Chereads / End of the Tunnel / Chapter 11 - 10-Overtime

Chapter 11 - 10-Overtime

Maisie's p.o.v

"Inapakan mo ba talaga si molina, maisie?" rinig kong tanong ni sophia nung makapasok na kami sa training hall,

"Oo," pabulong ko sabi sa kanya,

"Loko ka, sabi mo kanina naipit lang. Bakit mo naman kasi inapakan?"

"Panno naman kasi nung naglalakad ako papunta sa mesa natin kanina sa canteen, bigla nyang iniharang yung paa nya, buti nga nakita ko eh kundi nadapa ako kanina. Kaya para ganti inapakan ko yung paa nya,"

Tango tango sya, mukang support sya sa ginawa ko, "deserve naman pala," sabi pa nya

"Oo nga pala, mukang magkakilala kayo nung radica ah," nung nagsagutan kasi sila kanina halatang matagal na silang magkakilala,

"Aaah, oo. Parehas kasi kaming galing Solmara. And parehas din na guild master ang parents namin, hindi lang yun rival pa nila ang isa't isa. Actually, i also consider radica as my rival. Lalo na't pareho pa kaming marksman. She use bow and arrow and i use crossbow," 

So, Sophia's parents have a guild in solmara, pati parents ni radica.

"Anong name ng guild nyo? " tanong ko. Hindi naman siguro masama kung gusto kong malaman diba,

"Oh! Our guild? It's called 'Rangers of the Wild'. Isa sa mga famous na guild ang namin sa solmara," rinig ang pagka proud sa boses ni sophia habang sinasabi yun.

"Talaga!" 

Tumango sya,"hmm, In terms of guild ranking rank B ang saamin. Na promote ang guild namin last year pa." sabi nito,

A rank B guild in solmara na hindi na banggit sa libro? Bakit kaya?

Ito kasi ang unang beses na marinig o malaman ko ng guild na yun. Kasi kung ngayon rank b na sila what more sa future. Pero kahit isang sentence or word tungkol sa Rangers of the Wild, ay wala man lang sa [Tale of the Hero]. I guess hindi talaga lahat sakop ng libro.

"Nakakainis lang kasi, mas naunang naging Rank B yung kila radica." napalitan ng bitterness ang boses ni sophia, 

"Ano naman pangalan ng kila radica?" tanong ko, gusto ko lang makita kung hindi rin ba kasama sa novel yung sa kanila.

"Eclipse Archers, sa kanila. Lahat kasi sila sa family ay puro archer,"

Eclipse Archers? Sa Kanila yun?

Unlike nung kila sophia na hindi ko kilala, yung kila radica ay nabasa ko na. Their guild is one of the guild that will help asher in the future. Kaya pala pamilyar ang pangalang radica, ba't ngayon ko lang naalala. Radica nga pala yung president ng asher's fans club na mabubuo dito sa loob ng rise.

At dahil nga gustong gusto ni radica si asher, she urge her dad to support him. But since she's also an extra, sobrang konti ng appearance nya, like tatlong beses lang ata. Kaya siguro hindi ko naalala agad.

"Now since everyone is here, let's start the class." napatingin ako sa gitna ng training hall nung marinig ko ang boses ni sir tycho. Nung nakita ko ang mukha nya naalala ko nanaman yung discreption ni ma'am dasha kay sir tycho.

Bakit kaya niya tinawag na batong nagpapanggap na tao si sir. I mean, sure strict sya, and straightforward kung magsalita. Pero taong bato na ba yun? Parang hind—

"Now run,"

Parang totoo nga,

"Huh?" rinig kong reaction ni sophia, hindi lang sya ang confuse halos lahat, pero kahit mukhang di pa nag sink in kay sophia yung sinabi ni sir hinila ko na agad sya at nag sinimulang tumakbo. 

Nung tumatakbo kami nakita ko si asher at knox na nauna na sa amin, 

"Wait, maisie sandali! Bat ka tumatakbo?" tanong ni sophia,

"Basta sumunod ka nalang, kung gusto mo mapadali buhay mo." sagot ko naman. 

Katulad ng sabi ko kanina, strict si sir tycho, at straightforward. Pero hindi lang yun, ayaw nya na inuulit nya ang sinasabi nya. 

Kaya kung di kami susunod paniguradong may punishment siya para sa amin.

"Those four who are running, continue until you have completed 10 laps around the gym."

