Chereads / End of the Tunnel / Chapter 6 - 05- Ancient Tomb

Chapter 6 - 05- Ancient Tomb

Maisie p.ov

Natapos kong basahin lahat ng entry sa dairy ni old maisie and beside sa nalaman kong adopted sya ng grandparent nya, I also found out na we're in debt.

Dahil nga na awakened ako nung 13th birthday they encourange me to enroll and study in Rise Academy. 

Rise Academy is not the only school we have in the whole Armanica Continent pero dahil dito ang may pinaka unang Academy na naitayo, pinaka malaki, at nagiisang Academy sa Buong Armanica na sinusuportahan ng AHA kaya lahat ng student dito ay nagiging successful hunter, yun din ang dahilan kung bakit ang halos lahat ng bagong awakeners ay gustong ma enroll dito.

 Mukang yun din ang gusto ng grandparent ko para saakin,kaya nung nag open ang enrollment ng Rise Academy last year pinilit nila akong mag enroll. But since the tuition fee is so expensive hindi kumasya yung naipon nilang saving para saakin and kinaylangan nilang kumuha ng loan, and made the bakery they build together as collateral.

Based on the dairy they have 500,000 Aurels ang utang nila sa bangko, di ko alam kung panno na approbahan ang loan na yun pero what I know is that I need to pay it immiediately. I never thought na mararanasan kong mabaon sa utang, well technically hindi ko utang yun pero dahil saakin ginamit lahat nung naiutang nila ramdam ko rin yung responsibilidad na bayaran yung utang nila. 

At saka yung I give up nila lolo jeric and lola cynthia ang bakery na mahal na mahal nila para lang mapaaral ako/si maisie dito sa Rise. Kaya naman naiintindihan ko si old Maisie kung bakit hindi sumasama ang loob sa dalawa kahit na maraming itinago sakanya ang mga to. Kaya naman to make sure na hindi makukuha ng bangko yung bakery na yun ay ang isa na sa mga goals ko ngayon. 

Ah,Right! I remember na nakasulat sa dairy ni old maisie yung [L] rank sa ability namin, naalala ko na ibig sabihin nun. It's means Legendary, nabasa ko yun sa [Tale of the Hero] kasi yung ability ni asher are kaparehas ng rank ng saakin. Nung malaman ko yun nag karoon ako ng hope na mapalakas ang sarili.

Kasi ngayon looking at my current rank even though i want to free my grandparent from debt parang magiging pangarap lang yun. Also hindi naman sa mangangapa ako kung anong gagawin para mag palakas. I have that book, [Tale of the Hero] so why not make use to my advantage diba and kung totoo na yung mga nakasalat duon ay ang mangyayari sa future ibig sabihin meron akong kakayahan na makita ang future. Syempre sisiguraduhin ko di ko ganong maiiba ang mga mag yayari, gagalawin ko lang o kukunin ko lang yung mga bagay na sa tingin ko ay hindi ganun kaimportante sa istoria.

Actually na hanap ko kung ano ba yung kukunin ko.

It's really not important to the story, ni hindi nga alam ni Asher na nag meron yun eh. Dahil nung na introduce yun naka third p.o.v, and a very short introduction pa. My time kasi na nag adventure si asher after nya mag graduate sa Rise, at napunta sya sa Mo'or Forest. Nung nanduon sya biglang umulan kaya nag hanap sya ng sisilungan, at yung lugar na nahanap nya ay isang ancient tomb pala, hindi nya yun alam at akala nya lang isa yung normal na kuweba. Nagpalipas lang sya ng oras duon at umalis na nung tumila ang ulan, kaya hindi nya alam na may nasayang na pala syang isang SSS rank Mastery Skill book Sa loob ng ancient tomb na yun. 

Isa pang nakakasayang dun ay walang kahit anong mechanism na trap yung ancient tomb na yun, so parang free pass sa SSS rank Mastery skill book na yun. Hindi na specific kung anong klaseng mastery Skill book yun dahil hindi na puntahan o nakita ni asher. Pero kung ano man yun, akin na yun.

