Chereads / End of the Tunnel / Chapter 9 - 08- Training

Chapter 9 - 08- Training

Maisie p.o.v

Matapos yung madugong first Introduction ni sir Tycho, pinapunta nya kami sa gym. Itong gym ng Rise ay hindi katulad sa gym na alam ko. Walang ring parang sa basketball,o yung ibang gamit para sa ibang sports. Ang itsura nya ay mas maganda siguro kung tatawagin tong training hall.

Kita ko kasi ang napakaraming sparring dummies sa may kaliwang parte ng training hall, and mga weapons naman sa kanan. Iba't ibang klase din weapon ang nandun, yung sword, spear, staff, and dagger lang halos pinaka kilala ko. Yung iba di ko na alam. May nakita pa nga ako malaking itak eh, meron ding malaking hammer tapos ito yung hindi ko talaga alam ang tawag. 

So yung hawakan nya ay parang same sa handle ng sword, pero wala syang blade ang meron ay chain tas sa kabilang dulo nun ay may bilog na may tusok tusok. Ang sakit lang siguro nun pag tumama sayo.

Tumayo si sir tycho sa gitna ng gym, saka inilibot ang mata nito na sya ring ginawa ko. Kung kanina ay halata ang kaba sa mukha ng karamihan ngayon parang nakalimutan na nila yun, kasi ang nakikita ko ay parang excited sila yung iba hindi pa maalis ang mata sa mga weapon na nakadisplay sa gilid.

"Today, you face your first true test'" Sir tycho announced, nag echo ng boses nya sa buong training hall."Ang gagawin nyo ngayon ay mamimili kayo ng weapon, the tool that will become an extension of yourselves.At hindi lang kayo basta basta mamimili ng kung anong weapon na sa tingin nyo ay matatawag na, cool!. Don't take this decision lightly," 

I can see how the other student eyes wided, with both excitement and fear, habang ang tingin nila ay palipat ipat kay sir tycho at sa mga weapons.

"Gusto kong seryosohin nyo ang pagpili nga weapon na gagamitin nyo, because the weapon you choose will define your path as a hunter. But don't worry, if kung ang pinili nyong weapon ngayon ay sa tingin nyo ay hindi para sainyo, and you wish to switch weapon i will give you chance to change and choose another weapon, but you have to wait. Bibigyan ko kayo ng limang buwan para mag train gamit ang weapon na pipiliin nyo ngayon, at kung sa limang buwan na yun ay naisipan nyo paring mag palit. Sige, papayagan ko kayo. Pero sa oras na yun mas mag ingat kayo sa pagpili. Dahil isang beses lang yun."

"Kaya dapat ngayon palang, piliin nyo na ang weapon that you believe in, the weapon you are truly confident in wielding. For in the end, it is not the weapon who makes the hunter, but the hunter who makes the weapon sing. Now go, and get your weapon"

Parang nag echo sa tenga yung ang bawat salita ni sir, ewan ko ba pero ramdam ko ang mabilis at malakas na tibok ng puso ko. Pinaghalo halong excitement, takot at kaba. It was just last week, nung nakahiga ako sa kama sa hospital at nag hihintay nalang pagtigil ng puso ko. Pero ngayon ito ako buhay na buhay. 

But just because I'm alive doesn't mean I'm safe. Kung nakikipag laban ako sa sakit nuon, ngayon mukang mapapalaban ulit ako para ma keep tong bagong buhay ko. Alam ko naman ng mangyayari, actually ang dami kong alam na mangyayari. 

"Maisie, anong ginagawa mo pa dyan? Pili ka na ng weapon mo dun,"

 

Nakita ko si sophia na naglalakad palapit saakin at meron syang hawak na crossbow, mukang yun ang napili nya.