"What!" reaction ni sophia, " maisie," ramdam ko ang pilit na kumakawala si sophia sa kamay ko. Hawak ko parin kasi sya. Akala siguro ni sophia, pinaparusahan kami, but sophia kumapit ka lang tayo ang nasa tama.

"The rest go run 20 laps" 

Rinig kong sabi ni sir tycho, 

See! 

"Oh," sabi ni sophia, mukang na realize nya na tama yung ginawa namin. Dahil dun ay binitawan ko na ang kamay nya.

Nilingon ko ang likod ko at kitang hindi pa rin tumakbo ang lahat, parang kalahati lang.

"But sir!" 

rinig kong reklamo ng isang student.

Bobo, kung ako sayo tumakbo nalang ako.

"30 laps" rinig kong sabi ni sir tycho, ngayon naiintindihan ko na si nurse dasha.

Dahil hindi ko hawak si sophia at sobrang focus ko matapos lang yung 10 laps na itatakbo ko, di ko namalayan na last lap ko na pala to.

Ng matapos na ako hinanap agad ng mata ko si sophia, kita ko sya na nasa may gitnang parte ng ibang student na tumatakbo rin. Gusto ko sana siyang tanungin kung ilang laps pa sya kaso di naman siya nakatingin sa akin, kaya nag decide ako na pumunta na lang sa gilid at dun sa hintayin.

Mga nasa 30+ na rin ang natapos kanina pa, syempre halos lahat ng mga yun ay tumakbo ng 20 laps. Si knox at asher lang naman kasi yung kasabayan namin ni sophia.

Maaga akong natapos dahil isa sa mga training na ginagawa ko ay yung pagtakbo sa treadmill, saka siguro narin dahil sa pagtaas ng stats ko lalo na ang stamina ko.

Ng nakapunta na ako sa gilid, nag stretch muna ako Sinasanay ko kasing gawing habit ang stretching. Lalo na at hindi ko alam kung kailan na ngangalay o nasasaktan ang katawan ko.

Pagkatapos kong gawin ang streching ko, ay umupo na ako dito sa gilid at pinapanood ang ibang student na tumakbo. 

Isa isa na silang nag babaksakan, lalo na yung mga tumatakbo ng 30 laps. Pero agad din silang pinapatayo ni sir para tumakbo ulit.

Di naman nag tagal at natapos na si sophia, halata ang pagod sa muka nya kaya naman tumayo ako saka ko sya pinuntahan. Naglabas na rin ako ng tubig sa bracelet ko para ibigay sa kanya.

"Maisie, buhay ka!" sabi nya pagkakita sa akin bago siya bumagsak sa sahig.

Pinagsasabi nito?

Binigay ko na sa kanya yung tubig at inalalayan syang tumayo at uminom.

Pagkatapos uminom bumalik siya sa paghiga, buti nalang nakasuot kani ng tracksuit ngayon . yung akala kong pang pe noon, pang training pala.

"*hah!*hah!* Grabe,*hah!* kapagod" hinahabol parin ni sophia ang hininga nya habang nakahiga sa sahig ng training hall. Mukang wala syang balak umalis na dito sa pwesto nya kaya naman umupo ako at nag indian sit sa tabi nya.

Kita kong tumingin siya sakin habang nakataas ang isang kilay nya, 

"Ikaw ba? Hindi ka ba pagod? Diba mas mababa ang rank mo sa akin?"sabi nito,

Well yes, mas mababa ang rank ko sa kanya pero mas mataas na ang stats ko sa kanya, kaya naman magkaiba kami ng pagod na nararamdaman kahit pareho na 10 laps lang ang itinakbo namin. 

Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya yun kaya nag dahilan na lang na naman ako sa kanya.

"Sanay kasi ako sa takbuhan," sabi ko nalang, hindi naman na niya siguro ako kwe-kwestyunin.

"Talaga? Siguro dahil dun mas mataas ang stamina mo sa akin, noh,"

Hindi siguro, mas mataas talaga.

Nanahimilk nalang ako, baka kasi madagdagan ang tanong nya eh.

"To those who finish running, don't just rest go and start stretching" rinig kong utos ni sir tycho, hindi naman na siguro ako kasama dun kasi nag stretch na ako kanina.

"Eh, sir pwedeng mag stretch after 20 mins?" matapang na tanong ni sophia,

Maski ako ay nagulat ng bigla siyang nag lakas ng loob na i request yun. Lumipat ang tingin ko kay sir tycho at kita ko ang very, very, VERY COLD na mata nya na katingin kay sophia. Bumalik naman ang tingin ko kay sophia at kita ang kamay nya kanina na unat na unat na nakataas ay onti-onti nyang binabawi.

