Dalawang araw na ang nakakalipas at hindi pa din nagigising si Lexi. Kaya naman hindi din ako maka uwi sa amin, inaalagaan ko ito sapagkat ayaw ko naman na iwanan ito, kahit pa sabihin na nandito ang ina niya na pwedeng mag alaga sa kanya, alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit sya napahamak kaya tungkulin ko lang na alagaan siya
at isa pa hindi ko din naman basta basta kayang hayaan si Lexi dahil mahal ko ang taong ito.
Staring at Lexi's face, sitting beside her I was still puzzled about what happened, hanggang ngayon ay tanong sa utak ko kung ano at ginawa nya ito.
12:00 p. m
Naka tulog ako sa pagkaka ubob ko sa tagiliran ng kama ni Lexi, pasado 12:00 p. m na ng magising ako, namalayan ko din na wala na duon ang ina ni Lexi na marahil ay nag tatanghalian.
Sa kabilang banda ay nandoon naman si Gabrielle na halos mag wala sa galit sa kanilang tahanan dahil sa hindi natupad ang plano nito.
Binalak lamang sana ni Gabrielle na gawing pain si Lexi upang lumabas sa lunga nito si Valeria ngunit hindi nila sukat akalain na may kasama itong pulis.
"Putangina talaga". Wika ng binata habang mariin na hinawakan ang baso na may lamang alak at kapirasong tipak ng yelo.
"Love, calmn down". Himas ni Marcus sa balikat ni Gabrielle at pilit pinapakalma ang binata.
"Sinisigurado ko na pag babayadan nila ito". Sambit ni Gabrielle na halos nanginginig ang buong kalamnan sa galit.
Paano ba naman ay simula ng pumutok ang balitang iyon ay halos lumubog ang kompanya nila. Ng mabalitaan iyon ng mga investor nila ay nagsi alisan ito sa kanilang kompanya at pilit na kinuha ang kanilang shares kahit hindi pa tapos ang kanilang kontrata.
Ang kompanya na pinag hirapan ng kompanya ng mga magulang ni Gabrielle ay ganon kabilas na nawala kaya sobra nalang ang galit nito kay Valeria.
"Papatayin ko sila Marcus isinusumpa ko sa oras na mahawakan ko uli ang isa sa kanila magiging katapusan na iyon ng buhay nila". Muling salaysay ni Gabrielle.
In the other hand Lexi was still laying on hospital bed, with Valeria on her side wiping her body, cleaning it.
"Lex...please wake up now, I really miss you". Sambit ng dalaga habang marahan na pinupunasan ang katawan ng naka himlay na si Lexi.
Makikita sa mata ng dalaga ang pag-aalala,at pangungulila.
Matapos malinisan ni Valeria ng katawan si Lexi ay hinalikan iyon ng dalaga sa noo at saka ay naupo sa tabi nito. Hawak-hawak ang kamay ni Lexi , muling nag muni-muni ang dalaga.
"Mahal ko, gumising ka na oh". Wika nito.
"Dalawang araw ka ng tulog mahal ko, namimiss na kita". Hindi mapigilan na maluha ng dalaga.
"Valeria Hija". Napalingon ang dalaga sa hindi kalayuan ng marinig niya ang isang pamilyar na boses.
"Mag pahinga ka na muna, ako naman dito". Ina pala iyon ni Lexi.
But Valeria insisted and just wanted to stay beside Lexi hoping that this day she will be awake.