Chereads / Señorito's Lover: Chasing My Probinsyana's Wife / Chapter 2 - Unang Kabanata: Fortune Or Curse?

Chapter 2 - Unang Kabanata: Fortune Or Curse?

Magkakalahating oras na kaming nagtitigan at nag ngingitian ni lola ay hindi pa rin nito binibitawan ang aking palad. Kaya hindi ko na napigilan ang pagiging mausisa kung ano bang meron dito.

"Lola, ano po bang meron sa palad ko? Hindi niyo pa po ba binibitawan? Yayaman po ba ako? "Nakangiti kong usisa dito kahit medyo naiinis na ako dahil bukod sa nangangalay na ako ay marami pa akong gagawin.

"Higit pa dun ineng. Mas malaki."Nakangiting tugon naman nito. Kaya mas lalong lumapad ang pagkakangiti ko.

Malaki? Gaanong kalaki kaya?

"Gaano kalaki po?"Pag-uusisa ko pa.

"Malaking malaki. Subalit magdudulot ito ng malaking pagbabago sa buhay mo. Hindi ko alam kung swerte ba ang matatawag dito o isang malaking sumpa?"Sumpa?

"Malaking malaki. Subalit kung sakaling mangyari iyon. Malaking pagbabago ang mangyayari. Hindi ko alam kung swerte ba ang matatawag dito. Pero isa lang masasabi ko, mag-iingat sapagkat darating na sya. Ang sakit ay kalakip ng pag-ibig hindi iyon mahihiwalay. Pero hindi ibig sabihin ay dapat kang matakot. Sapagkat ang tao ay nabuhay dahil sa pag -ibig. Ineng, palagi kang mag-iingat. Ingatan mo palagi ang sarili mo."Mariin nitong wika bago binitawan ang palad ko saka malalim ang iginagawad niyang titig sa akin.

Kaya hinigit ko ang kamay ko kay lola pero matindi ang pagkakahawak kaya nabigo ako. Alam kong malapit na ang undas pero hindi niya ako kailangang takutin.

"Napakaganda mo nga talaga kahit anong ayos mo. Hindi na ako magtatataka kahit sino mapapa-ibig mo."Huling wika nito sa akin bago naglakad papalayo sa akin.

"Pero hinding hindi mo matatakasan ang iyong kapalaran."Narinig kong bulong nito bago siya mawala sa paningin ko. Napapailing iling na lang ako sa tinuran niya, hindi niya alam na batikan akong manghuhula dito sa amin. Hindi ko mapigilan matawa habang inaayos ang sumbrero ko.

Hanggang sa lumipas ang isang linggo ay hindi ko pa rin nakakalimutan kong ang sinabi sa akin ni lola. Kaya bago matapos ang tanghaling ito ay napagdesisyunan kong ubusin ang panindang pinalalako sa akin ng nag-iisa kong kaibigan dito.

"Bananacue kayo dyan! Bananacue!"Malakas kong sigaw habang nagpaparada dito kaya maraming napatingin sa akin.

"Zierra! May toron ka ba dyan?!" Narinig kong tanong ng mga tambay dito. Anong bang hindi malinaw na sinabi ko. Sa pagkaalala ko ay bananacue ang sinabi ko hindi turon.

"Bananacue ito! Ano bibili kayo?!"Tanong ko sa kanila habang naglalakad papalapit sa kanila. Kaya wala na silang nagawa nang isa-isa kong iabot sa kanila yung mga paninda ko. Kilala akong siga at basagulera dito sa amin kaya walang gustong makipag-amok sa akin.

"Magkano?" Nakasimangot na tanong ng isa sa kanila na medyo may kapayatan. Pero kahit ganoon ay may aking taglay itong karisma. Napapailing na lang ako sa mga pumapasok sa isip ko.

"Sampu ang isa."Tamang-tama at makakapunta na ako kay Rhea. Si Rhea ay itinuturing kong kaibigan lamang. Magkapitbahay lang kami.

"Alam mo maganda ka sana Zierra, kaso ang mahal mo magpatong. Syete lang dyan kina aling Sallie."Pang-uuto na wika nung isang matangkad na kulay pula ang buhok.

"Hoy, sa panahon ngayon wala nang mura. Nagmamahal lahat pati mga bilihin. At alam kong maganda ako. Natural yan, kaya hindi mo na ako kailangang bolahin para lang maka-discount ka."Litanya ko habang iniisa isa kong kinuha ang bayad nila. Aba mahirap kumita ng pera. Dugo't pawis bago kitain ito kaya bawat sentimos ay pinahahalagahan kahit isang piso.

Pagkatapos kong makuha lahat ng bayad ay nagpasalamat muna ako bago walang pasabi na iniwan sila. Kahit medyo sigain ako ay hindi naman gaanong masama ang ugali ko. Marunong akong magpahalaga, maliit o malaki man. Pinapangarap kong makatungtong sa kolehiyo kaya nagpupursige akong magtrabaho. Rumaraket rin ako depende kung saan malakas ang kitaan. Ayaw kong mamatay na habang buhay na lang akong mahirap.

