KAZEL POV
Habang naglalakad ako pauwi, pakiramdam ko ay para akong nasa langit. Iniisip ko palang ang balitang sasabihin ko sa mga magulang ko, tiyak na masisiyahan sila. Lalo na yung si mama, baka bombahin ako ng mga tanong, kung pano ako natanggap.
Oo, sobrang excited ako na magsimula sa bagong trabaho at parang crush ko na atah ang boss ko. Pero alam kong hindi professional yun, at baka di ako magtagal at paalisin agad ako, napakasungit pa man yun.
Only child ako sa family, kasi ayaw na ni mama na magkaroon pa ng anak. Mahirap daw kasi ang buhay at baka di nila mabigyan ang nga gusto namin kung saka sakali man. Totoo naman napakahirap ng buhay ngayon at masyadong mahal ang bilihin. Kaya gusto ko talagang mag isip si mama kasi masyadong advance, di tulad ko masyadong slow pero matalino. Yun ang sabi nila.
Habang naglalakad ako papuntang bahay, pakiramdam ko may nagmamasid sa akin. Holdaper ba toh? Kakatanggap ko lang sa trabaho, ang bilis naman kunin ang swerte ko. Huminto muna ako at tiningnan ang paligid at nakita ko ang isang anino sa likod ng sasakyan na maraming tinted na bintana. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ng mas mabilis dahil alam kong isang kanto na lang ako mula sa bahay.
Hindi maganda ang lugar na tinitirhan namin, hindi dahil sa gusto namin wala lang talaga kaming pera. Kaya gustuhin man naming lumipat sa mas magandang neighborhood, di namin magawa gawa pero maganda naman dito kasi tulungan at mababait ang mga tao.
Sa panahon ngayon di mo kailangan pang mag inarte sa kung anong meron ka ang mahalaga kasama mo ang mga taong mahal at nagpapasaya sayo. Hindi man ganun kalaki ang bahay namin, ang mahalaga may bubong at kama na matitirhan.
Sa pagliko ko sa kanto, bigla kong naramdaman ang isang kamay sa bibig ko mula sa likod. Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat. Pero bago pa man ako makasagot, may isang taong kilala kong bumulong sa aking tenga, dahilan para gumaan agad ang pakiramdam ko.
"Hulaan mo kung sino?" Halata ang masayang boses ni Stacey, at halos matawa ako kung hindi lang ako nagulat sa ginawa niya.
"Stacey, seryoso! Tinakot mo ako ng husto," bulong ko, sabay hampas sa braso niya sa sobrang inis ko.
At ang walang hiya, tinawanan lang ako, Alam mo yung tawa niya na tunog kampana. "Oh, napakapanget ng itsura! HA! HA! parang tanga."
Wala na akong nagawa, kundi ngumiti nalang. "Ang sama mo talaga, alam mo ba 'yan?" Habang inaayos ko ang itsura ko kasi gulong gulo na dahil sa ginawa niya.
"Ano naman ang ginagawa mo dito? Akala ko ba dun ka na titira sa rice boyfriend mo? Huh?" Tanong ko, habang sumasabay sa paglalakad niya sa madilim na kalsada.
"Excited ka ba? May mga inaayos pa bago ako makalipat. Bakit, gusto mo na ba akong umalis? Di mo ba mamiss ang napakaganda mong kaibigan." Ayy sus nag inarte pa ang baklang toh. Akala mo naman kung saan pupunta, eh nasa pilipinas lang naman.
" Ang oa mo! Bawal na ba magtanong." Saad ko sabay kurot sa tagiliran niya. Ayaw ko man aminin, pero mamiss ko siya kapag umalis na siya dito sa lugar namin. Baka di na kami magkita, di ko naman alam kung saan nakatira ng boyfriend niya. Ayaw ko namang magtanong baka kung anong isipin niya at pagtawanan lang ako.
" Wag mo na sa akin, so kamusta naman ang buhay ng aking paboritong babae!" Tugon niya pinagsalikop pa ang mga braso namin at sinundan pa ng tanong tungkol sa trabaho. "Plus, I wanted to hear all about your new job. Siguradong excited ka!"
Tumango nalang ako, habang di mapigilan ang kasayang nadarama ko na parang puputok na sa dibdib ko. "Oo, hindi na nga ako makapaghintay na magsimula. Magandang oportunidad kasi, at ang sahod ay sapat din para sa araw araw na gastusin."
Ngumisi si Stacey, masigasig na pinisil ang braso ko. Kakaiba din to maexcite, nagiging mapanakit.
" Ang galing naman! Alam ko nang magtatagumpay ka. At sino ang makapagsasabi, malay mo makakakilala ka ng mga ka-trabahong guwapo na pwede mong maging Papa! Baka pagbalik ko dito, may jowa ka na!."
