Chereads / Señorito's Lover: Chasing My Probinsyana's Wife / Chapter 4 - Ikatlong Kabanata: Snake Hanging At The Mango Tree

Chapter 4 - Ikatlong Kabanata: Snake Hanging At The Mango Tree

Mga kalahating oras muna ako namalagi  bago napagpasyahang umuwi na. Hanggang ngayon kumukulo pa rin ang dugo ko sa lalaking iyon. Kaya habang naglalakad ako ay hindi ko mapigilan tadyakan ang bawat puno ng saging nakikita ko sa dadaanan ko.

"Nakakainis! Nakakainis! Hindi! Nakakainis kang talaga!"Nanggigil kong sabi habang pinagtatadyakan ang mga kawawang punong ito.

Nang maalala ko na naman ang pitaka kong nahulog. Naroon kasi ang iba ko pang ipon para sa gagamitin kong pag-aapply sa kolehiyo at iba. Mas lalong uminit ang ulo ko. Paano na ito? Konti konti na lang mag makokolbusyon na ako. Napatigil muna ako saglit at pinag masdan ang mga inosenteng mga puno bago nagpatuloy.

Kawawang puno pero mas kawawa ako! Dalawa ang nawala sa akin! Dalawa!

"Nang gigil ako sayo! Huwag na huwag kong makikita ang pagmumukha kundi pag pipirasuhin ko ito na parang pipino!"Gigil na gigil kong wika. Hanggang sa nakita kong natabumba ang isang maliit na puno.

Pero napatigil ako sa ginagawa ko nang makarinig na parang may sumisisitsit. Kinakabahan man ay naglakas loob akong lingunin iyon. Nanglaki ang mata ko sa nakita. Nagsisimula nang mangatog ang mga tuhod ko habang sumabay na manginig rin ang kamay ko. Medyo may kalayuan ito pero naaaninag ko pa rin.

Isang napakalaking sawa ang nakadungaw sa akin habang ang katawan nito ay nakasabit sa sanga ng puno ng mangga. Ang pambansang sabitan ng mga ahas! Nang napansin kong nagsisimula na ito mag-otso ay bigla akong tinatakasan ng dugo.

Kaya bago ako mawalan ng ulirat ay kaagad kong tinapon ang basket na hawak ko para mapunta sa malapit sa parte nito. Sabi nila, bulag daw ito at hindi sila nakakakita. Totoo man o hindi ay nagsimula na akong kumaripas ng takbo habang nagsisigaw.

Mama! Papa!

"May ahas!!!!!!!"Sigaw ko sa mga makakasalubong ko na mga kadalagahan sa daan na masayang nagkukuwentuhan.

Nanglalaki ang mga nito. Kaya naman bigla nilang nabitawan ang mga dala nila at ang iba ay naihagis kung saan. Nang makarinig kami ng sitsit mula sa likuran ay sabay sabay kaming kumakaripas ng takbo habang sumisigaw.

"May ahas!!!!!!!!"Sabay sabay naming sigaw.

Nagkakandarapa man ang ilan pero patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Para akong nakikipag marathon sa Olympics para sa gold medalist. Mabuti sana kung ganoon. Mas pipiliin kong magpatalo pero ngayon hindi. At ito na yata ang pinakamabilis kong takbo sa buong buhay ko. Para akong nakikipag karera sa mga kabayo ng mga Fruise sa hacienda.

Kahit kinakapos na kami ng hininga ay patuloy pa rin kami sa pagtakbo. Nanuyot na rin ang aking lalamunan. Habang umiikot naman ang aking paningin. Hindi pa rin ako tumigil sa pagtakbo kahit naninikip na ang dibdib ko. Kahit..  kahit... Huwag ngayon...

"Wa-wala... na... ba?"Hinihingal na tanong ng isa sa amin. Kahit gusto pa naming tumakbo ay kusang tumigil na ang aming mga paa. Bukod sa hindi na talaga namin kaya ay nanglalambot na rin ang aming mga tuhod.

"Ma... ma... layo na..."Hindi na natapos ang sasabihin ng isa sa mga kasamahan ng mga dalagang ay bigla nahimatay na ito. Mabuti na lang nasalo nang tatlo bago mabarog ang ulo nito.

Gustuhin man sumigaw ng mga kasama nito ay hindi na rin nagawa pa. Kaya ngayon ay mga anim kaming kaniya kaniyang hilata sa daan habang naghihintay ng isang himala. Habang ang tatlo patuloy pa rin ang pagpaypay ng dahon ng saging sa nahimatay nilang kasama. Kung tatanungin ako kung saan nila kinuha iyan. Hindi ko rin alam.

Hindi ko na alam pa, dahil unti unti akong naghihina.

