Chereads / End of the Tunnel / Chapter 8 - 07- First Day

Chapter 8 - 07- First Day

Maisie p.o.vI didn't notice na 3 days pala akong nasa loob ng kuweba na yun,ang bobo ko lang kasi dala ko naman yung cellphone ko saka suot ko tong smartwatch pero hindi ko man lang naisip na tignan yung date.Kaya ngayon nag mamadali akong pumunta sa train station ng Ferni pabalik sa Velomoria. Syempre bago ako pumunta dito nag palit na ako ng suot kasi punit punit yung suot ko and ang dumi na. Saka 3 days ako kuweba kaya ibig sabihin 3 days din akong walang ligo. Kaya naman nag hanap ako kanina ng motel para makaligo at makabilis. Balak ko sanang dumaan sa clinic para ipagamot mga sugat at gasgas ko kaso hinahabol ko kasi yung train pabalik sa velamoria kaya hindi ko na napuntahan.Katulad lang din nung process na ginawa ko sa velamoria train station yung ginawa ko dito sa may ferni. Nung narinig ko ang announcement na ready na yung train sumakay naman na ako tapos ay hinanap yung upuan ko. This time meron na akong katabi, olderly woman sya. She has a full gray hair and emerald eye, i think mga nasa 70+ na yung age nya. Umupo na ako sa tabi nya. Inilabas ko ulit ang headphone ko pero bago ko maisuot yun naramdaman ko yung paghawak nung lola sa kamay ko kaya napatingin ako agad sakanya."Ahm, Bakit po?"  tanong ko pero nakatingin lang sya dun sa braso ko na hawak nya. Di nagtagal ay itinaas nya yung ulo nya at tumingin saakin."You're bleeding hija" she said, agad naman akong napatingin sa braso ko. Nakasuot ako ng Black hoodie and pinatungan ko pa yun ng Black din na maong na jacket , kaya nag tataka ako panno nya nasabi na dinudugo ako, Wait, that doesn't sound right. Ah basta!"Dapat hindi mo hinahayaan na hindi nagagamot yung sugat mo. Naku, tsk tsk"  sabi nya sabay bitaw saakin, kinuha nya yung bag nya tas ipinatong iyos sa binti nya. Nagsimula syang mag kalkal dun na parang may hinahanp sya. " Awakener kaba hija?" tanong nito habang nag ngagalkal parin sa loob ng bag nya."Ah! opo" sagot ko. Di nagtagal ay bigla syang may nilabas syang malaking box ng First aid kit.Nanlaki naman ang mata ko nung nakita ko yun. Like panno nagkasya yun, eh yung bag nya ay parang sapat lang sa isang cellphone, wallet, ilang maliliit na abububot.Habang iniisip ko parin kung paano nangyari yun, nadaan yung mata ko sa bracelet na suot ko.Ah! Oo nga pala, may mga ganto palang bagay ditoSabi ko sa sarili nung maalala ko na may ibang design din para ang mga spartial storage. Baka katulad ng bracelet ko spartial strorage yung bag nya. Pinatanggal naman saakin yung maong na jacket ko saka pinataas yung sleeve ng hoodie na suot ko. Sumunod nalang ako dun sa sinabi. " Aish, tignan mo yan. Braso ba yan ng dalaga"  Sabi nya pag katakita ng braso ko na puno ng sugat. "Ba't ba kayong mga awakener walang pag papahalaga sa katawan. Kung hindi ko siguro napansin yan, hahayaan mo lang yan ng ganyan hanggang makarating sa Velamoria. Panno kung na impeksyon yan ha?" tuloy tuloy na sabi ni lola habang ginagamot yung sugat ko. Habang pinapagalitan ako nung lola, tuloy tuloy din pag sabi ko ng sorry sa mahinang boses. Ewan ko ba, feeling ko ang laki talaga ng kasalanan ko at na guilty ako kasi di ko nagamot agad yung mga sugat ko.Inangat ni lola yung muka nya at tumingin saakin, nakita ko yung pag kunot ng noo nito."Di ba masakit?" sabi nito, ibnalik ulit nya ang tingin sa mga sugat ko at hinihipan nya rin iyon.Oo nga pala, dapat pala masakit to,"Ehem! Ayos lang po, hindi naman po ganun kasakit" sabi ko pero mukang hindi sya kunbinsido doon. "Alam mo hija di mo kaylangan mag tapang tapangan. Yung apo ko nga grabe maka reac tuwing ginagamot ko ang sugat, lalaki pa yun ah" Nagisip naman ako ng dahilan. " Nakakahiya ho kasi ako, ang dami pong tao dito." Natapos na nyang gamutin at balutan ng bandage yung isang kamay ko kaya hiningi nya yung isa pa na ibinigay ko naman at yun naman ang sinimulan nyang gamutin."Kung nahihiya ka pala hija, edi dapat pinagamot mo yan sa clinic bago ka sumakay ng train."  