Chereads / Señorito's Lover: Chasing My Probinsyana's Wife / Chapter 6 - Ikalimang Kabanata: Fate

Chapter 6 - Ikalimang Kabanata: Fate

Napatigil kami sa pagkukuwentuhan ni Rhea ng may limang lalaki ang pumasok. Mabilis kong kinuha ang baraha at ang bolang kristal upang ilagay sa mesa. Saka sinindihan ko ang kandila bago patayin ang ilaw.

Napatingin ako sa isang lalaki na may kulay asul ang mata. Nakahoodie ito habang naka-mask. Habang ang iba ay walang tabing ang mukha.

"Sabi ko sayo may tao eh!"wika ng isa. Pagkatapos ay umupo sila sa may tapat ko.

Marahan kong binalasa ang baraha bago isa-isa ko silang tiningnan sa mata. Nakikita ko ang kuryuso sa mga mukha nila maliban sa isa. Tingin ko ay magkakaibigan ang mga ito.

"Isang libo, isang tao."seryoso kong panimula. Akala ko ay may maririnig akong reklamo pero tumango lang ang ilan.

Huminga muna ako ng malalim bago dahan dahang pinaikot ang baraha sa mesa. Ito na! Lima sila, limang libo. Sa totoo lang. Isang daan ang singil ko sa mga nauuto ko. Hindi naman nila ako makilala saka wala pa naman nag rereklamo sa amin.

"Nais kong alisin niyo lahat ng alahas niyo sa katawan. Wala kayong ititira. Sapagkat hindi tatalab ang hula kung susuwayin nyo ang utos ko."

Nakita kong tinagkal ng apat ang kanila habang ang isa ay hindi sumunod. Naiinis kong binalingan ito habang malamig na nakatitig sa akin. Walang emosyon ang mga mata nito.

"Ikaw ba ay hindi mo susundin ang aking paunang utos?"wika ko rito.

Umiling lang ito kaya bago maubos ang pasensya ko ay binawi ko ang tingin sa kaniya. Kahit sundin naman niya ako o hindi, walang totoo dito.

Sinenyasan ko si Rhea na isara ang pinto at kunin ang mga alahas sa mesa. Pagkatapos ay kumuha ako ng isa sa limang nakataob sa mesa. Mariin kong pinakatitigan ko ang kaharap ko.

Jack!

"Isang atletang babae ang nakatadhana sayo. Sa tingin ko ay malapit kayo sa isa't isa."malumanay kong sabi. Napansin ko ang pagpula ng mukha nito at biglang umingay ang silid.

"Huwag kayong maingay. Kailangan panatilihin na tahimik ang silid na ito."

Kaya tumigil ang kantyawan ng magkakaibigan habang ang isa ay tahimik pa rin. Nakikita ko ang pagmamasid nito sa mga galaw kung paano ko balasahin at i-shuffle ang mga deck of cards.

Nakipagtitigan ako sa kanya habang binabalasa ko ang mga cards. Nakikita ko ang pagiging pamilyar niya pero hindi ko maalala kung sino. Pagkatapos ay hinugot ko ang isang card bago itinahaya sa kaharap ko.

Nakita ko ang paglaki ng mata nito. Habang namumutla itong nakatingin sa akin. Nanginginig niyang itinuro ang barahang lumabas.

"Sa wari ko ay kilala mo na kung sino ang tinutukoy rito. Nais mo ba na banggitin ko sa kanila?"umiling lang ito habang tagaktak ng pawis sa noo.

"Sino ba yun, bro? Ba't takot na takot ka?"nakita ko ang takot sa mga mata nito. Pati ako ay kinabahan kasi grabe ang pangangatal nito. Naloko na!

Napa tingin ako kay Rhea pero mukhang kinakabahan ito. Balak ko sanang sabihin na biro lang ito pero mabibisto kami. Takte! Kung hindi lang namin kailangan ng pera.

