala ko si Cherry puro non-sense lang pinagsasabi niyan." Nagsalin si Alfred ng alak sa kanyang baso. "Mabuti pa uminom na lang tayo. Cheers." Nagpatuloy siya sa pakikipagtagay sa mga katrabaho habang ang asawa niya ay nanonoblema at hinahanap na siya.

Nalaman ng babae na na-dengue kanyang anak na si Cyrus. Kailangan kuhanan ito ng dugo. Mabuti na lang mabilis nakahanap ng blood donor dahil sa blood O type ito. Kahit papaano nakagaan na sa kanyang pakiramdam.

"Heto, pambayad sa ospital," saad ni Aling Marietta.

Nakaramdam na ng pagkahiya si Cherry dahilan upang tanggihan na niya ito.

"Ay hindi na po, salamat na lang."

"Kunin mo na ito, iha. Huwag ka ng mahiya. Alam kong kailangan mo makabayad sa hospital." Kinuha ng ginang ang kanang braso ng babae saka inabot ang pera.

"Huwag ka ng tumanggi. Kunin mo na ito," mahinahon na pahayag ni Aling Marietta.

"Babayaran ko po kayo kapag nakaluwag kami." Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ni Cherry.

"Siguro kapag sapat naging maayos na ang iyong pamilya."

"Sige po. Maraming salamat po talaga."

Nang gumaling na si Cyprus ay bumalik na rin sila ng bahay. Napabuntunghininga ang babae sa mga nangyayari sa kanila at kung paano niya mababayaran ang utak sa kanilang kapitbahay. Sobra na siyang nahihiya dito.

Inabutan niya ang asawa sa kanyang kwarto. Natutulog. "Saan ka galing?"

"Sa trabaho." Nagsalita ang lalaki pagkarinig sa kanya.

"Trabaho?"

"Saan naman ako pupunta?" tanong naman ng kanyang asawa. "Kung maglalakwatsa ako, saan na lang tayo kukuha ng panggastos sa bahay."

"Tinawagan kita ilang araw ng lumipas. Hindi ka sumasagot. Kailangan ka ng mga anak mo ng oras na 'yon." Pagtukoy niya kay Cyprus na ang ama hinahanap-hanap noong inatake ito ng sakit.

"Nagtatrabaho ako, Cherry. Uunahin ko pa ba ang awa kaysa sa pangtsibog natin?"

"Sorry." Iyon lamang ang naging sagot ng babae sa halip na makipagtalo pa. Wala naman kasi mangyayari at ayaw na rin niya gumulo pa sa loob ng bahay.

Pagkalipas ng isang linggo, hindi pa rin mawala kay Cherry ang pagdududa sa kanyang asawa. Madalas niya mapansin ang mga kahina-hinalang kinikilos nito. Una, lagi na itong naiinis sa kanya at walang pakialam. Pangalawa, wala na itong binibigay na pera panggastos sa bahay pati sa kanilang mga anak. Pangatlo, madalas hindi ito umuuwi ng bahay at kung minsan ay umaga na. Mga bagay na ikinapagtataka niya.

Kaya, nakasakay na siya ngayon ng taxi at sinundan si Alfred. Subalit, habang tumatagal nagiging pamilyar na sa kanya ang lugar.

"Brgy. Bagong Pag-asa ito ah," saad niya sa isip matapos lingunin sandali ang bintana ng kotse. Nakita niya ang mga daan kung saan patutungo ang sasakyan na kung saan naroon kanyang asawa. "Huwag niyang sabihin sa bahay nila siya pupunta."

Sinabihan niya lamang ang taxi driver na sundan lamang ang tinatahak ng kotse. Mga ilang sandali ay pinasadya niyang di humabol dito at nag-iba na ng direksyon. Pinatigil niya lamang sa kanto at inabot ang bayad.

"Salamat po, Kuya."

Nagmadali siyang nagtungo sa bahay nila Alfred at nadatnan nga ito rito. Tumambay siya sa di kalayuan upang masubaybayan ang ginagawa ng asawa. Napansin niyang sinalubong ito ng kanyang mother-in-law and father-in-law pati ang kapatid nitong si Anthony.

May inabot itong pera sa kapatid at natigilan si Cherry. "Heto, limang limo pang-tuition mo."

"Maraming salamat, Kuya," saad ng kapatid na abot tainga ang ngiti. Kilala niya ang kapatid niyang ito. Sugarol si Anthony. Madalas itong nagpupunta ng billiards upang maglaro. Nagtatatrabaho siya noon sa isang company at tuwing breaktime kasama ang mga katrabaho ay nahuhuli niyang pumupunta ito madalas sa bilyaran upang magsugal. Gusto sana niya iyon ipaalam kay Alfred ngunit naabutan siya ng hiya.

Hinimas pa ni Alfred sa ulo ang kapatid. Maya-maya ay binigyan niya naman ng tatlong libo ang mga magulang nito na nasa edad na ring labingpu't anim pataas. Hindi maiwasan ni Cherry ang mapaluha sa kanyang nakikita. Lahat pala ng sinusweldo niya ay napupunta lahat sa magulang at mga kapatid ng asawa.

Walang pinagkaiba pala pamilya nito sa kanyang pamilya na walang ginawa kundi humingi sa kanya ng pera. Noong wala na siyang ibinibigay kinalimutan na siya at ang masakit pa ay pinagsasalitaan siya ng hindi maganda.

Napansin kaagad ni Cherry ang pag-alis ni Anthony at sinundan niya ito. Kinausap niya ang kapatid ni Alfred sa bilyaran pati magulang nito sa bahay mismo nang napansin niyang umalis na ang asawa niya roon.

Kinabukasan ay abot-abot na sermon ang natanggap niya sa kanyang asawa.

"Kapal ng mukha mo. Nagawa mo pa talagang pumunta sa bahay para awayin ang magulang ko at nagawa mo ring sundan si Anthony," sigaw ni Alfred dahilan upang umiyak si Cyprus. Kaagad na pinatahan ito ni Cherry at kinarga mula sa kuna.

"Anong karapatan mo para mangialam ah?"

"Alfred, mga bata. Pwede bang pakiusapan natin ito nang maayos?" pahayag niya nang malumanay na boses.

"Anong pag-uusapan?" giit sa kanya. "Wala na dapat pag-usapan pa."

May ilang sandali ay may hinablot ito sa wallet na pera. "Hayan, limang libo!" Kinalat niya ang pera dahilan upang bumagsak sa sahig. "Masaya ka na?"

Naglakad na lang ulit palabas ng bahay si Alfred nang nakabusangot ang mukha. "Kainin mo 'yang limang libo." Huli nitong saad bago tuluyan nang umalis. Napabuntong hininga si Cherry at iniisa-isang kinuha ang pera na sahig. Bigla na lamang tumulo ang luha niya sa sakit na kanyang nararanasan.

Lumipas ang isang buwan. Narito ngayon sa isang drugstore ang mag-iina. Bumibili ng pampers, gatas, gamot at iba pang kailangang pangkalusugan ng kanyang mga anak.

Sa paglilibot niya sa store, natigilan siya nang may tumawag sa pangalan niya.

"Cherry, is that you?" isang pamilyar na boses na mula lalaki kanyang narinig.