Hindi ko na napigilan mapa nguso nalang dahil kahit anong sabihin ko may hirit si lola. "Sorry po" Hindi parin huminto sa pagsasalita si lola, pero halos lahat yun ay puro sabing kung gaano ako ka reckless. Di naman nagtagal ay natapos na syang manggamot. Ibinaba ko na yung sleeve ng hoodie ko at ibinalik isuot yung maong na jacket ko."Don't forget to treat your other wounds, okay? The wound on your leg and on your back"Napatingin ako sakanya. Paano nya nalaman yun? No! Actually paano nya nalaman na may sugat ako sa braso ko, at sa ibang part ng katawan ko."Panno nyo pa nalaman?" Hindi ko na napigilan ang saliri ko at tinanong ko na sya."Because of the smell of blood" She said, habang inililigpit yung mga first aid na ginamit nya. Nung natapos sya ay ibinalik nya yun sa bag nya at itinabi naman nya yung bag sa gilid ng upuan nya at humarap saakin. "You see, my husband, children, their spouse, and my grandchildren are all awakener. I'm the only exception, poor me.""That's why I'm so familiar with the smell of blood. When I was still young, and my husband and I were dating, he always hid his wounds from me, saying he didn't want me to worry. But I felt more worried every time he did that. Imagine we're on a date, and I'm having fun, not knowing that he's already bleeding. Since I couldn't relate to him, I always ended up having a fight with him when I found out he took me on a date with a bleeding wound. Instead of caring and being worried about him, I always ended up being mad and pushing him away. And every time I did that, I felt sad and hurt. Then I would go to my room, cry, and blame him for everything, because, to me, it felt like it's his fault."nafeel ko kung emosyon ni lola habang kwine- kwento nya yun, "He is still doing it even now, but I have learned my lesson. Yung kahit nakakainis sya at madalas gusto kong suntukin yung mukha nya, hindi ko sya maiwan. Kaya nagaral ako manggamot kahit onti lang para simula nun hindi na nya maitago yung mga sugat nya kaya saakin, ganun din ang mga anak at apo ko."Tumango naman ako. Ibinalik ko yung headphone bracelet ko, hindi ko na kasi magagamit yun. Dahil bung byahe ay nag uusap kami ni lola. Actually, i'm more a listener at si lola ang puro kwento. Na enjoy ko naman yun, dahil ang dami nyang kwento tungkol sa family nya. Mukang maraming hinanaing si lola sa family na at ngayon lang nya nailabas. Lalo na sa asawa nya, Unang anak na lalaki, at yung anak nun na lalaki na apo ni lola. Magkakaugali daw kasi yung tatlo kaya lalong sumasakit ang ulo nya.Kaya hindi ko na napansin na nakarating na kami sa Velmoria. Sabay na kaming naglakad ni lola palabas ng train station. "San na punta mo nyan hija. Pauwi ka na ba?" tanong ni lola nung nasa labas na kami."Ay, hindi ho. Sa Rise po ang punta ko, nag aaral po kasi ako duon""Oh talaga! That's great! My gran--""Lydia!"Hindi natuloy ni lola yung sasabihin nung may narinig kaming tumawag. Lumingon naman si lola doon at nakita ko yung tinitignan nya. May gwapong matandang lalaking nag lalakad papunta saamin. His hair is also full gray and blue eyes. Mukang common ang blue eyes dito. Magkaiba kami ng shade na kulay na blue sa mata pero blue parin yun.At kahit na matanda nya sya, halata ko parin na malakas sya. "Finally you're here" sabi ni lola nung tuluyan ng nalapit saamin yung lolo. "Did you take the train? I told you to wait for me, why did you travel alone""First of all, You're late at hindi na kita mahintay""It's only a min--""Second, I didn't travel alone. I was with her the whole trip" lumingon saakin si lola at itinuro ako dun sa lolo na mukang ito ata yung asawa nya na buong byahe nya nirereklamo. Nag bow naman ako duon sa lolo, at tinanguan lang ako. Mukhang hindi ordinaryong hunter itong asawa ni lola ah. Malakas yung pakiramdam ko na kung wala akong [Fear Resistance] skill, baka nanginginig na akong nakatayo dito."Who is she?""Oh she's--" napatigil si lola at lumingon