Napapikit ako ng mariin dahil bumabagal na rin ang kabog ng dibdib ko habang nanlalabo naman ang paningin ko. Bigla akong kinurot ng konsensya sa ginawa ko sa mga puno ng saging. Ang bilis talaga ng karma! Kung hindi ko sana pinag tatadyakan ay hindi kami hahabulin ng ahas.

Okay sana kung tao pero ahas, totoong ahas. Hinding hindi kami mananalo!

Saka kung umuwi na lang ako ng matiwasay hindi sana kami kasalukuyan nakahilata sa gitna ng kalsada.

Medyo nakakahinga ako ng maluwag ng biglang umihip ang malakas na hangin. Lakasan mo pa! Lakasan mo pa! Kailangan na kailangan ko yan! Pero hindi pa rin naging sapat para mapawi ang uhaw na nararamdaman ko. Saka hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng mga kalamnan ko.

"Anong gagawin natin ngayon?"Naririnig kong tanong ng isa sa kanila. Nakatalikod ako sa kanila dahil nahihiya ako.

"Humihina na ba ang puso ni Laarni?"Nag-aalalang tanong ulit ng isa.

Bigla akong ginapangan ng kaba sa narinig. Syete, juice! Hindi naman siguro ako magiging sanhi ng kamatayan niya! Sa sobrang kaba ko ay mas lalo akong nataranta. Hindi ko maikalma ang katawan ko. Mas lalo akong nanginginig.

"Hangin... hangin...nasaan ka na? Kailangan kita! Hangin!"Paulit ulit kong sigaw sa isip ko dahil hindi ko na talaga makayanan pa.

"Miss!"Pero kung papipiliin pa rin ako ay okay lang sa akin ang mahalaga may karamay ako.

"Miss okay ka lang!"At kung tatanungin ako sa lahat ng nangyari ay all of the above.

"Miss nanginginig ka!"Kahit papaano ay may alam pa rin akong kaunti sa Ingles. Sa susunod talaga mag-aaral na akong mabuti. Sa susunod—

"Miss!!!!!!!"Sabay sabay nilang malakas na hiyaw. Hindi ko na kailangan pang mag-aalala dahil nakahilata na talaga ako. Hindi ko na sila naririnig dahil tuluyan na akong nawalan ng malay.

NAGISING ako ng makaramdam ako ng matinding pagka uhaw. Tubig! Kailangan ko ng tubig!

Pero mabilis ko rin pinikit ulit ang mga mata ko dahil nasisilaw ako. Binukas ko ulit ito pero kalaunan ay pumikit ulit ako. Paulit-ulit kong ginawa dahil baka nagdedeliryo na ako.

Paanong si San Pedro ang nakikita ko? Ito na ba ang sinasabi nilang tinatawag ka na? Calling sa Ingles kung tawagin?

Pagkatapos ng ahas ay si San Pedro na naman namulatan ko. Pinili ko na lang tuloy ipikit ang mga mata ko dahil natatakot baka magbagong anyo ito. Napa-aray ako nang pitikin ako sa noo nito.

"Ano ba!"Daing ko habang hinahaplos ang aking noo.

"Ano bang trip mo at pa-pikit pikit ka pa?"Naasar na wika ng kaharap ko. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha niya pero alam kong nakangisi ito.

Ayoko! Natatakot ako na baka mag-iba ang kaharap ko. Matapang akong babae pero pag ahas ang kaharap ko nababahag ang buntot ko.

"Ano hindi ka pa ba mumulat?"Kahit uhaw na uhaw na ako ay hindi. Pero kaagad akong napamulat nang may maradamang ako malamig na bagay sa braso ko.

"Ahas!!!!!!"Natatakot kong hiyaw na walang pag dadalawang isip na bumitin sa kaniya. Wala akong pakialam sa kaniya kahit masakal ko pa siya. Magkaroon na ata ako ng phobia.

"Hey Miss! Baka may... may... may!"Sabay kaming napasigaw na dalawa nang bumagsak kami sa sahig. Napapikit na ako ng tuluyan nang marinig ko ang mahinang daing nito sa ilalim ko.

Nahihiya man ay minulat ko aking mata upang makita ang lagay niya. Ang isa niyang bukol sa noo ay naging dalawa na habang isa ang sa akin.

Gustuhin ko man matawa ay napatulala ako habang pinag mamasdan ang mabangis pero nang-aakit na mukha nito. Ilang dangkal lang ang agwat namin sa isa't isa. Mas nilapit ko pa ang mukha ko upang masuri kung sino ang kamukha nito. Kahawig niya kasi ang isa sa mga sikat na artista na taga ibang bansa. Mariin kong tinitingnan ang mata niya kasi parang may kakaiba... Pinakatitigan ko pa ng pinakatitigan pa.