Mastery Skill Books, are skill book about a weapon mastery. Nilalaman nun simula basic to advance skill for a certain weapon. And Mastery Skill Books that has Rank C up are rarer than SS rank Skill Book.

Because Unlike Skill book na makukuha everytime na maka close ka ng dungeon. Mastery Skill Book are made by people. People that achieve the highest satisfaction about their own weapon mastery and use their skill and mana to make a book about their legacy. It means all the Mastery Skill Book are all perfect weapon mastery book. And most of those Mastery skill book was made by the first generation of hunters from 500 years ago. Kaya naman wala na akong pake kung anong klaseng weapon ang kaylangan kong i wield to use that mastery skill book.

I guess bleasing in disguise na rin na wala pang weapon na naka register sa status window ko. Wait, ngayong naisip ko baka nga para saakin talaga yun. I guess it's really my destiny to use that mastery skill book.

Kaya nag desisyon akong i train ang sarili ko. Kahit na sabi sa libro na walang naranasan na panganip si asher noong ma punta sya sa mo'or forest kaylangan ko parin mag handa, kasi si asher main character sya may plot armor na katulong yun, ako extra lang.

I'm using the treadmill , dumbell, and the leg press machine and exercise bike to raise my stats. Nung una akala ko di sya gagana, but I'm doing this for two days and I can already see improvement in my stats. And since there still 4 more days before school start, marami pa akong araw para pumunta sa mo'or forest pero nag decide akong pumunta na bukas. Dahil hindi naka ganoon kalinaw kung saan sa mo'or forest sumilong si asher, sabi ng doon na sumilong sya sa unang kuweba na nakita nya. Kaya naman kaylangan ko pang hanapin kung saan ba ang lokasyon ancient tomb.

Sa tingin ko naman kaya na nga stats ko ngayon, kung sakali man.

"Status Window" sabi ko habang ginagawa ang cool down stretch ko,

*ting*

{Status Window open}

Maisie Delarosa

Rank - G+

Strength- 6/10

Agility- 8/10

Stamina- 10/10

Intelligence-15/10(+5)

Mana-5/10

Charm- 10/10

Luck-5/10

Ability

Observation(L)

>Allow the User to "Observe" anyone with your Sense. It also allow the user to see others Stats.

Pain Suppression(L)

>Neutralize Sensitivity to pain

>Ability the User gain after a long suffering to pain.

>Automatically On. Can be turn off, but will return to On after 24 hours. [ON/off]

???(???)

>???

Role- Fighter

Weapon-???

Skill

Fear Inducement(SS)

>A Power that can evoke extreme fear and horror in other(Buff)

Fear Resistance(SS)

>A power that allow the user to be immune in all kind of pressure and Fear.(Buff)

>Automatically On. Can be turn off, but will return to On after 24 hours. [ON/off]

=====

Hindi ko expected na within 2 days ganyan na agad ang makiking imporvement ng stats at rank ko.From rank G to G+, and from 3 stats in strength to 6. Nadouble ko agad in just two days, maybe maisie is naturally genius. Kita naman sa intellegence nya, kaso since hindi sya na train kaya na stuck sya sa ganung rank and stats

Dahil dito mas lalong tumataas ang hope ko na mapalakas ang sarili ko.

I close the status window and go out the traing room, dumeretsyo ako sa kusina para uminom bago ako naligo at naghanda na sa pag tulog. Di na ako kumain dahil kumain na ako kanina bago ako mag start na mag train.

Syempre pagkatapos ko maligo hindi ako natulog agad, hinanda ko muna yung mga gagamitin ko. Like the Infinite tumbler. Well hindi talaga sya infinte, yun lang yung name nung brand pero pwede kang maglagay ng up to 10 liters of water dito. Meron kasi syang mechanism na nag store ng water sa kung saang bahagi sa loob ng tumbler. Basta isa to sa mga hightech ng mundong to. Nanghanda narin ako ng mga ready to eat foods and snack pero nag dala pari ako ng mga delutong pagkain dahil magdadala din ako ng induction cooker saka mga cooking pan syempre di pwedeng kalimutan yung mga utensils. Nag prepare rin ako ng extra clothes and mga other things na i think magagamit ko. Hinanda ko na rin ang wallet ko, phone and my student i'd, at pinaka importante ang book [Tale of the Hero].

