Chereads / SILENT ROOKIE / Chapter 2 - TWO

Chapter 2 - TWO

Napakagaling ng kapatid ni Sendoh kung maglaro kahit na freshman lang ito para syang si Rukawa kung maglaro. Pinagkaiba lang sa kanila si Wezaki Sendoh naglalaro bilang team hindi katulad ni Rukawa at Sakuragi.

"Magiging magaling din yung batang yun hohoho." ngiting sabe ni coach Anzai habang nakatingin kay Wezaki.

Siguro nga sisikat din sya sa larangan ng basketball katulad ni Akira Sendoh at Kaede Rukawa. Maganda rin naman ang ipinapakita ni Hanamichi Sakuragi dahil marami din syang natutunan kay kuya bago nito iwan ang pag babasketball.

"L-O-V-E Rukawa Rukawa...

"Nandito na nanaman yang mga jologs ni Rukawa." bulong ni Takamiya.

"Basta maglalaro yang si Rukawa nandyan yang mga yan." sabe na lang ni Mito.

Kapag nakikita ko si Rukawa na naglalaro masaya ako kahit na hindi nya ako pansinin dahil alam ko naman kung saan ako dapat lumugar. Hindi parin iniiwan nila Mito si Hanamichi Sakuragi sa tuwing may laban o laro ang Shohoku lage silang nandun para suportahan ang kaibigan nila.

"Haruko bilang manager hindi naman ba nagpapasaway sayo yang si Hanamichi?" tanong ni Ohkusu

"Hindi naman lalo nga syang gumagaling maglaro at nakikinig din sya sa mga sinasabe ko."

"Senior wag kayo magpatalo sa freshman." sigaw ni Mitsui.

"Akala ko mag riritero na yang si bungal." pagtataka ni Takamiya.

"Ayaw nya iwan si coach Anzai." sagot ko.

Hindi parin naman pinababayaan nila kuya ang Shohoku kahit nasa ibang school na sila ni Kogure. Minsan dumadalaw din sya sa gym para bisitahin ang team at si coach Anzai.

"Lalong gumagaling yang si Sakuragi maglaro hindi kaya dahil nakikipag kompetensya nanaman sya kay Rukawa." napapatanong ni Mito.

"Hindi naman siguro Mito dahil nakikita ko kay Sakuragi kung gaano nya kagusto ang paglalaro ng basketball."

Natapos ang laro at nanalo ang senior laban sa freshman. Tuwang tuwa naman ang mga kaibigan ni Sakuragi dahil lalo itong gumagaling mag laro lalo na sa pagkuha ng mga rebound. Nawala man si kuya Takenori pinalitan naman sya ni Sakuragi.

"Rukawa tubig mo." nahihiya kong inabot sa kanya ang bottle water.

"Salamat." seryosong sagot nito.

"Haruko my love nakita mo ba ang galing ko na maglaro hindi ka nagsisi na pinasok mo ko sa basketball wahahaha." pagyayabang ni Sakuragi..

"Oo Sakuragi napaka galing mo na maglaro." natutuwang sabe ko

"Napaka ganda ng ipinakita mo Wezaki." anya ni Ryota.

"Salamat po captain." sagot ni Wezaki.

"Ryota na lang di ako sanay sa captain." natatawang pakiusap ni Ryota.

"Hindi ko akalain magaling ka pala sa 3 points." sabat naman ni Mitsui kay Rekori ang kapatid ni Hasegawa.

"Uuwi na po ba coach o mag tra-training pa si Sakuragi?" tanong ni Ryota kay coach Anzai.

"Hindi na kailangan ni Sakuragi mag training Ryota dahil napaka ganda ng mga ipinakita nya sa practice game man o sa laban natin." paliwanag ni coach Anzai.

"Narinig mo yun Rukawa wahahaha." natatawang bulong ni Sakuragi.

"Sus chamba lang yun." sagot ni Rukawa..

"Anong chamba bawiin mo yun kung ayaw mong putulin ko yang dila mo." bulyaw ni Sakuragi.

"Tapos na ang practice natin sa araw na to maghanda kayo dahil may practice game tayo laban sa Ryokufu next week kaya walang tutulog tulog." seryosong sabe ni Ryota sa team.

"Opo captain." sigaw ng lahat.

Palabas na ng gym sila Sakuragi kasama ang mga kaibigan nito. Hindi naman umuwi agad si Rukawa at nagpaiwan pa ito sa gym para magsanay. Gusto nyang talunin si Akira Sendoh ang Ace player ng Ryonan.

"Una na kami coach." pagpapaalam ni Mitsui kasama si Ryota.

"Ikaw Haruko hindi ka pa uuwi?" tanong ni Wezaki.

"Maya maya tatapusin ko lang to tapos uuwi na rin ako." sagot ko

Lumabas na ng gym si Wezaki at Rekori kasama si coach Anzai dahil gusto daw makausap ni coach ang dalawa. Hindi man sabihin ni coach alam kong nagagalingan sya sa dalawang freshman na si Wezaki at Rekori..

