Chereads / SILENT ROOKIE / Chapter 3 - THREE

Chapter 3 - THREE

Masaya akong kasama si Rukawa kahit di nya ako kinakausap. Minsan naisip ko kung tama paba habulin ang isang lalaki na hindi kana man kayang magustuhan. Ayokong mawala ang feelings ko para sa kanya dahil para sakin sya lang ang nag iisang lalaki sa buhay ko kahit na alam kong maliit lang ang pag asa na magustuhan din nya ako.

Malapit na kami sa bahay pero hindi parin nag sasalita si Rukawa hindi ko tuloy alam kung ano ba ang nasa isip nya. Ayoko naman mag tanong dahil nahihiya ako.

"Salamat nga pala Rukawa."

Yuko lang ang sagot ni Rukawa saka ito umalis. Hindi naman na ako mag tataka dahil hindi naman talaga sya palasalita katulad ni Sakuragi at ng team.

Pagpasok ko sa bahay nakita ko si kuya Takenori na nag aaral tulad parin sya ng dati masipag mag aral.

"Bakit hindi mo pinatuloy dito si Rukawa?" tanong ni kuya..

"Nakita mo kami kuya?" tanong ko..

"Oo."

Namumula tuloy ako sa hiya dahil alam ni kuya na crush ko si Rukawa. Pumasok na ako sa kwarto dahil baka tanungin pa ako ni kuya kung bakit ako hinatid ni Rukawa.

KINABUKASAN...

Maaga akong pumasok para makita ang practice ng SHOHOKU. Gusto ko din kasi makita ang laro ni Rukawa sya lang naman talaga ang dahilan kaya ako nanonood para sa kanya...

"L-O-V-E Rukawa...

"Rukawa I love you...

"Ang ingay naman ng mga babae mo Rukawa." pagtatawa ni Ryota.

"Magtataka kapa si Rukawa yan ei." sabat ni Mitsui.

"Nasaan nga pala si Haruko my love?" tanong ni Sakuragi.

"Wala nga ata si Haruko." pagtataka naman ni Mitsui.

"Practice na." sigaw ni Ryota.

Nagsisimula na silang mag practice ng dumating ako. Lahat sila ay handa na makalaban ang Ryokufu dati na nila itong nakalaro ng practice game ng dumating si Michael ang Ace player nila. Nang umalis si Michael si Nadaka ang pumalit bilang captain. Namamangha naman si Katzumi sa galing ni Mitsui pag dating sa shooting. Marami ng nakalaban ang Shohoku pero ang KAINAN lang ang hindi nila natalo dahil sa Ace player nilang si Shinichi Maki ang pinaka magaling sa distrito ng KANAGAWA.

"Rukawa ang galing mo." tilian ng mga babaeng fans ni Rukawa.

"Haruko." pagtawag ni coach Anzai..

"Ano po yun coach." tanong ko.

"Mamaya ba may gagawin ka? Gusto ko sanang paturuan si Sakuragi kay Rukawa maaari bang ikaw na ang magsabe kay Rukawa at Sakuragi alam kong makikinig yang si Sakuragi sayo." seryosong pakiusap ni coach Anzai.

"Sige po coach pero coach magaling naman na po si Sakuragi pag dating sa shooting wala naman din po syang problema pag dating sa dribbling."

"Hindi yun ang kailangan nyang matutunan Haruko. Ituturo yun ni Rukawa sa kanya at alam yun ni Rukawa kung anong dapat na matutunan ni Sakuragi." sabe ni coach Anzai habang nakatingin kay Sakuragi.

Napapaisip tuloy ako kung paano ko kakausapin si Sakuragi at Rukawa lalo na hindi magkasundo yung dalawa. Gusto kong gumaling pa lalo si Sakuragi sa basketball dahil madali naman syang turuan. Ang kaso baka hindi ituro ni Rukawa ang nalalaman nya lalo na kung si Sakuragi pa ang tuturuan nya hay.