Habang tinitignan ko lahat ng hinanda ko ngayon napasobra ata sa dami, kung may ibang taong makakita nito iisipin nila baka nag lilipat ako ng bahay, pero ok na to. Mas maganda na ang sobra kaysa sa kulang. Natutunan ko yun kay mommy, everytime kasi na pupunta syang hospital para bantayan ako laging sobra sobra ang mga gamit na dala nya, at yun ang lang nyang sinasabi tuwing mag pupuna sakanya.

Hindi ko naman ibabag ang lahat ng yan kaya ok lang din na marami. Sa [Tale of the Hero] ko nga lang din pala nalaman na yung bracelet na kasamang binigay nung registration nung orientation ay Magic strorage pala, and upgradable yung size nya, pero kaylangan mong magbayad everytime na mag papa expand ka ng size ng magic storage mo. 

As of now, ang size magic strorage ay 4 cubes big. And kasya na isang buong adult elephant sa size na yun. Kaya paniguradong kaya rin din tong mga pinag hahanda ko. Nung makuntento na ako at feeling ko wala na akong nakalimutan duon ko lang inilagay lahat sa magic strorage ko, tapos hinubad ko yung bracelet at nilagay sa side table ng kwarto ko at nagsimula na akong natulog dahil mahaba pa ang byahe ko bukas.

==

Nandito na ako sa may train Station ng Velamoria. Para sa mission Find the Mastery Skill Book, nag suot ako ng tingin ko ay appropriate sa adventure na gagawin ko. For top nag suot ako ng Grey Turtle neck na long sleeve, then Cargo pants naman para sa bottom saka combat boots. Nagsuot na rin ako ng leather jacket and a cap. Bibili sana ako ng map kanina bago lumabas ng rise kasi diba may supermarket sa loob nun, pero naalala ko meron palang map app sa may smartwatch ko na provided ng Rise. Since hindi naman ako pamilyar sa mundong to, at hindi ko pa na try mag byahe mag isa sobrang kabado ko kanina. Grabeng pag overthink na baka maligaw ako at kung saan saan mapad pad.

Buti nalang nakarating ako ng ligtas at maayos dito sa train station, hindi naman sya ganun kalayuan sa Rise, 15 mins walk ang layo nya sa academy. Nung makarating ako dito nag pahinga lang muna ako saglit bago pumila sa clerk papunta sa Ferni City. Yun kasi ang Pinaka malapit na city papuntang Mo'or forest. Di ko na kaylangan bumili ng ticket dahil isa sa mga privilage ng isang Rise Student ay ang Free access sa mga tranportation Pwede kong gamitin yun ng tatlong beses sa isang lingo. Balikan na yun kaya bali anim. Malaking tulong na to, lalo na sa mga Train station ito kasi ang ginagamit ng halos lahat tao dito para , makapunta sa iba't iba lugar sa buong Armanica. Meron din naman na gumagamit ng portal katulad nung ginamit namin ni sophia nung orientation, para sa mas mabilis na byahe pero hindi lahat ay nakaka afford nun. Nagamit lang namin ni sophia yung portal dahil personal property yun ng Rise at free to use yun ng lahat ng nasa Rise. Pero kung gagamit ka ng portal outside Rise it cost hundreds thousand of aurels. So kadalasan mga mayayaman, Elite, Lords, and Mga Guild Master ng mga malalaking guild lang ang gumamit ng mga yun. 

Nung ako na ang nasa harap ng clerk ipinakita ko lang ang student I'd ko, and na approve agad yun. Mabilis lang naman ang process, pag kabigay ko sakanya ng I'd ko nag type lang sya sa computer nya after nun ay binalik nya saakin ang I'd ko kasama ang train ticket kung san nakalagay ang seat number ko, ngayon ay nag hihintay nalang ako ng annoucement kung ready na yung train. Ang seat number na nakalagay sa ticket ay Seat 24A. 

Halos limang minuto rin ang hinintay bago ko narinig ang announcement.

