Chereads / Sour. / Chapter 2 - 01 - Migo

Chapter 2 - 01 - Migo

Time truly changes a person. It may heal them, damage them. But do remember; who you are is a product of what you were, what your choices are.

How is Max throughout the Years?

Max's POV

Another time of  "happiness" with my fubu. Another late-night here at his room. Tell me, why the fuck do I think that there's a possibility that we can actually take our relationship seriously... Not like there's anything happening between us but it's like... I'm waiting for something to happen...

Look. He's just beside the bed, sitting while he's on his phone; ain't no fucks to give about me it looks like...

Is it crazy to think that I want to ask him for a date? Will that sound crazy coming from me...His fubu?... Too much thoughts argh... Fuck it, fuck it, fuck it...  let me just give it a try...

I fixed my posture, sat on his bed with my legs crossed. It looks like he's busy but-

Let me just try...

"Migo-" -BAKIT AKO NAHIHIYA KALA MO DI GINAGAWA "YON" EH

"Hmm? Ano yon?" He answered while he was still on his phone, he looks uninterested damn... Overthink malala...

"Migo what if ano-" NAHIHIYA TALAGA AKO PAKSHET... SHET... SHET... SHET... ITIGIL NA TO WAG NAGPAPAVIRGIN...

"Ano yon?" he answered. Kinakabahan talaga ako pero huhu, now or never sabi ko nalang sa sarili ko.

"Migo gusto mo ba magda-"

....

RELEASE... ME.... I SAID RELEASE.... MY BODY....

....

"Ay sorry sorry- may tumawag, teka lang sagutin lang to- sorry, sorry" sabi niya tsaka siya umalis ng kwarto para sagutin ang tawag...

...

HUH...??

RELEASE ME?

TANGINANG RINGTONE YAN ISTORBO! KASALANAN TO NI MARINA SUMMERS JUSKO!!! SINASABI KO TALAGA!! NAKAKAINIS NAKAKAINIS NAKAKAUNISSS!! HINDI TO NAKAKAASTETIK! NGAYON KA PA TALAGA NAGPARAMDAM MARINA HA!!

Nagdadadabog ako sa higaan at nagiinarte na para bang uod na inasinan... Iba ang inis, muntik ko na sabihin ang gusto ko sabihin natiming-an pa talaga.

Pero... Sino kaya yung tumawag, mag e-eleven thirty na ha? AY BASTA! NAIINIS AKO! JUSKO!

Bumukas pintuan at pumasok si migo sa loob ng kwarto habang nagpaapalam sa kausap niya sa cellphone. "Bye na, sige- goodnight~" sabi niya sa kausap niya. Sino ba yan ang sweet naman ni Migo sa tao na yan ha!?

Binaba ni Migo ang cellphone niya saka humarap sakin.

"Sorry, sorry- yung jowa ko tumawag- date daw kami bukas"

....

Tama ba narinig ko?...

....

Gusto ko magdabog...

...

Gusto ko pumatay...

...

Gusto ko sumaksak...

...

Gusto ko magbumaril...

....

Teka wala pala ako baril... Putangina... Jowa..?

"Anong sabi mo?"

Tanong ko sakanya habang nagtitimpi ng galit. Habang tinatanong ko rin sa sarili ko, tama ba narinig ko?

"Jowa- may jowa ka?"

Tinuloy ko tanong ko habang nakangiting timpi-

"Ay hindi mo ba alam-? Akala ko alam mong may jowa ako?"

Napataas isa kong kilay sa bwisit... Ano pwedeng ibato sa lalaking to, gago pala to eh.

"Noon pa kami nito, bago pa kita makilala-" tuloy pa niya.

...Bago pa ako makilala... So... Ano ako extra? Kabit? Querida?... Ay kems fubu lang pala kami... Pero seryoso... Fubu? Habang may jowa siya? TEKA NGA! NAGUGULUHAN NA AKO!