Hindi ko lang alam ang tawag doon. At hindi ko rin mawari pero may kakaiba talaga.

"Baka naman gusto niyo nang tumayo diyan!"Reklamo ng isang lalaking kapapasok lang ng pinto. Napatingin ako sa kasama niyang nurse na namumula. Bigla akong tinakasan ng hiya.

Napatingin ulit ako sa lalaking may hawig kay Bjorn Andresen! Iyong isa sa pinaka sikat noon. Kulay itim lang ang mga mata nito ganoon rin ang buhok. Pero kamukhang kamukha niya.

Kaya napatayo na ako ng makarinig ako tikhim sa ilalim ko. Tumayo ako ng tuwid na tuwid bago hinanap kung saan mayroong tubig. Pero wala akong makita sa silid na ito. Kaya naman napatalon ako nang biglang sumigaw ang katabi ko.

"Tubig!!!!"Malakas na utos nito ko kaya't nataranta ang nurse na mabilis tumalima palabas ng pinto.

Aatakihin na ako sa puso nito!

Pagkakuha nito ng tubig ay mabilis na lumapit at inabot sa akin. Dali dali kong ininom ang tubig. Malalalim ang binitawan kong hinga habang dahan dahan napaupo ako sa hinigaan ko kanina na hospital bed kung tawagin.

"Salamat."Mahina kong wika bago inabot sa nurse iyong baso na pinag-inuman ko.

Nararamdaman ko ang matatalim na titig sa akin ng katabi ko kaya nilingon ko siya at nilaban rin iyon.

Kitang kita ko na parang nag-uube na ang isa sa mga bukol nito ay kaya naman hindi ko mapigilang mapatawa. Pero mas lalong tumalim ang tingin niya. Para kasi siya iyong nasa cartoon na pinapanood ko noong bata pa ako.

"HAHAHAHAHA!"Halakhak ko habang napapahawak na ako sa tiyan dahil nagsisimula nang sumakit ito. May ganito kasi akong side na kapag sobra sa katatawa ay sasakit ang tiyan ko kalaunan.

"Hahahaha... huhuhu... huhuhu"Umiiyak ako habang tumatawa. Heto ang pinaka kinakabahan ako nagsisimula naman akong kapusin ng hininga pag sobrang saya.

"Pahinging tubig, Michangelo!"Malakas na sigaw ng kaharap ko na dumagundong sa buong hospital. Hindi pa rin dumadating ang tubig. Unti unti na akong kinakapos ng hangin.

"Michangelo!!!!!"Pag-uulit pa nito pero wala pa rin.

Nakita ko ang matinding pag-alaalala sa mukha niya. Walang pagdadalawang isip na tinawid nito ang mga pagitan namin bago bigla akong hinalikan sa labi na para bang binibigyan ako ng hangin.

"Kiss me back."Utos nito sa akin.

Habang ako ay parang natuod at hindi alam ang gagawin. Me ay ako. Nanglalaki ang mga mata ko nang maintindihan ko ang winika niya.

Halikan ko raw siya? Tama ba ako?

"Ehem."Kaya bigla kong naitulak ang lalaki at nakahinga ako ng maluwag na pinakawalan na ako nito. Mabilis kong tinanggap ang tubig. Nangangalahati na ako nang magsalita ito kaya nabuga ko ang tubig na iniinom ko.

"Magkakaroon na ata ako ng phobia! Kung ano ano ang hindi ko dapat nakikita!"Reklamo nito habang lumapit sa katabi ko. At walang pasabi na hinila ito papalabas ng pinto.

"Isasama na kita, dagat! Baka kung ano pa ang maabutan ko! Pati bata ay pinapatulan mo!"Naririnig kong sermon nito sa kaibigan.

Nakahinga ako ng maluwag ng maiwan na akong mag-isa.  Saka inubos ko ang tubig sa baso. Bago ipinatong muna saglit sa mesa na nasa tabi ko.

"Teka tama ba pagkakarinig ko? Bata? Mukha lang akong bata! Natural yan, baby face! Baby face sabi ako! Baby face!"Naghaharumentado ang puso ko sa inis.

Bigla akong napahiga at napatulala sa kawalan. Bago ata matapos ang araw na ito ay kung anu-ano ang nararanasan ko. Kaya napahawak ako sa labi ko bago sa tapat ng dibdib ko. Hindi pa rin bumabagal ang pag pintig nito. Huminga muna ako ng malalim na malalim at pilit kinalma ang sarili nang may naalala ako.

Ano na kayang nangyari sa mga kasama kong dalaga kanina? Kamusta na ang isa sa kanilang nahimatay din?

Matapang akong babae pero may mga bagay na rin kinatatakutan din ako.