Tumayo ang lalaking may asul ang mata bago lumapit dito at bumulong. Nakita ko naman ang pagkalma ng mukha ng lalaki. Kalaunan ay nawala na rin ang pangangatal nito kaya bumalik na ang lalaki sa upuan niya.

Queen...

"Hindi pa kayo nagkakilala pero minsan na rin kayong nagkasalubong sa iisang daan. Nais mo bang malaman kung sino siya?"nakita kong nakangiti na tumango ito.

"Kilala sya dahil nagmula sya sa pinaka-mayamang angkan. Sa pamilya nya ay hindi ka mahihirapan pero sa kanya—"hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol nito.

"Sa kanya ako mahihirapan."mahinang wika nito.

Hindi patanong kundi isang estamento ang paraan ng pagsasabi nito.

"Nasagot muna ang tanong mo, marahil ay isang beses pa lang nag krus ang mga landas nyo. Subalit... asahan mo nang magiging madalas ito..."

"Kaya maghanda ka."

Dalawa na lang! Kung kasalanan man ang ginagawa ko ay pasensya na. Nais ko lang kumita ng pera.

Tumikhim muna ako bago diretsong tumingin sa mga mata niya. Sa kulay abo na mga mata na meron siya ay nakikita ko ang matinding poot na itinatago nito.

"Kaya mo bang tanggapin ang isang kasunduan sa pamilya na sumira sa pamilya nyo?"matatag kong tanong dito. Kita ko ang pagtagis niya habang pinipigilan ang sarili. Magaling...

Diamond...

"Isang kasunduan na kahit ikaw ay hindi mapapawalang bisa ito."malamig sa malamig ang ipinipukol na tingin sa akin ng lalaking may kulay asul ang mata.

"Ito lang maipapayo ko... sundin mo ang sinasabi nito."sabay turo ko sa tapat kung nasaan ang puso natin.

Kahuli hulihan... Higit pa sa mga Hearts ang mga lumabas.

"Kailangan mong magpakasal sa lalong madaling panahon kundi mamatay ka."seryoso kong sabi dito.

Mabilis nitong hinuli ang isa kong kamay at matalim na sobrang lamig ang iginigawad niyang mga titig sa akin. Napapa aray na ako sa isip kasi sobrang higpit ang pagkakahawak niya sa akin.

Para sa limang libo! Kahit masakit... titiisin ko.

"Sabihin mo sa akin, sino ka para sabihin iyon sa mga pinsan ko?"marahas kong hinala ang kamay ko sa kamay niya.

"Fortuneteller."mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin.

"Kung gayon, ang para sa akin?"naiinis na ako dito akala mo ay kung sino. Pansin ko pa kanina ang pangungutya sa mga nitong kulau asul.

Sing-ganda ng mata ay kasing-sama at itim ng budhi nito.

"Isang babae ang magpapaluhod sayo."matigas kong wika habang nakikipagtagisan ng titig sa kaniya.

Narinig ko sobrang tahimik ng buong silid na ito. Kapwa kaming dalawa ay walang gustong magpatalo. Akala niya siguro ay matatakot ako sa talim ng tingin niya pero nilabanan ko ito. Kahit natatakpan ang buong mukha niya ay alam kong madilim ang mukha nito ngayon.

Naputol lang yun ng tumikhim ang isa sa mga kasama niya. Naglapag ito ng sampung libo sa mesa. Pero nakatitig pa rin ako sa kanya habang siya ay mabilis naglakad palabas.

"Pasensya na kay kuya."tumango lang ako dito.

Pasensya pero kung makapang husga ay akala mo napaka-perpektong tao. Ginagawa ko lang ang trabaho ko. Husgahan man ako ng lahat pero hindi magiging dahilan yun para tumigil akong mangarap.

Napabalik ako sa realidad ng maramdaman kong paghagod ng kaibigan ko sa likuran ko. Napahawak ako sa basa kong pisngi.

Hanggang kelan ba ako iiyak at masasaktan sa mga mapanghusgang tao sa mundo?