KAZEL POV
Dalawang linggo na rin ng nagsimula ako bilang isang secretary dito sa Wade Corporation. Iniisip ko na mayroon nalang akong 6 na linngo bilang secretary ni Mr. Wade at pagkatapos nun malalaman ko na kung mananatili ako bilang secretary niya or malilipat ako sa ibang department tulad ng nangyari sa iba niyang secretary.
Actually, wala namang ako masyadong ginagawa dito. Taga bigay lang ako ng mga appointment at meeting niya, or gagawan siya ng kape kapag inutos niya. Simula ng nagkasagutan kami dahil lang isang kape, hinihintay ko nalang kung ano ang mga utos na ipapagawa niya sa akin, bago ako magsimula. Baka kasi pagalitan ako at sigawan na naman, nakakatakot pa naman siya kapag nagalit.
Sa loob ng dalawang linggo, minsan ko lang makita na hindi mga reports at papeles ang hawak niya. Nakakatulog na nga lang yan sa office niya, kaya nga palagi akong nakahandang kumot diyan para sa kaniya at minsan naman kumukuha ako ng mga damit sa condo niya. Para kahit papaano di siya magkasakit at ready to wok na lang siya. Di ba ang sipag ko bilang secretary niya, kaya dapat maging regular secretary niya ako.
"Good morning, Kazel." Bati sa akin ni jasmine, naging kaibigan ko siya simula ng gamutin niya ang nakuha kong sugat dun sa nabasag na tasa.
Di ko nga inaasahan na tutulungan niya ako, mabait naman pala siya kahit papaano at sa tagal ko dito, na siya palagi ang kasama ay kahit papaano eh nakikila ko siya.
"Good morning, kakarating mo lang ba?"
"Oo, hating gabi na ako nakatulog kagabi dahil sa utos sa akin Ms. Megan." Kitang kita ko nga na inaantok pa siya, di man lang napasin na magkaiba ang suot niyang sapatos. Ano yan bagong trend?
"Bakit ano ba ang inutos sayo? At mukhang pagod na pagod ka?" Curious kong tanong dahil naiintriga ako, kasi most of the time walang pinapagawa sa kaniya si Ms. Megan maliban nalang sa mga errands na dapat niyang gawin.
"Ito atin atin lang huh! Kasi yung mommy ni Sir. Wade, naiinis sa kaniya dahil wala pang pinapakilalang girlfriend sa kaniya. Eh gusto niya ng magkaroon na apo, kaya palagi siyang gumagawa ng mga set up date. Ang kaso di naman pumupunta si Sir. Wade kasi ang reason niya eh meron siyang longtime girlfriend na hinihintay niya lang na umuwi galing sa germany kaso 2 years niya na yang ginagawang dahilan kaya di na naniniwala si Mrs. Wade. Kaya ngayong anniversary nila kapag wala siyang may maipakilala na girlfriend, ipapakasal siya sa longtime business partner ng pamilya nila. Kaya ito naghahanap ako ng magagandang artista or model na pwedeng magpanggap na girlfriend niya kaso wala naman siyang nagustuhan. Kaya nababaliw na ako dahil dalawang na araw na lang anniversary ni Mr. And Mrs. Wade." Ramdam na ramdam ko na talaga ang pagka desperada niya, mabuti nalang hindi sa akin yan ibinigay si Sir. baka kung sino sino lang ang ipapakilala ko sa kaniya. Wala naman akong kakilala o kaibigan man lang na artista o modelo.
"Naku, kawawa ka naman pala! Eh bakit ikaw pa ang inutusan di nalang Ms. Megan." Nagtataka kong tanong, for sure marami na yang kilala si Ms. Megan sa tagal niya pa man dito imposible na wala man lang siyang makuhang fake girlfriend. At ito naman si Sir. marami naman kami ditong willing para maging girlfriend niya kahit isang araw lang maghahanap pa, kung ako ang tatanungin na magpanggap bilang girlfriend niya, di na ako magdadalawang isip, oo agad ang sagot. Pero syempre eme eme lang di natin alam ang galawan ng mga high society.
"Pareho lang kami ni Ms. Megan, na mababaliw na sa kaka isip kung sino ba talaga ang papasa sa taste ni Sir."
"Wala ba siyang kaibigan na babae? Someone he already knows or trusts?" Hirit ko dito
Jasmine shook her head. "Naisip na namin 'yan, pero si Sir Wade may hinahanap... may pagka special. Hindi siya basta-basta pumipili ng kahit sino. She has to be stunningly beautiful, sophisticated, at kayang makisabayan sa mga katulad nilang nasa mataas na lipunan."
Napakunot naman ang noo, napakahirap naman pala ang hinahanap nila. Sigurado bang tao yan? At hindi isang dyosa?. "Hindi madaling makahanap niyan, napakataas naman ng standard ni Sir. Wade. Wala ng makakaabot niyan kundi isang dyosa na katulad ko." Nagulat naman siya sa huli kong sinabi at tinaasan pa ako ng kilay na parang di naniniwala.