saakin. "what's your name?" pabulong nyang tanong nito, dalawang oras kaming magkasama sa byahe at halos lahat ng baho nung buong pamilya nya alam ko na, tinulungan nya pa akong gamutin mga sugat ko sa braso. Hindi pa pala kami nagpapakilala sa isa't isa."Maisie po" pabulong ko ring sagot. "I'm lydia. Call me lola Lydia dear" pabulong nya ulit na sabi."So this is maisie. My new friend"Nagbow naman ulit ako dun sa matandang lalaki, "Hello po""Right Caspian, isabay na natin si maisie. Sa rise daw ang punta nya" Nagulat ako sa biglang pagdesisyon ni lola lydia. Bago pa man ako makapag salita at makatangi ay nahila na ako ni lola lydia papunta sa isang car na mukang mamahalin. Humarap ako kay lola lydia para sana tumangi at sabihing maglalakad nalang ako nung naitulak na nya ako papasok sa loob ng kotse. Kaya naman wala na akong nagawa at umupo na ako ng maayos."Dun ka na umupo sa passenger seat"Rinig kong sabi ni lola Lydia, dun ko lang na realize na si sir Caspian?, saka si lola lydia pala dapat dito sa likod. Dapat pala dun ako.Pumasok na rin si lola lydia at sinara yung pinto, ganun din naman ang ginawa ni lolo caspian sa passenger seat. Maka lolo kala mo close.Nagsimula ng umandar yung sasakyan. Nagkwe-kwentuhan kami ni lola lydia nung mapadaan yung tingin sa may rear view mirror. Nakita ko na nakatingin pala saakin yung asawa ni lola lydia."Kid, Who are your parents?" he asks in a very authoritative voice. Nagulat ako sa biglang tanong. Pasagot na sana ako ng biglang hampasin ni lola lydia ng bag nya yung upuan sa passenger seat."Why?" " Ganyan ba dapat magtanong. Maisie is not one of your men, kaya ayos ayosin mo yang boses mo.""Anong gagawin ko, ganto ako magsalita""Edi wag ka nalang magsalita"Iniiwas ko ang tingin ko at tumingin nalang sa labas, para itago yung ngiti ko. Ang cute naman kasi ng interaction nila. Like kita naman na napakalakas na hunter ni sir caspian, and sabi nga ni lola lydia kanina sa train na un- awakener sya. Pero wala man lang laban si sir caspian kay lola lydia,"Ehem. Kid" Tawag ulit saakin ni sir caspian, ngayon halata yung pag pipilit nyang i soften yung boses nya. Lipat lipat din ang tingin nya saakin at kay lola lydia, "Who are your parents?""Right! Iniisip ko rin yan kanina pa kasi ang rare ng purple hair, last na nakita yun like 20 years ago" Nag balik balik ang tingin ko kay lola lydia at sa asawa nya, iniisip ko kasi kung paano ko sasabihin. Diba nga ampon ako, and maski yung old maisie walang alala sa parents nya ako pa kaya. Pero kahit isip ko wala akong maisip na maayos na way, na hindi ako kakaawaan. Kaya naman sinabi ko nalang yung totoo."Hindi ko po alam. Nawalan po kasi ako ng ala ala nung bata ako, tapos inampon lang po ako nung grandparents ko po na kumupkop saakin." Kita naman na nabiligla si lola lydia sa sinabi, kinuha nya yung isang kamay ko at saka mahinang tinapiktapik iyon. I think it's her way of comforting me. Nung tumingin naman ako kay sir Caspian hindi na sya nakatingin sa rear view mirror, pero kita parin yung muka nya. At parang may iniisip sya.Ilang minuto lang din ay nakarating na kami sa Rise. Bago ako lumabas ay pinaalalahanan ako ni lola lydia na dumaan sa hospital sa loob ng Rise at mag pagamot, balak ko naman gawin yun saka bukod sa hospital may dadaanan pa ako.Nag paalam na ako at nag pasalamat kay lola lydia saka kay sir caspian, at naglakad na papasok sa Rise. Lumingon ako pabalik doon sa sasakyan para tignan kung umalis na sila. Pero nakatigil pa yun. Lumabas si Sir caspian sa passenger seat at lumipat sa backseat kung nasaan si lola lydia. Napangiti naman ako kasi kahit lagi nalang inaaway ni lola lydia si sir caspian halata parin na mahal na mahal nila ang isa't isa. Pero bakit parang pamilyar saakin yung muka ni sir caspian, parang nakita ko na yun dati. Baka naman hindi ko nakita, baka nabasa ko. Nandun ba sya sa libro? Check ko nga pag my time ako.