"Alam ba ng jowa mo na may fubu ka? Kilala ba niya ako? Ano kayo open relationship!?" Tanong ko na magkakasunod sakanya sa medyo mataas na boses ko dahil naiinis na talaga ako at naguguluhan.

Napatingin sakin si Migo na para bang gulat at nauutal sa pagsagot. "Hi-hindi, hindi at... Hindi rin..." Sabi niya.. "Akala ko okay lang sayo..."

Nangaasar ba tong lalaking to...

Nanggagago ba to...

Humanap kamay ko ng pwedeng ibato.

Lumapit sakin ang isang unan sa higaan at-

Isang malaking unan ang dumeretso sa mukha ni Migo, saka ako napatayo sa higaan niya, at doon... Nagsimula na akong nagsisisigaw sa kwarto niya.

"BOBO KA!?? MAY JOWA KA GINAWA MO AKONG FUBU!?" sigaw ko sakanya habang nakaturo kamay ko sakanya sa inis.

NAIINIS TALAGA AKO DITO HA!

Naghanap ulit kamay ko ng pwedeng ibato habang pinagmumumura siya sa galit. "BWISIT KA TALAGA, BWISIT KANG HAYOP KA, JUSKO!! DI KO NALANG TALAGA ALAM!"

Napansin ko ang mga papel na nakatabi sa gilid ng higaan niya at saka ko ito pinulot para ibato.

"HAYOP KA TALAG PESTE K-"

"HOY WAG YAN" Turo niya sa mga papel na hawak ko. "Wag yan please... Rereviewhin ko pa yan para bukas... Finals namin sa isang major bukas..." Tuloy niya.

GAGO PALA TO EH ARAL ARALAN KESYO MATAAS IQ WALA NAMANG EQ BOBO PALA TO EH.

"BOBO KA!? SERYOSO KA!? HAYOP!!" Tinuloy ko pagbato ng mga papel sakanya saka ako pinunit ang ibang natira. Napansin kong sinubukan niya pulutin ang mga pinagbababato kong papel.

Halo halong emosyon ang narararamdaman ko ngayon... Inis, galit, lungkot... Di ko ba alam...

"HAYOP KA!" Huling mura ko sakanya bago ko marealize na brief nga lang pala ang suot ko. Hinarangan ko ang sarili ko gamit kumot niya saka ko pinulot ang tshirt at shorts kong nasa sahig.

"GAGO KA HINDI LANG AKO PINAGLOLOLOKO MO PATI JOWA MO! HINDI KA NA NAHIYA!" Sigaw ko sakanya habang sinusuot ang damit kong pinulot ko sa sahig. "JUSKO DI KA NA NAAWA SA JOWA MO!" tuloy ko sa mga sinabi ko kay migo.

Pagkasuot ko ng tshirt a shorts ay sunod ko naman hinugit ang jacket kong nasa mesa. "BWISIT KA!" Sigaw ko ulit habang pinupulot niya mga binato ko. "Mga notes ko..--" iyak niya habang nagpupulot.

"BWISIT NA NOTES YAN! BUMALIK KA SA GRADE ONE WALA KANG UTAK!" sigaw ko sakanya saka kinuha ang gamit ko na nasa lamesa... Ang susi ko, earbuds ko at pagkain na dapat kakainin namin magkasama.

Sinuot ko ang jacket tsaka ako agad umalis sa kwarto niya sa inis. Pansin kong naasar siya sa pinaggagagawa ko pero... nakukulangan ako kaya para maslalo siya maasar ay ginamit ko ang upuan sa labas ng kwarto niya saka ko hinarang ito sa doorknob para di niya mabuksan ang pintuan niya.

"TRY MO LUMABAS NGAYON DIYAN!" sigaw ko bago ako umalis sa kanilang apartment building.

Naglakad ako palayo ng building nila at doon nakapagisip isip ako ng kahit kaunti... Onti-onti narin nagsisink in sakin ang nangyari...

What just happened...

Did Migo just tell me he has a fucking boyfriend after we've been fucking for nearly two months...

To think that I wanted to go on a relationship with him... This is fucked up...