Pagka labas ko ng prisinto ay nag intay ako sa pag daan ng taxi, hindi na ako nag pababa sa condo ko sa pag iisip na baka masundan ako dun ng sino man kina Gabrielle at Marcus o mga tauhan nito.
Nag pababa ako sa convince store at duon ay saglit naupo, bumili na din akong ng instant noodles para maka kain at mag init ang katawan dahil napaka lamig dulot ng ulan.
Makalipas ang ilang minuto sa gitna ng pagkain ko isang hindi kilalang numero ang tumawag sa akin, agad ko itong sinagot sa pag babaka sakaling si Lexi ito o kung sino man, numero ng kakilala nya o nakigamit sya ng telepono.
"Hello my dear". A manly voice answered the telepono,pero putangina kilala ko kung kaninong boses ito.
"Hayop ka Gabrielle asan si Lexi?!". Isang malakas na tawa lang ang isinagot nito sa akin at matapos iyon ay naka rinig na ako ng ilang mga putok ng bala at duon na ako nag umpisang kabahan.
Sa kabila ng kaba ay sinubukan kong ikalma ang aking sarili para makapag isip, sinibukan kong I-trace ang cellphone ni Lexi, nasakin naman ang phone number nito at saktong pag bukas ko ay nakita ko ang location nito.
Napadpad ako sa isang abandonadong bahay sa hindi kalayuan, marahan kong pinapasok ang bahay ng bigla akong maka rinig ng ugong ng sasakyan at tunog ng sirena ng pulis, ng mamalayan ito ng mga tao sa loob ng bahay ay daglian silang nag labasan sa pintuan sa likod at dito ko na nga sinamantala ang pag kakataon para hanapin si Lexi.
Pag pasok ko ay nakita ko agad ang walang malay na si Lexi duguan ito habang naka tali sa silya.
"Tulong!". Nag sisisigaw akong humingi ng saklolo sa mga pulis.
Maka lipas ang ilang minuto, naka rating na kami sa ospital agad din naman na isinugod si Lexi sa operating room.
Puno ng pasa ang mukha ni Lexi at may ilang tama din ng bala sa balikat nito hindi sya gusto patayin ni Gabrielle, kundi pag babanta yun yung gusto niyang gawin ang matakot ako, ang matakot kami sa kanya.
Habang nag iintay sa labas ng operating room ay isang pulis ang lumapit sakin.
"Ms. Ximenez, we captured some of the men under this incident but we didn't find Mr. Gabrielle". Possibly na naka takas ito, kahit ano naman kase ang mang yari ay alam kong poprotektahan ito ng mga tao niya.Isabay pa na kagubatan ang pwede nilang masuotan at malakas pa din ang buhos ng ulan.
Umalis na din ang police officer matapos ipaalam sakin iyon at sinabi na tatawagan nalang nila ako kung sakaling may mahanap pa silang impormasyon tungkol sa nangyari.
Naiwan akong mag isa sa labas ng operating room, habang hinihintay ang pag labas ng doktor ay hindi ako mapakali, wala akong ibang gusto na mangyari kundi ang malaman na ligtas at nasa maayos na kalagayan si Lexi.
Makalipas ang halos isa at kalahating oras lumabas na ang doktor sa operating room agad naman akong tumayo at lumapit nga ito sa akin.
"Kayo po ba ang kamag anak ng pasyente?". Tumango nalang ako bilang sagot dito.
"Maayos na ang kalagayan ng pasyente ngayon, payo ko lang na pag nagising sya ay wag muna masyadong mag gagalaw dahil baka bumuka pa ang mga tahi nito dahil sariwa pa". Sambit ng doktor at nag paalam na din, sunod na inilabas na din sa operating room si Lexi at inilipat ng kwarto. Ng maka alis ang mga nurse na nag lipat kay Lexi ay pumasok na ako sa kwarto.
Halos pumatak ang luha ko ng makita ko ang kalagayan ni Lexi, ang mata nito ay tila nag kulay ube na marahil ay dahil sa pagka suntok sa kanya, halos putok din ang labi nito at mamaga maga pa ang mukha.
Sa kalagitnaan ng pag mumuni-muni ay isang yabag ang gumambala sa akin.
"Lexi, anak ko!". Napa tingin ako sa kinaroroonan ng boses at doon ko napag tanto na ina pala iyon ni Lexi. Nag mamadali itong tumakbo at niyakap ang naka higang si Lexi.
Ilang minuto din itong umiyak, at patuloy sa pag hagul-gol.
"Marahil ay ikaw si Valeria?". Nag angat at nag punas ito ng luha.
"Ako nga po". Wika ko.
"Maari ba tayong mag usap?". Tanong nito.
Mabilis na nag tungo ito sa cafeteria at naupo.
"Valeria tatapatin na kita, aware ako sa pangyayari sa buhay mo at alam ko din na gusto ka ng anak ko, hindi lang gusto mahal ka nya..."Panandalian na naputol ang sasabihin nito at tila tumulo ang luha.
" Pero nakikiusap ako sayo, layuan mo na ang anak ko ayaw kong sa sunod ay makita ko na sya na naka lagay sa kabaong dahil sa sobrang pag mamahal nya sayo na handa syang gawin lahat ". Nanginginig ako ng marinig ko ang hiling ng ina ni Lexi hindi ko kaya iyon.
Tumayo ako sa aking kinauupuan at walang ano-ano na lumuhod sa harapan ng ina ni Lexi, habang magka kaob ang aking palad ay walang tigil sa pag agos ang aking luha.
"Alam ko po kung gaano kahalaga sa inyo si Lexi at ganon din po sya sa akin". I said in a shaky voice.
"Pinapangako ko po sa inyo na hindi na uli mapapahamak si Lexi wag nyo lang po ipag damot sakin ang anak ninyo". Nag mamakaawang sabi ko.
"I can lose everything, but not Lexi...please". I was deeply in love with her, I'm madly in love with her and the moment that she made me feel loved and happy, starting that I can't unsee myself without her in my life; that woman means everything to me.
She's my world, she's everything that I wish for.
Her presence paint my world with vibrant hues and without her existence my life would be full of darkness.