Natapos ang practice game at pinaiwan ni coach si Rukawa at Sakuragi. Nagtataka naman sila Mitsui maging si Miyagi.

"Tatang wag mong sabihing...

"Tama ang iniisip mo Sakuragi." sagot agad ni coach Anzai.

"Kawawa iwan ka nanaman." pang aasar ni Mitsui.

"Wag mo bigyan ng sakit ng ulo si Haruko baka mawalan tayo ng manager." singit ni Ryota saka nagpaalam kasama si Mitsui.

"Rukawa pwede mo bang turuan si Sakuragi?" sabe ko..

"Bakit si Rukawa pa ang mag tuturo sakin? Tatang naman ayoko magpaturo sa mayabang na yan." inis na turan ni Sakuragi.

"Sakuragi makinig ka ginagawa ni coach Anzai to para mas lalo ka pang gumaling sa basketball. Ayaw mo bang maging sikat tulad ng ibang players sa NBA?" tanong ko.

"Gusto ko Haruko sige magpa practice kahit ano gagawin ko para sayo Haruko my love." anya ni Sakuragi.

"Salamat Sakuragi."

"Ano na Rukawa turuan mo na ako dali na nanonood pa naman si Haruko sakin wahahaha...

"Ayoko." sagot ni Rukawa.

"Rukawa nakikiusap ako turuan mo sya." pakiusap ko sa kanya

"Okay." tipid na sagot nalang ni Rukawa.

Sinimulan nila Rukawa at Sakuragi mag sanay. Unang tinuro ni Rukawa ang pag shoot sa malayo madali naman nagawa ito ni Sakuragi sumunod na itinuro nya ang pag shoot sa gilid hindi maka shoot si Sakuragi dahil nahihirapan ito.

"Gung gung ka ba? sinabe kong gamitin mo tong kaliwang paa at yung kamay mo ayusin mo." bulyaw ni Rukawa.

"Inaayos ko naman sadyang tanga ka lang mag turo." naiinis na bulyaw naman ni Sakuragi.

Hindi pa man tapos nag aaway na sila Sakuragi at Rukawa...

"Himala si Rukawa ang nag tuturo kay Sakuragi." bungad ni Takamiya.

"Yun kasi ang gusto ni coach Anzai." sagot ko.

"Tingin ko gusto ni coach Anzai na magkasundo yang dalawa." sabat ni Mito.

Siguro nga tama si Mito gusto ni coach Anzai na magkasundo si Sakuragi at Rukawa pero sa nakikita ko malabo ng mangyari yun dahil ayaw nila sa isat isa. Mula ng makilala ko si Sakuragi napaka laki na ng galit nya kay Rukawa at hindi ko alam kung bakit...

Itinuro ni Rukawa kay Sakuragi lahat ng nalalaman nya pero may mga pagkakataon na hindi makuha ni Sakuragi ang turo nya. Imbes kasi makinig si Sakuragi kay Rukawa ginagawa nito ang gusto nya at wala syang pakialam kung magalit o mainis pa si Rukawa.

Pagkatapos magsanay nagpaalam na si Sakuragi dahil may pupuntahan pa sila ni Mito. Naiwan naman si Rukawa sa gym para mag sanay pa. Napaka galing na ni Rukawa mag laro pero hindi sya huminto mag sanay at mag practice para talaga syang si Sendoh ng Ryonan.

"Rukawa iiwan ko ang tubig mo dito." sabe ko saka lumabas ng gym..

"Haruko." pagtawag nya.

"May kailangan ka pa ba?" nahihiyang tanong ko.

"Wala. Ingat ka." sabe na lang nya saka bumalik sa paglalaro.

Pumunta ako sa room para kunin ang libro na naiwan sa table ko. Ayoko pa sanang umuwi dahil maaga pa kaso wala naman na akong gagawin dito sa school. Ayoko naman panoorin si Rukawa dahil baka mainis lang sya sa akin kapag bumalik pa ako sa gym.

Palabas na ako ng gate ng makita si Rukawa na naka bisikleta pauwi na rin siguro sya. Naglalakad ako ng tawagin nya ang pangalan ko.