"Ano? Maganda ba?" tanong nito saakin habang ine- examine yung weapon nya,

"Bakit yan pinili mo?" tanong ko, lumingon naman sya saakin sabay hawak sa crossbow nito ng dalawang kamay, 

"Kasi alam mo, bata palang ako tinuruan na ako ni daddy kung paano gumamit ng crossbow. Kaya expert na ako dito, kay sir narin galing na pumili daw tayo ng weapon na confident tayong gamitin. Ikaw ba't di ka pa pumili dun, mamaya mapansin ka pa ni sir tycho dyan mapagalitan ka pa. Pili ka na dun dali"

"Ito na pipili na po," Kahapon ko pa alam kung anong weapon ang gagamitin ko. Sa totoo lang hindi ko na kaylangan pang magisip kung ano ba talaga kukunin ko. Dahil staff si lunaire ngayon kaya pinili ko yung staff na nakadisplay, saka walang scythe na nakadisplay dito. 

Kung iisipin hindi na dapat ako pumili ng weapon dito kasi meron naman na akong personal weapon si lunaire, pero kasi hindi lahat kayang magkaroon ng personal weapon lalo na ang mga first year kaya gumawa ng ganitong system ang rise. Kung saan mag provide sila ng weapon para sa mga first year and mamimili ang mga student sa mga weapon na yun. Sa totoo lang kung hindi ako napili ni lunaire baka isa ako dun sa walang personal weapon dahil hindi namin afford makabili at baka kung bumili man dagdag pa sa utang yun. 

Isa pa gumawa rin sila ng rules kasi dito na magagamit lang ang personal weapon kapag may competition at pag 3rd year na, dahil sa 3rd year magsisimula na ang field study kung saan mararanasan na namin lumaban sa loob ng dungeon.

Pagkakuha ko ng staff weapon na napili ko, bumalik na ako sa tabi ni sophia, pero di rin nagtagal at nag hiwalay din kami. Since crossbow sa kanya dun sya mag train sa may long range side ng training hall, and dun naman ako sa may mga sparring dummies.

"Before you start, listen to me," nilingon naman ng lahat si sir tycho, lahat ay nasa kanya kanyang side ng training hall kung saan sila makakapag train ng mga weapon nila.

" I know some of you are looking for a training method, especially with your weapon mastery that You can use as you train. Come to me now so I can give you training methods that will suit your weapon. Sa iba naman na may sarili ng sinusundan na training methods pwede nyong gamitin yun."

After sabihin yun ni sir tycho, isa isa ng nag puntahan sa kanya ang ibang student. May karamihan yun at halos kalahati ng klase ang pumunta. Hindi ko naman na kailangan pumunta dun dahil meron narin akong sariling training method. 

Hinarap ko ang training dummy saka ipinikit ko ang mata para alalahanin ang basic, and first step ng scythe proficiency na nakuha ko sa kweba.

Ang pinaka basic and first step doon ay ang Slash, kailangan kong mag slash ng 1000 times in a perfect angle para ma obtain ko ang 1st move ng scythe proficiency which is { Quick Slash }.

And katulad ng sabi nung babae sa kuweba, applicable parin nga yung training method na laman nun kahit staff ang gamit ko. 

Iminulat ko na ang mata ko at depinisyon ang staff ko dun sa tingin ko ay 42 angle. Yun kasi ang sabi dun sa Mastery Skill Book na nasa utak ko. Hindi ko sure kung tama ba yung pag posisyon ko, pero ipinalo ko na yun sa dummy.

(*Ting* Your angles are wrong! 0/1000 Slash)

Nagulat ako ng biglang may lumabas na notification sa harap ko. Hindi ko naman kasi alam na may paganito pala. Pero nakarecover din ako agad. Siguro trigger yung unang slash ko ng staff sa dami kaya ngayon lang yan lumabas. Isa pa mas maganda na rin to, dahil nakikita ko kung nakailang slash na ako at di na ako nalilito sa bilang, saka nag notif din pag mali ang position ng staff ko kaya natatama yung ako kung mali ba ang ginagawa ko.

Binago ko yung position ng staff ko ng onti saka palo sa dummy.

(*Ting* Your angles are wrong! 0/1000 Slash)

Binago ko ulit yun saka pumalo ulit.

(*Ting* Your angles are wrong! 0/1000 Slash)

Huh? Ano ba ang 42 angle. Inayos ko ulit yun saka pumalo, pero ganun pa rin ang lumalabas. Hanggang sa naka tatlong ulit pa ako bago tumama.

