Bago ako umalis ng bahay,alam ko na nakaalis na rmuna ang mamboboso. Natakot siguro na mag eeskandalo pa ako kung naabutan ko sya sa labas ng banyo.
Bago rin umalis nagsabi ako kay May na sabihin kay nanay na dun ako matutulog sa bahay ni Tiya Terry. Nakapagsaing naman na ako at nakapagluto nang tinolang manok kanina kaya may kakainin na sila.
Uuwi na lang ako kinabukasan. Buti na lang at bakasyon pa at walang pasok sa eskwela.
Sana ay walang gawing masama ang mamboboso sa kapatid ko pero kailangan ko talagang umalis. Di ko kayanghumarap at magpanggap na kalmado pag bumalik ang demonyo.
Sabi ko na lang sa kapatid ko huwag lalayo. Dun lang muna sya makipaglaro sa kapitbahay habang wala pa si nanay.