"Now boarding: Train [7423 ] to [Ferni City]. Please proceed to platform [6]."

"Attention passengers: Train [7423] to [Ferni City] is now ready for departure. Please board immediately."

After ko marinig yun ay tumayo na ako agad at hinanap ang platform [6]. 

After ko makapasok sa train hinanap ko naman na ang Seat 24A, nung makita ko iyon umupo na ako. nung mahanap ko tong seat ay wala pang ibang nakaupo kaya mag isa palang ako. Di ko lang alam kung may makakatabi ako mamaya.

Nilabas ko ang headphone na dala ko mula sa bracelet storage ko saka isinuot ko yun, dahil 2 hours ang tagal ng byahe bago makarating sa Ferni City. Nilabas ko na rin ang neck pillow, and facemask. Kasi balak kong matulog para full ang energy ko mamaya.

==

After ko makalabas ng Train Station nag stretch muna ako dahil baka nangalay ang katawan ko na natulog ng nakaupo kanina. 

I check my time and it's already pass lunch time, kaya pala nagugutom na ako, kaya naman nag labas ako ng sandwich na ginagawa ko kaninang umaga at nag simula ng mag lakad. Yes, mag lalakad ako, dahil una sa lahat di ko afford gumastos kung di kaylangan at isa pa baon kami sa utang diba. Dala ko naman yung card kung nasan ang mga pera ko and my cash din ako kaso nanghihinayang akong gastosin kasi naalala ko yung 500,000 aurels na utang ng lolo't lola ko.

Saka training na rin sa stamina ko, isa pa mas mabilis kong ma familialize ang lugar kapag nag lalakad. Malay nyo makakita ako ng clue tungkol sa tomb na yun diba. Hindi naman na ako maliligaw dahil sa map sa smartwatch ko. Sinusundan ko lang yung way na tinuturo nya, saka pag na wrong way ako nag vibrate sya kaya iwas ligaw talaga.

Hindi ko rin ganong na feel ang pagod dahil na eenjoy ko ang scenery ng paligid, Ferni City is one of the city na under sa developing city, kaya ibang iba ang lugar na to sa Velmoria. Yung paligid ay parang yung nakikita kong town na nakita ko sa internet nuon. Para syang old-world town sa Europe, so the street is paved with rounded stones, di ko alam tawag basta bato. Sakit sigurong madapa dito. Anyways, so narrow lang din ang street and yung mga buildings ay halos magkakatabi. Halos lahat din ng bahay ay gawa sa kahoy, yun tralagang pang traditional na bahay sa europe. They also have a giant clock tower na i think nakatayo sya in the middle of the city, wala pa man ako dun. Pero dahil sobrang laki nun kita ko dito sa pwesto ko. 

May nakita naman akong tavern, Aveen's tavern ang name. Kung di ako nag kakamali parang resturant yung ganun. And nalaman ko sa mga movie at games na kung gusto mo ng information sa kainan ka pumunta kasi mapa local o tourist ay pumupunta dun.

So nag decide ako pumasok, pag pasok ko may lumapit naman saaking waitress at itinuro kung sa ako uupo, inabot nya rin yung menu nila. Pag tingin ko hinahap ko agad pinaka mura kasi nga nag titipid ako, pag katapos ay pinalik sakanya yung menu.

Di naman nagtagal ako dumating na yung pagkain ko, ang order ko ay 3 piece of Loaded Potato Skins.So Potato skins sya na puno ng melted cheese, crispy bacon, and green onions, and may kasamang sour cream. Nag bow at ambang aalis na yung waitress nung pinigilan ko sya.

"Excuse, Tanong ko lang pamilyar ba kayo yung ilan ang kuweba sa Mo'or Forest?"

"Kuweba? Hindi eh, sandali"  sabi nya sabay harang sa waiter na dumaan.

"Al, ilan kasi kuweba sa Mo'or?" Tanong nya dun sa tinawag nyang al

"Kuweba? Pito ata" sagot naman nito. "Bakit?"

"Tinatanong nya kasi" sabi nung waitress sabay turo sakin, tumingin naman yung al saakin na binigyan ko lang ng maliit na ngiti. Nang biglang hinila nya yung upuan sa harap ko at umupo dun.

