Chereads / Sour. / Chapter 4 - 03 - Ash

Chapter 4 - 03 - Ash

Max's POV

"So wala na ngarod kayo nung fubumerls na si Migo?" Tanong sakin ni Ash habang nakapila kami sa pagorder ng pagkain sa labas.

"Oo" maikiling sagot ko kay Ash. "Tapos ano yung sabi mo? May jowa pala siya all that time na nagsasaya kayo?" Tanong niya ulit sakin.

Tumango nalang ako bilang sagot kasi nahihiya ako  na nagawa ko yon, kahit na hindi ko naman alam na may jowa pala siya.

"Eh Gaga ka pala te ehh!" Sigaw sakin ni Ash. "Sabi sayo noon palang iba na nafefeel ko sa Migo na yan eh!" Tuloy ni Ash.

Dumating na ang turn namin sa pagorder at si Ash nalang ang umorder para saaming dalawa. "Ako na muna te ha, may problema ka naman." Sabi sakin ni Ash dahil siya ang magbabayad ng kakainin namin ngayon.

"Okay, thank you. Ako naman bahala next time." Sabi ko kay Ash. Naglakad kami papunta sa table at doon nagtanong ulit si Ash.

"Tsaka ano te, ano yung sinasabi mong may Jowa siya habang may nangyayari sainyo?" Tanong sakin ni Ash na onting pagalit. Tumango nalang ulit ako kasi di kaya ng dignidad ko ang nagawa ni Migo sakin at ng sa jowa niya.

"ABAY GAGO PALA TALAGA YANG MIGO NA YAN EH!" Sigaw ni Ash. "Huy asa labas tayo!" Bulong kong malakas kay Ash.

"Ay... Gago talaga yang Migo nayan! Dapaat diyan pinuputulan ng bayag eh! Nagsasaya kayo tapos di mo alam may jowa pala siya? Abay putan-" habang nagagalit si Ash ay napansin ko na may pamilyar na mukha sa likod niya.

"Teka lang, wait!" Pigil ko sa pagsasalita ni Ash. "Ano? Ano yon? Ano meron?" Tanong ni Ash sakin. Tinitigan kong mabuti ang lalaking nakapila sa likod ni Ash at tama nga ako- si Migo yon. Kasama niya ang hinihinala kong jowa niya.

"Si Migo, asa likod mo." Sabi ko kay Ash. Lumingon si Ash at saka hinanap si Migo. "Te asaan banda?" Tanong niya sakin. "Yung nakapila don na may kasamang lalaki?" Tuloy niya.

"Oo..." Sagot ko. Humarap ulit sakin si Ash na mukhang seryoso ang mukha at saka hinawakan ang dalawang kamay ko. "Ano gusto mong gawin ko te? Suntukin ko?" Sabi ni Ash.

"Huy wag!" Sabi ko habang binitaw kamay ko sa kamay niya. "We're the bigger person, di tayo papatol sa aso, we do not practice animal cruelty." Biro ko kay Ash.

"Gaga ka! Hindi yan ang Max na kilala ko! Classy-classyhan pero mamaya, behind closed doors iyak-iyakan ganon?" Sabi sakin ni Ash na may pagkataray. "Alam mo bahala kang gaga ka." tuloy niya.

Dumating ang order namin ni Ash, kinuha ni Ash ang mga inaabot sakanya ng server. "Thank you po kuya. "Sabi ni Ash habang paalis ang staff na nagbigay ng pagkain.

Nagsimula na kumain si Ash ng fries at napansin niyang nakatitig ako sa likod niya- kay Migo. "O kita mo." Sabi ni Ash. Tumayo siya hawak ang coke float na kakaabot samin. Kinabahan ako sa gagawin niya kaya hinawakan ko braso niya para mapigilan siya.

"Huy ano gagawin mo?" Tanong ko kay Ash. "Bakla kalma ka lang, Ako na bahala." Sagot ni Ash. Tinitigan ko sa Ash at minasdan kung ano nga ba ang balak niya gawin. At doon na nga, nagdulas-dulasan si Ash at saka tinapon ang Coke float sa damit ni Migo.

"AY HALLAH! SORRY PO!" Sigaw ni Ash na nagkukunwaring di niya sinasadya ang nangyari.

"Damn it!" Sigaw ni Migo habang nakatingin sa damit niyang puti na ngayon ay nagkakulay dahil sa coke. Halata kong nairita si Ash sa pagsalita at pagingles-ingles ni Migo.

Nagdulas-dulasan ulit si Ash at ngayon, sa mukha naman ni Migo niya tinapon ang coke. "Hallah sorry po!!" Tuloy ni Ash sa pagpapanggap. Magsasalita sana si Migo pero, nilabas ni Ash ang panyo niya at saka ito pinunas-punas sa mukha at bibig ni Migo para di siya makapagsalita.

"Hallah sorry po talaga! Kuya!" Sabi ni Ash. "Can someone please help us clean this up po?" Sabi ni Ash sa mga staff ng resto. Tuloy lang si Ash sa pagpunas kay Migo. "Hallah kuya sorry po talaga, here I'll help you make punas nalang to your face."

Napasigaw si Migo. "OKAY MISS, MISS! JUST STOP... JUST... GO AWAY... PLEASE!" Sabi ni Migo kay Ash. "Pero kuya-" magsasalita sana si Ash pero pinigilan siya ni Migo at tinuro si Ash palayo sakany. "Okay po kuya. Sorry po ulit!" Sabi ni Ash kay Migo. "Sorry din po kuya!" Sabi ni Ash sa staff na nagmo-mop ng floor.

Onti-onting lumapit si Ash pabalik sa table namin at ako naman- nagtatakip ng mukha sa kahihiyan na ginawa ni Ash, kahihiyan na nakakatuwa naman. Napangiti nalang ako.

Umupo si Ash sa harap ko at nagpunas ng kamay gamit ang tissue na provided ng resto. "Ano, okay ba?" Tanong sakin ni Ash. Napangiti ako at nag okay sign sakanya. Pareho nalang kaming tumawa.

"Ano, kain na tayo?" Sabi ni Ash. Tumango ako. Pagkababa ko ng kamay ko ay bigla nalang umilaw ang cellphone ko- may nagtext sakin.

"Kasama mo si Ash? Kain tayo please? TT",

Napatingin sakin si Ash. "Sino yan?" Tanong ni Ash sakin habang hawak ko ang cellphone. "Si Josh, tinatanong kung asaan tayo. Kain daw tayo." Sabi ko kay Ash. Josh -kaibigan namin ni Ash.

"Edi tawagin mo na dito yang lalaking yan! Nueba!" Sabi ni Ash. "Okay." Sagot ko.

Tinext ko si Josh pabalik "Kumakain kami dito labas now, punta ka nalang dito."

Josh's POV

Ano bayan huhu. Hindi nanaman tinanggap nung prof nayon yung plate ko. Hayst. Kain na nga lang ako, asaan kaya si Ash at Max? Text ko nga.

"Kasama mo si Ash? Kain tayo please? TT"

"Kumakain kami dito labas, punta ka nalang dito."

Ayon! Tamang tama! Gutom na gutom na ko huhu.

Nagtawag agad ako ng tricycle at pumunta agad ako kay Ash at Max.

Pero habang nakasakay ako sa tricy ay napaisip ako. Kamusta kaya si Max? Parang Iba ugali niya kaninang umaga. Di nga niya ako pinansin kaninang nakita ko siya sa school eh. Hayst. Max talaga.