Chereads / The Enemy Within. / Chapter 2 - Chapter One: Asshole

Chapter 2 - Chapter One: Asshole

Chapter: 1

I start hating my life since when it started walking in highschool. Mahirap mabuhay everyday honestly, dahil paulit-ulit nalang ang nangyayaring cycle sa buhay ko.

Mabagal ang oras at mga panahon para sa overboring na kagaya ko, I don't know why. Parang maliliit lang na insekto ang mga bagay na nangyayari sa kaganapan ng buhay kong walang buhay.

Gigising ng umaga at haharapin lahat ng katamaran kahit ayaw mo dahil wala kang choice.

"Rai! Gumising ka na jan, tanghali na!"

Ayan ang sinasabi kong wala akong choice

Bumangon na'ko sa pagkakahiga at niligpit ang hinigaan ko bago ako bumaba.

"Wala ka bang pasok ngayon? Alas-sais na ah, Lagi ka nalang nalalate ng pasok sa klase mo." Unang goodmorning ni Mama habang inaayos niya ang make-up sa mukha. Ang aga-aga pa pero nakaayos na siya.

"Ma, alas-syete pa naman ang pasok ko." Inaantok kong sagot habang kumukuha ng hotdog para sa kanin ko.

"Ay nga pala, Rai. Ano na naman bang kalokohan ang ginawa mo kahapon?" Napatigil siya sa ginagawa niya ng tanungin ako. Tsk. Alam ko na.

Attention seeker, kulang sa pansin, news reporter, mahahaba ang mga nguso, at mga hindi nabubuhay na mga pangit na mga asong galis na may rabies, na kung sino-sino ang nilalaganapan ng ano?

"Kalokohan?" Tamad kong tanong habang sumusubo ng pagkain. Kahit kailan nga naman talaga, aba.

"Ano yung narinig ko jan kina Luiza na may nakaaway ka daw jan sa may kanto?" Nagpipigil na galit niyang tanong habang seryosong nakatingin sakin.

Hayst, magsisimula na naman siya.

"Ha? Nakaaway? Hindi ko po alam." Parang walang ideyang sagot. Nang bigla siyang dumampot ng kung anong bagay at mabilis na pikon na binato sakin.

"Aray naman, Ma!"

"Ikaw! Kababae mong tao mag ayos-ayos ka! Hindi kita pinalaking ganyan para makipag-basag ulo ka jan!" Galit niyang dada. Nang inis nalang ulit akong nagpatuloy sa kinakain ko. Paano niya ba ko pinalaki?

Wala naman akong magagawa pagdating dito, ni hindi ko maiipag-tatanggol ang sarili ko sakanyang napakabait, kung magpapaliwanag pa 'ko ng nangyari tungkol sa snitch ng iba. Baka kung ano pang lumabas sa bibig kong offensive words kung makikipagtalo ako sakanya. 'Silence is better than unmeaning words' ika nga

Syempre si Aling Luizang maasim yun. At ako? Napakapoging anak niya lang na walang tatay. Napag-iiwanan pa nga ng chix minsan. Tsk.

Sino kayang nagsabing madaming choices kung gugustuhin mo?

Kung sa umaga kasama ang sermon sa inaalmusal ko, mas okay pang mawala nalang itong buhay ko. Parang kagaya nitong hotdog na kinakain ko, mas masaya kapag unti-unti ka ng nawawala kasi kinakain ka na ng kalungkutan.

Why does the sun go on shining?

Why does the sea rush to shore?

Don't they know it's the end of the world?

'Cause you don't love me any more.

Why do the birds go on singing?

Why do the stars glow above?

Don't they know it's the end of the world?

It ended when I lost your love..

Malungkot na nga yung music na tugtog sa headset ko, sumasabay pa ang madilim at parang malungkot din na kalangitan ngayon, na parang namatayan. Ikaw ba naman ang di payagan sa outing kung hindi ka saniban ni sadness dba?

Hay, buhay. Parang wala na talagang hopes para sa kabataang gaya ko.

Naglalakad-lakad ako sa kawalan habang nag-iisip. Paano kaya kapag namatay ako ngayon, at naging multo nalang. Makaka-kain pa kaya ako ng bilo-bilo?

Ang tagal na kasi ng Nanay kong hindi nagluluto nun, nagcracrave tuloy ako ng sobra. Halos ayon nalang ang naiisip ko madalas, kesa sa project namin sa Science.

Kapag siguro nilamay na 'ko, tsaka lang siya magluluto nun kasi maguiguilty siya? Mag-aalay siya ng napakamainit at napakasarap na bilo-bilo para sa anak niyang mahal na mahal niyang yumao, dahil sa cause of death na hindi nakakain ng cravings.

Hopeless. Parang hindi din ata.

Mas pipiliin niya nga palang makipag-date at maghanap ng bagong asawa, kesa magluto ng walang kwentang bagay para sa anak niyang tired of life na kahit na mag-agaw buhay pa. Tsk.

Naglalakad ako ng mahinhin at dahan-dahan palabas ng shortcut area patungong Campus. Nang may pinakamabagal na pinaka-pinaka mabagal na lakad sa buong universe, kahit mga Ninja Turtles hindi ako mauunahan sa sobrang astig ko.

Dahil ako ang last standing sa Zombie apocalypse.

"Ouchhh!"

Napadaing ako ng may biglang may bumato ng kung ano sa likod ko na masakit. What the hell??

Inis akong humarap sa may gawa. Nakajacket siya na black at naka-cap, habang ang mga kamay niya ay nasa mga bulsa ng jacket niya. Overall? Mukhang Terrorista.

"Problema mo?" Inis na takang tanong ko sa lalaki at binigyan siya ng matalim na tingin.

"Bagal mo maglakad." Heh? Dahil yun lang?

Tangkang lalagpasan niya na'ko ng bigla ko siyang hinawakan sa braso para pigilan.

Hindi ba alam nito ang kasabihan na dapat magdahan dahan? Ang kapal naman ng mukha nitong gunggong. Pero...

"What?" Malamig na tanong niya ng pinigilan ko siya.

"So kailangan mo mamato sa likod ko porket mabagal ako?" Sakristiko kong tanong sakanya habang nilalabanan ang tingin niyang walang pakielam.

Imbes na sagutin ako maangas niyang tinanggal ang pagkakahawak ko sa braso niya at nilagpasan ako na parang hangin.

Ang yabang!

"Hoy! Wait nga lang! Malakas ba amats mo?! Hindi porket mabagal maglakad ang nasa harapan mo, babatuhin mo ng kung ano! Wala kang manners!" Pikon kong sigaw sakanya habang naglalakad lang siya palayo na parang wala naririnig. Parang ako pa yung napahiya, Piste!

"Aba, teka! parang wala lang sayo ah!" Pinipikon mo talaga akong papansin ka?!

Dahil sa inis ko kumuha ako ng dalawang batong maliit at pikon kong binato sakanya. Napakayabang. Sarap ilagay sa sako at ipatapon sa kung saan!

Marahan siyang napatigil sa paglalakad niya ng maramdaman niya ang bato kong tumama sa likod niya.

"What th-"

Bago pa man matuloy ang sasabihin ni walang modong, papansing ignoranteng terrorista! Tumakbo nako at nilagpasan siya.

Asshole!