"Hi miss, Al nga pala"  biglang pakilala nya, nakakunot ang noo nagpabalik ang tingin ko sa kamay nyang naka lahad sa harap ko at saka sa muka nya. Itataas ko na sana ang kamay ko para makipag kaway ng biglang ipinalo sakanya nung waitress yung hawak nitong pang serve na ikinagulat ko.

"Ano bang ginagawa mo? Di ka na naghiya"

"Ouch! Lara naman ihh" reklamo nya habang tinitignan ito ng masama, di nagtagal ay lumipat ang tingin saakin at ngumiti

"Bakit mo pala gustong malaman miss?" tanong nung al, agad naman ako nag isip ng idadahilan sakanya.

"Ahm, May project kasi akong tinatapos, tapos kung isang herb na kulang dun ay makikita lang sa Mo'or. And since baka magtagal ako ng 2-3 days sa mo'or forest kaya gusto ko sana malaman kung san pinaka safe na cave dun sa loob ng forest. I mean may dala akong tent pero kasi first time ko to mag camping mag isa and may nag sabi sakin na mas maganda daw mag hanap ng safe cave to camp rather than build a tent in a open space."

Naiisip kong idahilan dahil naalala ko na ang mo'or forest ay famous din sa mga unique herb nito, kaya mas kapanipaniwala kung yun ang pakay ko duon. Hindi ko naman pwedeng sabihin yung totoong dahilan ko diba.

"Oh I see, Sa pag ka alala ko may tatlong kuweba dun na pwede kang mag stay at mag camping sa loob"

Tatlo?

Napatingin ako dun sa Lara dahil bigla syang umalis, yun pala may pumasok na bagong customer kaya inasikaso nya ito.

" Una ay yung cave malapit lang sa may entrace ng Mo'or. So pag pasok mo dun sa may east side deretsyohin mo yun pag may nakita kang malaking acacia tree na nakatayo sa taas ng kuweba, yun na yun. And since malapit lang yun sa entrance kaya yun ang pinaka safe sa tatlo kasi kung dun ka mag camping iwas ligaw na rin, dahil na rin sa malaking acacia sa taas nung kuweba. So pang feeling mo naligaw ka, hanapin mo lang yung acacia na yun at mahahanap mo na rin agad yung entrance mula dun."

Tumango ako, at inaalala ang mga sinabi nya. Pero malakas yung pakiramdam ko na hindi yun yung kuweba na hinahanap ko.

" Eh yung dalawa?" tanong ko sakanya dahil tumigil sya sa pag sasalita at nakatitig nalang saakin.

"Ha?" sabi nya at ipinikit pikit ang mata nya, nang biglang tumaas yung dalawang kilay nya na parang may naalala, sabay lagay ng kamao nya sa may bibig nya tas umubo ng ilang beses. "Ehem, oo nga pala. So yung pangalawang cave is hindi katulad nung dalawa, Dahil Tree cave ito. Yung mga puno na may malaking butas sa katawan na nahawig na sa kuweba. HIndi rin yun mahiram mahanap dahil, pero sana may kalagitnaan kasi yun ng gubat. And yung last ay yung pinaka malayo mula sa entrace, makikita mo yun sa may southern part ng Mo'or. Ang palatandaan naman namin dito ay yung weird na parang ukit sa tuktok ng pasukan ng kuweba na yun--"

"Ukit? Anong nakaukit?"

"Hmm, Actually hindi ko alam kung ano yung totoong itsura nun dahil marami ng tapyas yung ukit pero kung para saakin lang ah, muka syang buwan. Yung Crescent Moon na itsura hindi yung bilog na moo--"

Hindi nya natapos ang sasabihin nya dahil naputol sya ng mapalo ko ng malakas yung lamesa. Hindi ko kasi napigilan ang sarili nung marinig ko yung sinabi nyang Crescent Moon. Yun na yun, mukang abot kamay ko na talaga ang Mastery Skill Book ko. Yuna lang din kasi ang isang palatandaan na nakalagay sa libro, na nakita ni asher.