"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Rukawa.

Nagulat ako dahil first time nya akong tanungin kaya hindi tuloy ako makapag salita dahil sa hiya.

"Mamaya na tatapusin ko lang to." nauutal kong sagot.

"Okay."

Napaka gwapo ni Rukawa lalo na kapag naglalaro ito. Alam kong malabo nya akong mapansin dahil napaka raming babae ang may gusto sa kanya. Hindi na rin naman ako nag eexpect dahil nung una palang alam kong hindi ako ang gusto nya dahil walang mahalaga sa kanya kundi ang basketball.

Nagulat ako ng tumama ang bola sa ulo ko sobrang sakit nun para nanlalabo ang paningin ko.

"Nasaktan ka ba?" nag aalalang tanong ni Rukawa.

"Ayos lang ako Rukawa." sagot ko saka tumayo pero ang totoo ang sakit talaga.

"Sorry Haruko di ko sinasadya." hinging paumanhin ni Rukawa.

"Ayos lang Rukawa wala ito."

"Pwede ko bang tignan kung ayos lang?" seryoso nitong tanong..

"Sige."

Hinawi ni Rukawa ang buhok ko at tinignan nya ang namumula kong noo. Napaka seryoso ng mukha nya at napaka ganda rin ng mga mata nya hindi ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako.

"May band aid ka ba dyan?" tanong nya.

"Haruko may band aid ka ba dyan?" pag uulit nitong tanong..

"Ha? Oo meron..

Hindi ko napansin ang tanong ni Rukawa sa akin dahil masyado akong nag focus sa mukha nya. Napaka gwpo nya talaga lalo na kapag malapitan.

Nilagyan ni Rukawa ng bad aid ang noo ko dahil may konting sugat ito at namumula rin. Pagkatapos nitong lagyan bumalik na ito sa paglalaro ng walang sinasabe. Kitang kita ko sa mukha ni Rukawa kung gaano nya kamahal ang paglalaro ng basketball. Alam kong pangarap nya maging sikat sa Japan at sa ibang bansa kapag naiisip kong iiwan nya ang Shohoku nalulungkot ako kasi hindi ko na sya makikita pang maglaro.

Nagpasya na akong umuwi dahil tapos na rin naman ako. Gustuhin ko man manood pa kay Rukawa ayoko naman syang ma-distract dahil nandito pa ako. Iniwan ko ang water at tuwalya sa upuan para makita nya agad tinignan ko na lang sya bago ako lumabas sa gym.

"Haruko." pagtawag ni Rukawa. 

"Ano yun?" tanong ko..

"Ingat ka." sabe nya saka naglaro ulit..

Ngumiti na lang ako saka lumabas na ng gym dati hindi nya ako pinapansin pero ngayon kahit papaano pinapansin na nya ako at masaya na ako dun.

"Haruko." pagtawag ni Sasaki...

"Ikaw pala Sasaki hinihintay mo ba ang kuya mo?" tanong ko..

"Uu darating kasi ngayon si Mama gusto nya makita si kuya at ako. Hindi rin kasi sya mag tatagal dito dahil nasa america yung trabaho nya." saad ni Sasaki..

"Ah ganun ba nasa gym sya puntahan mo na lang." sabe ko na lang

"Pwede mo ba akong samahan sige na Haruko hehehe...

Wala na akong nagawa dahil hatak hatak na ni Sasaki ang kamay ko.

"Kuya." pasigaw ni Sasaki..

Nagulat pa si Rukawa ng makita ang kapatid kaya tumigil ito sa paglalaro at lumapit sa amin..

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Rukawa.

"Kuya ngayon ang dating ni Mama nakalimutan mo na ba." sabe ni Sasaki.

"Sige magbibihis na ako." agad na pumunta sya sa locker room para magbihis.

Pagkatapos magbihis ni Rukawa sabay sabay na kaming lumabas ng gym. Hindi naman ito nag sasalita kahit na nga ba kinakausap sya ng kapatid nyang si Sasaki.

"Kuya magsalita ka naman dyan para kang pipi." utos ni Sasaki

"Mauna na ako sa inyo may kailangan pa kasi akong tapusin." pagpaalam ko kay Rukawa at Sasaki.

"Gusto mo ba hatid ka ni kuya Kaede? Kasama ko naman si Fujima kesa naman mag isa kang umuwi." seryosong sabe ni Sasaki..

"Hindi na Sasaki ayokong gabihin din si Rukawa."

"Tara na." tipid nyang sabe saka naglakad..

"Pahatid kana kay kuya." ngiting bulong ni Sasaki.

"Sige." sagot ko na lang na wala ng nagawa pa.

Hindi kami nag uusap ni Rukawa at hindi rin kami sabay maglakad dahil napaka bilis nito kung maglakad. Gusto ko man syang kausapin kaso nahihiya ako dahil alam ko naman ayaw nya ng madaldal at maingay..