Ang bilis naman ng tumakbo ng utak na nito, di pa nga ako nakakapag simula ng trabaho. Ang iniisip na eh ang mga magiging relasyon ko, ang gusto ko lang naman na maging boyfriend, eh walang iba kundi si Parker Anderson Wade. Napakagandang pangalan, parang musika kung pakinggan, tunog mayaman talaga.
" Gaga! Wala pa yan sa isip ko ang magkaroon ng relasyon. Trabaho muna bago landi noh! At sino naman ang gustong pumatol sa katulad ko. Wala na ngang ganda, wala pang pera at higit sa lahat, nakatira sa hindi masyadong kagandahang bahay." Sabi ko sa kaniya. Totoo naman diba, alam naman natin yung mga hinahanap ng mga lalaki, dapat maganda, sexy, matalino or kahit man lang mayaman at nasa magandang komunidad nakatira.
Binigyan niya ako ng isang masamang tingin, pero bakas pa rin sa ekspresyon niya ang pagkalungkot sa mga sinabi ko. "Hey, huwag kang magsalita ng ganiyan tungkol sa sarili mo ng basta basta. Di ka panget, maganda ka nga, mabagal lang mag isip pero yun naman ang gusto ng boys yung funny. At ano naman ang masama kung nakatira ka dito, ang importante wala kang sinasaktan at inaapakang tao." Maganda na sana, itinaas na ako tapos ibabagsak lang. Magaling din to, di ko alam kung magiging masaya ako sa sinabi niya or maiinis.
"Thank you! Huh! Ramdam ko talaga ang concern sa mga sinabi mo."
"See you until I see you." Paalam niya sa akin nang makaliko siya sa eskinita, malapit sa bahay namin.
Umupo muna ako nang makapasok ako sa loob ng bahay. Di ko alam kung paano ko sasabihin sa mga magulang ko na meron na akong trabaho. Natanggap ako sa isang world class na company. Nasa kabilang mesa lang sila, umiinom ng kape habang nanunuod ng tv.
Di man lamg ako binati, o tinanong man lanh ung kamusta ang paghahanap ko ng trabaho. Iniisip ko tuloy may pake pa ba sila sa akin nilang anak nila.
"Ma, Pa." Panimula ko, nanginginig pa ang boses ko sa tuwa, "Mayroon akong magandang balita."
Nagpalitan ng mga tingin ang mga magulang ko na may halong pananabik at pagtataka, kung anong balita ang sasabihin ko.
"I got the job!" Sigaw ko, hindi na kayang pigilin ang mga ngiti sa labi ko. Kitang kita ko naman sa mga mata nila ang pagkagulat at the same time masaya dahil sulit din ang kanilang pagtatrabaho para lang makatapos ako.
"Naku! Napakagandang balita talaga niyan, anak! Anong trabaho?" Sabi ni mama, sabay lapit kung saan ako nakaupo dala dala ang isang tasang kape.
"Magsisilbi akong sekretarya sa Wade Corporation," Sagot ko, ang mga salitang lumalabas sa bibig ay sobrang bilis dahil sa sobrang kasiyahan. Di ko alam kung naintindihan ni mama ang mga sinasabi ko.
"Congratulations, Kazel. That's quite an achievement," Sabi ng aking ama, mayroong pagmamalaki ang kaniyang mga mata.
Napakasarap lang sa pakiramdam na makita ang magulang ko na masaya at very thankful talaga ako sa kanilang walang sawang suporta. Palagi nilang pinapalakas ang loob ko at pinuri ang mga talento ko. Na ngayon sa wakas ay magagamit ko na yun, sa aking trabaho.
"Baka naman palagi kang umuwi ng gabi sa napili mong trabaho. Alam mo naman napaka busy ang maging secretary lalo na at corporation pa ang napili mong trabaho." Bakas ang kaniyang pag alala kahit di niya man sabihin. Wala na akong nagawa kundi ang tumango, kasi totoo naman. Baka nga minsan nalang nila ako makita sa bahay na to sa sobrang busy.
"It's a great opportunity, naman ang nakataya dito ma." Paliwag ko sa kaniya sabay abot ng kamay niya na para sabihin na wala siyang dapat ipag alala sa akin, dahil kayang kaya ko naman harapin yun.
"Basta't siguraduhin mo lang na di mo papagurin yang katawan mo, mahal ang magkasakit ngayon." Paalala sa akin ni papa na di ko alam nasa harapan ko na pala at nakikinig sa drama namin ni mama.
Nangingilid ang mga luha sa aking mga mata habang nadarama ko ang bigat ng kanilang pagmamahal at suporta. Ito ang sandaling pinangarap ko - ibahagi ang aking tagumpay sa mga taong laging naniniwala sa akin.
As we gathered for a family hug, hindi ko maiwasang makaramdaman ng pasasalamat sa di-mabilang na pagsuporta ng aking mga magulang. Sa kanilang walang hanggan na pagmamahal, alam ko na anumang pagsubok ang dumating kayang-kaya kong lampasan dahil nandiyan sila sa likod ko para alalayan ako.