"Biglang bumuhos ang ulan habang nasa kalagitnaan ako ng mo'or kaya naman wala akong ibang choice kundi humanap ng masisilungan. Di nag tagal ay may nakita akong kuweba na may markang Crescent moon sa itaas ng pasukan nito. Pumasok ako dun at nagpalipas ng oras, muka namang ligtas itong kuweba dahil wala akong nararamdamang panganib sa paliggid."

Yan ang part na nakasulat sa [Tale of the Hero], about sa pag silong nya dun sa ancient tomb na inakala nyang kuweba.

Sa sobrang saya ko hinawakan ko ng dalawa kong kamay ang kamay ni Al at medyo inilapit ang muka sa muka nya para mag pasalamat. 

"Maraming salamat al!"

Kita ang gulat sa muka nya dahil sa ginawa ko, nung mapansin ko yun ay binitawan ko agad yung kamay nya. Pag bitaw ko ay nakatigtig lang sya dun sa dalawang kamay nya na hinawakan ko ng ilang segundo pagkatapos ay lumipat ang tingin nya saakin.

Kita ko ang pag babago ng kulay ng muka nya, mula kayungmagi naging pula iyon. Itinaas nya ang dalawang kamay nya sabay hawak sa dalawang pisngi nya tapos ay ginalaw nya yung katawan kaliwa at kanan. 

"Ayiee, walang anuman, Ano ba"  sabi nya gumagalaw parin ang balikat pa kaliwa at kanan. He is also giggling then itataas nya yung kamay nya tas parang pumapalo sa hangin. Dalawang beses nya yung ginawa hanggang bumalik na si lara at nakita yung mga ginagawa ni al, then once again. Napalo nanaman ni al yung pang serve nila ni lara.

"Aray naman!" reklamo nito

"Aray ka jan, ang landi landi mo. Bumalik ka na nga lang dun sa kusina panggulo ka lang dito eh" halata ang inis sa boses ni lara. Sa totoo lang na we-weirduhan na ako kay al dahil sa ginagawa nya bago bumalik si lara.

"Pwede namang sabihin ng maayos kaylangan pang manakit. Kaya walang nag kakagusto sayo eh sadista ka kasi" rinig kong bulong ni al habang nag lalakad papaalis. Lumingon pa muna sya saakin ulit at kumaway , nginitian ko nalang naman sya na may kasamang tango. Katulad kanina bigla nanaman namula yung muka nya at hinawakan nanaman nya yung dalawang pisngi bago tuluyang pumasok sa isang pinto. Siguro yun yung kusina.

"Pangpasyensyahan nyo nalang si Al miss, May pagka weirdo yun pero di naman sya masamang tao" sabi ni lara tapos ay iniyuko ng onti yung ulo nya

Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko at ikinaway, "Hindi ayos lang, sa totoo nga nyan natulungan nya pa nga ako. Nagtataka lang ako dun sa mga ginagawa nya nung pinasalamatan ko sya" sabi ko naman

"Ah yun ba, Muka hong na love at first sight sya sa inyo miss. Ang ganda nya ho kasi"

Naramdaman kong uminit ang muka ko dahil sa biglang pag puri nya saakin. Ngayon ako naman yung nakahawak sa dalawang pisngi ko. Alam ko naman na maganda ako, 10/10 yung charm ko diba, saka nakikita ko naman na maganda talaga yung mukha ko kapag nakikita ko sa salamin. Pero iba pala pag ibang tao yung nag sabi sayo nun, lalo na't hindi ako sanay sa mga ganong puri.

"Ah, ahaha, Salamat" nasabi ko nalang. Tumango naman sya tas umalis na rin dahil may bagong customer na pumasok.

Pinakalma ko naman ang sarili ko at nag focus na dun sa inorder kong pagkain. Hindi na sya maiinit nung pagkagat ko pero lasa ko parin ang sarap nun.

Ngayon alam ko na kung saan yung lugar na hinahanap ko, kaya pagkatapos kong kumain nag bayad ako pagkatapos ay lumabas na ako ng traven na yun at dumeretyo na sa Mo'or para kunin ang Mastery Skill Book ko. At oo, inaakin ko na to.