(*Ting* Your angles are perfect! 1/1000 Slash)

Ah, buti naman tumama din. Ibinalik ko sa position ang staff at saka pumalo

(*Ting* Your angles are perfect! 2/1000 Slash)

 Ayan mukhang nagagamay ko na ah. Baka makatapos ako ng 50 slash ngayon. Ibinalik ko sa posisyon yung Staff at pumalo,

(*Ting* Your angles are wrong! 2/1000 Slash)

Kinatok ako ang ulo ko pagkakita ng notif. Yan kasi nagyayabang agad, nagagamay pala ah. Inayos ko ulit yung staff at ilang beses inuulit ulit ang pag slash nun sa sparring dummy ko. ( 9/1000) na ang slash ginagawa ko at gagawin ko nasa ang pang sampu ng may narinig ako sa likod ko.

"You purple hair!," 

Napatigil ako sa pag slash at inilubot ang tingin. Tinitignan ko kung may ibang purple hair maliban sa akin. Nung ma check kung wala ay tumingin ako kay sir Tycho dahil sya yung tumawag.

"Yes sir?"

"State your Rank and Name" utos nito, Pero bakit? May ginawa ba akong mali?

Kahit gusto kong magtanong kung bakit mas inuna kong sagutin ang utos nya. 

"Rank 1929, Maisie Dela Rosa po," sagot ko, naghintay akong sabihin nya kung bakit nya tinatanong ang rank at pangalan ko pero hindi nya ginawa, kundi binigyan nya ako ng panibagong utos.

"Okay, Student Maisie go to the nurse office,"

Nurse's office? Bakit? 

Hindi ako gumalaw at nanatiling nakatayo dahil sa biglang pag utos nya nun. Bakit ako pupuntang nurse office? May ipapakuha ba sya? 

Bago ko pa man sya matanong kung bakit narinig ko naman ng biglang pagtaas ng boses nya,

"Now!"

Dahil sa gulat at takot ko, bigla akong napaayos ng tayo at nag bow, "Yes sir!" sagot ko at saka tumakbo palabas ng training hall.

Kita ko ang tingin sakin ng ibang student sa loob ng training hall, nadako naman ang tingin ko kay sophia. Kita ko yung pag galaw ng bibig nya at nagtatanong kung bakit, nagkibit balikat lang naman akong sumagot sa kanya bago tuluyang lumabas ng training hall.

Paglabas ko naman ay binuksan ko agad ang map sa smartwatch ko kasi hindi ko alam ang way papuntang clinic. Buti naman at may malapit lang na clinic sa training hall. Dun naman na ako pumunta.

Pagdating ko ay binuksan ko yung pinto, sa loob may nakita akong babaeng may brown hair and pink eyes. Ngumiti ito saka sinenyasan ako na pumasok.

"Why are you here?" tanong nito,

Actually gusto ko rin pong malaman kung bakit, "Hin..,di ko po alam" nag aalangan kong sagot. Hindi ko naman kasi alam. 

Kita ko pag kunot ng noo nito at ang pagsalubong ng kilay nya. "What do you mean?"

"Pinapunta lang po ako dito ni sir tycho, hindi po niya sinabi kung bakit" pag sabi ko nun ay nawala ang pagka confuse sa muka nya. Tumayo sya at sabay cross ng arms nya. Tapos ay sinimulan nya akong tignan mula ulo hanggang paa, tas balik sa ulo. 

Bigla naman akong na conscious sa ginawa nya.

"Turn around" utos nito, ginawa ko naman at nung nakatalikod na ako ay bigla niya ako pinahinto.

"Stop! Can you hold up your hair?" 

Ginawa ko naman yung sinabi nya, inipon ko yung buhok ko sabay itinaas ko ito.

"Oh my!" Rinig kong bulong nya. Bakit?

"Go to one of the cubicles and take off your blazer and blouse, also your stockings." 

Eh? Bakit? Ba't ganto nga guro dito, utos ng utos walang explanation.

Syempre wala akong lakas ng loob sabihin yun kaya sumunod na lang ako. Pagpasok ko sa may cubicle ay hinawi ko yung kurtina para matakpan ako dito sa loob. Nakarinig din naman ako ng 'click' sound. Sa tingin ko ay ni lock nung nurse yung room.