"10 mins?" hirit pa nya, pero katulad kanina ay tinitigan lang sya ni sir tycho.

"No?" tanong nya sabay iling pa, pero wala paring sinasabi si sir. Kita na hindi lang ako pati ang mga kaklase namin ay mukhang nag hihintay sa sasabihin ni sir.

"5 mins?" sabi na naman ni sophia, talagang hindi ata siya titigil hanggat di pumapayag si sir. 

Ibinalik ko ang tingin kay sir tycho, di na siya nakatingin kay sophia, nakapikit na sya huminga ng malalim na parang sumuko na sya, 

"fine, do whatever you want" sagot ni sir saka tumalikod sa amin at bumalik ang tingin sa mga tumatakbo pa.

"Yes! Thank you sir!" masayang sabi ni sophia saka bumalik sa pagkakahiga, iba't ibang reaction din ang narinig ko sa iba na mukhang nakahinga rin ng maluwag dahil sa pag payag ni sir.

Isa isa nang natatapos ang mga tumatakbo ng 30 laps. Karamihan sa mga natira ay ang mga nasa lower rank katulad ko. Kung hindi siguro ako nag rank up after makuha si lunaire baka nandyan din ako.

"Student Riquo, tapos na ang 5 minute mo kaya bakit nakahiga ka pa?"

Napatingin ako kay sir pagkarinig ko nun, saka inilipat kay sophia. Tinapik ko sya saka sinenyasan na tumayo, na ginawa naman nya.

"Now do your stretching" utos ni sir tycho,

"Yes sir!" sagot ni sophia at nag start ng mag stretch,tumingin naman sya saakin. Naka indian sit parin kasi ako na nakaupo habang nakatayo siya at nag stretch.

"Bat ikaw?'" tanong nya,

"Nag stretch na ako kanina," sagot ko naman

"Talaga? Kaylan?"

"Kanina pa pagkatapos ko,"'

"Pagkatapos mong tumakbo?" tinanguaan ko lang naman sya bilang sagot,

"Di ka ba pagod nun? Wag mo sabihin sanay ka rin dun,"

"Ginagawa ko kasing hobby ang pag stretch after training"sabi ko sa kanya, kita ang pag simangot niya dahil sa sinabi ko.

"Ang weird ng hobby mo,"

After tumakbo nung mga natitirang student na tumakbo, binigyan lang sila ni sir ng oras para mag pahinga ng konti at mag stretch, pagkatapos ay pinapunta na nya kami sa side kung saan nakaposition ang training field namin kaya naman nahiwalay ulit ako kay sophia. 

Katulad lang din naman sa ginawa namin kahapon ang ginagawa namin ngayon. Inilabas ko na ang staff mula sa bracelet ko at nag simula ng itrain ang slash ko ng mag bigay ng go sign si sir tycho.

Naka nine lang ako kahapon, eh target ko pa naman 50 slash sana. Di man lang na 75% nung 50 yung nagawa ko. Kaya balak kong gawin yung 50 ngayon. Mas marami na rin kasi akong oras ngayon at panigurado hindi na ako pa pupuntahin sa clinic dahil na gamot na lahat ng sugat ko.

===

After hours of training, pinatigil na kami ni sir tycho. Grabe ang tulo ng pawis ko, feeling ko rin ay matatanggal ang braso ko dahil sa bigat nun. Ngalay siguro. Pero worth it naman kasi natapos ko na ngayon yung 50 slash na balak ko kahapon. Nung mga nasa 20 slash na ang nagagawa ko mas lalo akong naging pamilyar sa tamang position ng staff para sa slash kaya naman medyo dumali na rin para sakin habang nag tagal. Yun siguro yung tinatawag nilang muscle memory.

Naglabas ako ng towel at bottle water sa bracelet ko, pam punas ng pawis at para di ako ma dehydrate. 

"Good work everyone, you can now stop training and take a rest. This will be the end for today's class, i'll see you all tomorrow," announce ni sir, 

Nag simula naman ng nag ayos at mag paalam ang mga kaklase ko. Nakita ko si sophia palakad papunta sa akin, kaya balak ko sanang salubungin sya ng marinig ulit ang pangalan ko,

"Student maisie, you'll stay here," utos ni sir,

Huh? Bakit nanaman?

Bakit nanaman ako?

Gulong gulo ako kung bakit nanaman ako na tawag ni sir, pero kung kahapon pinaalis nya ako ngayon naman pinag stay ako.

