Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng bahay. Umuwi na naman pala ang demonyo kaya hindi na naman ako ligtas sa aming bahay.
Kailangan na namang makiitulog ako sa bahay ng tiyahin ko.
May tatlo akong pinsang babae na mas matatanda sa akin at akala nila ay kaya ako halos gabi-gabing nakikitulog sa kanila ay dahil mas gusto ko lang makasama ang aking mga ate.
Hindi namin napag-uusapan pero mula ng ako ay nag-edad na dose anyos ay ganito na ang aming naging sistema.
Alam kaya nila ang nangyayari sa akin?
Maski ang tiyahin ko ay di ko alam kung may ideya. Hindi ako nagsusumbong.