==Maaga pa pero nakayos na ako at nandito na ako sa harap ng elevator hinihintay na bumukas. First day kasi ngayon ng klase, ayoko naman malate sa first day ko no. Mas maganda ng maaga kaysa late. Bumukas na yung elevator and may tatlong tao sa loob nun, pero isa lang kilala ko. Si sophia kumaway sya saakin kaya ganun din ang ginawa ko.Nag usap kami kahapon na sabay na kaming pumasok since classmate naman kami, nung sanabi ko sakanya yung oras ng pag pasok namin nagreklamo pa sya nung una kasi sobrang aga daw pero pumayag din sya."Good morning!" masigla nyang bati."Morning"Napansin ko na hindi maalis yung tingin nya saakin kaya naman hinarap ko na sya at tinanong. "Bakit? May dumi ba sa mukha ko?"Pinanliitan nya lang ako ng mata sabay turo sa buhok ko, "Kaylangan bang ganyan kahigpit yang ipit mo? Alam mo maisie ako na naawa sa anit mo bakit ganyan? Di'ba masakit?" sunod sunod na tanong nya.Nakaipit kasi ako ng Full pony tail. Since first time ko mag ipit ng sarili nag reseach pa ako kung paano gawin, and sabi dun mas mahigpit mas maganda kaya ganyan ginawa ko. "And what's with those glasses? Is it necessary for them to be that thick?"Umubo naman ako ng isang beses, saka inayos yung suot kong salamin. Yung ipit hindi ko maintindihan ba't pinuna nya, pero itong salamin alam ko kung bakit. But yes, it is necessary na makapal yung salamin. This is for my eyes, because of my ability [Observation].Kasi unlike my other ability na kaya kong i off, sa [Observation] hindi. Kaya may mga bagay akong nakikita na hindi nakikita ng iba, i mean yes it does have an advantage pero may disadvantage din to. Kaya naman nag decide ako bilhin tong glasses kahapon pagkatapos kong dumaan sa hospital. Para ma lessen yung influence ng ability sa sight ko."You know what, nevermind" biglang inabot ni sophia yung tali sa buhok ko at inalis yun. Kaya naiwang nakalugay ang buhok ko. "See, much better" she said, habang sinusuklay yung buhok ko na nakalugay ng kamay nya. "Alisin narin natin to" aamba sana syang alisin yung salamin ko ng tumunog yung elevator at nasa first floor na kami."Ah, nandito na tayo. Tara na!" nauna na akong lumabas para maiwasan si sophia saka para hindi nya maalis yung salamin ko. Syempre, nakahabol din naman sya agad at ilang beses pang pinilit na alisin ko yung salamin na ayaw ko namang gawin. Mukang napagod na sya kakapilit kaya tumigil na sya. Ginamit namin yung Portal para makapunta dun sa mismong School building. Hindi kami dumerestyo sa room namin at nag decide na libutin mula yung buong school kasi maaga pa naman. Pero dahil sobrang laki nun hindi man lang namin napuntahan yung kalahati, ilang minuto nalang at mag time na kaya hinanap na namin yung room namin. Di naman nakakaligaw kasi buong building na to ay sa first year lang, iba ang building ng 2nd- 4th year.Pagpasok namin ng room, dun ko napansin na tiered classroom pala yung loob. Namili na kami ni sophia ng uupuan, napili namin yung medyo gitna, hindi ganun kalayo at di rin malapit sa harap. Marami na ring studyante sa loob. Anim ang section ngayon sa first year, and nasa 1950 kaming mga first year student kaya kung kuwentahin ko yun nasa 325 kami per section. Ang dami. Nagsunod sunod na yung ibang mga student na pumasok dito sa room, nakita ko na rin ang mga main character na isa isang nag datingan at umupo syempre silang lahat sa harap. Di nag tagal at napuno na yung room. "Alam mo ginamit ko yung ability ko kahapon para makita yung adviser natin. Lalaki, tas gwapo ehehehe. Gusto mo malaman?" Pabulong na sabi ni sophia.Bakit mo ganamit sa ganyan yang ability mo? Alam ko naman na kung sino yung adviser namin, kaya hindi ko na sinagot si sophia. Sakto naman na may pumasok na lalaki sa room. I think his like mid 20s, has a blonde hair and di ko makita yung mata nya dahil naka shades sya. And syempre, katulad Ng Sabi ni Sophia,Gwapo.Actually lahat Ng matataas Ang Rank level ay expected mo na na gwapo at maganda. Sobrang madalang lang Yung Mataas Ang rank level pero di biniyayaan sa charm. Mabibilang lang sa Isang