KAZEL POV
"Good morning, Kazel right?" Biglang tanong sa akin, ng isang magandang babae na naka brown na blouse at nakalugay ang medyo kulot niyang buhok.
"Yes, and you are?" Nagtataka kung tanong sa kaniya, ano naman kaya ang kailangan niya sa akin? May ipapagawa ba siya sa akin?
"I'm Jasmine Santos, katulad mo rin ako, I'm also a secretary but not for Mr. Wade. Secretary ako ni Ms. Megan, she is the Personal Assistant of Sir Parker." Tugon nito sabay upo sa harapan ko. Naguguluhan naman ako sa set up nato, kung nay P.A na si Mr. Wade bakit kumuha pa siya ng secretary, nandito naman pala toh si jasmine, ano pa ang mga gagawin ko dito.
"Ahhhh! Ganun ba? Ano naman ang mga dapat gawin ko dito?"
"Well? Ms. Kazel may ibibigay ako sayo na offer!" Masayang sabi nito habang inaayos ang nakalugay niyang buhok. Sunusundan ko ng tingin ang mga ginagawa niya, kasi di ko naiintindihan ang mga nangyayari. Akala ko tapos na kahapon ang application, di pa pala! Asang asa na ako eh!
Pakiramdam ko mas lumamig ang aircon, parang anytime pwede na ako maging yelo sa sobrang lamig. Kahit ba may suot akong blazer ramdam na ramdam ko parin ang buga ng aircon.
Kung alam ko lang na ganito kalamig sana nagdala nalang ako ng makapal na jacket para di ako namamaluktot sa sobrang lamig, nakakapanigas ng baga, halos yakapin ko na ang sarili ko pero syempre pinigilan ko masyadong nakakahiya. Baka sabihin ngayon lang ako naka aircon at mapahiya pa ako sa kanila.
"Dalawang offer ang ibibigay ko sayo! Ang isa ay company secretary, which means you will undergo 4 months of being secretary sa mga higher position bago ka maging secretary ni Mr. Wade. Makakatanggap ka ng 50,000 thousand pesos at insurance benefits. Dipende sa magiging performance mo, kung magtatagal ka at magiging regular employee. Gagawin mo ang lahat ng ipapagawa nila, yung araw ng pagpasok mo syempre dipende kung kanino ka naassign pero most of the time 4 na beses kang papasok sa company sa loob ng isang linggo and bibigyan ka ng allowance if overtime at out of the company na yung mga gagawin like pupunta ka sa ibang lugar para sa meeting or may makikipag meet ka sa mga potential investors or buyer." Mahabang paliwanag nito sa akin, habang pinapakita sa akin ang kontrata na pipirmahan ko, kung saka sakaling piliin ko ito.
"Ito naman para sa pagiging personal secretary, it means sa loob ng dalawang buwan magiging secretary ka ni Mr. Wade at siya magsasabi kung magiging regular employee ka. Makakatanggap ka ng 100,000 thousand pesos at bawat araw ang pasok mo. Most of the time wala ka sa company dahil palagi out of town si Mr. Wade kaya palagi kang kasama niya, minsan naman makakasama mo kami ni Ms. Megan dahil siya ang P.A ni Mr. Wade pero sa mga important occasion lang dahil palaging nandito si Ms. Megan para mag monitor kung ano ang mga nangyayari sa loob ng company. May makukuha ka ring allowance at incentives like cars, health and insurance benefits lastly mga food beverage." Laki ng sweldo pero isang buwan lang, isang malaking risk ito. Paano kung di magustuhan ang trabaho ko means tanggal na ako. Kung pipilin ko naman ang pagiging company secretary at maging regular employee di naman ako magiging sure kung magtatagal ako bilang secretary ni Mr. Wade. Mas mabuti nalang maging personal secretary para mas maipakita ko sa kaniya ang mga kaya kong gawin at maging regular secretary niya. Maraming challenges naman pala ang dapat kong gawin tumagal lang sa trabahong toh.
"Kung pipiliin ko ba ang personal secretary, mas napapadali ang pagiging regular employee ko?" Curious kong tanong sa kaniya kahit alam ko naman ang magiging sagot.
"Tulad nga ng sabi ko, it will depend on your performance pero no one has been secretary for Mr. Wade sa dalawang offer, kaya dapat galingan mo. Kung gusto mong magtagal pero don't worry if di ka naman mataggap, ililipat ka sa ibang department according to sa mga performance na ginawa mo." Bakit pa ako binigyan ng offer kung ang ending sa ibang department naman ako ilalagay.
"Di ba ngayon ako magsisimula, makakatanggap na ba ako ng allowance ngayon?