"Sakay na." sabe nya.

"Hindi na Rukawa mahuhulog ka pa dahil sakin." sabe ko na lang.

Hindi nag salita si Rukawa pero di rin ito umalis. Napilitan na lang akong sumakay sa kanya dahil baka magalit pa sya sa akin. Nakakahiya talaga dahil napapahawak ako sa damit nya first time ko kasing sumakay sa bisikleta ni Rukawa..

"Kumapit ka." utos nya..

"Ha? Ano..

"Sabe ko kumapit ka.".

"Sige." sagot ko naman

Kumapit ako ng mahigpit sa likod nya ayoko kasing mahulog dahil ayokong magkasugat kaya sinunod ko na lang ang sinabe nya. Hindi ako kinakausap ni Rukawa kahit na magkasama pa kami sabagay hindi nga pala sya pala salita.

Hinatid nya ako hanggang samin nahihiya tuloy ako dahil sya nanaman ang naghatid sa akin. Hindi ako makatingin ng diretso kay Rukawa kasi nahihiya talaga ako baka makita nya ang pamumula ng mukha ko nakakahiya.

"Haruko..

"Haruko...

"Ha? Ano yun." tanong ko nawawala ako sa sarili ko dahil nakatitig sakin si Rukawa para akong naestatwa sa tingin nya.

"Nandito na tayo." seryosong sabe nya.

"Salamat ulit Rukawa.".

Hindi sumagot si Rukawa at yumuko lang ito tulad ng dati bago ito umalis. Masaya na ako kahit ganun lang kami ni Rukawa hindi naman ako nag hahangad ng sobra kasi alam ko naman kung san ako dapat lumugar..

"Haruko." ngiting bungad ni Ayako kasama si Ryota.

"Ayako...

Natutuwa ako dahil dumalaw ulit si Ayako sa team. Nakakapag taka lang dahil kasama nito si Ryota sila na kaya? pero wala naman nababanggit si Ayako sa akin..

"Haruko makakasama mo ulit si Ayako." natutuwang sabe ni kuya.

"Talaga? Mabuti naman." sabe ko at niyakap si Ayako.

Masaya ako dahil makakasama ko nanaman si Ayako. Mas nasanay kasi ako na kasama sya dahil mas takot ang team kay Ayako kesa sakin masyado kasing terrible si Ayako kapag nagalit hindi katulad ko.

"Ayako." kinikilig na pagtawag ni Ryota.

"Masaya ka ba Ryota na nandito na ako?" tanong ni Ayako.

"Oo naman masayang masaya kaya nga nung nalaman ko kay captain Akagi na nandito ka pumunta agad ako para makita ka." paliwanag ni Ryota.

"Next week na ang laban nyo sa Ryokufu buti naman makakapanood pa ako. Galingan mo hah Ryota...

"Wag kang mag alala Ayako basta nandun ka gagalingan ko talaga." ngiting sabe ni Ryota.

Naghanda si kuya at sila Mama para kay Ayako kilala na si Ayako sa amin dahil madalas itong nasa amin nung nasa Shohoku pa sya nag aaral. Hindi naman mapigilan ni Ryota na hindi kiligin dahil nandito na ulit si Ayako ang babaeng kinababaliwalan nya.

"Sana Ayako wag kana umalis...

"Matagal pa naman akong aalis Ryota." sagot ni Ayako.

"Sigurado makikilala mo ang mga freshman na sumali sa team natin." ani ni Ryota.

"Bakit marami bang sumali na freshman?" tanong ni Ayako.

"Oo Ayako sumali ang kapatid ni Sendoh at ang kapatid ni Hasegawa." sagot ko.

"Talaga? mukhang exciting nga yan makikilala ko na ang bawat isa sa kanila." sabe naman ni Ayako.

Siguradong matutuwa ang team bukas kapag nakita nila ulit si Ayako. Pagkatapos namin kumain nagpaalam na si Ayako at si Ryota. Panibagong araw nanaman bukas...