Eric's Pov
"I'M GOING TO BE LATEEE!" I told myself while running to school, bread in my mouth while carrying my plates for school.
I don't want to arrive lateee, this plate's deadline is today and I only have minutes left before my prof closes the classroom doorsss huhu.
I looked down my wrist to see that it's almost 8 o'clock -the start of our subject. I kept running not looking properly at what was in front of me.
*Nadapa*
The bread I was eating stopped my mouth from shouting as I was falling to the ground- A big obstacle on the sidewalk blocked my right feet that caused me to fall.
The bread I was eating then fell off my mouth and so did my plates and bag.
"Ano yon!??" I yelled as I was getting up and wiping the dirt from my clothes. I kept looking around my clothes if there was more dirt. Then I looked below to look at what caused me to fall and there I saw a man I knew- Max.
"Huhh!?? Max!??" What the heck is Max doing here sleeping on the side of the street?
Max's POV
"bakla..."
Kaninong boses yon parang kilala ko...
"bakla!"
Teka asaan ako...
"BAKLA BANGON!"
HUH! Napatayo ako sa paghiga dahil sa gulat at napatingin kay Ash- kaibigan ko mula pa nung first year ako.
"BAKLA BUMANGON KA DIYAN KANINA PA KITA GINIGISING OHH!!" Sabi niya sakin habang nakatingin ako sakanyang nagaayos ng mukha, nakaupo, sunscreen ata nilalagay niya?
"Anong oras na te may pasok pa tayo, absent ka na nga kaninang umaga bakla, hapon na oh pasok na us" tuloy niya habang nagpupunas ng skincare sa mukha at kamay.
"Hah? Hapon na? Absent ako kanina, eh ikaw? Bakit ka pa andito, wala ka ba pasok kanina?" Sabi ko sakanya habang ginigising ang diwa ko.
"Baks... Parang di ka naman sanay oh..." Humarap siya sakin at nagsalita. "Baks minor lang subs ko kanina, tsaka tinatamad ako... Zew ayewn... Nagabsent akiz..." Sabi niya saka niya tinuloy ginagawa niya kanina.
"Tong babaeng to oh di na nagbago" sabi ko sakanya habang nakatingin sa paligid ng kwarto niya. Tumayo si naomi at tinanggal ang twalyang nakabalot sa buhok niya saka pinatuyo ang buhok.
"BAKLA!" bigla kong sigaw kay Ash.
"AY! TANGINA KA!" Sigaw niya pabalik dahil sa gulat. "ANO YON!? si bakla sisigaw sigaw oh! ANG AGA AGA WAG KA NGA SUMIGAW!" Tuloy niya.
"Ay sorry ah... Pano ako napadpad sa kwarto mo te?" Tanong ko, bakit nga ba ako andito tinatanong ko sa sarili ko.
"Bakla hinatid ka ni Eric dito kanina, ang aga aga kumakatok siya dito kanina. Nakita ka daw niya sa tabi nakahiga, lasing." Sabi niya habang namimili siya ng isusuot para sa school. "Bakla di ka na nahiya grabe ka, sa lansangan talaga te? Ginawa mong hotel at dun ka natulog? Ano te? living one with nature? With the rats ganon?" Sabi niya habang nakatingin ng deretso sakin
"Huh...? Sinong eric?" Tanong ko sakanya.
"Shunga sino pa bang Eric kilala mo parang gaga oh, tsaka BUMANGON KA NA NGA DIYAN! AT MALIGO KA NA! MAY PASOK PA TAYO TE!" Sigaw niya sakin. "Pahiraman. Muna kita damit, kasya naman iba kong damit sayo!" Tuloy niya.
"AY!" Sabi ko habang tumingin sa phone ko ng oras. "Oonga teka!"
Eric? Sinong eric? Ang kilala ko lang naman na Eric is... Yung lalaking nasa Civil engineering na course... Siya ba?...
"Bakla eto!" Sabi sakin ni Ash habang inaabot ang mga damit na kinuha niya sa damitan niya. "Ayan pa, maligo ka na nga ta! Naamoy narin kita amoy alak ka! Gaga ka!" Sabi niya.
Inamoy ko sarili ko at- tama nga siya... Amoy alak ako... "Sige na nga! Ligo lang ako!" Sabi ko saka ako naligo.
Napaisip ako bigla... Eric... Eric...
Nakita ako sa tabi... tapos hinatid ako kay Ash?
Eh diba yun yung gwapo na matalino?
Totoo ba...
Kinikilig ako...