Inisa isa ko naman ng tinanggal yung mga pinatanggal nya. Inuna ko yung blazer, pagkaalis ko nun ay nilapag ko yun sa may kama ng clinic. Pag kalapag ko ay napansin sa may loob na bahagi sa may likod ng blazer.

"Ano to? Mantsa?" Meron kasi parang color brown dun, hindi sya malaki pero di rin maliit. Katamtaman ganuun,"Wala naman to kanina ah," Ilang beses ko pang kinotkot yun, nung ayaw talagang maalis ay tinigilan ko na saka itinupi ng maayos tas nilagay sa gilid ng kama. Sinunod ko naring alisin ang blouse ko, pag alis ko nun dun ko napagtanto kung ano ba yung brown dun sa green na blazer. Kasi meron ding marka yung blouse pero hindi sya brown kundi red.

Dun nag sink in sakin na dumugo pala yung sugat ko sa likod. Oh, shock! Kaya pala.

Trinay ko silipin ang sugat sa likod ko pero di ko na natuloy nung may humawak sa braso ko.

"So also have wounds on your arm too? Where did you even get all of this?" 

Pumasok na ang nurse sa cubicle kung nasaan ako. 

"Anyway, take off your stockings too then lay on the bed"

"Pahiga po?"

"Pahiga?" Parang di makapaniwalang balik nya saakin nung tanong ko, automatic naman na napalunok ako nung nakita ko yung tingin nya saakin.

"P-padapa, ehehe"

Agad agad akong dumapa sa kama pag katapos ko tanggalin yung stockings ko. Hindi naman ako nakaramdam ng hiya kahit naka bra at skirt lang ako na nakadapa dito. Babae naman yung nurse saka sanay naman na ako, ilang beses na nangyari sakin yung ganto noon.

I feel a surge of warm feeling entering my body, I think she's using healing magic.

"Why do you warrior awakeners don't know how to take care of your own body, seriously!" rinig kong sabi nya,

Wait, parang narinig ko na yun ah.

Maybe because of the warm feeling I feel sleepy all of the sudden. Before I knew it I had already lost consciousness.

=====

Dasha's p.o.v

" Can you tell me what happen for you to be this wo–"

Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang payapang ekspresyon ng mukha nya. Napa Buntong hininga nalang ako. Siguro mas mabuti na rin to dahil, paniguradong ang hirap nya ininda ang mga sugat na to.

Halos lahat ng parte ng katawan nya ay may sugat, karamihan dun sa gasgas lang pero kahit ganun ay kita parin pamamaga nun.

Mas nag focus ako sa pag heal ng mga sugat nito, ilang minuto rin ko syang ginagamot bago maghilom lahat ng sugat at gasgas nya. Nang ma check kong maayos na ang lahat, dahan dahan kong ibinalik ang blouse at blazer nito para hindi ko sya magising. 

Nung maisuot ko na ang blazer nito, dun ko nakita ang pangalan nito sa name pin nya.

Maisie Dela Rosa.

Dela Rosa? I never heard that surname before. I guess she's one of the communer awakeners na swerteng natanggap dito sa Rise. 

Hindi ko yun inaasahan, dahil noong unang pasok niya kanina sa pinto inakala ko agad na baka anak sya ng isang kilalang Guild Master o Lord because of her face. This kid is very pretty you see. One of the pretties 16 years old i've seen,

Kahit nakasalamin ito hindi pa rin matatangi kung gaano kaganda ang batang to. Now I wonder how pretty her parents are. I'm one of those people who adore beautiful creatures, regardless of what they are. This child met the standard I set and awakened my desire to protect them.

Inayos ko narin ang higa nya dahil nakadapa syang nakatulog. After ko ma sure na ok na sya, lumabas ako ng cubicle at hinayaang magpahinga si maisie. 

Halos isang oras na simula nung mawalan ng malay si maisie, but still not giving any sign of waking up. Maybe because enduring the pain of all those wounds tire her body, hinayaan ko na lang naman.

I'm doing my paperwork and listing some herbs that I need that are out of stock in my inventory when the door to the clinic opens once again. This time it's not a student, but.,tycho.

I immediately rolled my eyes after seeing his face. 

