Maghapon akong naglinis ng bahay. Dahil ako ang panganay sa aming magkakapatid ako ang madalas mautusan ni nanay sa mga gawaing bahay. Labing limang taon pa lang ako at may tatlo ang aking mga kapatid. Guro ang aking ina at nagtatrabaho naman ang aking ama bilang superbisor sa isang pabrika.
Medyo nakaluluwag ang aming pamilya dahil lahat kaming magkakapatid ay nag-aaral sa pribadong paaralan. Akala ng lahat ay napakaswerte ko sa aking pamilya.
Naglalaro sa labas ang aking bunsong kapatid na si May, samantalang ang dalawa ko pang mga kapatid na sina Miro at Marie ay kasama ng kanya-kanyang mga kaibigan. Nung matapos akong makapag punas ng alikabok at makapaglampaso ng sahig ay nagpasya akong maligo.
Habang naliligo ako aymaynaramdaman akong kakaiba. Para bang may namasid sa akin. Luminga-linga ako at tiningnan ang aking paligid. Doon ko napansin ang butas sa malapit sa kisame - may matang nakasilip.
"Demonyo ka! Gago ka! Ang baboy baboy mong walanghiya ka!" tili ko.
Nawala ang matang nakasilip, pero alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng matang aking nakita.