"Tigil tigilan mo nga ako kazel, seryoso na ang uspaan! Pero tama ka! Ito nga nasa dead end na ang utak ko at any moment mauubos na siya. Kung bakit di nalang kasi makipag cooperate si Sir. at pumili nalang kung sino para matapos na itong paghihirap ko."
"Bakit di ka nalang tumawag sa mga professional agaency, malay mo meron silang mga candidates na pasok sa criteria si Sir. Wade." Suggest ko rito.
Parang nabigyan ng panibagong pag asa ito dahil lang sa sinabi ko. "Di ko alam na matalino ka! Sana nga lang, this time makapili na si Sir." Masayang sabi nito habang naghahanap ng pwede niyang tawagan.
"Sana nga lang di makahalata si Sir. Alam mo naman he's pretty sharp when it comes to these things." Paalala ko dito habang naghahanap na rin sa mga social media.
"Kaya dapat pumili tayo ng best among the best, understand!" Kung makaturo naman toh, kung di kaya kita tulungan. Di ka man lang magpasalamat.
Ilang oras din siguro kami nasa telepono, at di namin namalayan na 1:30 na pm na pala. Nalipasan na kami ng gutom sa kakatawag sa mga agency na pasok sa mga criteria ni Sir.
"Kazel, can I have my schedule for today?" Nagulat naman ako kung sino ang nagsalita, ito naman Sir kita niyang masyadong abala ang tao. Sumusulpot lang kung saan saan.
"At 2 pm, you have a meeting with Mr. Yakamura regarding the hotel and restaurant projects in Batangas, and at 4 pm, a board meeting. Lastly, you scheduled a fitting for the clothes you're having made at 5 pm. That's all for your day, Sir."
"Cancel all of my meetings except the one at 5 pm." He ordered, his tone allowing no disagreement.
Totoo ba ang naririnig ko? Cancel? In fairness naman sa kaniya! Ano naman kaya ang nakain nito? Sa pagkakaalam ko, ayaw na ayaw niyang di nasusunod ang mga schedule niya.
"But Sir, that's not possible!" Anga ko dito, ano nalang ang sasabihin ko kila Mr. Yakamura na di tuloy ang meeting nila. Eh ako ang nagsabi sa kanila kanina na tuloy na tuloy ang meeting.
"Why not?" Sigaw niya na halos marinig ng buong floor at mababakas talaga dito ang pagkainis niya.
"Well, Sir, kaninang umaga tumawag ang secretary ni Mr. Yakamura na nakapagbook na sila ng ticket papunta dito at baka naghihintay siya ngayon sa meeting place niyo." Paliwanag ko dito habang nanginginig pa ang boses. Kasi naman kung makasigaw akala mo katapusan na ng mundo, pinagpawisan tuloy ako.
"I don't give a damn! Just cancel it and get yourself ready because you're coming with me." Para naman akong sinampal sa sinabi niya, pero ano raw, isasama niya ako? Bakit? Para saan? May gagawin ba kami? Ito ata ang unang beses na isasama niya ako sa mga lakad niya.
"But, Sir! How?" I exclaimed, my mind rushing to find a solution to this mess happening before me.
"That's not my problem anymore" Mabilis niyang sabi at pumasok agad sa loob ng office niya at iniwan ako mag isa.
***
Mabuti nalang talaga at mabait itong si Mr. Yakamura, di na ako pinahirapan pa at pumayag nalang na magset kami ng another date para sa meeting.
So ito pala ang dahilan niya, kaya gusto niya magpacancel ng meeting dahil magpapagawa siya ng damit. Ito ba ang susuotin niya para anniversary ng parents niya?
Pero nagulat nalang ako ng lumapit sa akin ang dalawang babae at sinimulan akong sukatan. Gusto ko sanang umalis, baka kasi nagkamali lang sila ng susukatan. Nang magsalita siya sa baritono niyang boses. "Let them be." Napakahinahon naman malayong malayo sa sigaw niya kanina.
"Sir, bakit naman ako sinusukatan nila?" Nagtataka kong tanong dahil naguguluhan ako sa mga nangyayari.
"Well, you will be my acting girlfriend for my parents anniversary." He said straight into my eyes, na para bang dapag ako magsaya dahil ako ang pinili niya. Kahit naman ang totoo eh bumilis agad ang puso ko ng marinig ko yun.
"Ako?" Halos pabulong kong sabi dahil hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala. Naiisip ko tuloy, nagsayang lang kami ng oras ni jasmine sa wala.
Sir Wade's words shocked me, snapping me out of my daydream and back into the harsh reality of the situation. "Yes, all because of your stupidity. My sister caught you leaving my condo with my clothes as if you were stealing them. And now my family wants to meet you; they think you're my girlfriend" Naiinis niyang sabi pero parang tinanggap niya, na wala siyang magagawa kundi tanggapin nalang.
"Bakit ako?" Wala sa sarili kong sabi.
"Bakit ayaw mo?"
"Sinabi ko ba!." Kinikilig kong sabi, siguro pulang pula na ang mga pisngi ko sa nga oras na to.