Taas kilay at nakapamewang ko syang hirap, "What are you doing here?" ba't nandito tong lalaking bato na to?

"My student is here", sagot nito sa nakakabwisit na boses nya. I guess kahit pusong bato sya isa parin syang professor para i check ang student nya.

Ginamit ko naman ang ulo ko para ituro kung nasaan si maisie. "She's right there, unconscious. Nawalan siya ng malay kanina nung ginagamot ko sya."

"How is she?" 

Robot ka ba? Sarap mong pukpukin ng kalahi mong bato. 

"Now? She's fine. Earlier? Definitely not. Her body is full of wounds, her back, arms, and legs. Lahat my sugat."

Hinarap ko sya, humakbang ako papalapit sa kanya di pa man ako nakakalapit ng sobra kita ko na agad yung hakbang nya palayo saakin. 

Gago to ah, tingin mo ba gusto kitang lapitan. Lagi syang ganito, even when we're still students here in Rise. Hindi pa man ako nakakalapit pero sampung hakbang na agad ang layo nya saakin. Di ko sya maintindihan, lagi nya akong trinatrato na parang may nakakahawang sakin. Simula nun nagsimula narin ang pagkainis ko sa buong pagkatao nya.

Hindi na ako tuluyang lumapit sa kanya, " You're the first one who notice her wound right? Sabi niya ikaw daw nag papunta sa kanya dito. Do you know what happened to her?" tanong ko nalang sa kanya.

Nagiwas naman sya ng tingin at inilipat yun kung nasaan si maisie. Naka sense naman ako ng hindi magandang sagot na mukang lalabas sa bibig nya kaya hindi ko napigilang tumaas ang isang kilay ko.

"I..,don't know. The moment i notice somethings wrong with her i immediately order her to come her"

Sira ulo talaga tong taong bato na to. 

Kahit wala sana akong balak lapitan sya pero dahil sa narinig ko kusang lumalad ang mga paa ko papalapit sa kanya, "Alam mo tycho, hindi masamang magtanong kung anong nangyari kapag may napansin kang mga ganung bagay lalo na sa mga estudyante mo. Naiintindihan mo ba!" Sunod sunod kong sabi habang naglalakad papalapit sa kanya. Habang papalapit ako sya ring hakbang nya palayo hanggang ma corner ko sya sa may pinto ng clinic. Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko at inihawak yun sa may pintuan. Kaya ang ending nakulong siya sa mga braso ko.

Pero kahit ganun na kami kalapit, pilit pa rin nyang iniiwas ang mata nya para hindi kami mag katingin.

Inuubos talaga ng lalaking to ang pasensya ko. 

No! Dasha, kalma. Isa kang anghel sa lupa kaya dapat pinagbibigyan natin ang mga taong kulang kulang gaya nito. Saka kita naman sa pangalan mo Dasha na ibig sabihin ay god's gift. Kailangan nating pagiging isang regalo mula sa diyos. Kaya naman ibinaba ko na ang kamay ko at humakbang ng unti palayo sakanya.

Umayos naman sya ng tayo, at mukhang pinanindigan ang pagiging isang bata dahil isang segundo syang tahimik lang na nakatao duon. 

Wait, baka na stonecified na talaga sya. Makurot nga,

Bago ko pa naman matuloy ang balak ko narinig ko nanaman ang robot-like nyang boses.

"So she's fine now?" tanong nito, Di ba sya nakikinig? Sinabi ko na ngang oo kanina.

Tinamad na akong mag salita kaya naman tumango nalang ako. 

"Ok" he said then left.

.

.

.

.

.

Huh? Ano yun?

Ok tapos alis na? T*rant*do talaga.

Napahawak ang isang kamay ko sa bewang ko at ang isa ay sa may batok ko .At ilang beses huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili. Bakit ba may ganung taong nag e- exist sa mundo. 

Naglakad ako papunta sa cubicle ni maisie at kita na natutulog pa ito. Inilapat ko ang kamay sa noo nito at maingat at dahan dahan na hinaplos.

"Kawawang maisie, bakit ganung tao ba naging adviser mo. Pwedeng namang iba. Wag ka mag alala aalagaan kitang mabuti. Wala tayong aasahan sa batong yun na nag papanggap na tao"