Download Chereads APP
Chereads App StoreGoogle Play
Chereads

SILENT ROOKIE

šŸ‡ØšŸ‡¦Uzeepiches
--
chs / week
--
NOT RATINGS
1.3k
Views
Synopsis
Mula ng umalis si Ayako papuntang america si Haruko ang tumayong manager ng SHOHOKU at tulad ng dati hindi nawala ang paghanga nya sa nag iisang Kaede Rukawa. Mapansin na kaya sya ni Rukawa? Started: September 16, 2020 Finished: January 04, 2021
VIEW MORE

Chapter 1 - ONE

Maraming freshman ang sumali sa SHOHOKU at marami rin ang nawala katulad nila Takenori at Kogure. Naghahanda ang Shohoku dahil may laban sila sa ibang school.

Ako nga pala si Haruko Akagi ang pumalit kay Ayako bilang manager ng team. Sa ibang bansa na ipinagpatuloy ni Ayako ang pag aaral niya dahil dun nag migrate ang parents niya. Dumadalaw lang siya kapag pinatawag siya ni coach. Hindi madali maging manager sa una pero sa tulong ni Ayako unti unti kong natutunan yun. Hindi ako katulad ni Ayako na palaban mahiyain akong tao lalo na kapag nakikita ko si Rukawa ang lalaking crush ko at matagal ko ng pinapangarap na magustuhan ako.

"Haruko my love nakita mo ba yun..

"Tama na pagpapa cute mo mag practice kana gung-gung." sabat ni Rukawa na hindi maiwasan mainis.

Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi magkasundo si Rukawa at Sakuragi. Mula ng mawala ang kuya ko marami ang nagbago sa Shohoku. Si Ryota Miyagi ang naging captain at si Hisashi Mitsui naman ang vice captain.

"Ryota." pagtawag ni coach Anzai.

"Ano po yun coach..

"Mag practice kayo. Freshman laban sa Senior gusto ko makita kung paano maglaro ang mga freshman." utos ni coach Anzai.

"Teka coach hindi pa namin sila napapakilala." napapakamot sa ulo ni Ryota.

"Sige ipakilala mo muna sila bago kayo mag practice."Ā sabe na lang ni coach Anzai.

Tinawag ni Ryota ang buong team para isa-isang magpakilala ang mga freshman. Hindi ko akalain na maraming sasali sa Shohoku dahil napakaraming school na magagaling katulad ng KAINAN, SHOYO at RYONAN.

"Ako nga pala si Ryota Miyagi ang team captain. Magpakilala kayo isa isa." utos ni Miyagi

"Hanamichi Sakuragi ang position ko ay...

"Hindi ikaw Sakuragi ang mga freshman lang." bulyaw ni Mitsui.

"Gung-gung talaga." bulong ni Rukawa.

"Ako nga po pala si Rekori Hasegawa isa po akong manlalaro ng Sannoh dati ang position ko po ay power forward..

"Ka ano ano mo si Hasegawa ng Shoyo?" takang tanong ni Mitsui.

"Kuya ko po sya." sagot nito.

"Bakit dito ka nag aral?" tanong ulit ni Mitsui.

"Pakialam mo ba gusto nya dito wahahaha." natatawang sabat ni Sakuragi.

"Ryota kutusan mo nga walang galang sa vice captain." utos ni Mitsui.

"Bahala kayo dyan." sagot naman ni Ryota.

"Ako naman po si Wezaki Sendoh walang position lahat kaya kong laruin...

"Aba ang yabang nito." naiinis na bulong ni Sakuragi

"Kapatid mo si Sendoh tama ba? Bakit di ka sa Ryonan pumasok?" tanong ni Ryota.

"Hindi kami close. Lumaki ako sa states at sila dito sa Japan." paliwanag nito.

"Sendoh." bulong ni Rukawa.

"Pwede na palang palitan si Sakuragi maraming freshman na magaling." pang aasar ni Miyagi

"Ipakita muna nila satin kung talagang magaling sila." seryosong sabe ni Mitsui.

Napaka gwapo rin ng kapatid ni Sendoh lahat kami nagulat ng malaman na may kapatid pala si Sendoh. Hindi ko lubos maisip na papasok siya sa Shohoku dahil maraming sikat na school. Pinakilala ni Ryota si coach Anzai sa mga freshman ganun din ako.

"Nice meeting you po coach Anzai and Ms. Haruko." pasigaw ng mga freshman.

"Hohoho nice meeting you din." bati ni coach Anzai.

"Practice na." sigaw ni Mitsui.

Nagsimula na silang mag practice freshman laban sa senior. Si Rukawa ang nag bantay sa kapatid ni Sendoh at si Mitsui naman ang nagbantay sa kapatid ni Hasegawa. Magkakampi sila Rukawa at Sakuragi pero hindi sila naglalaro bilang team.