Feeling ko talaga trip akong i bully ni sir, ano kayang ginawa ko para malagay sa blacklist nya.

Nakita kong napahinto rin si sophia sa paglalakad papunta saakin, sinenyasan ko lang syang mauna na kasi wala na rin naman akong magagawa eh. Kung hindi ako sumunod baka kung ano pang parusa makuha ko.

Hindi rin napalampas ng mata ko yung pag ngisi nila radica and friends, para bang nang aasar. Hinayaan ko naman na, hindi ko parin maintindihan bakit biglang ang sama ng loob ng mga yun saakin. Eh, sila naman nauna.

Lumapit na ako kay sir tycho at tumayo sa harap nya. Kahit na nasa harap nya ako hindi sya tumingin saakin, kundi nakatingin siya sa mga student na papalabas ng training hall. Ng makalabas na ang lahat dun niya lang ako tinignan.

"Are you ok now?," tanong nya,

"Yes sir,"

"Next time sabihin mo kung may mga ganung sugat ka, wag mo lang basta indahin,naiintindihan mo ba?" 

"Yes sir," mukang concern talaga si sir saakin, napapaisip na naman tuloy ako kung deserve nya bang matawag na taong bato ni nurse dasha,

"Since hindi mo na tapos ang training hour mo kahapon, kaya mag overtime ka ngayon para mag train ulit,"

"Eh!" napa angat ako ng tingin pero nung nakita ko yung mga mata nya bumalik ako sa pagtingin sa sahig, katakot eh.

Bakit may overtime? Di ba excuse yun? Walang paawat si sir,

Tama nga si nurse dasha,

"What are you still doing here, go and start training," 

Confirm, taong bato nga si sir. 

Inilabas ko ulit sa bracelet ko ang staff ko at saka lumapit sa isang sparring dummy at nag start na train ang slash ko. 

Pa 60 slash na sana ako nung marinig ko nanaman boses ni sir tycho,

"Stop!"

Ano nanaman?

"Do you really need to train in that position? Napansin ko kasing isang position lang ang ginagawa mo as you slash that dummy,"

Tumango naman ako, " yes sir, sabi kasi sa training manual ko na dapat naka position ng 42 angles ang staff kapag i slash para ma count yun."

"Ma count? What do you mean?" tanong nito, mukhang hindi nya naiintindihan ang method ko.

"Kailangan ko po kasing gumawa ng 1000 slash para maka obtain ng isang skill sa training manual ko," paliwanag ko naman, 

Kita ko na biglang nanaki ang mata nya at nag lakad sya papalapit saakin. Automatic naman na na paghawak ako ng mahigpit sa staff ko.

"Skill you say? Do you perhaps obtain a martial skill book?"

Oh shock!

Parang gusto kong tampalin ang bibig ko, nadulas ako. Martial skill book nga lang pala ang pwedeng magbigay ng mga skill after mo ma complete ng quest sa training method nun.

Anong sasabihin ko? Aamin ba ako o hindi? 

Wait! Wala naman akong ginawang masama ah, di ko naman ninakaw to. Na discover ko naman sya (thanks to the book). Saka wala namang sinabi ang owner ng tomb na itago ko, kaya ba't ako takot na takot.

Ay pero kasi SSS rank martial skill book to eh. Super duper rare nun, paano kung targetin ako pag nalaman ng maraming tao. Pwede pa namang makuha sa akin itong martial skill book pag namatay ako.

Parang gusto kong sabunutan ang sarili ko, dahil sa pag iisip. Inaaway ko na sariling kong utak,

"Again, did you obtain a martial skill book?" ulit na tanong ni sir tycho, 

Kahit ayaw ko man, nag decide akong tumango para umoo na lang sa kanya. Pag pray ko nalang na wag nya i report sa higher up, pag nalaman kasi nila yun baka masira buhay ko.

"About what? Is it staff proficiency?" tanong nya, umiling ako. 

"Scythe proficiency po," mahinang boses kong sabi sa kanya, pero mukang sapat na yun para marinig nya.

"Pero staff ang weapon mo ngayon, is that your personal choice or there's another reason for that?"