Bata pa lang ako ay namulat na ako sa realidad ng buhay. Maaga akong naulila kaya kinanailangan kong magbanat ng buto upang mapatapos ko ang sarili ko hanggang hayskul. Kaya sa mga kaedaran ko ay hindi ko mapigilang maiingit sa kanila. Pero maikli lang ang buhay kaya hindi ko labis na dinamdam ang kakulangan ko. Ano pa man ay balang-araw ay makakaahon din ako. Hindi ako matalino pero hindi rin naman mahina ang utak ko. Mahina lang ako sa ingles pero magaling ako sa kuwentahan. Iyon talaga ang inaral ko noong nag-aaral pa ako.

Isang mainit, masikip at maingay ang sumalubong sa akin pagkarating ko sa pamilihan ng mga gulay. Tahimik kong hinanap kung saan ang pwesto ng gulayan ng aking kaibigan. Linggo ngayon kaya dagsa at bagsak presyo ang mga paninda. Kaliwa't kanang sigawan at alukan ang naririnig ko sa paligid.

Ito, ito ang buhay na kinalikahan ko na minsan ay hindi ko ikinahiya. Marami ring nagsasabi sa akin na may aking akong ganda na pwede kong gamitin para makaahon ako sa buhay. Pero siga lang ako at hindi taga pag benta ng laman. Marami naman akong alam kung paano dumiskarte ng pera na hindi ko na kailangan gamitin ang katawan ko.

Nakahinga ako ng maluwag nang matanaw ko na ang aking kaibigan na nakikipag-agawan ng customer sa kalapit nitong tindera ng mga gulay. Nang makita niya ako ay kumaway ito. Kaya maingat akong naglakad patungo sa kaniya habang pasimpleng umiiwas sa mga nakakasalubong ko.

"Oo, trenta lang yan. Naku! Sariwa at bagomg pitas pa!"Masayang sabi ng Rhea sa kaaalis lang na suki.

"Bakit ngayon ka lang aber?"Mataray nitong tanong habang nakapamewang sa akin. Hindi ko siya sinagot at ininguso ko lang ang labit kong basket na walang laman. Nang makita niyang naubos ko agad ang paninda niya ay napapalakpak ito. Madiskarteng tao si Rhea kaya bata pa lang kami ay kami ang sanggang dikit hanggang sa lumaki na kami.

"Aray!"Angil ko habang inaawat siya sa pagsasabunot sa akin.

"Sabi ko na nga ba magiging magaling kang tindera! Ba't di ka mag-apply dito sa akin? Para dalawa tayo dito at makarami?"Pagtatanong nito sa akin habang inililista kung ano ang mga naubos na gulay para madeliver na rin kinabukasan.

Ayaw ko nga! Mas madali magtinda ng bananacue o turon kaysa ng gulay! Ako kasi iyong tipo ng tao na hindi mapirmi sa iisang lugar.

"Ayoko!"Umiiling kong sabi habang pinag mamasdan ang mga dumadaan. Malapit na mag-undas ibig sabihin malapit nang madagdagan ang edad ko.

"Oh? Natulala ka naman diyan Zierra!"Kaya bigla akong nagising sa malalim kong iniisip.

"Paano kaya kung totoo iyong hula ng matanda?"Tanong ko dito habang tinutulungan siyang sa pag-aalis ng mga paninda niya sa plastic para i-display. Sa kaniya ko kasi madalas i-kwento ang mga sikreto ko habang ganun rin siya sa akin. Lagi kaming nagsasabihan ng sikreto sa isa't isa.

Malakas ang bentahan ng gulay ang kaibigan ko kaya laging paubos ang mga paninda nito. Bukod sa sariwa ang mga ito ay hindi gaanon kamahalan magpataong ito. Nakita kong nangunot lang ang noo nito sa akin habang napapailing lang sa tinuran ko. Pansin ko ang panaka nakang tingin ng mga tao sa kaibigan. Hindi lingid sa kaalaman nito ay may tinataglay itong kakaibang rin itong ganda.

"Ano nga?"Pangungulit ko dito kaya nakatanggap ako ng kamatis sa ulo. May pagka amazona kasi itong babaeng ito.

Sa umaga ay tindera kami, sa gabi ay nagpapanggap kaming manghuhula ng kaibigan ko. Minsan singerista, diswasher, waitress, janitress, rider, mensahera at kung ano ano pa. Pero isa lang ang hindi namin nagagawa ang maging tagapag benta ng aliw o kahit maging isang mananayaw.

Wala naman kaming isyu sa mga taong mayroong ganoong trabaho ang sa amin lang ay kaya naming patusin lahat ng trabaho na hindi namin kailangang dungisan ang dangal namin. Mas matanda sa akin si Rhea ng tatlong taon pero ayaw ntiong mag patawag ng ate sa akin. Sa aming dalawa ay siya ang mas matapang, matalino, madiskarte at higit sa lahat ay mabait. Bigla akong nakatanggap ng kutos dito.

"Wala kang mapapala kung aasa ka lang sa kapalaran mo. Bata ka pa Zierra! Tayo mismo ang gumagawa ng sarili nating kapalaran! Iyan ang pakakatandaan mo!"Mariing sabi nito habang pinagpatuloy na namin ang aming ginagawa. Nakalimutan kong idagdag ay may pagka-istrikta at kasungitan din ito.

"Mamayamang gabi! Huwag mong kakalimutan!"Dagdag pa nito bago naisipan ko munang mauna sa kaniya pauwi dahil magpapahinga muna ako.