Isang ngiti naman ang sumilay sa kaniya."Sa company secretary hindi pwede pero sa personal secretary yes pwede dahil daily allowance naman ang matatanggap mo dito." Paliwanag nito sa akin.
"Diyan nalang ako! Magkano naman?" Sabay kuha ng kontrata at pinermahan ang lahat ng pages nito. Nawala na sa akin ang basahin pa ang laman ng kontrata dahil na excite na ako.
"Well! Di ka naman siguro mukhang pera Ms. Kazel di po ba?" Natatawang saad nito habang kinukuha sa akin ang kontrata. Kahit biro lang yan, nasaktan naman ako. Nagtatanong lang mukhang pera agad! Di ba pwedeng curious lang!
"Tapos na ang trabaho ko sayo, kaya maiwan na kita. Btw, papasok pala ngayon si Mr. Wade so be ready and do your job as his personal secretary and welcome to the Wade Corporation!"
Di ko alam kung ano pa ang magiging reaction ko, sa rami ng mga revelation na nangyayari! Di naman ito ang sinabi sa akin ni Sir Parker kahapon!
Higit isang oras atah akong walang ginawa bago dumating si Sir. Parker kasama ang dalawang lalaki na seryoso ang pinag uusapan. Di na ako nakapagbati sa kanila, dahil nadala na ako sa nga gwapong itsura na mayroon sila. Huli na ng napansin ko na nakapasok ba sila sa loob ng office.
Naisipan ko nalang bigyan siya ng coffee, yun naman ang ginagawa ng secretary di ba! Uunahan ko na siya bago pa niya alo utusan.
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok ng tatlong beses. Di na ako naghintay ng sagot, at pumasok na agad sa loob ng office.
"Good Noon, Mr. Wade." Bati ko dito, nanginginig pa ang boses, dahil lahat sila nakatingin ng seryose sa direction ko."I thought you might like a cup of coffee to start your day."
Sa halip na maging masaya, mukhang naiinis pa sa siya sa akin."Coffee? I didn't ask for coffee, Kazel. Di mo ba nakikita, I'm in the meeting. Tatawagin kita kung kailangan ko ang trabaho mo."
Namula ang pisngi ko sa kahihiyan habang nauutal, "A-Akala ko... kailangan mo mg coffee, pasensya na, mali yata ang pagkakaintindi ko."
Habang nakatayo ako, naramdaman ko ang epekto ng mga salitang iyon. "Ngayon naiintindihan mo na, umalis ka na! Nakakaabala ka ." Ang matalim niyang tono na para bang hinihiwa ang puso, parehong nagulat at nasaktan.
Alam mo yung gusto mo siyang sagutin, ikaw na nga lang ang nagprisinta sa kaniya. Siya pa ang nagalit, napaka ungrateful naman nitong boss ko.
"I'm giving this to you kasi gusto kong magpasalamat dahil tinanggap ako sa company mo Sir!." Paliwanag ko dito. "Tinignan ko ang mga reports tungkol sayo at nalaman ko na mahilig ka sa coffee kaya ito ginawan kita, tinapangan ko yan." Dugtong ko dito habang inilalagay sa harapan niya ang ginawa kong coffe.
Pero nagulat nalang ako ng hampasin niya ang lamesa at tumilapon ang ginagawa ko. Tinamaan pa tuloy ako ng mainit ng tubig, ang sakit pero wala na na atang sasakit pa sa nararamdaman kk ngayon.
"Parker, calm down! She's trying to thank you." Biglang saad ng isang gwapong lalaki na kaibigan ni Sir at tinignan ako ng may concern pero nawala agad yun ng tumingin siya kay Mr. Wade na hanggang ngayon ay matalim parin ang tingin sa akin.
"Are you sure you're questioning me? Do you want to go there!"
"Sorry! Sir." Yun nalang ang sinabi ko baka magkagulo pa dito kasi sasagot pa yung tumulong sa akin. Napakatanga ko talaga, bakit naman kasi di ako nakikinig agad. Ayaw na nga pinilipilit pa.
Sinimulan ko ng ang pagpulot ng mga nasabasag na tasa habang pinupusan ang mga nagkalat na basa gamit ang suot kong blazer, para makaalis na ako dito. Napakawalang hiya naman nitong boss kaya naman siguro walang may nagtatagal sa kaniya dahil sa ugaling meron siya. Sayang pogi pa naman siya, nabawasan tuloy ng one point ang pagka crush ko sa kaniya.
Umalis agad ako sa loob ng opisina, ng di man lang nagpapaalam baka sigawan ulit ako. Di ko pala namalayan nasugatan na pala ako habang pinupulot ko ang mga nabasag, masyamg occupied na yung utak ko at di ko na naramdaman ang sakit.