Iniisip ko kung kailangan ko ring sabihin sa kanya si lunaire,

"It's ok, you can trust me,"

Mukang nahalata nya ang pagdadalawang isip ko, kaya naman huminga ako ng malalim bago ko sabihin sa kanya lahat. Hindi ko sinabi ang lugar na pinagkuhanan ko, gumawa nalang ako ng sariling lugar sa Anthia, kung saan ang hometown ng mga grandparent ko. Hindi ko rin sinabi na may na meet akong multo, ang sinabi ko lang kay sir tycho ay about sa martial skill book at si lunaire na scythe ang original form na naging staff after ko mahawakan. 

Dahil nabanggit ko sa kanya si lunaire kaya wala rin akong choice kundi ipakita si ito sa kanya,

Wala naman akong nakitang reaction sa mukha nya, after ko sabihin lahat yun. Sa totoo lang hindi ko alam kung anong iniisip niya o kung nag iisip ba sya kasi blangko lang ang mukha nya na nakatingin kay lunaire,

"Sir?" tawag ko sa kanya, dun lang lumipat ang tingin niya sakin.

"Don't show that weapon to anyone, and keep secret the martial skill book you obtained for now, at least."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay nag lakad nya at pumunta dun sa side kung saan naka display yung mga weapon. Kumuha siya ng staff dun at naglakad pabalik sa pwesto ko.

"You mentioned that to master the martial skill in that book, you need to complete 1,000 slashes at 42 specific angles, correct?"tanong nito habang naglalakad pabalik,

"Yes sir," sagot ko naman, 

Bakit siya kumuha ng staff?

"That means as long as your staff is at a 42-degree angle when you make the slash, it counts."

Napaisip naman ako pagkarinig ko nun,

I think?

"So student maisie, why don't you give it a try and attack me with your slash?" sabi nito

Nanlaki naman ang mata ko after ko marinig yun, 

Bakit ko kailangan sugurin sya? Halata naman na hindi tatama yun,

"Bakit sir?"

"To train you, of course. You see, if you continue to train the way you are now, you won't be able to develop proper staffmanship, let alone scythe manship. You are only focusing on one position, like a beginner. If you keep doing this, you might acquire that specific skill, but you won't be able to learn any other fighting skills, not even the basics."

Napa Tahimik lang ako pagkatapos kong marinig ang sinabi ni sir. 

He is right, to be honest hindi pumasok sa isip ko na mag aral ng proper staffmanship o kahit ng scythemanship kasi mas naka focus ako sa mga laman noong martial skill book. Akala ko kasi sapat na yun para matuto ako kung paano humawak ng weapon kahit na wala akong ka ide- idea kung paano ba sila gamitin. Na kahit sobrang beginner ko sa mga ganitong bagay ay makaka adjust ako agad.I guess I've become quite arrogant just because I've read the book "Tale of the Hero" and know most of what is going to happen in the future. 

"To ensure you receive proper training, I have decided to train you personally. What do you think? Would you like to be my student?"

"Pero bakit sir?" tanong ko, kasi hindi ako makapaniwala na basta nalang nya akong kukunin na student nya, isa pa kahit sa libro wala kasi siyang kinuha na magiging direct student nya. 

Tumingin sya saakin at nag katitigan kami, and For the first time in history, he smiled. Sir Tycho Severus SMILED!

"I have my reasons. I believe you have potential to become something extraordinary. And I, you see, love extraordinary things."

I was struck by his words. Did he, one of the 'young strongest hunter' say i have a potential to become EXTRAordiary. 

Parang bagay sakin yun ah. Kasi extra ako tapos biglang maging— 

Ay wait, hindi yun yung point. Bigla naman bumalik sa alaala ko yung sinabi ng multo sa kweba,

==

"Don't be discouraged, You may be weak now but I believe that you will be a very strong hunter someday. Trust me, and trust lunaire who chose you."

==

They both believe I will become someone strong, but I can sense that their intentions differ.

While the ghost wants to encourage me, Sir Tycho seems to view me as a challenge—something he wants to personally mold into something powerful.

Halata na hindi puro ang intention nya ng tanungin niya ako bilang estudyante nya. Pero kahit na ganun, alam ko na dapat kong tanggapin yun. Being his student will provide numerous advantages, including knowledge, power, connections, and, of course, money.

Money dahil kapag ang hunter ay tumanggap ng student nila para i train, responsibilidad din nila na mag provide ng financial assistance sa mga ito. Isa pa matutulungan din nya akong ma train ng mas mabilis at ma reach ang full potential ko

"Alright," i said, "i'll be your student, sir"

He smiled once again,

Ang swerte ko naman,

He positioned his staff in front of him while holding it with one hand, and the other hand was behind his back. 

"It's master for you, kid. Now let's begin your first lesson as my student."