kamay."Good Morning everyone, Base on the record everyone is here"Yung record na tinutukoy nya ay yung record ng attendance. Meron kasing technology na nakakabit sa pintuan kaso syempre hindi sya visible. And everytime na dadaan kami dun madedetect yung name pin namin and marerecord yung name namin dun sa tablet na hawak ng adviser. Since 300+ kami sa isang section matatagalan kung iisa isahin nila kaming tawagin para lang sa attendance kaya gumawa sila ng ganyan."Now then, let me introduce myself. I am Tycho Severus. I'm the professor that will be incharge of this class for the whole year.""Oh my god! It's Sir tycho""Ang swerte natin friend,I totally have a crush on him." ''I'm an A-rank Hunter, currently ranked 553th out of 1000th Ranker hunter in all of Armanica." "553th? Among a thousand? Amazing""Lagi syang nakikita sa internet and news, I never thought that he would be our adviser"Iba't ibang boses ang naririnig ko simula nung mag pakilala si sir tycho, halos ay babae na pumupuri kay sir. May naririnig din akong mga lalaki, and same puro puri din. I understand that Sir Tycho is one of the strongest hunters among his peers. Imagine achieving Rank A at just over 20 years old."This is enough for my introduction, because i know most of you already have an idea about me. So let's get to the point" Nawala bigla yung bulong bulungan at tumahimik ang paligid. Siguro dahil rinig sa boses ni Sir tycho ang pagka seryoso nun."Rise Academy is not a playground," he stated in low and sharp voice."You are here to hone your skills, to push your limits, to become the best hunters this world has ever seen. And that means facing danger, facing hardship, facing failure."Inilibot ni Sir Tycho ang tingin sa bawat student na nakaupo sa buong room. "Some of you," he continued, this time his voice is softer, but firm,"have come here seeking glory, chasing the thrill of the hunt.You think this is a game, a way to impress. You are wrong""This academy itself is dangerous, the curriculum we have your subjects are dangerous, the training are dangerous. And after you graduate from this place, outside the Rise, the whole world is dangerous. So if you are here to play, to run at the first sign of danger, then you are in the wrong place. You are wasting your time, and more importantly, my time.""I have no patience for cry babies who will run in the middle of training. Wag nyo i expect na aalagaan ko pa kayo. I will not comfort you. Hindi ko kayo tuturuan kung paano mag survive kung hindi kayo willing lumaban para dito. Sa lugar na to wala akong pakealam kung anak kayo ng sino man," he looked at some student na anak ng mga kilalang tao sa buong Armanica. "So if you are not truly here to learn, to become the best, then leave. Leave now and never come back. This academy is not for you."Napuno ng katahimikan ang paligid, ramdam ko ang pagkaseyoso ng paligid, and kaba ng karamihan. Rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ng ilan, lalo na tong katabi ko. Ang kaninang excited ngayon ay seryosong nakayuko sa may lamesa nya at mahigpit na magkahawak ang kamay.Alam kong nabasa ko na ang scene na to sa libro, pero iba pala kapag na experience mo sya ng personal. Now, after this the chapter 1 is done. I looked at where Asher is sitting while remembering all the important scene that will happen. I think naramdaman nya ang pagtitig ko sakanya dahil bigla syang lumingon palikod na parang may hinahanap. Di nag tagal ay nagkatitigan kami. Alam kong dapat ay iiwas ko ang tingin ko pero hindi ko yun ginawa, at tuloy lang na nakipagtitigan kay asher at ganun din ang ginawa na.Parehas kaming nagpapakiramdaman kung sino ang unang mag aalis ng tingin. Ako naman ang unang nag iwas ng tingin dahil naramdaman ko ang paghawak ni sophia sa braso ko."Maisie, Nakakatakot sya" tugon nya habang pa higpit ng pa higpit ang hawak sa braso ko. Binalik ko yung tingin kay asher pero nakabalik na ang tingin nito sa harap kaya naman ganun narin ang ginawa ko.